Helga x Pierre 16


Maki Say's: Disabled ang voting, can you comment <3 instead, or your thoughts? Para naman mag-count ang comments niyo to boost the story's rank and for me to feel your presence and be inspired writing, knowing that I am not alone in this story so I need to update more because this number of people are waiting. Lol. Thanks!


---

PIERRE.

The fast movements were understated. It was rapid, rocketing to satisfy ones need. Hindi na niya maalala kung nasaan siya. Mas lalong nadagdagan ang kanyang pagkahilo dahil sa hindi mabilang na alak na nainom niya.

"Helga.." He whispered.

"Pierre.." She answered. The kisses were sweet and different. Naitulak ng kaniig sa malambot at malamig na kama. His shirt was unbuttoned. Restlessly praised with kiss and tease. The softness of the naked body rested on his body gave him warmth and comfort. His eyes were drowsy, gusto na niyang huminto sa lahat ng problema. Bakit kinakatakutan ng lahat ang kamatayan? You just have to let go and leave all the things behind, ang mga maiiwanan naman ay magpapatuloy na mabuhay kapag lumipas ka na.

Sometimes, dying is much easy than staying alive.

He felt grinding on his arousal but he's too tired to respond. Lahat ng enerhiya niya ay nawala pagkatapos isipin ang kagustuhang mamatay na lang. Tinitigan niya ang nightlamp sa kanyang tabi. Yun ang huli niyang naalala kasunod ng pagkapikit.

----

"What are you doing here, Helena? W-what happened?" Nagising siya sa yakap ni Helena. Magkatabi sila sa kama at parehas silang walang saplot. Pinanlamigan siya ng sikmura pati ng buong katawan.

"D-don't worry, Pierre. I won't ask anything from you, we were both drunk. I know. Not your fault. We were both grown ups. Asahan mo na hindi ito makakarating sa ating pamilya."

Pakiramdam niya ang bigat ng ulo niya ay mas lalong nadagdagan. Hinilot niya ang kanyang sentido.

Tiningnan niya ang tuwid na buhok ni Helena at ang kipkip nitong kumot para ipantakip ng katawan. Palagay niya ay may kinuha siyang mahalagang bagay dito.

"I am sorry, Helena." Yun ang tangi niyang nasabi.

Parang gatilyo iyon na nagtulak ng luha ng dating nobya, namula agad ang magandang mukha nito.

"What happened to us, Pierre? W-why are we even saying sorry?" Nanginig ang labi ni Helena. "This was meant for us to share, Pierre! B-bakit biglang nag-iba? Nangako ka, Pierre!"

"I am sorry, Helena. I --- I myself didn't know what happened. If I could just tell it to you."

"Helga is no good for you, Pierre. Ako na lang, Pierre."

Niyakap siya ni Helena at pilit na inabot ang kanyang labi. Umiwas siya doon na gulong gulo.

"P-pero si Helga ang asawa ko at ang dami ko pang problema ngayon."

"H-hindi ko naman gustong dumagdag, Pierre. I thought last night I will take your problems away."

"By letting this happen?" Napatakip siya ng mukha at pinagsisihan ang mga salita. "I am sorry, Helena. Let's talk about this after everything."

Napanatag siya nang makitang sa condo unit pala niya siya napunta kagabi. He rushed cleaning up to face another problem at his office. Mas mabigat pa ang kanyang loob. Wala talagang naidudulot na mabuti ang alak. Nadagdagan lamang ang kailangan niyang harapin.

Nagulat siya nang pumasok sa banyo si Helena, still naked. He imagined himself getting a hard on with a naked body in front of him, lalo na kung kagaya ni Helena. Her body was perfect, curvy and spotless. Pero wala siyang nagawa kundi ang hilahin ang tuwalya sa kanyang tabi at takpan ang sarili. He seen something better.

"You need to shower?" Kyurosong tanong niya.

"Pierre, let's take a break just today." Lumapit ito sa kanya at pilit na inaalis ang tuwalyang itinakip niya sa kanyang baywang pababa pero hinawakan niya iyon at hinigpitan.

"No, Helena. This is a mistake."

"P-paano kapag nabuntis ako? Mistake pa din ba iyon?" Sumbat sa kanya ng dalaga.

He sighed heavily. "Please give me some time to think, Helena. Alam mo ang problema ko."

Marahang tumango ang dalaga. "Alright, I am sorry."

---

"Sir Pierre, you have a conference call with the Civil Aviation Authority Secretary.'

Napabuntong hininga siya, kakadating pa lang niya sa kanyang gusali at magsisimula pa lang ang araw. Pumasok agad siya sa conference room.

"Sir."

"We cannot disclose yet the reason of the plane crash. Hold on, Mr. Floresca."

"Our sales will suffer, Sir. We estimate that we will be dealing with the same problem for the next five years. Baka magsara na kami ng tuluyan."

Umiling ang kausap through video call, "Hindi naman aabot ng ganon katagal. Humihingi lang ang Presidente ng kaunting pang-unawa galing sa Laya Air. We cannot afford dreaded panic from people. Baka lalong mapasama. This is an order, Pierre."

"Yes Sir."

Tumahimik na siya at napatiim bagang.

----

HELGA.

Tumingin si Helga sa bahay na walang laman. Malamig na ito noon pero mas malamig ngayon.

Apat na araw. Apat na araw na wala siyang balita dito. Sinubukan niya itong tawagan pero madalas nakapatay ang telepono. Nag-tungo siya sa opisina nito pero ang sinabi ay nasa Palawan ito at mayroong inaasikaso.

Of course, he's doing something about the plane crash and silly her, ngayon pa ba siya hahanap ng init mula dito? Gusto niyang iparamdam dito na maayos lang ang lahat pero niya alam ang salitang sasabihin.

Ngayon niya gustong idahilan ang kanyang edad, she's just a kid. Hindi niya alam ang tungkol sa mahahalagang bagay.

Pero sana ay umuwi siya, kung napapagod na siya sa labas ay dapat umuwi siya.

Pabagsak na bumukas ang pintuan sa kanyang tabi at halos mapatalon siya. Parang narinig ng langit ang bulong niya. Gusot gusot ang damit nito, wala sa ayos ang buhok.

"Pierre.." Nanghihina niyang bulong kasi hindi na niya makilala ang itsura nito. Wala na ang mga matang may sigla o ang labi nito na walang kasingpula. Maputla ito. Nanghihina. Sa isang iglap naging ganito na ito.

Apat na araw. Apat na araw at ngayon lang niya nakita ito. Lubog ito sa problema at para bang ibang tao siya na nakikibalita na lang sa TV o sa radyo kung nasaan na ito.

"Pierre, I am sorry to—" Hinawi siya nito. Amoy alak. Hindi galit pero wala ding reaksyon, palagay niya ay mas nakakatakot iyon.

"Pierre, kung kailangan mo ng kausap, nandito ako." Naglakad ito patungo sa kanyang kuwarto at sumunod siya ngunit naroon pa lang sila sa pintuan ay tumigil ito sa paglalakad. Kumuyom ang kamao ng binata kaya alam niyang naririnig siya nito.

"Pierre---" Hinawakan niya ito sa braso.

"Anong sasabihin ko? Damn it, Helga! My life was perfect! And then you came! Ginulo mo ang lahat!"

Umalpas ang luhang hindi niya binigyan ng permiso na kumawala.

"I am sorry, Pierre. I didn't mean to—"


Marahas na humarap sa kanya ang asawa. Palagay niya ay may bagyo sa loob ng mga mata nito, pero hindi, mapula ito dahil sa luha ng hinagpis o matinding galit.

"You didn't mean to? Simula nang dumating ka naging magulo ang lahat! Ikaw ang malas sa—sa—" Hindi nito naituloy ang sasabihin nang makita ang pagluha niya. Pierre knows he's not supposed to say it, it is not expected of Pierre. He's the gentleman Pierre. Hindi siya dapat manakit at mas mahirap din kay Helga na tanggapin ang katotohanang iyon. He's not bursting out because he is not supposed to.

"W-wag mong sirain ang buhay mo, Pierre. Please. Maaayos din ang lahat—Maaayos—"

"Maaayos?" Tumaas muli ang boses nito at napaigtad siya. Nag-una-unahan muli ang pagpatak ng kanyang luha. "Nagpapatawa ka ba? Ikaw ang dahilan ng lahat ng kaguluhan na to!"

"I am sorry. I am sorry." Paulit ulit na pakiusap niya. Tama si Pierre, kung hindi dahil sa kanya ay hindi nangyari ito. Everything was perfect with Pierre and Helena in it. Pero dumating siya para guluhin ang lahat. Hindi din sana namumuhi sa kanya ngayon ang kanyang mga magulang kung hindi siya nagkamali ng desisyon.

Malalaki ang hakbang ni Pierre para magtungo sa sariling silid nito at sinarhan ang pinto sa kanilang pagitan.

Nagmamadali din siyang umakyat at saka sinikop ang mga gamit niya. Inilagay niya lang ang kakasya doon sa maleta niya. Walang tigil ang malakas niyang pag-iyak. She feel sorry. Sorry for the promises she made for herself and to others, wala siyang natupad sa mga iyon.

Sorry for bringing pain to everyone. Hindi na niya alam kung kanino niya sasabihin iyon. Wala namang nakikinig sa kanya.

Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para huminto sa paghingi ng tawad sa kanyang isip.

Sorry for the wrong decisions. Hindi siguro matatapos ang paghingi niya ng tawad. Kahit siguro humingi siya ng tawad sa makakasalubong niya sa kalsada ay pupwede na. Sorry. Sorry for existing.

Pinalis niya ang luha niya pero may agad na bumugso sa kanyang mga mata. Hindi na niya makita ang inilalagay niya sa maleta niya. Nang mapuno iyon ay sinarhan na niya. Lumabas siyang hila hila iyon.

Kumatok siya ng malalakas sa pinto ni Pierre. "I am sorry, Pierre. I am really sorry! K-kahit ngayon lang.. Kung naririnig mo ako." Namamaos na sabi niya.

"Hindi ako nagsinungaling sayo. Minahal kita kahit ayoko. Minahal kita kahit hindi ka sakin. I am sorry Pierre." Humikbi siya. "Sorry for loving you, sorry for being selfish, sorry for being unfair. Sorry kung nasaktan kita ng hindi ko sinasadya. Sorry sa pagiging—malas."

Tinakpan niya ang bibig na para matigil na pero hindi iyon nakatulong. Naging impit lang ang kanyang pag-iyak na parang sinusunog ang kanyang sikmura. Hindi niya alam kung ano ang unang hahawakan niya, kung ang tiyan ba niya o ang kanyang puso dahil parehas iyong masakit. Hindi niya alam kung kakayanin niyang mag-lakad papalayo pero kinaya niya.

Sumakay siya ng taxi at naging mahaba ang biyaheng iyon para sa kanya. She was convulsing in tears. Panay ang tingin ng driver sa kanya gamit ng rearview mirror pero hindi siya nahiya. Madalas din ang punas niya sa kanyang mukha pero mas madalas ang bagsak ng luha na parang inuubos nito ang supply sa ngayong gabing ito.

Bumaba sa pamilyar na mansyon na ipinagtabuyan siya papalayo pero hindi, hindi siya uuwi.

Pinunasan niya ang luha niya at hinarap ang guwardiya ng mansyon ng mga Ortega.

"Ma'am Helga." Parang natauhan ang kanilang guwardiya nang makita siya.

"Nandiyan ba si Helena?" Pinilit niyang hindi umiyak.

"Kadarating lang po, pumasok po kayo." Binuksan ng guwardiya ang maliit na gate para tanggapin siya pero sino ba naman ito para magpapasok ng anak na ipinagtabuyan na.

"Hindi na Mang Nestor. Nag-iintay po ang taxi sa akin. Sandali lang po ako, pakitawag po ang kapatid ko."

Agad na kinuha nito ang telepono. Ilang minuto siyang nag-intay at nakita niyang lumalabas na ng kanilang bahay ang kanyang kapatid. Her sophisticated stance intimidated her. Napaatras siya, puno ng luha ang kanyang mga mata at nakasuot lang siya ng kanyang pajama. Malayong malayo sa kinang ng kanyang kapatid na kahit kailan ay hindi niya kinainggitan. If she envied her before it was because of Pierre and that is only it.

"Anong ginagawa mo dito?" Matigas na tanong sa kanya ni Helena. Nakahalukipkip ito at matalim ang tingin sa kanya.

"Helena.."

"Anong drama na naman to, Helga?"

"I am sorry, Helena." Humikbi siya. Umismid ang kapatid.

"Ano? Hindi mo na kaya?" Nanunuya siyang tiningnan nito na para bang kulang pa ang sugat na nakikita sa mukha niya, "Pierre is lovable when he's perfect pero ngayong may problema, ano? Hindi mo pala siya matutulungan? Hindi mo kaya?"

Umiling siya. Hindi iyon totoo. Hindi ganon.

"Hindi ako ang kailangan niya."

"Of course. Ano bang alam mo bukod sa lumandi?"


Hindi siya sumagot. Deserve niya yon. Deserve niya ang masasakit na salita.

"I am sorry for stealing him from you—"

"Forget it. You never stole anyone, Helga. At this point, wala pa din namang iyo. Sa akin pa din siya babagsak."

"Mas kailangan ka niya."

"Exactly. Tapos ka na ba?" Magaspang iyon at sumugat sa kanya. Nagmana si Helena sa kanilang Daddy, masakit magsalita.

"Huwag mo lang siyang pababayaan."

"Hindi mo na kailangang sabihin. Ano yan? Magdadrama ka na naman? Makikipagkita ka after 2 years na meron na namang dalang problema? Nakita ko na yan noon, Helga. Sana this time, wag mo nang guluhin ang pare-parehas na buhay namin. Kung aalis ka, just go! Huwag ka nang magpakita!"

Malungkot siyang tumango. "I am sorry. Please extend my sorry to Daddy and Mommy."

Helena rolled her eyes at her. "Mang Nestor, just close the door." Pagkasabi non ay tumalikod na ito.

Pinanood niyang magsara ang gate sa likuran nito.

"Salamat po Mang Nestor." Pinilit niyang ngumiti sa mabait na matanda.

Naaawa siyang tiningnan ng guwardiya nang pumihit siya para balikan ang taxi na nag-iintay. Papasakay na siya roon nang may pumigil ng kamay niya.

"Saan ka pupunta?" Madidilim ang mga mata ni Pierre sa kanya. Humikbi siya nang makita ito. Pinaglihi siguro ito sa sibuyas dahil naiiyak siya gayong napatingin lang siya dito.

"Sumakay ka na sa sasakyan." Utos sa kanya pero umiling lang siya.

"Helga." Tumiim bagang ito, "Marami akong problema ngayon, huwag mo munang dagdagan please." Madiin ang bagsak ng bawat salita pero pinapanatili ni Pierre ang hinahon.

Isang impit na iyak muli ang pinakawalan niya, iyak ng nasasaktan. Mariing napapikit si Pierre na parang ninanamnam ang hinagpis niya,

"Palagpasin mo muna ito. Just stay."

"Pero—"

"Stay."

Kahit masakit ang puso niya ay nagpatianod siya. Kinuha nito ang gamit niya sa likod ng taxi at saka siya sumakay sa sasakyan ni Pierre. Hindi pa din siya tumitigil sa pag-iyak. Yun ang naging musika ng kanilang maigsing biyahe. Mas mabilis iyon kaysa kanina, siguro dahil may kasama siya ngayon kaya hindi niya namalayan.

Nang pumasok sila ng bahay ay didiretso sana siya sa kanyang kuwarto pero hinila siya ni Pierre patungo sa kuwarto nito.

"P-pierre.."

"I need to make sure you are not going anywhere while I am sleeping."

Nakakaunawa siyang tumango. Humiga siya sa kama nito, pagod na pagod na siya. Napahilamos ng palad si Pierre at pinagmasdan siyang humiga. Bakas ang galit, pagluluksa at pagod sa mukha. Iniangat nito ang comforter at binalot sa kanyang katawan, binuksan ang lampshade at pinatay ang ilaw. Pumikit siya.

He sat down on the bed. Nakiramdam siya nang humiga ito sa tabi niya pagkalipas ng isang minuto. Mayroon silang distansya hanggang sa lumiit ito nang ilagay ni Pierre ang kanyang braso sa kanyang tiyan at pagdikitin ang kanilang katawan.

"Wala kang karapatang ipamigay ako ng walang permiso ko."

Nag-init na naman ang sulok ng kanyang mga mata, "I am sorry, Pierre."

"You said too many sorrys today. I don't want to hear anymore of it."

Marahan siyang tumango.

"Pag-uusapan natin pagkatapos ng lahat ng ito."

Tumango muli siya. Gusto niya ulit humingi ng tawad pero alam niyang sobra na.

"That was a terrorist attack that crashed our plane." Mahinahong boses ni Pierre ang nagpatigil sa kanyang pag-luha . Kinukwento ba nito sa kanya ang nangyari? "But the government doesn't want to disclose about it until they confirmed the terrorist group that caused the crash. They don't want to cause panic to people."

"At least the victims deserve to know, right?" Hinaplos niya ang kamay ni Pierre na nakapatong sa kanyang tiyan, "Maaayos din ang lahat, Pierre."

"Our ticket sales were going down."

"Don't worry about it, Pierre." Malumanay niyang tinapik ang kamay ni Pierre hanggang sa narinig niya ang malalim na paghinga nito.

They both fell asleep well for the first time after their fight.

---

Nagising si Helga nang magaan ang pakiramdam. Nakapulupot sa kanya si Pierre at mahimbing pa ding natutulog. It is a Sunday. Kinuha niya ang cellphone nito sa side table, nakita niya pa ang mensahe ni Helga dito na nag-gu-goodnight at bumati ng good morning. Pinatay niya ang cellphone ng asawa. She knows he needs to sleep more.

Sumilip ang pang-umagang araw sa mukha nito kaya nilapitan niya ang kurtina para itago ang liwanag na gumagapang para magising ito. Bumaba siya para maghanda ng almusal para sa kanilang dalawa.

She cooked her favorite, bacon and pancakes, hotdogs, eggs and fried rice para naman kay Pierre. Naghanda din siya ng banana apple smoothie, naalala niya ang nabasang article na nakakapagpaganda ng mood ito.

Pinilit niyang pagandahin ang ayos ng lamesa, pumitas pa siya ng bulaklak ni Chichi at Denden, ang alaga niyang orkidiyas. Ang pinagsamang kulay nito na puti at kahel ay maganda sa mata. Napangiti siya kahit walang dahilan para ngumiti, nasanay na ata siya. Ngiti lang kahit walang dahilan para gumaan ang problema.

"Helga!"

Kakatapos niya lang maglagay ng mga plato nang marahas na bumukas ang pinto ng silid ni Pierre na gulo gulo ang buhok. Nakahinga ito ng maluwag nang makita siya sa kusina. Parang nakakita ng isang himala sa katauhan niya.

"Good morning, Pierre!" She smiled. Hindi niya alam kung bumagay ba ang pamamaga ng kanyang mata sa ngiting iyon pero gusto niyang bigyan ng ngiti si Pierre dahil baka sakaling gumanda ang pakiramdam nito.

He's topless. His white board shorts was lazily hanging on his waist. Umiwas siya ng tingin. He looks good now that he's well slept.

Marahan itong naglakad papalapit sa kusina at tiningnan ang nakahanda. Agad na lumapit ito sa coffee brewer pero iniharang niya ang katawan niya.

"Gumawa ako ng smoothie."

"I need coffee."

"Caffeine can worsen anxiety. Alam kong marami kang problema ngayon. Banana and apples are considered a booster. Kung gusto mong magising, mag-smoothie na lang tayo. I cooked hotdogs and eggs."

Hinila niya si Pierre papalapit sa lamesa. "May lakad ka ba ngayon?"

Nag-angat ng tingin si Pierre sa kanya at umiling. Sinalinan niya ito ng kanin sa plato pati ang ulam habang sumisimsim ito ng smoothie na inihanda niya.

"Wala, may gusto ka bang puntahan?" Balik tanong nito sa kanya na nagpaangat ng dalawa niyang kilay. Sasamahan ba siya nito kung aalis siya? Oh, right. Parang mali naman ang assumption niya. Tinatanong lang siya nito.

Umiling siya. "I plan to do a movie marathon today."

"Movie marathon it is." Pierre said like it is a plan for the both of them.

"S-sasamahan mo ako?" Umupo siya sa harapan nito at tumusok ng pancakes.

"Just making sure that you won't be going anywhere like you did last night. Let's put back your thing in my closet now before doing anything."

"In your closet?"

"You'll be sleeping in my room from now on, Helga. No more sneaking out."

Tumango siya. Pinanood niya si Pierre na muling inumin ang smoothie na inihanda niya na parang bata. Napapapikit pa ito.

"I can cook lunch tapos ikaw na sa dinner. I want Buttered shrimp for dinner, the exact same thing you cooked for me last month." Aniya.

"Last month.. T-tagal na pala nung huli kitang naipagluto." Malungkot siyang ngumiti.

"Don't feel sad about it. That will be your task everyday now."

They planned their Sunday well over breakfast. Sabay silang nag-hugas ng plato habang nagdedesfrost naman si Pierre ng karne para sa lulutuing tinola. She requested for it.

"You can move my things. You can occupy the right side of the closet." Itinuro ni Pierre ang bakanteng espasyo doon sa cabinet. Pinagtulungan nilang tiklupin ang gamit niya na basta na lang niya isinuksok kagabi.

"Akin na yan!" Namumula ang pisnging inagaw ni Helga ang kanyang underwear mula kay Pierre.

He laughed like a masonry drill, nainis siya doon. Lumiit ang mga mata nito at kuminang ang mapuputing ngipin. "Bakit ka tumatawa? Bastos ka!"

"Bakit nahihiya ka? I've seen everything, Helga." Pagmamalaki nito. Inis siyang napabuga ng hangin.

"Bilisan mo na diyan, I am itching to watch 'It'. I really love Bill Skarsgard."

"Who?" Kumunot ang noo ng kanyang asawa habang inilalagay ang kanyang pajamas doon sa closet.

"Bill Skarsgard."

They changed the curtains to a complete blackout, tanging ang liwanag lang sa TV ang makikita. Sa silid ni Pierre ay may malaking TV na aminado itong ngayon rin lang niya magagamit. Sumiksik siya sa dibdib ni Pierre nang makita ang lumilipad na pula na lobo.

They both screamed and laugh the whole film. Parang commercial lang ito na nag-daan at kulang pa.

"There's nothing scary about the film. Bill Skarskgard is so annoying." Komento ni Pierre.

"Ang galing niya kaya! Nakakatakot."

"It is because he was Pennywise the whole movie! He looks disgusting!"

Tinulak niya si Pierre. Naiinis siya sa komento nito sa paborito niyang aktor, "If Pennywise would lure you, hindi kita kukunin."

"Of course you won't. Ipinamimigay mo nga ako." Tila nagtatampong boses nito. Nag-init ang pisngi niya.

"I was so ugly last night." Nahihiyang sabi niya.

"You were never ugly."

Inabot ni Pierre ang kanyang pinsgi at sinalubong nito ang titig niya. "I am sorry for making you cry but don't do that again."

Tumango si Helga, "Hindi na ako magiging problema mo ulit, Pierre." Pangako niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top