Helga x Pierre 12


HELGA.

NAMUMULA ang pisngi ni Helga habang nangungumpisal kay Stephanie. Ang tanging taong maari niyang mapagsabihan dahil hindi siya huhusgahan nito sa nakaraan niya kundi bilang isang bagong kakilala. She sips from her straw and bit her lip as the bitterness and sweetness exploded in her tongue. Pamilyar iyon.. Sweet but bitter, just like borrowed kisses from her sister's boyfriend.

"OMG OMG OMG!" Stephanie shrieked. Never ending na hinampas ang malamig na bakal na lamesa sa isang primyadong coffee shop.

"So, hindi ka na V?" Humagikgik ito.

"Ha? Helga? Hindi ka na V?" Steph repeated when she didn't answer.

"Hindi yon ang punto ko, Stephanie." Umirap siya. Para namang isang clown ang pagngisi ni Stephanie.

"I got your point!" Humagikgik ito. "Finally! Your childhood dream is all yours!" Nilahad pa niya ang kamay at inilagay sa dibdib. "May forever talaga hindi ba?"

"Oo.. Forever na aasa." Malungkot siyang tumungo. Eh paano naman siya maniniwala kay Pierre, noong isang araw lang sinasabi nitong magkapatid sila. Tapos kagabi mayroong nangyari sa kanila. Hanggang ngayon ay iginigiit pa din ng puso niya na natukso si Pierre dahil maigsi ang suot niya. And maybe, he's drunk. Really drunk that he couldn't recognize what he's doing. But the following morning was weird. Desidido daw na ayusin ang kanilang pamilya?

"Gusto lang non makaulit." Ngumuso siya but Stephanie pulled some strands of her hair.

"Gaga, base sa kwento mo, hindi naman ganoong klaseng tao si Pierre. Saka paano ka naman balik-balikan kung wala ka namang alam sa pakikipag ano?" Humalakhak si Stephanie na walang filter ang bibig. Nagtakip ng tainga si Helga. Isang oras pa na makasama niya si Stephanie, magiging baliw na din talaga siya. Tinanggal ni Stephanie ang pagkakatakip ng kanyang tainga.

"You know what's wrong? You." Steph pointed out. "You always think about your family that left you. Eh eto na nga si Pierre, nag-aalok na maging kapatid, kapamilya at kapuso, tatanggi ka ba? Alam mo nasesense ko yang Ate mo, may inggit yan sayo at hindi na ako magugulat kung maghahasik yan ng lagim balang araw."

"Grabe ka naman Steph." She feels that it is very wrong to judge Helena. Normal lang na sumama ang loob nito sa kanya pero hindi naman siguro dadating sa punto na kasusuklaman pa siya. Saka sinabi naman niya na isasaoli din niya si Pierre kapag naging maayos na ang lahat. Hanggang ngayon ay malinaw pa din iyon. Ang pag-aaral niya ang kanyang daan para makapamuhay siyang mag-isa. After that, Pierre can leave her, marry Helena or be with Helena if her parents would disagree, whatever. She will be out of the picture by then. Whatever happens, her parents hate her, be with Pierre or not.

"OMG!" Napatakip ng kanyang bibig si Steph. "What if-- What if-- mabuntis ka?"

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa katanungan. Hindi niya naisip iyon.

"It is unprotected right? Paano na lang kung---"

"Stop it, Steph. Pinapakaba mo ako."

Sumandal si Stepanie sa kanyang upuan at binagsak ang kanyang plastic cup na gumawa ng ingay, pagod siya nitong tiningnan. "I am just testing you and you reacted so wrong in so many levels. Helga. You consummated your marriage, sex inside marriage is a gift from God and also a duty to your partner. Kahit araw araw niyong i-consummate yan, walang magre-react! Ilang galong konsensya ba ang nilaklak mo girl? Wala ng ganun ngayon. This world will eat you alive if you won't fight for what you want."

Napaisip si Helga. Now that Stephanie's point involves God, nagduda siya sa sinasabi ng isip niya.

"Natatakot kasi ako, Steph.."

"Karapatan! It is 100% yours, at yung kapatid mo, technically, siya ang kabit. Why do you feel otherwise? And Pierre said he likes you, that is step one. Wag mo na lang gawing komplikado ang lahat.Panghawakan mo ang like na yon para maging love at hindi ka na pakawalan."

"Paano ko naman gagawin yon?"

"Be a wife. Maging maasikaso ka, lagi mong kumustahin kung kumain na ba at kung nakarating na ba siya sa pupuntahan niya. Always remind him to be safe. Ganoon ata yun." Napakamot pa ito ng kanyang ulo.

After nilang magkwentuhan ni Stephanie, sumakay na ng taxi si Helga para umuwi, kinuha niya ang kanyang phone at paulit ulit na nag-iisip kung itetext ba si Pierre o hindi. Naging awkward kasi ang hangin sa kanilang pagitan kaya nagpaalam siyang mamasyal muna kasama si Stephanie at ipinilit niya na magtataxi lang siya. Siguro dahil sa pagkailang, napapayag niya si Pierre na magcommute siya.

'Pauwi na ako.. Anong gusto mong dinner?'

Kagat labi pa niyang isinend yon.

Tumunog agad ang cellphone niya, it's a call from Pierre.

"Hello?"

"Hi.." Pierre's manly voice made its way to her heart. Gusto niyang pagalitan ang sarili sa paraan ng pagpikit niya dahil narinig niya ang boses ni Pierre, kung bakit sa isang 'hi' lang kinikilig siya.

"Hi.."

"Nandito lang ako sa bahay, iniintay ka. I cooked." Masuyong sabi nito. Ginulo niya ang buhok niya at mahinang napabuntong hininga.

"Okay.."

"San ka na banda?"

Luminga linga siya at nakita niyang nasa tapat siya ng Sports Complex na malapit sa kanila.

"Sports Complex." Tipid niyang sabi.

"Ingat ka.."

"Okay."

Kulang na lang mayroong dumaang ibon sa kanilang pagitan. Parehas silang walang masabi. Later on, Pierre would find her boring and will dislike her for sure. At siya, patuloy pa din naman siyang hahanga kay Pierre sa malayo. She likes him. Whether it is a serious Pierre, silly Pierre, the Businessman Pierre, even the passionate Pierre that loves her sister. Yun ang natutunan niya habang lumalaki siya.

Hiniling niya na sana naging madali lang ang lahat, kung hindi niya ito gusto, hindi siya mentally tortured ngayon.

But she likes him so much. So much that it is too bad for her, as if her situation isn't bad enough.

Natanawan niya agad si Pierre na nakahalukipkip at nakasandal doon sa may gate sa labas ng kanilang bahay. He looks bored. Tumuwid ito ng tayo pagkakita sa kanya at ngumiti agad, pinagbuksan pa siya nito ng pinto.

"Mabuti at umuwi ka na." Nakangiting sabi nito.

"Nainip ka ba?" She looked away.

"M-medyo.. Sabado kasi ngayon at--" Ngumuso ito. "Nasanay akong nandito ka lang tuwing Sabado."

Hindi siya sumagot doon, nawalan ng sasabihin. Sabay na sabay ang kanilang katawan pagpasok ng pinto. Napataas ang kanyang kilay sa nakitang nagkalat na libro ni Pierre doon sa sidetable. May mga cans pa ng soda na bihira nitong inumin. Tiningnan niya si Pierre na nakakunot ang noo pero nang marealize nito na nakatingin siya, bigla na naman itong ngumiti.

"Pierre." Seryosong tawag niya.

"Hm?" Tanong nito na nakangiti pa din.

"Let's just forget what happened. This is really awkward. I don't like it." Wika niya.

"Helga, we cannot just forget about it."

"Then we should try." Giit niya. "Nandito tayo sa sitwasyon na ito para sa inyo ni Helena, wag mong kalimutan iyon. And if all else fails, I will not have anything. Masisira ang pamilya ko."

"I like you.."

She heaved a heavy sigh.

"I like you too, Pierre.."

Namilog ang mga mata nito sa pagsasabi niya ng totoo, she smiled sadly. "---As a person. Lets just be friends. Gusto ko pa din ng pag-ibig na akin. Yung mamahalin ko at mamahalin din ako. Gusto ko ng pag-ibig na hindi magulo. Walang ibang tao. At higit sa lahat, gusto ko yung totoo."

Pierre looked at him intently, sa sobrang diin, para siyang napapaso. Tumango ito. "Okay.. If you said so."

Pagkatapos ng usapang iyon, nawala na ang awkwardness. Ang natira na lang, distance. Bihira na niyang makita si Pierre, nauuna itong gumising sa kanya at late na din kung umuuwi. Nalulungkot siya siyempre, pero dahil ito naman ang ginusto niya, sino naman siya para magcomplain.

"Good morning po, Mang Carding!" She smiled as she got in the car. Ikinuha siya ng driver ni Pierre, limang araw na itong nagsisilbi sa kanya, limang araw na din silang hindi nagkikita ni Pierre kahit alam niyang umuuwi pa din ito.

Gusto pa niya sanang sabihin kay Pierre na hindi niya kailangan ng driver pero bukod sa hindi nila pagkikita, naikwento ni Mang Carding na sinuwerte siya sa trabaho kay Pierre dahil kailangang kailangan ng pera nito para ipagamot ang anak na mayroong hydrocephalus, hinayaan na niya.

"Nauna na po ulit umalis si Sir Pierre?" Pangangamusta nito.

"Opo eh. Busy po yata."

"Ah.. Hindi naman busy ang pinsan mo." Tumawa ito. "Nung isang araw nga nandoon kasama ang mga kaibigan niya sa isang club ba yon? Madaming babae eh. Nagpasundo kasi siya sa akin dahil hindi niya na kayang magdrive."

Ngayon niya lang napag-alaman na pinsan pala ang sinabi ni Pierre na relasyon nila. Mas mabuti na iyon. Pero nagpataas ng kanyang kilay na hindi naman pala busy si Pierre. Iniiwasan lang pala siya.

Nakaramdam siya ng inis, but then kinalma niyang muli ang kanyang sarili. Wala siyang karapatan na magalit. Siguro kaya nagtutungo ito sa club na maraming babae para mailabas niya ang init ng katawan. Maybe Pierre is a pervert, hindi niya lang alam dahil mukha itong gentleman. Hindi niya pala ito lubusang kilala.

Nagpupuyos pa din siya hanggang sa makapasok ng kanilang classroom, iniisip pa din si Pierre na malandi naman pala.

"Hi Beautiful Maurice." Napakapit siya sa kanyang dibdib nang makita si Travis sa kanyang harapan.

"Bakit ka ba nanggugulat?" Masungit na sabi niya. Napaawang ang labi ni Travis dahil sa kanyang reaksyon, naisip niya na mali namang maging masama kay Travis dahil wala naman itong ginawa kundi maging mabuti sa kanya.

"Sorry, Trav." She smiled apologetically.

"Hey, may problema ba? May good news pa naman ako sayo." Ngumiti ito pagkasabi non.

"Ano naman?" She asked, not interested.

"Naka-maternity leave yung admin assistant namin. We need one. Hindi kailangang araw araw pumasok basta kailangan lang matapos ang trabaho niya within the week. Then after that, kailangan namin ng katulong noong admin assistant dahil dumadami ang paperworks. Gusto mo ba?"

Nagningning ang mga mata niya, "Talaga, Trav?"

"Oo naman, basta ikaw."

"Magkano ang suswelduhin ko?" Interesado niyang tanong. Travis snorted.

"Ano?" Natatawang tanong ni Helga, gusto niyang malaman kung makakaipon pa siya ng sapat para tumayo sa sarili niyang paa, para makakuha ng sarili niyang lugar.

"20,000 a month."

Natuwa siya ng husto. Nag-isip kung magkano ba ang boarding house. Pagkain naman ay tiyak na matipid siya. Ang matrikula naman niya sa school ay maari niya ding ipunin. Her grades are doing well, if she could apply for a scholarship, the better.

"Well, if you accept it, we will have a contract signing at my office later. Malapit lang naman iyon dito. Hatid na lang kita pagkatapos. Sumama ka sa amin ni Stephanie." Wika nito.

Naexcite si Helga. Gusto niyang hilahin ang orasan. She wants to be independent. Ayaw na niyang mainvolve pa kay Pierre at Helena.

Ilang araw na siyang hindi nagtetext kay Pierre. Ganoon pa man, bago matapos ang kanilang araw sa eskwela, nagtext siya kay Mang Carding para hindi na siya sunduin. At isang mensahe kay Pierre para magpaalam.

'Hindi na ako nagpasundo kay Mang Carding. May lakad ako. Thanks..'

Inaantay niya ang sasakyan ni Travis sa exit ng school. Sinabi kasi niyong mag-intay na lang siya doon para hindi na mainitan. Si Stephanie na lang ang isinama nito sa parking lot.

Hindi niya inaasahan na makakatanggap ng tawag kay Pierre.

"Hello?"

"Where are you going?"

"N-nag-offer kasi si Travis ng trabaho.. Naisip ko kasi na-- mas maganda kung--"

"Didn't I provide for you well enough, Helga?" Bakas ang iritasyon sa boses ni Pierre.

"Hindi naman habang buhay ganoon, Pierre. Ayaw ko na ding maging pabigat sayo--"

"Pabigat? You are my wife!"

"And my sister's girlfriend. Someday you will leave me.. Mawawalan ako ng kahit ano, naghahanda lang ako."

"Naghahanda saan? Well, honestly Helga, if we will get annuled, you still have half of my everything." Mariing sabi nito na nakasakit ng damdamin niya. Does he want her to think that way? Na kailangan niyang maging kampante dahil siya ang legal wife?

"Akala mo ba tatanggapin ko yon? Alam ko kung saan ako lulugar." Uminit ang sulok ng kanyang mga mata.

"Umuwi ka na ngayon, Helga." May pagbabanta na kalakip ang tono ni Pierre

"Ayoko! Bakit? Anong gagawin ko don sa bahay mo? Mag-iintay ako hanggang sa umuwi ka galing sa pambababae mo? No thanks!"

"What? Anong pambababae?" Gulo na tanong nito.

"Kaya ka naman pala late umuuwi dahil nagliliwaliw ka! Malandi!"

"Anong sabi mo, Helga? Umuwi ka na ngayon din. Ipapasundo kit---"

"Ayoko!"

"At ano? Magtatagal ka sa labas kasama ang Travis na yon?" May paghahamon sa kanyang boses.

"Eh ano kung ganon nga?"

"Ayaw mo naman na pakialaman kita hindi ba?" She could just imagined Pierre's gritted teeth.

"Gagabihin ako, lalabas kami ng mga kaibigan ko."

Kita mo na.

Parang isang gatilyo naman iyon kay Helga para mas lalong mainis. Naiimagine niya na naglilibang si Pierre kasama ang mga babaeng tipo nito. Yung nakasuot ng maigsi at nakamakeup.

"Oh di sige. Mag-enjoy ka." Matabang niyang sabi sabay pagpatay sa kanyang cellphone.

Hindi niya namalayan na kinakawayan na pala siya ni Stephanie mula doon sa front seat ng sasakyan ni Travis. Sumakay siya doon at napalakas ang pagsara ng pintuan dahil sa inis.

"Chill.." Panunuya ni Stephanie.

Paulit ulit na tiningnan ni Helga ang kanyang cellphone habang nasa biyahe, walang mensahe si Pierre. Panay naman ang tuksuhan ni Stephanie at Travis sa unahan pero hindi siya nakikisali.

"Dito na!" Stephanie chirped.

Sabay sabay silang bumaba sa isang residential house na kabilib bilib ang disenyo. Mayroon lamang maliit na brass plate na nakasulat sa mag gate at sa pinakatuktok ng bahay.

'Almonte Design and Construction'

Kulay puti at gray ang labas ng magarang bahay. May isang guwardiya doon sa may gate. Pagpasok sa loob, kitang kita na opisina pala talaga iyon. Big printers, photocopy machines and clicking of the mouse as most of the people stare at their huge monitors.

"Good Afternoon, Engineer." Halos sabay sabay na bati kay Travis ng mga nasa opisina. Mayroong hagdan paakyat ng bahay at mukhang ganoon din ang masisilayan niya.

A middle aged woman approached them. She's wearing a jeans and white polo shirt. Bumeso si Stephanie doon sa babae. Mabait itong ngumiti sa kanila.

"Hi Ma!" Magiliw na bati ni Travis sabay halik sa noo ng babae.

"Helga, Mommy ko. She's the boss here. And my Dad."

"And you--" Dugtong ng Mommy ni Travis. Sabay silang natawa. Napangiti lang siya dahil sa closeness ng mag-ina. Dinala sila nito sa isang kwarto na parang nakabukod na opisina. May tatlong lamesa doon.

'Engineer Federicko Stanford Almonte'

'Architect Gertrude Regalado-Almonte'.

'Engineer Travis Timothy Regalado Almonte'

May kani-kaniyang pangalan doon sa table. This is their family business, she thought. Mukhang simple pero hindi naman maitatanggi na matatag ito.

"Ikaw ba ang nililigawan ng anak ko? Matagal ng nagdedeny sa akin si Steph at Travis so palagay ko ay ikaw.." May panunukso sa tono nito. She just smiled.

"Kaibigan din po ako ni Travis."

Nagtaas ng kilay si Architect Almonte, "Kaibigan?" Bumaling ito kay Travis, "Kailangan ko na bang kabahan na hindi talaga babae ang hanap mo, anak?"

Nagtawanan silang apat. They shared experiences together, palabiro kasi ang Mommy ni Travis. Hindi na nila namalayan ang oras. Nagpaorder pa ng Chinese food si Gertrude para sa dinner nila. Nakalimutan na nga nila ang kanilang pakay na contract signing sana.

"Ma! Bago magkalimutan, nasaan ang kontrata ni Helga? Baka humanap pa ng iba ito." Putol ni Travis sa kanilang hagikgikan.

"Ay oo, no? Excited na akong magtrabaho ka dito Helga. Paniguradong magugustuhan mo." Nagpupunas pa ng luha si Gertrude mula sa isang nakakaluhang pagtawa. Suddenly she missed her Mom. But her mother was never like Gertrude. Masyado itong pormal at strikto.

After signing the contract, lumabas na sila ng opisina nina Travis. Malalim na ang gabi pero hindi naman siya nag-alala. Mambabae naman yon si Pierre kaya bakit siya magmamadali?

Inihatid siya ni Travis, kahit papaano ay gumaan ang mood niya. Panay ang tawanan nila sa sasakyan sa mga hirit ni Stephanie.

"Ako din Trav. Mamasukan ako sa inyo.." Lambing ni Stephanie sabay kapit sa braso ni Travis. Napapailing na lang si Helga. Bagay sana ang dalawa kaya lang mukhang maraming kagustuhan sa buhay si Stephanie, wala sa focus.

"Janitress?" Alok ni Travis. Sinapok naman siya ni Stephanie.

"Uy, lovebirds. Nandito na ako sa bahay namin." Anunsiyo niya. Pinandilatan naman siya noong dalawa.

"Eiw!" Sabay pa nilang sabi.

"Bye Helga! See you bukas!" Humalik sa kanyang pisngi si Stephanie. Kumaway naman siya kay Travis.

"Salamat, Trav.. God bless you!"

"Ay! Ang pormal talaga ng kaibigan natin!" Humagikgik si Stephanie, napasimangot na lang siya at binuksan ang pintuan ng sasakyan. Kitang kita pa ni Helga ang nakaawang nilang kurtina na biglang nagsara.

"Bye guys! Thanks!" Ulit niya bago pumasok sa gate. Nadatnan niya ang sasakyan ni Pierre sa may garahe katabi ang kulay pink na sasakyang iniregalo sa kanya. Ibig sabihin ay nakauwi na ito.

Pumasok siya sa loob at nadatnan niyang wala na ding tao doon sa salas. Nakakapagtaka dahil kanina lang ay parang may nakasilip sa kurtina. But then baka namamalikmata lang siya.

Papaakyat na siya sa kaniyang kuwarto ng biglang lumabas si Pierre sa kuwarto nito na mayroong dalang baso. Topless and just wearing his boxers. Napalunok si Helga.

Nagkatinginan siya nito at bigla siyang inirapan. Napaawang ang labi niya dahil sa ginawa nito. Nilagpasan siya nito ng basta basta.

"Galit ka?" Nagawa niya pang itanong. Hindi ito sumagot. Napailing siya at pumasok na lang ng kwarto niya.

Eh di magalit siya! She thought.

Naiinis siyang nakatulog.

---

Ang amoy ng nilulutong bacon ang gumising sa kanya kinabukasan. Tumingin siya sa orasan at narealize niyang tinanghali siya ng gising. Nagmamadali siyang bumaba para mag-almusal. Nakita niya si Pierre na naghahango sa bowl ng kung anong niluto nito. Lumipat ang tingin niya sa likod ni Pierre na wala na namang bihis. Hindi niya alam ang pinatutunayan nito.

Umupo ito sa lamesa, walang kahit anong nakahanda kundi ang bowl na hawak ni Pierre. Ibig sabihin ay nagluto lang ito nang para lang sa sarili. Padabog siyang kumuha ng tasa para magkape at umupo din sa harap ni Pierre na hindi siya tinitingan. Naririnig niya ang pagcrack ng tostadong bacon mula sa paghiwa ni Pierre doon, natakam siya ng husto. Walang sabi-sabi ay ipinatong niya ang sarili sa lamesa at kinuha niya yung bacon sabay kinagat. Napamulagat si Pierre at tiningnan siya ng masama.

"Ano ba?" He hissed. "Bakit ka ba nangunuha ng pagkain?"

"Bakit hindi mo ako pinagluto?" Naiinis na sagot niya.

"Bakit kita ipagluluto? Di ba gusto mong maging independent." Umirap pa ito at kumain muli mula doon sa bowl.

"Galit ka lang eh!" She said. Umiling lamang si Pierre at binaling muli ang atensyon sa pagkain.

"Kaya lang naman gusto kong magtrabaho dahil balewala naman na nandito ako eh! Maagang maaga ka umaalis at sa gabi nambababae ka!" Hindi na napigilan ni Helga ang bibig.

"Hindi totoo yan ha!"

"Magsisinungaling ka pa!" Giit niya.

"Eh ano naman sayo?"

"Niloloko mo ang kapatid ko!"

"Niloloko ko ang kapatid mo o nagseselos ka?" Tumayo si Pierre, napatingala siya sa tangkad nito.

"H-hindi ako nagseselos. Eh di mambabae ka!" Pagtutulak niya. Pagkasabi non ay nagmadali siyang magtungo sa kaniyang kuwarto. Magtatago na lang sana siya doon kung hindi lang niya naalala na may pasok pa siya at ilang sandali na lang ay susunduin na siya ni Mang Carding.

Tamad siyang tumayo at kumuha ng gamit sa pagligo. Sisilip pa sana siya sa labas ng pinto nang makita sa may pintuan niya si Pierre na may bitbit na tray na may lamang pagkain. Tumaas ang kanyang kilay.

"Kapag maabutan mo ba ako tuwing umaga saka pag-uwi mo, mangangako ka bang dito ka na lang sa akin? Sabihin mo, Helga.."

Nanuyo ang lalamunan niya. Hindi siya makasagot. Ngumuso si Pierre at nag-iwas ng tingin.

"Gusto ko din namang umuwi sayo kaya lang ayaw mo." Sabi pa nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top