Chapter 6
Hannah's pov
"Dad ano bang gusto mong gawin ko para makatransfer ako? Ayoko ko talaga mag-aral sa ZU."
"Bakit ba ayaw mo eh magandang school naman yun ah?"
"Gusto ko naman maging independent dad. Yung decisyon ko ang masusunod at hindi sa inyo kaya gusto kong lumayo muna sa inyo."
"Ugghh..talagang matigas ang ulo mo." Minasahe pa ni dad ang kanya ulo habang nag iisip. "Sige papayag ako pero sa isang condition."
"Anong kondisyon naman dad? Hindi ka ba talaga nauubusan ng kondisyon?"
"Ayaw mo?"
"Oo na, sige na. Ano?"
"Magpakatino ka sa pag-aaral mo. Dapat no grades below 85. Kapag nagawa mo yan, pwede kana magtransfer by next sim."
"Dad pwedeng lower konti sa 85? Parang ang hirap niyan."
"Hindi yan mahirap kung mag-aaral ka. May tip ako sa'yo kung gusto mo malaki grades mo."
"Ano naman yun dad?"
"Huwag kang didikit sa taong bobo. Gets mo?"
"K. Kung makapagsalita akala mo sinong matalino." Pabulong sabi ko.
"May sinasabi ka Hannah?"
"Ah sabi ko ikaw na ang matalino dad." With fake smile
Palabas na ako ngayon sa library ng dad ko. Kahit kailan talaga siya pa rin ang laging nasusunod. Kapag di ka sumunod wala kang pera.
Isip isip kung sinong makakatulong sa akin. Alangan naman si Christine eh make up lang alam non lalo na si Michelle ang baklita kong bestfriend Michael ang real name. Baka may kilala sila na makakatulong sa akin.
-----School-----
Nasaan kaya si Tin? May 35 minutes pa ako bago ang klase ko. Punta muna ako sa canteen.
Pagkapasok ko, nakita ko si Christine at Michael na nag-uusap habang kumakain. Kaya nilapitan ko na.
"Bf! Wooot happened to you? Para kang walang buhay" si Michael yan kung makasigaw wagas.
"Kailangan ko ang tulong niyo." At kinwento ko sa kanila ang napag-usapan namin ng daddy ko.
"Hmm..wala akong maisip na solusyon diyan sis kundi mag-aral ka lang talaga." Sabi ni Tin
May naisip ako ngayon sa nakita ko. Hmm..Si Drei lang naman nakita ko. Sa pagkakaalam ko may gusto daw sa akin to dati pa. Kaya nga naiirita ako sa kanya pag lumalapit sa akin eh. Kasi hindi siya ang type ko. Pwede kong gamitin to, matalino to eh. Kaya hindi ako nagtataka kung bakit nakapasok to sa school na to kahit alam k0ng palagi siyang nanghihiram ng pera sa mga kaklase niya nong high school pa kami. Bakit ko alam? Eh madami akong friends. Sugar-coated friends, in short, plastic. Kailangan kong maging mabait sa kanya.
"Drei!" Napalingon naman siya sa direksyon ko na nagtataka."Dito ka na umupo." Lumapit naman siya.
"Bakit? Anong kailangan mo?" Tanong niya.
"Chelax lang Drei! Pag tinatawag ka may kailangan agad? Di ba pwedeng makikipagkaibigan muna?" Sagot ko
"Teka lang bf! Sino ba yan? Nakikipag-usap ka sa cheap na yan? Diba siya yung palaging nanghihiram ng pera sa St. Vincent?" --Michael
"Kung makapagsalita ka ah. Alam ko yang sapatos mo disente, yang suot mong damit ,disente. Eh yang mukha mo, anong nangyari? Aksidente?" Galit na sagot ni Drei
"Bwahahaha..."nakakatawa talaga ang mukha ng bf kong bakla. Hindi nakasagot na iniwan ni Drei.
"Hahaha. Mukha mo bf ! Ano ka ngayon? Yan kasing bibig mo minsan lagyan mo naman ng preno." natatawang sabi ni Tin
"O ano? Pahiya ka bakla?" tanong ko
"Tingnan niyo nga ako? Panget ba ako?" kunwaring naiiyak pa na tanong ni Chael
Binigyan siya ni Tin ng salamin. "Haya manalami ka."
Ang loka nagpapacute pa sa salamin. "Maganda naman ako ah." Parang nagmamaktol na bata na sabi ni Chael
"Alam mo bf maganda ka naman eh.." sagot ni Tin
"Oo nga, maganda ka. Yung kagandahan mo parang password lang yan. Yung ikaw lang ang nakakaalam. Hahaha" humagalpak na nama ako sa tawa pagkasabi ko non.
"Hahaha"-Tin
"Mga walangya talaga kayo!kala ko ba bf ko kayo?" Pagdadrama niya .Yung parang iiyak na wala namang luha.
"Bf mo nga kami. Kaya nga alam namin na maganda ka. Diba nga minsan yung password sini-share sa kaibigan nila?" Ngitingiti kong sagot.
"Langya talaga. Pinagtitripan niyo lang ako eh"
"Kasi naman bakla yang mukha mo parang nakaubos ng isang sako ng harina. Wala naman sigurong masama kung bawasan mo yang nilalagay sa mukha mo. Nagmumukha kanang clown eh." sabi pa ni Tin
"Hayy naku...makaalis na nga. Hindi ko tuloy nakausap si Drei. Siya pa naman makakatulong sa problema ko." malungkot na sabi ko sabay tayo ko para hanapin si Drei.
"Saan ka pupunta bf?" Tin/Chael
"Maghahanap ng solusyon..una na ako sa inyo." Pagtingin ko sa relo ko malapit na pala mag time para sa klase. Kaya naman naisip ko nalang na sa miniforest tumambay habang hinihintay ko mag time. Malapit lang kasi dito ang room ko sa next subject.
"Buti pa dito sariwang hangin." May mga upuan at mesa tapos sa front may maliit din na stage. At napapalibotan ito ng mga puno at bulaklak yung hindi naman malalaking puno. Kaya siguro tinawag itong mini forest.
Habang nilibot ko ang paningin ko sa paligid ,nakita ko si Drei. Kinakabahan ako. Dami ko ng kasalanan sa kanya pero kailangan ko siya kaya kapalan na ng mukha to. Umupo ako sa tabi. Gulat na gulat siya pagkakita sa akin.
Andrei's POV
Iniisip ko ang nangyari kanina pero nagulat ako ng may tumabi sa akin.
"Hi Drei." nakangiting sabi ni Hannah.
"Ah ikaw pala. Ano pala kailangan mo? Nakakapanibago ka kasi. Kung paano mo ako inaayawan nong una, ganon ka naman lumalapit sa akin ngayon." Ano kaya nakain nito at bigla nalang lumalapit?
"Ah a-ano kasi, napag isip2x ko yung sabi mo na makipagkaibigan sayo."
"Ano naman ngayon?"nagtataka pa rin ako
"Payag na ako maging kaibigan mo." Totoo ba talaga narinig ko?
"Ikaw ba talaga yan?"
"Ah hindi, picture lang to!"langya nabara pa ako.pero lakas tibok ni don puso .
"ano? Bkit di kana nagsasalita diyan?" Dagdag pa niya.
"Sige. Nagtataka lang kasi ako."
"Huwag kana magtaka. Baka magbago pa isip ko."
"Time na pala . Tayo na. Classmates tayo ngayon diba? Lezgo?!" Masaya ako ngayon na kaibigan na kami. First step to.
Hannah's POV
"Taralets!" Ngiting tagumpay ako ngayon. Buti naman pumayag agad to.Matalino sana kaya lang tanga.
"Salamat Hannah at pumayag kang maging kaibigan ko." Sabi pa niya. Laki ng ngiti ng loko.
"Huwag mong isipin yun, pasalamat ko na rin yan nong tinulungan mo ako sa quiz."
Pagpasok namin sa room wala pa ang teacher. Mayamaya lang dumating at nagstart na ng class.
Andrei's POV
"Bro, ngayon lang yata kita nakitang masaya ah." tinapik pa ni Kevin ang balikat ko. Andito kasi kami ni Ed ngayon sa mini forest.
"Syempre may magandang nangyari raw." Sagot ni Ed
"Talaga? Ano naman?"
"Pumayag na si Hannah maging kaibigan niya." -Ed ulit. Nakakadalawa nato sa akin. Ako tinatanong siya sumasagot.
"Ah si Hannah pala iniisip mo pag tulala ka?"
"Exactly." Pangatlo na Ed
"Sige Ed ikaw na ako. Para kang buto, sarap ipakain sa aso."
"hahaha. Bro, galit kana nyan? Relay lang, sayang ang magandang araw mo." Sabi ni Ed na natatawa.
"Alam mo dude maganda yan, baka simula na yan ng inyong pagmamahalan. Hahaha" natatawang sabi naman ni Kevin habang yung kamay nya e nakahawak sa dibdib niya.
"Loko kayo. Makauwi na nga. Marami pa akong gagawin sa bahay."
"Geh bro! Kitakits nalang bukas!!!"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top