Chapter 30


Hannah's POV

"Ito po yung pera mamita. "Binigay ko sa amo namin ang 10 thousand pesos cash .

Malaki na naman ang ngisi ng boss ko na tinanggap yung pera. Mamita ang tawag namin sa kanya. Yun ang gusto niya eh.

"Ikaw lang talaga ang walang palya na nagbibigay sa akin gabi2x Han."ngumisi pa ang boss ko.

Sa bawat oras na inilabas kami, 5,000 pesos ang bayad dun. Yun ay kung walang mangyayari between me and the guy. Pero kung meron man, extra na namin yun. Yung 5 thousand per hour lang ang kukunin ni mamita at may 40% share kami diyan. Hindi na rin naman masama.

Maliban sa 40% na yun. Iba pa yung sweldo namin buwan2x na thirty thousand pesos. Saan ka pa? Eh sa mamahalin talaga yung bar nila. Marami ring mayayaman ang pumupunta dun.

Almost two hours kaming nawala ni Andrei. Fifteen thousand ang binigay niya. Syempre nasa bulsa ko ang sobra. Sapat na ang kita ko para sa araw2x na gastusin namin at sa gamot ng mommy.

Nakasanayan ko na ang ganito. Natanggap ko na na talagang ganito na kami. Pero ng makita ko si Drei biglang bumalik ang lahat sa akin.

Nung makita ko siya, bigla akong nandiri sa aking sarili. Hindi na ako yung malinis na babae. Isa na akong bayaran. Habang buhay na akong magiging ganito. Wala namang makakatanggap sa katulad namin diba?

Akala ko hindi na kami magkikita pa. Pero napakaliit lang talaga ng mundo. Hindi ko naman siya sinisisi kung bakit ganito ako ngayon.

Sana lang huling pagkikita na namin yun. Hindi ko naman tinatanggi na may nararamdaman pa ako sa kanya. Kung noon mailap sa amin ang tadhana, mas lalo na ngayon na ganito na ako.

Huminga nalang ako ng malalim at pumikit. Ayoko ng umiyak. Napapagod na ang luha ko sa kakalabas.

Andrei's POV

"Ano ba naman yan bro, kanina pa kita napapansin diyan na hindi ka mapalagay ah. Ano? May problema ba sa hotel ngayon?" Puna sa akin ni Franc.

Nandito kasi ako sa bahay ngayon . Mayroon naman akong sariling room sa hotel na pinapatakbo ko ngayon kaya lang kagabi pagkatapos namin mag-usap ni Hannah parang mas gusto kong umuwi sa bahay.

Napalingon ako kay Franc na umupo sa sofa. Umupo naman ako. "Wala naman."

"Imposible namang wala, masyado ka kasing aligaga." Sabi pa niya habang pumipindot ng power on sa TV.

"Iniisip ko lang kasi kung paano nanalo si Mayweather kay Manny." kalahating tama at kalahating pagsisinungaling na sagot ko. Iniisip ko talaga kasi yung pagkikita namin ni Hannah kagabi. Pero pumasok rin talaga sa isip ko yung laban kanina ni Manny. Explain nyo nga kung bakit natalo si Manny?

"Ah. Hahaha. Akala ko naman kung ano na yang iniisip mo bro."natatawa na sagot niya. Yung totoo kasi, ayaw ko pa na sabihin sa kanya na nagkita kami ni Hannah. "Hindi nga ako makapaniwala na natalo siya eh."dagdag pa niya.

"Minsan, ang buhay ay parang boxing lang. Ang inaakala mong mananalo siya pala ang talo. " bigla ko nalang nasabi.

"Boom! Ang lalim ng pinaghugutan mo bro!"pumapalakpak pa na sigaw ni Franc. Kung ako nga hindi ineexpect na nasabi ko yun eh. Bigla nalang lumabas sa bibig ko.

"Tch.baliw! Saan na ba si Marga? Bakit hindi mo kasama?"pag-iiba ko ng usapan.

"Busy para sa wedding. Masyadong excited."

"Ikaw ba hindi? Para ka ngang namatayan nung nagkahiwalay kayo minsan eh."

"Oo na. Dami pang sinabi. Palibhasa walang love life eh."

Tumayo ako at naglakad. "Alis na ako bro. Kailangan ko na pumunta sa opisina." Iwas ko sa tanong niya at patuloy na naglakad palabas.

"Ganyan ka naman bro!" Pahabol pa niya na sigaw. Ngiti2x lang ako sa sinabi niya.

Hannah's POV

"Hannah, bigla ka nalang natulala diyan. Ikaw na ang kasunod." Tinapik ako ng kasamahan ko sa trabaho.

Ako na pala ang kasunod na sasayaw. Ito yung ayaw ko sa trabaho ko. Ang maexpose ako sa maraming tao na sumasayaw pa sa gitna ng stage with a very tiny pieces of clothes ha. Mga lalaki pa ang karamihan na nanunuod.

Ni minsan sa buhay ko noon hindi ko naisip na hahantong ako sa ganito. Hindi na nga ako nakatapos mag-aral.

Ngayong nagkita ulit kami ni Andrei, bigla akong nagsisi kung bakit napili ko pa ang trabaho na ito. Sa tatlong taon na lumipas wala akong nagustuhan na iba. Ngayong nagkita ulit kami bumalik ang dating nararamdaman ko sa kanya na akala ko wala na.

"Ikaw na."

"Okey."tumayo na ako at pumunta sa stage. Naghiyawan naman ang mga tao.Sanay na ako.

Ang hindi ko sanay ay ang makita ang nakikita ko ngayon. Si Andrei na ang talas ng tingin sa akin. Parang nagpipigil sa galit. Bakit naman?

"Wooh! Ang ganda mo talaga Hannah!"

"Out tayo mamaya!"

"Akin ka mamaya!"

Yan ang mga sigaw ng mga manyakis na customer dito sa bar. Mayaman nga wala namang disiplina. Ano pa nga ba ang magagawa ko eh di magpasensiya. Ito ang trabaho eh. Pero meron namang iba na may respeto talaga.

Nagpatuloy lang ako sa pagsayaw. Ang mga mata ni Drei na kanina pa nakatutok sa akin ay hindi pa rin nawawala. Ano pa ba ang kailangan niya?

Pagkatapos ko ay bumaba na ako sa stage para magbihis. Maghihintay kung merong may gusto na mai-table ako o mailabas.

"Han, may gusto na mailabas ka ngayon. Si Mr. Chung." Tss. Yung matanda na naman.

"Ayy naman. Wala na bang iba na mas bata diyan? Ang manyak ng gurang na yan mamita?."reklamo ko. Matanda na kasi kaya lang malaki magbigay. Kaya nga gustong gusto ni mamita yan.


"Wala na."

"Pambihira. Sige. Susunod ako."

Paglabas ko ng dressing room hinihintay na pala ako ni Mr. Chung. Dugtongan lang ng Go mukha ng Chunggo. Pfft!

Papalapit sa akin si Mr. CHUNG."Hannah!" Malakas na sabi niya at umakbay sa akin at pinisil pisil ng nakaakbay niyang kamay ang balikat ko. Ang chansing lang talaga ng matanda na to.


"Ah Mr. Chung, ang kamay mo."

"Bakit ka ba nagrereklamo? Binabayaran kita dito?!" Malakas na sabi niya.

"Kasi Mr. Chung sa labas nalang yung tayo nalang."

"Eh sa gusto ko dito eh!" Sigaw na naman niya. Naparami yata ng inom ang matandang to. Hindi naman kasi siya ganito.

Akmang hahalikan sana niya ako sa labi ng biglang may humila sa akin ng malakas.

Tiningnan ko kung sino ito at nakita ko ang galit na mukha ni Andrei na parang kakain ng tao. Naninigas ang bagang niya. Hinila niya lang ako at naglakad ng mabilis.


"Teka! Babae ko yan!"sigaw ni Mr. Chung

Huminto si Drei sa paglalakad at iniwan ako. Pinuntahan niya si Mr. Chung.

"Kung ayaw mong kumain ng kamao ko tumahimik ka diyan na matanda ka." Matigas na sabi ni Drei kay Mr. Chung.

Nanginginig tuloy ang tuhod ng matanda. Hahaha

Binalikan ako ni Drei at hinila ulit.


"Teka Drei, saan mo ako dadalhin?"

"Kung saan ko gusto."straight face na sabi niya. Well, okey lang Drei kung saan mo gusto.

"Saan ba kasi?"pangungulit ko.

"Pwede ba tumahimik ka nalang?" Parang naiirita na sabi niya.

"Okey."

Ano ba kasi ang balak ng lalaking to? Sana lang huwag mo akong paasahin.


------_____________---------


Sorry po kung may mali man tungkol sa bar na nakasulat. Never been in that place pa kasi. Hindi ko po alam kung ano ang mga nangyayari sa loob.Kung ano yung naisip ko at nakita ko sa tv yun lang talaga ang sinulat ko . Salamat.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top