75
05-08
Lablife👩🔬
12:52 p.m.
Viel:
Orderan niyo na nga ako pagkain
Kumakalam na sikmura ko
Bakit kasi tuloy tuloy tong defense jusq
Feeling ko ang ingay ingay ng tiyan ko kanina hahahaha
Ken:
Sige, ano ba gusto mo?
Viel:
Asaan na ba kayo?
Nasa coffee shop pa rin ba?
Ken:
Nope
Nag-aya ng greenwich si Ida
Viel:
Yung set yung akin
Yung may chicken, kanin tsaka lasagna
Ken:
Hindi ka naman masyado gutom talaga
Viel:
Mangangain na ako ng tao talaga
Ida:
Hahahaha how's defense?
Viel:
Wala naman ako masyadong ambag
Pinoproblema ko lang tiyan ko kanina
Hahahah charot may nasabi naman ako
Pero aanhin mo pa yon kung yakang yaka naman ni Rein lahat
Para bang ineexpect na niya yung mga tanong kaya super flawless ng mga sagot niya
Na maski ako hindi ko alam na may ganun pala
Ida:
Really??
He even helped me kagabi with our research imbis na yung kaniya aralin niya
Viel:
Grabe saan ba gawa utak non?????
Buti talaga magkagrupo kami
Nakakawala ng kaba infair
Ken:
Kaya pala pachat chat ka lang kanina
Viel:
HAHABAHAHAH OO
PERO HINDI NAMAN AKO PABUHAT
Sadiyang iba lang level niya
Sorry ida hahahaha pero iba talaga
Ida:
Tapos na ako sa phase na bwisit ako sa kaniya because he's so smart
So it's okay
Totoo naman hahahaha
I admire him coz of that na nga eh
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top