PROLOGUE
PICTURE PERFECT.
SA TUWING may reunion, nakagawian na ng pamilya namin na magkaroon ng group picture at family picture kung saan kinokolekta namin iyon sa photo albums namin. Hindi ko na alam kung nakakailang albums na kami, sa pagkakaalam ko ay may isang kahon na atang nakolekta si mommy.
Nandoon ang photo albums noong ikinasal ang mga magulang ko, at ilan pang mga espesyal na pagdiriwang tulad ng family outing, birthdays at christmas party na pinagplanuhan ng mga tiyahin at tiyuhin ko. Malaki at masaya ang pamilya namin. Dalawang beses kong nararanasan ang okasyon na hinahanda ng dalawang panig ng pamilya namin dahil ang partido ni mommy ay nakatira sa probinsya samantalang si daddy naman ay sa Metro Manila naman naninirahan.
Minsan pa nga ay naiimbitahan din sila mommy at daddy ng mga kasama nila sa trabaho at ilang mga kaibigan na nakilala nila sa eskwelahan kaya nakakapunta ako kung saan-saan ng kasama ang mga magulang ko. Sa totoo lang masaya makapunta sa iba't-ibang lugar. Nakakapagod pero pasalamat na lang ako dahil may kotse si daddy na pinag-ipunan niyang bilhin na siya ring ipinangalan niya sa akin.
Hindi ko pa alam kung ayos lang bang maramdaman ko noon na pagmamay-ari ko iyon. Sa tuwing nakikita kasi ng ibang tao ang pangalan ko na nakalagay sa harapan ng bumper ng kotse namin dinaig ko pa ang prinsesang bumababa sa modernong karwahe kasama ng mga magulang niya.
Ang sabi rin naman nila mommy at daddy normal lang daw iyon lalo na at handog nila iyon sa akin bilang unica hija nila.
Nahagip ng mga mata ko ang ilang photo albums na inilaan ng mga magulang ko para lang sa akin. Nandoon ang litrato ko noong nasa sinapupunan pa lang ako ni mommy. Hanggang sa isinilang niya na ako sa mundo kung saan sinalubong nila ako ni daddy na magkasama. Ang kwento pa nga ni mommy noon ay napaluha si daddy nang makita niya ako sa unang pagkakataon, halos hindi na raw niya ako bitawan. Kaya siguro daddy's girl ako.
Ang sumunod na koleksyon ng mga litrato na kasama ang pamilya ko ay noong bininyagan ako at ang ilang birthdays kung saan maraming tao ang nakapalibot sa akin na masaya at nakangiti sa akin. Nandoon din ang mga larawan kung saan kasama ko ang malaking kahon ng regalo mula sa mga galante kong ninang at ninong, at syempre hindi na rin papahuli ang ilang tito at tita ko na mahal na mahal ako.
Masarap sa pakiramdam na gano'n ako pinapahalagahan ng pamilya ko kahit pa yung ilang tiyuhin ko ay sobra kung makapang-asar sa akin. Hinding hindi ko talaga makakalimutan si Uncle Jonas na nagpahid sa akin ng icing mula sa cake ko pagkatapos nila ako kantahan ng 'happy birthday', hinipan ko agad ang kandila na may malawak na ngiti sa labi ko noon. Pero imbis na ang nakangiting mukha ko ang nakunan ng litrato, itong nakasimangot na batang umiiyak ang nakunan no'ng na-develop ang film sa Camera Center.
Nakakainis na alaala ngunit nakakatuwa itong balik-balikan. Isang taon ko ring hindi kinausap si Uncle Jonas pagkatapos no'n. Kakaiba talaga ako mag kimkim ng sama ng loob mula pa noong bata ako. Nakabawi rin naman si Uncle Jonas sa akin makalipas ng isang taon at niregaluhan ako ng dollhouse na nakikita ko sa commercial noong bata pa ako.
Pero syempre ano pa man ang matanggap kong regalo sa kamag-anak ko, iba pa rin ang pakiramdam sa tuwing makakatanggap ako ng regalo mula sa mga magulang ko.
Nandiyan ang regalo sa akin ni mommy sa tuwing makakakuha ako ng award galing school. Lahat ng i-request ko ay pagbibigyan niya basta lagi akong magpapakabait at susunod sa mga rules niya at ganoon din naman si daddy.
Kahit pa nagtatrabaho si daddy sa ibang bansa ay nireregaluhan niya ako sa tuwing napapanood niya ang ilang video tapes na kinunan ni mommy at ipinapadala ito sa kanya sa pamamagitan ng post mail. Minsan pa nga ay nagpapadala kami ng voice tapes at ilang liham para kahit man lang sa pamamagitan ng maliliit na bagay na iyon, hindi maramdaman ni daddy na malayo kami ni mommy at nag-iisa siya sa ibang bansa.
Nakakalungkot kasi ang mag-isa.
Narinig kong may bumisina sa labas ng bahay na tinutuluyan ko. Nandiyan na siya.
Agad-agad akong lumabas ng kwarto at inayos ang sarili ko para magmukhang presentable sa presensya niya. Nakita ko ang bago niyang kinakasama na nakaupo sa passenger seat. Sinarili ko na lang ang aking komento tungkol sa kanya dahil kahit ano pa ang sabihin ko, ito na ang realidad ko.
Bumaba ang pamilyar na lalaki sa kanyang SUV Montero. Pinagbuksan ko siya ng gate at pinapasok siya hanggang sa loob ng sala. Pinaghanda ko siya ng isang baso ng tubig at nilapag ito sa center table.
Binilangan niya ako ng ilang perang papel at mula sa isang kwaderno ay kinuha niya ang nakatuping papel kung saan naglalaan ito ng kasunduan na magsisilbing pruweba na natanggap ko na ang pinansyal na sustento niya sa akin na dapat kong pirmahan.
Walang kwestyon ko iyon na nilagdaan sa harapan niya, agad din siyang tumayo pagkatapos no'n at nagtungo sa pintuan palabas ng maliit na bahay kung saan ako maninirahan mag-isa simula ngayon.
"Dad," halos maipit ang boses ko sa pagtawag sa taong lagi kong hinahabol habol mula pa noong bata ako. Nilingon niya ako at kahit may nakabarang tinik sa puso ko ay pilit ko pa rin siyang nginitian, "Malapit na po akong makapagtapos ng college, sana po ay maka-"
"Pagkatapos mo ng college, maghanap ka na lang din ng trabaho agad." malamig niyang ani na para bang isa akong estranghero sa buhay niya, ni hindi man lang niya ako pinatapos magsalita, "Matuto kang tumayo sa sarili mong paa Evangeline. Hindi ka na bata."
"Opo, alam ko naman po iyon dad. I just want to-"
"You just want what?" He speaks as if he's my boss, more than he's my father, "Kung iniisip mong pababalikin pa kita sa pamamahay ko, hindi na pwede."
Bakit hindi man lang kami nag-usap tungkol dito? "Dad-"
"Evangeline, matagal nang nagtiis ang Tita Aurora mo sa pagrerebelde mo."
"Dad, hindi naman po pagrerebelde ang magkaroon po ako ng ilang back subjects. Kinuha ko naman po uli at pinasa ko ang subjects ko para po maging proud kayo sa akin."
"Wala akong anak na babagsakin." malamig niyang ani, "Masyado ka lang nagpabaya at napa-barkada Evangeline. Wala kang disiplina sa sarili mo." sunod-sunod niyang sumbat sa akin, "Hindi naman kita pinalaki ng ganyan, hindi ka na nahiya sa Tita Aurora mo."
"Dad, I'm sorry po. Alam ko naman po ang kasalanan ko, pero kailangan pa po bang umabot ito sa pagpapalayas niyo sa akin?" Malumanay kong tanong sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang mabigat na luhang umagos mula sa puso ko.
"Magtatapos ka na, kaya dapat ka nang tumayo sa sarili mong paa ngayon. Malaki ka na Evangeline, alam mo na ang tama at mali." hindi na ako sigurado kung ano ang pagkakaiba ng isang pep-talk at isang negosasyon sa pagitan ng dalawang tao para lang sila ay magkaroon ng kasunduan.
Ngunit paano ito magiging kasunduan kung siya lang ang nagdedesisyon para sa akin? Nanikip ang dibdib ko sa katotohanan na malapit na ako sa 'finish line' kung saan sana, sana ay ma-reconsider pa rin niya na-
"Pagkatapos mo ng college, wala na akong responsibilidad sa iyo." ganoon ba ako sobrang naging pabigat sa kanya?
Hanggang doon na lang ba ang pagiging ama niya sa akin?
"Dad," I bit my lip inwardly, "Why should we end up this way?" Anak pa rin naman niya ako, pero bakit ganito niya ako tingnan ngayon?
Umiwas siya ng tingin sa akin at tinanong ako, "Wala ka na namang naiwang gamit sa bahay, hindi ba?"
"Hindi ko naman po planong umalis ng bahay Dad, nakakahon na ang gamit ko pag-uwi. Pinag-impake po ako agad ni Tita Aurora dahil ngayon nga raw po ako lilipat ng bahay."
"This is for your own good." malamig na tugon ni daddy, "I was at your age noong naging independent ako."
"Is it really?" I wanted to sound as polite as possible, but my voice failed me, "Ayaw niyo na po ba sa akin Dad?"
Binalikan niya ako ng tingin, "Evangeline, ikaw lang ang nag-iisip niyan." he shakes his head with disappointment, "Alam mo, pareho kayo ng Mommy mo. Praning ka na rin."
Remembering my mother's image pinches my heart, "Dad, I'm not Mom. Please stop comparing me to her." pilit kong binabago ang sarili ko para maging anak na maipagmamalaki mo, pero ano pa ba ang kulang para lang hindi mo makalimutan kung sino ako sa buhay mo? "Sinasabi ko lang naman po kung paano nakakaapekto sa akin ang takbo po ng desisyon ninyo para sa akin."
"You're just being selfish Evangeline. You're acting like a brat."
'Alam ko naman po.' Ani ko sa sarili ko. Para saan pa kung sasabihin ko ang saloobin ko sa kanya? We were supposed to be communicating with one another, yet because of everything that has happened he just shuts me out.
"Ginawa ko ang parte ko bilang ama sa iyo, kaya huwag mo akong sinusumbatan na para bang kulang pa ang mga binigay ko sa iyo. Makuntento ka sa kung anong meron ka."
I'm not even asking anything much, unlike before. Alam ko namang hindi na pwede. Alam kong ito na ang realidad ko.
Tumungo na lang ako at wala ng sinabi pa sa kanya dahil lahat ng lumalabas sa bibig ko ay mali para sa kanya. Masyado akong makasarili, immature, at kung anu-ano pang mga salitang magpaparamdam sa akin na mali ang nararamdaman ko.
That I should just grow up and pull myself together.
"Pagkasyahin mo ang perang binigay ko sa iyo. Matuto kang magbudget dahil sa susunod na buwan na kita ulit aabutan ng pera. Ngayon kung maubos mo man yan ng hindi binibili ang mga pangangailangan mo, kasalanan mo na iyon. Naintindihan mo ba Evangeline?"
"Opo Dad." bago siya umalis ng bahay ay niyakap ko siya ng mahigpit. Kahit sa paraang ito, gusto kong maramdaman niya na, "I love you po Dad." sigaw ng bata sa kaloob looban ng puso ko, ngunit wala itong narinig na sagot mula sa kanyang ama.
Hinatid ko ng tingin si Daddy at si Tita Aurora. Umalis na rin sila agad hanggang sa hindi ko na nakita ang sasakyan nila.
Bumalik ako sa loob ng bahay at nakita si mommy na nakangiti sa akin, "Anong gusto mong kainin anak? Tara, ipagluluto kita."
Kung pwede ko lang nakawin sa litrato ang imahe ng mommy ko, ginawa ko na. Kung alam ko lang na hindi madali ang kapalit ng paghingi ko sa kanya ng regalong akala kong maibibigay nilang dalawa sa akin ni daddy, sana hindi ko na lang hiniling iyon sa kanila.
Kung hindi ko kaya sila kinulit noon, magiging buo pa kaya ang pamilya namin?
All at once I felt the series of disappointment, regret and guilt pour like a huge tidal wave that drowns me as I gasp for air. I can feel myself drowning from my own emotions as if I am stabbed or stinged by a jellyfish that later on could poison my whole body until I feel nothing as I descend into the void.
Pinikit ko ang mga mata ko habang pinapabayaan ko ang sarili ko na buhayin ang masasayang alaala sa puso ko para maka-ahon ako.
'Happy thoughts. Think of happy thoughts Vie.' I tell myself as a tear runs down. 'Bakit lahat ng tao, napapagod sa akin? Ginawa ko naman ang lahat para lang hindi sila madisappoint sa akin pero bakit kahit anong gawin ko, kulang pa rin?'
Ganito rin ba kabigat ang dinadalang emosyon ni mommy dati para sukuan niya ito?
Tinawanan ko ang sarili ko. 'Rin'
'Bakit mo nasabi ang salitang iyon Vie? Bibigay ka na rin ba?' tanong sa akin ng isipan ko.
'Vie, kaya mo pa ba?' tanong sa akin ng puso ko.
Bakit ibang-iba ang liwanag na namamayani sa bata sa loob ng larawan na nakikita ko kasama ng kanyang mga magulang? Kung titingnan ko ang sarili ko sa salamin, ni ang ngumiti hindi ko na magawa.
Tulad ng batang iyon, kaya ko pa ba ngumiti?
Makukumbinsi ko pa ba ang sarili ko na kaya ko pa?
Kaya ko pa ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top