Chapter 3

FAMILY IS HOME.

Looking at the calendar where I put a smiley face reminds me of the days I'm counting before my dad comes home. I couldn't hide my excitement as I wake up everyday looking forward to that day.

Totoo ngang naririnig ni Papa God ang mga wishes ko.

Ilang araw at gabi pa ang binilang ko hanggang sa makita ko sa calendar na-

Isang araw na lang.

Isang araw na lang at makikita ko na ulit si daddy.

"Are you ready to sleep, Vie?" Tanong sa akin ni mommy nang bisitahin niya ako sa room ko. Binuksan niya ang night light ko na kulay pink at tumabi sa gilid ng kama ko.

"Yes mommy. Pero hindi po ba dapat mag-pray po muna tayo?" I see how a smile forms on her face and nods.

Sabay kaming nag-sign of the cross ni mommy at sinimulan namin ang aming dasal sa The Lord's Prayer sahil iyon daw ang prayer para marinig ka ni Papa God at ni Jesus. Sinundan din namin agad ng Hail Mary para marinig din kami ni Mama Mary na nanay ng lahat.

Panandalian kaming tumigil ni mommy para ilaan ang isang saglit na pasasalamat kay Papa God, sinama na rin namin ang aming mga personal wishes na sana ay marinig din niya. Hinuli namin ang dasal na Glory Be at muling nag-sign of the cross bilang pagtatapos.

Mommy tucked me in and kissed my forehead, "You sleep now, okay?" Tinanguhan ko si mommy at niyakap si Jennifer. "I love you, Vie." aniya at hinaplos ang pisngi ko.

"I love you too, Mommy."

Mommy walked towards my door as she turned off the light in my room, "Good night Vie. Sweetdreams." she uttered tilting her head beside.

Humikab ako, "Good night po mommy."

*****

MULA sa kwarto ni mommy narinig ko ang alarm clock niya na halos kasing lakas ng doorbell namin.

Alam kong papunta na siya sa kwarto ko dahil ilang hakbang lang naman ang kwarto niya mula sa kwarto ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin para makita niya na kakagising ko lang. Kasi-

Pumikit ako agad at tumalikod mula sa pintuan, ramdam ko ang bawat hakbang ni mommy hanggang sa umupo siya sa gilid ng kama ko. "Wake up Vie. Today is the day."

Sa sobrang excited ko kasi kagabi, hindi ko alam kung bakit kahit ilang sheeps pa ang bilangin ko hindi ako dinalaw ng antok para makatulog ako.

Sinubukan kong magkunwari na bagong gising ako at nag-unat. "Good morning po mommy."

"Sleep well?" Tinanguhan ko lang siya bilang tugon na naka-singkit ang aking mga mata. Narinig kong tinawanan niya ako at palarong pinisil ang aking pisngi, "Natulog ka bang bata ka?"

Ganoon ba kahalata na nagsisinungaling ako? Humaba ba ang ilong ko? I pouted feeling guilty, "Sorry po, hindi po ako nakatulog Mommy. Excited po kasi ako at uuwi na si Daddy ngayon."

"O siya, bumangon ka na diyan." ani mommy, "Sa biyahe ka na lang umidlip." buti hindi nagalit si mommy. Bumangon na rin ako sa kama at nakita kong inayos niya ang kumot at mga unan ko. "Tara na nang makapag-breakfast na muna tayo." yaya sa akin ni mommy at sabay na kaming bumaba ng hagdan.

Pagkababa namin, agad kong naririnig na dumaan si kuya taho. Boses pa lang nong narinig ko ang salitang 'taho', alam kong si kuya taho iyon. Siya rin yung magtataho na laging dumadaan sa bahay ni lola noong doon kami nagbakasyon ni mommy noon.

Hinanap ako ni kuya taho! Nakakatuwa!

Sa sobrang tuwa ko agad akong tumayo sa sofa namin para masilip siya sa bintana namin. "Mommy, mommy, taho po oh. Si Kuya Taho nandito po!" Turo ko sa labas at binalikan ng tingin si kuya taho, pero malapit na siyang lumagpas sa bahay namin. Binalikan ko ulit ng tingin si mommy pero tanging bukas na pintuan lang ang nakita ko, nasaan si "Mommy-"

"Kuya, taho nga po." boses ni mommy iyon na nasa labas na ng pintuan namin. Nakangiti ko siyang nilapitan at nilingon niya ako. "Kunin mo na yung tasa mo, Vie." utos sa akin ni mommy at kinuha ko mula sa lalagyan ng plato yung tasa kong may mukha ni Dumbo. Inabot ko iyon kay mommy at narinig kong tinanong niya si kuya taho na, "Magkano po dito?"

Teka, ipagpapalit ba ni mommy yung tasa ko sa taho? Hindi ba nagbibigay lang si Kuya Taho ng taho?

Inabot ni mommy ang tasa ko kay Kuya Taho na dahilan kung bakit nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko, "Kuya, wag niyo po kunin si Dumbo."

Napatingin si Kuya Taho kay mommy na parang naguguluhan, "Vie, akala ko ba gusto mo ng taho?"

"Gusto ko po, pero ayaw ko pong mawala si Dumbo." I pouted.

"Lalagyan lang ni Kuya Taho iyan ng taho," paliwanag ni mommy sa akin, "Hindi niya kukunin yung tasa mo, okay?"

Tiningnan ko si kuya taho na parang natatawa sa akin, "Gusto mo ba ng sago?" Tanong ni kuya Taho sa akin na tinanguhan ko lang. Nang mailagay na niya lahat ng ingredients sa tasa ko, hinalo-halo niya iyon, "O, eto na ang taho mo, hija."

Kinuha ko iyon mula sa kamay niya gamit ng dalawa kong kamay, "Salamat po."

May inabot si mommy na pera sa kanya at agad ding umalis si kuya taho.

"Mommy ang galing po, nahanap ni Kuya Taho ang bahay natin dito."

"Ha?"

"Hindi po ba siya rin po yung laging dumadaan sa bahay nila lolo at lola noon? Ang sabi po kasi ni Kuya Taho noong huling kita namin, dadaanan niya raw po ang bahay natin para hindi ko po ma-miss ang taho pag bumalik na po tayo dito sa bahay." nakakatuwang isipin na tinupad ni kuya taho ang pangako niya sa akin. Mula kasi no'ng nakatikim ako ng taho no'ng nagbakasyon kami kina lola, gusto ko na itong ipagpalit sa hot chocolate.

Hindi ko alam kung bakit ako tinawanan ni mommy, "Ikaw talaga anak." inalalayan niya ako sa dining namin at nilapag ko ang tasa ko sa lamesa. Mainit init pa ang taho, pero hindi ito tulad ng hot chocolate na mapapaso ako sa unang higop.

Nagluto si mommy ng corned beef na may patatas at iyon ang breakfast namin. Habang kumakain kami, pinag-init niya ako ng tubig pampaligo na nakalagay sa takure. Konti lang ang kinain ko dahil pakiramdam ko wala ng space sa tiyan ko. Nang matapos kaming kumain ni mommy agad din niyang kinuha ang mga ginamit namin at nilinisan ang mga ito sa lababo. Ipinatong niya muna iyon sa patuyuan at pinuntahan ako. "Bath time." nakangiting aniya.

Pinaliguan ako ni mommy at binihisan bago niya linisin ang sarili niya. Habang nagpapatuyo siya ng buhok nanonood ako cartoons sa TV.

"Vie, halika na rito. Iipitan pa kita." rinig kong sabi ni mommy kaya nilapitan ko rin siya agad. Pinaupo ako ni mommy sa Tweety kong upuan nagsimula na siyang ayusan ako. Tinirintasan niya ako at ipinailalim niya ang dulo ng tirintas ko sa may gilid ng tenga ko. Inipitan niya ako gamit ng pulang ribbon na terno sa suot kong damit. "Okay na Vie." malawak kong nginitian si mommy. Napatingin siya sa orasan saglit at agad na rin niyang inayos ang sarili niya. Napatingin ako sa kanya nang lagyan niya ng kulay ang kanyang labi.

"Mommy, pwede po ako niyan?"

"This is for adults only." nakangiting aniya, "Pag malaki ka na, pwede ka na mag-make up."

Ahhh, make up pala ang tawag doon. Kinuha ko ang dinrawing ko para kay daddy at nilagyan ng pulang kulay yung labi ni mommy doon.

"Parang ganito po?" Pinakita ko sa kanya yung drawing ko at napalunok siya. May mali ba sa ginawa ko?

"Baka kapag ganyan ka-kapal ang lipstick ko, pagtawanan na ako ng Daddy mo."

"Bakit naman po? Ginaya ko lang naman po yung kulay ng nasa lips niyo po."

Umiling iling si mommy na nagpipigil ng tawa, "Hintayin mo na lang ang magiging reaksyon ng Daddy mo kapag nakita niya 'yan."

*****

AIRPORT pala ang tawag sa babaan ng airplane. Maraming tao ang pumapasok at lumalabas ng mahabang building. May nakita rin akong airplanes kanina mula sa malayo na bumababa, alin kaya doon sa mga naka-park ang airplane na sinakyan ni Daddy?

Tinanong ko si mommy kung anong kulay ng airplane ni daddy para mabilis namin siyang mahanap, hindi niya raw alam yung kulay pero alam niya yung pangalan ng airplane.

"Gate 4...gate 4..." mommy mumbled words as she look for daddy, "Nasaan na kaya iyon, nasa gate 4 na tayo."

Ang dami naman kasing tao, pwede kaya namin hiramin yung malaking torotot ng guard?

Binuhat ako ni mommy sa kanyang bisig, "Vie kapag nakita mo si Daddy, tawagin mo siya ng malakas." Tinuro sa akin ni mommy kung saan ko dapat makita si Daddy, "Doon siya manggagaling, anak."

Sana may binoculars din ako katulad ng kay Inspector Gadget.

Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay namin ni mommy nang maaninag ko si daddy, "Ayun po siya Mommy." Tinuro ko kay mommy ang direksyon at naka-ilang 'excuse me' kami sa mga taong nakaharang sa dinadaanan namin.

"DADDY!" Sana sa lakas ng boses ko ay narinig niya ako, "Daddy, daddy!" Muling sigaw ko sa kanya at kinawayan siya nang makita kong hinahanap niya ang boses ko sa dami ng tao.

"Vie!" Nakangiti niya akong kinawayan pabalik hanggang sa malapit na kaming tatlo sa isa't-isa. Agad akong kumawalas kay mommy para yakapin si daddy ng mahigpit.

"I miss you Daddy." naramdaman kong hinalikan niya ako sa balikat at agad din niyang niyakap si mommy sa kabilang braso.

Hindi ko nabilang kung ilang segundo kaming yakap-yakap ni daddy pero ramdam na ramdam ko na iisa ang ritmo ng puso naming tatlo. "Namiss ko rin kayo, sobra." Natutuwang aniya at napuwing. Binawi muna ni daddy ang kamay niya mula kay mommy para punasan ang kanyang mata, "Ang laki mo na ah?"

"Lagi naman akong nagpapadala ng pictures ah?" Pabirong ani mommy sa kanya. "Hindi nakatulog 'yan." sinumbong ako ni mommy kay daddy.

Napakagatlabi ako dahil akala ko hindi iyon sasabihin ni mommy kay daddy.

"Talaga ba Vie?" Natatawang tanong ni daddy sa akin.

"Eh kasi po," umiwas ako ng tingin. Nakakahiya. "Eh kasi po excited po akong makita kayo ulit."

Dahan-dahang nabuo ang ngiti sa labi ni daddy, "Huwag kang mag-alala, hindi rin nakatulog si Daddy kasi namiss ko rin kayo ni Mommy. Excited din kaya akong makita kayo."

Nginitian ko si daddy ng malawak.

"Welcome home, Sweetheart." mommy greeted daddy with a heartwarming smile.

Nginitian ni daddy si mommy at tulad sa Disney stories nakita ko kung paano bigyan ni daddy si mommy ng true love's kiss."I'm so happy to be home, Sweetheart." Daddy's voice almost melts like ice cream. Mommy's face lights up with a shade of pink.

Bago ko makalimutan- "Daddy, may regalo po ako sa inyo." kinuha ko mula sa bag ang dinrawing ko para sa kanya.

"Ang ganda naman nito Vie." natutuwang ani daddy at hinalikan ako sa pisngi, ngunit kumunot ang noo niya at tinanong ako, "Bakit naman pulang-pula yung smile ng mommy mo dito."

"Yan po ang make-up ni Mommy." paliwanag ko sa kanya at tinawanan ni daddy si mommy.

"Mukha kang clown dito, Heart."

"Che, ewan sa'yo Emiliano." padabog na kinuha ni mommy ang ilang gamit ni daddy at minasamaan siya ng tingin, "Magsama kayo ng anak mo."

Bakit ganoon si mommy? Kanina lang ang sweet nila tapos ngayon magkaaway sila. Dahil ba iyon sa drawing ko?

"Pangit po ata yung drawing ko." alanganing bulong ko kay daddy.

"Ang sabi ko nga maganda, hindi ba?" Daddy tilted his head beside, "Hindi ka ba naniniwala kay Daddy?"

"Eh kasi nagalit po si Mommy. Tapos sabi mo pa po, mukha siyang clown." I pouted. Tama naman yung kulay na ginamit ko. Color red naman ang lips ni mommy ngayon.

"Nagtatampo lang iyon. Hindi kami magkaaway." paliwanag ni daddy sa akin, "Mamaya tingnan mo, bati na ulit kami ng mommy mo. Love ko kaya si Mommy at ikaw."

Nginitian ko si daddy, "Promise po?" Tinaas ko ang pinky ko at tinugunan naman niya iyon na may malawak na ngiti sa kanyang labi.

"Promise, anak."

I love when daddy makes a promise with me. Kahit kailan hindi niya sinira ang mga pinangako niya sa akin. Sa kanya ko rin natutunan na kapag nag 'pinky promise' ka sa isang tao, dapat mong tuparin iyon. Kasi kung hindi, mababali ang pinky mo.

Ganoon daw kasi kasakit kapag hindi natupad ang promise.

I hold daddy's hand as we walk towards mommy who is raising her eyebrows at him.

Nag-sorry si daddy kay mommy at sinuklian iyon ni mommy ng matamis na ngiti.

Tiningnan ko si daddy at nginitian.

He always keeps his promise.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top