Chapter 1
| PART ONE : 1995
INJECTION IS WORSE THAN EAR PIERCING.
Hindi ako sigurado kung umiyak ba ako ng sobra noong binutasan ang tenga ko o masyado pa akong bata para maalala ang alaalang iyon.
Pero ang kirot na naramdaman ko nang tumagos sa balat ko ang injection na hawak pala ng mabait na doktor sa kanyang likuran kanina pagkatapos niya ako alukin ng lollipop ay tiyak na hinding hindi ko makakalimutan.
Pinapakalma ako ng doktor kasama ng nurse na pinakiusapan ni mommy kanina dahil ilang beses ko nang nilalayo ang braso ko sa kanila para lang hindi ako matusok ng karayom.
Sa huli ay wala na rin akong nagawa kundi ang umiyak habang yakap-yakap ako ni mommy habang hawak ng nurse ang braso ko kung saan ako tinurukan ng hindi mabait na doktor. Mabilis din namang napalitan ng band-aid ang karayom na nakatusok sa akin kanina na may amoy ng alcohol na pink.
Hindi ko na maalala kung kailan kami huling dumalaw dito kay doktora, ang akala ko nga hindi niya ako babakunahan ngayon. Sa totoo lang, mas mabait siya kapag wala siyang dala-dalang injection. Wala naman akong sugat o sakit, para pumunta kami ni mommy dito. Ayaw na ayaw ko pa naman pumunta dito sa ospital.
Ang akala ko pa nga kaya kami maagang umalis ng bahay ni mommy ngayon kasi pupunta kami sa mall. Excited pa naman akong naligo kanina at sinuot ang paborito kong overalls.
Pumunta kami ni mommy sa Jollibee kanina. Noong nag-order siya ng kakainin namin at nag-save ako ng upuan para sa aming dalawa. I behaved like I am supposed to. Nagpaka-good girl naman ako pero bakit ngayon, pakiramdam ko para niya akong pinaparusahan?
"Okay na Vie, wala na yung injection." The doctor gave me a warm friendly smile as if nothing happened. "Hindi ba parang kagat lang ng langgam?"
Kung kagat lang ng langgam iyon, mas pipiliin ko na lang na magpakagat sa langgam kaysa ang maturukan ng injection.
Tinago ko ang mukha ko mula sa kanila habang humihikbi sa balikat ni mommy. Gusto ko ng umalis dito.
Naramdaman kong hinagod ni mommy ang likuran ko hanggang sa unti-unti na akong tumatahan. Hindi ko sila bati.
Nagpasalamat si mommy kay doktora kasabay ng paghingi niya ng pasensya dahil lang sa hindi nila ako agad na naturukan kanina.
"Ikaw talaga Vie, big girl ka na pero takot ka pa rin sa injection." ani mommy na para bang tinutukso niya ako, "Nakayanan nga mga ibang bata yung injection eh."
Ibang bata iyon.
"Alis na po tayo dito mommy." pinalobo ang pisngi ko.
"O siya, siya... pupunta na tayo ng mall. Okay?" Umiwas ako ng tingin at hinalikan niya ako sa noo. Ibinaba na rin niya ako mula sa kanyang bisig, "Nag promise din kasi ako kay Doc na bibisitahin natin siya dito bago tayo pupunta sa mall, kaya tayo nandito." Hinila-hila ko siya para makaalis na kami ng clinic pero hindi ko magalaw si mommy. "Come on Vie, say 'thank you' kay Doktora." panghihikayat ni mommy pero ayaw ko.
"Ayos lang po iyon Mrs. Montes. Don't worry." nakangiting ani ng doktora kay mommy at lumebel sa akin, "Vie kailangan mong maintindihan na kailangan ng katawan mo ng injection para ilayo nito ka sa sakit."
"No injection. Drinking vitamins is better."
Tinawanan ng doktora ang sagot ko. Sabi na nga ba, hindi siya mabait. Kinagat ko ang ibabang labi ko, pinipigilan kong simangutan siya. Sabi kasi ni mommy huwag ko raw simangutan ang mga nakakatanda sa akin. Bad daw iyon.
"Iba pa ang vitamins sa vaccination Vie." Inabot ni Ate Nurse yung maliit na notebook kay doktora at tinatakan iyon. Ibang stamp ang gamit niya ngayon. Isang nakangiting orange baby octopus ang nakita kong tinatak niya sa notebook na nakapangalan sa akin. "Tinutulungan ng vitamins ang katawan natin para maging healthy tayo. At kaya tayo binabakunahan every once in a while kasi iyon ang shield natin laban sa bad bacterias and viruses." paliwanag niya.
"I'm not sick naman po. Plus injection stings."
Muli siyang napangiti sa akin, "Well, prevention is better than cure, hija. Anong gusto mo, maging lapitin ka ng sakit kasi wala kang shield?"
Ayaw ko lang talagang magpa-injection, basta ayaw ko.
"Alam mo ba kapag napabayaan mo ang katawan mo, pwede kang manghihina. Malulungkot ang mommy at daddy mo kapag nagkasakit ka, gusto mo ba iyon?" Muli akong umiling at napatingin kay mommy na nakangiti sa akin ngayon.
"Hindi naman kita laging tinuturukan kapag dinadalaw mo ako dito, hindi ba?" Ibinaling ko ang mga mata ko sa wallpaper ng clinic ni doktora at nakita ang iba't ibang sea creatures na parang lumalangoy sa ilalim ng tubig. Hindi ko alam kung favorite rin niya ang The Little Mermaid para makita ko si Ariel na kasama sila Flounder at Sebastian.
Tumayo na si doktora ng maayos at hinarap si mommy, "Kapag nakumpleto mo na ang stamps dito sa notebook na 'to," Inabot niya sa akin ang maliit na notebook, "Hindi na kita tuturukan." nakaramdam ako ng ginhawa dahil may hangganan pala ang pagtuturok niya sa akin, ngunit agad din akong nadismaya dahil marami pa pala siyang kailangan tatakan sa notebook ko.
Ang daya talaga!
Pinaalalahanan ni Doktora si mommy sa susunod na pagkikita namin kasama ng ilang vitamins na nireseta niya para sa akin. Sana matagalan pa bago namin siya bisitahin uli.
Napangiti ako ng bahagya nang mapansin kong naka-ilang pahina rin si doktora para mabigyan kami ni mommy ng petsa sa susunod naming pagkikita.
Lord, pwede ko rin po ba hilingin na kung ano man ang araw na iyon sa kalendaryo, sana mabura po iyon?
"You're doing great Vie," sambit ni Ate Nurse, "Masakit pa ba?" Tiningnan niya ang band-aid na dinikit ni doktora kanina sa akin.
"Hindi na po."
Nginitian niya ako, "Alam mo ba katulad mo rin ako noong mag kasing edad tayo. Takot din ako sa injection noon." tila nagkaroon ako ng kakampi sa katauhan ni Ate Nurse. "Pero dahil sa injection, hindi ako madalas na nagkakasakit."
"Ayoko lang po talaga ng injection Ate. Pakiramdam ko po kasi mabubutas ako." naalala ko yung napanood kong cartoon. Kapag nabutas ako ng karayom, matutulad ako sa cartoon na iyon na magmumukhang papel na nakadikit sa pader. Ayoko no'n.
Pinisil niya ang pisngi ko, "Hindi ka naman balloon Vie, ikaw talaga." sinilip ko ang dalawang kamay ni Ate Nurse. Buti pa siya walang injection. Pero kapansin pansin ang ballpen niya na may disenyo ng bulaklak na may smiley face.
"Pero lagi mong iisipin na lahat ng gamot na pinapasok ng injection sa katawan mo ay papalakasin ka."
"Wala namang super powers yung injection." hindi naman iyon tulad ng spinach ni Popeye na kapag kinain lalakas ka na agad.
"It'll take time, Vie. You just have to be patient." abiso ni Ate Nurse, "Isa pa, ayaw mo bang bumisita dito? Namimiss kaya kita kapag hindi kita nakikita dito."
Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala kay Ate Nurse pero may parte sa puso ko na gustong maniwala sa kanya. Kung magkakaroon ako ng Ate, gusto ko si maging nakakatandang kapatid si Ate Nurse.
Pwede ko bang sabihin na pwede naman akong dumalaw sa kanila, basta hindi ako tuturukan ni doktora?
Sino ba naman kasi ang gustong masaktan?
Sa tuwing nadadapa at nasusugatan nga ako, ang laging solusyon ni mommy para magamot ako ay pahiran ng alcohol ang sugat ko para raw mamatay ang germs agad.
Eh masakit din yung alcohol eh. Parang nitong sinusunog ang balat ko. Pati yung clear na liquid na kapag umagos sa sugat mo at nag-bubbles, mahapdi. Iyon naman parang kinukulo ang sugat ko mula sa loob.
Yung gamot lang na brown ang hindi mahapdi eh. Sana iyon na lang ang laging ilagay ni mommy sa tuwing nagkakasugat ako, pati yung isang pinapahid niya sa akin na puting jelly. Hindi yung vicks.
Sa totoo lang, sa mga ilang karanasan na iyon ay natuto akong umiwas sa mga bagay-bagay na pwedeng maging dahilan para masugatan at masaktan ako. Worst case scenario kasi eh ang tumuntong kami ng ospital 'pag nagkataon. Ayoko pa man din tumira dito. Yung ibang tao kasi may kwarto sa loob ng ospital. Baka kapag nanatili ako sa isang kwarto, hindi na ako makauwi.
Pagkatapos ng ilang reminders ay nagpaalam na kami ni mommy kina Doktora Hindi Mabait at kay Ate Nurse. Pagkalabas namin ng clinic, nakita kong may ilang mga bagong dating na tao kasama ng kani-kanilang mga magulang.
Siguro ay maraming bata ang katulad ko na matuturukan ngayon. Sana narinig nila ang pag-iyak ko kanina para umatras na sila habang maaga pa. Pero mukhang iba sila sa akin dahil kalmado lang sila na naglalaro ng kani-kanilang brick game at may ilan sa kanila na may dala-dalang libro. Buti pa sila hindi takot sa doktor o sa injection.
Nagawang batiin ng isang ginang si mommy. Hindi ko sigurado kung magkakilala sila. Baka, kasi binati rin siya ni mommy pabalik eh.
"Papasok na rin ba si Vie sa school, Veronica?" tanong ng ginang kay mommy.
"Oo Brigette. Evangeline, this is Tita Bridgette." pakilala ni mommy sa akin at kinawayan ko ang ginang bilang tugon.
"Ang cute naman ng damit mo." bati ni Tita Bridgette sa damit ko.
"Thank you po." nakangiting ani ko.
"Saang school papasok si Vie?" Tanong ni Tita kay mommy.
"Sa Montessori." tinapik tapik ni mommy ang balikat ko, "Doon din papasok ang anak mong si Beverly hindi ba? Kinder ba siya?" Bahagyang tiningnan ni mommy ang batang si Beverly na nakatingin pala sa akin. Bakit kaya?
Maganda siya at mapayat. Tuwid ang kanyang buhok na para bang siyang isang Japanese doll. Hindi ko pa sigurado kung may lahi silang hapon kasi medyo may kanipisan ang mga mata niya.
Tiningnan ni Tita Brigette ang anak niya, "Bev anak, tinatanong ka ng Tita Veronica mo."
"Opo doon din po ako mag-ii-school." sagot ni Beverly kay mommy. "Preparatory po."
"Same pala kayo nito ni Vie, accelerated siya ng dalawang level eh." pagmamalaki ni mommy sa harapan nila, "She skipped junior and senior kinder."
"Nakakatuwa naman ang batang ito." puri sa akin ni Tita Bridgette. Si Beverly naman hindi ko mabasa. Hindi ko alam kung ayaw niya ba sa akin o ano. Kung same kami ng school, sana maging friends din kami.
Agad nang tinawag ni Ate Nurse ang pangalan ni Beverly kaya pumasok na sila ni Tita Bridgette sa loob ng clinic ni doktora.
Hinigi ni mommy yung notebook mula sa kamay ko at inabot ko iyon ng hindi siya tinitingnan hanggang sa makalabas na kami ng ospital.
"May problema ba anak?"
"Madaya ka po kasi Mommy," pagtatampo ko at pinalobo muli ang pisngi ko, "Sabi niyo po kasi kanina sa bahay pupunta po tayo agad sa mall."
"Pupunta na nga tayo ngayon doon." nakangiting aniya. "Maaga pa naman. Marami tayong mapupuntahan doon ngayon. Gusto mo manood tayo ng movie?"
Hindi ako makangiti sa harapan niya kaya tumungo na lang ako, "Dapat nga po kanina pa tayo pumunta doon." pabulong kong pagtatampo.
Dahan-dahang itinaas ni mommy ang baba ko, "Anak big girl ka na. At injection lang iyon, naalala mo si Beverly kanina?" Tinanguhan ko si mommy bilang tugon, "Alam mo ba hindi siya takot sa injection."
"Hindi naman po ako iiyak kung hindi masakit." paliwanag ko kay mommy, "Nainom naman po ako ng gamot para po hindi na ako maturukan. Ang daya lang po talaga."
Napabuntong hininga si mommy sa harapan ko at hinawakan ako sa magkabilang balikat, "Hindi lahat ng masakit ay nakakasama sa iyo, anak." sa totoo lang, hindi ko naiintindihan ang nais ipaliwanag sa akin ni mommy. Pero parang katulad lang ito ng sinabi kanina nila Ate Nurse at Doktora Hindi Mabait. "Huwag ka na sumimangot diyan, sige ka hindi na tayo pupunta ng mall niyan."
Pinilit kong ngumiti para lang hindi magbago ang isip ni mommy. Hindi naman masama ang loob ko sa kanya eh.
Pumara siya ng taxi at sumakay na kami agad doon. Magkatabi kami sa back seat at muli kong sinilip ang band-aid sa braso ko.
That injection still stings.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top