Day 8: First Reply

First Reply
-----

"This kit contains plasters, sterile gauze dressings, sterile eye dressings, bandages, safety pins, sterile gloves, cleansing wipes, sticky tape, rash cream, antiseptic cream, painkillers..."

Napabuntong-hininga ako matapos basahin ang nakasulat sa maliit na papel na naka-display sa box ng first aid kit. Lumingon ako sa labas ng drugstore. Madilim na rin pala. Mahihirapan na 'kong sumakay pauwi. Punuan kasi 'yung mga jeep na dumadaan sa highway sa tapat kapag ganitong oras na.

Pwede sana akong nakauwi nang maaga. Ang kaso, hindi ko mabibilhan ng medicine kit si Marcus kung ipagpapaliban ko 'yung pagdaan dito.

Nakakakunsumi kasi siya. Nakita ko siya kanina na parang hindi pa rin nilalagyan ng treatment yung pasa niya sa panga at cheekbone. Mukhang sariwa pa rin kasi at medyo maga pa. Ang balita sa 'kin ni bestie, nag-away raw si Marcus at 'yung Dad niya dahil sa kotse kaya siya injured.

No'ng nakaraan, nag-send na 'ko ng pangalawang message sa kanya para i-remind siyang gamutin 'yung injuries niya pero s-in-een lang ako - gaya no'ng unang message ko. Nahihiya na 'kong mag-send ng pangatlo kasi baka makulitan na siya. Saka, masakit din ma-seen.

Kabadong-kabado ako no'ng sinend ko 'yung first message, tapos, hintay ako nang hintay kung kailan niya makikita. No'ng na-seen na niya, hoping naman ako na baka mag-reply siya. Kahit hindi siya nag-reply, naglakas-loob naman akong mag-send ng ikalawa kasi pagala-gala siya sa school na may injury. Kawawa siya. Bongga 'yung kaba ko no'ng na-seen na naman niya uli. Pero wala uling reply.

Hay naku. Nakaka-hoping tumitig sa seen kahit na dapat, hindi naman ako nag-aambisyon na ma-reply. Pero sana, kahit sinunod man lang niya 'yung bilin ko sa message. Wala ba siyang balak i-treat ang injury niya?

Napabuntong-hininga ako uli. Natuon ang mata ko sa lower shelves. May mga loose items do'n na pang-first aid.

Mukhang mahilig sa basag-ulo ngayon si Marcus. Pang-ilang ulit na niya kasing may injury. No'ng una, sa laboratory activity yata nila. Dahil sa asar niya kay Laurice, 'yung ex-girlfriend niya. Tapos, wala pang dalawang linggo, kaaway naman Dad niya. Siguro, nadadala siya ng pagluluksa niya. Mahirap maiwan ng Nanay. Saka, malamang, nakaka-highblood 'yung papansin niyang girlfriend na nakipag-break na nga, madalas ko pang makita sa freedom park o sa library na ipinaparada 'yung bagong boyfriend. Mas gwapo naman si Marcus! Mas matalino pati.

Dahil nadadalas ang basag-ulo ngayon ni Marcus, dadagdagan ko na lang sigurp 'yung pang-first aid niya para may spare pa.

Pero kung magiging close kami, pipigilan ko siya makipag-away. Sayang 'yung mukha niya kung ipapasuntok niya lagi. Pa'no 'yung lips niya na maka-cut? Tapos, 'yung ilong na pwedeng ma-deform? Tapos, 'yung mata niya?

Dumampot ako ng ice-pack. May print na Bugs Bunny. Umupo ako sa sakong ko at nagkalkal sa mga items sa lower shelves. Bakit walang loose items na hindi printed?!

Napatingin ako uli kay Bugs Bunny. Cute naman si Bugs Bunny. Hindi naman siguro masama kung may print 'yung spare ni Marcus. Hindi ko naman siya sisingilin. Libre ko lang ibibigay.

Dahil gumagabi na talaga at mag-aalala na si Nanay, kumuha na lang ako ng mga loose items kahit magkaiba-iba ng print : ice-pack na Bugs Bunny, band-aid na Hello Kitty, at cotton and swabs na Lilo and Stitch. Saka ko binitbit lahat sa counter para bayaran.

Manganganib 'yung ipon ko galing sa scholarship. Mahal kasi 'yung first-aid kit. Dahil siguro sa box.

***
"Walang tao. Bilisan mo na..." bulong ni Helga sa 'kin. Naramdaman ko pa 'yung palad niya na tumutulak-tulak nang mahina sa likod ko.

Nakatago kami sa likod ng mga boxed plants sa parking. Bitbit ko 'yung kit ni Marcus. Ang goal, iiwan ko 'yung kit sa kotse niya. Ilang minuto na rin kami ni bestie do'n.

"Sandali... parang may naglalakad kasi palapit e..." sabi ko. Tinitibayan ko 'yung paa ko sa semento kasi baka biglang lumakas 'yung pagtulak niya. Si bestie pa naman, kapag naiinip, nagiging bayolente.

"Sus. Walang tao. Kanina ka pa nakakarinig ng kaluskos, hanggang ngayon naman, bakante ang parking."

Hindi pa rin ako kumbinsido kahit na gusto ko talagang maibigay 'tong kit kay Marcus.

"Ilagay mo na! Ilang hakbang lang 'yung kotse niya o!"

Tinulak-tulak na naman niya 'yung balikat ko. May kasama nang gigil kasi nayuyugyog na talaga ako. Bumagsak pa ng kaunti 'yung salamin sa ilong ko.

"Oo, wait..."

"Isa pang wait a..." banta niya sa kin.

Bumubulong-bulong na si bestie. Gusto kong matawa kung hindi lang ako kabado.

" 'Pag tayo, inabutan ng uwian nila a. Maya-maya, nandito na 'yun si Marcus. Tapos, hindi mo na maibibigay yan..."

"Hala... E di -"

" 'Pag 'di mo 'yan nalagay ngayon sa kotse niya, hindi na kita sasamahan bukas!"

Tumingin ako sa mukha ni Helga. Nakasimangot na talaga siya. Hindi siguro uli ni-reply ni Ashton. O baka nag-away sila at tinawag na naman siyang bata.

"Totoo? Hindi mo na 'ko sasamahan 'pag bukas pa?"

"Totoo talaga! Bahala ka d'yan!"

Naglayo siya ng tingin kaya sinilip ko 'yung mukha niya.

"Totoo na talaga?" kulit ko.

Umirap siya. "Si Ash kasi..."

Napatawa ako nang mahina.

"Bilisan mo na kasi! Baka hindi na natin masilip si Ash! Bilisan mo na!"

"Oo na!" Huminga ako nang malalim at naghahanda nang humakbang... pero nauna na 'kong maitulak ni bestie. Muntik masalabid 'yung mga paa ko.

Napatakbo ako palapit sa kotse ni Marcus at basta na lang inilagay 'yung kit sa ibabaw ng trunk.

"Bestie!" pasigaw na tawag ni Helga sa likod ng mga halaman.

Nakarinig ako ng mga yabag at pag-uusap-usap sa opposite direction. Parang... boses nila Marcus at mga trolls!

"Bilis!" halos walang sound na sabi ni Helga. Kumakaway siya nang mabilis sa 'kin.

Hala! Malapit lang sila?!

Nauna na 'kong tumakbo pabalik kay Helga bago pa 'ko makapag-isip o makapag-check ng paligid. Napaupo ako agad sa tabi niya sa likod ng matatangkad na halaman. Sumilip kami.

Magkakasama 'yung apat na trolls. Si Kuya Harry, may bitbit na parang aquarium. Si Kuya Jeric, may bitbit na plastic bag. Si Ash, may hawak na makapal na binder. Si Marcus, bag lang ang sukbit. Nakakunot ang noo niya sa medicine kit na nasa trunk.

"O, ano 'yan?" tanong ni Kuya Harry.

Isinara ko 'yung bibig ko na nakabuka pala. Feeling ko kasi, ang lakas ng paghinga ko. Baka marinig niya.

"Medicine kit, Harry baby. May pagkabulag?" tudyo ni Ash at tumawa.

"Ay, siya nga, ano?" sabi ni Kuya Harry at sinamaan ng tingin si Ash. "Kanino galing, Marcus honey? May stalker ka na naman? O may doctor kang palaki?"

Nagtawanan 'yung tatlo. Nag-asaran tungkol sa mga stalkers.

Kunot-noo pa rin si Marcus habang nakatingin sa kit.

"Patingin nga," sabi ni Kuya Jeric at lumapit. Kinuha niya sa kamay ni Marcus 'yung kit. Itinaas. Inikot-ikot. "Wala namang nakalagay kung kanino galing."

"Yeah," sabi lang ni Marcus at kinuha pabalik 'yung kit. Binuksan niya 'yung pinto ng backseat at inilagay do'n 'yung hawak niya.

Inilagay rin ng mga trolls 'yung dala nila sa backseat.

"Baka galing kay Laurice!" sabi ni Kuya Harry.

"Sus. Kawawa si Honey kung gano'n. Baka akala natin, medicine kit, 'yun pala, puro pictures ni Laurice at no'ng ipinalit sa kanya! Prank." sabi ni Ash.

Tumawa uli silang tatlo. Pinag-usapan naman si Laurice. Nailing lang si Marcus.

"Hindi 'yan galing kay Laurice. It's impossible for her to care."

"Parang may feelings pa sa pagkakasabi a!" sabi ni Jeric.

"Baliw. Na-da!" sabi ni Marcus at bumaling kay Ash. "Sabay ka sa 'kin? O kay Jeric?"

"Sayo na lang. Para may mag-a-unload nito sa bahay mo. Kawawa ka naman e," sabi ni Ash.

"Ikaw ang kawawa 'pag coding, dude. 'Di ka makapambabae!" asar ni Kuya Harry.

"Ikaw ang kawawa sa everyday basted ni Neah," ganti ni Ash.

"Aray a! Mesheket!"

Nagtawanan silang apat. Tapos, nagpaalam na sila sa isa't isa. Bumalik sina Kuya Harry at Kuya Jeric kung sa'n sila galing. Sumakay naman sina Ash at Marcus sa kotse ni Marcus.

No'ng nakalabas na sa parking 'yung kotse ni Marcus, lumabas na kami ni bestie sa pinagtataguan namin at pumunta naman sa kotse nila. Tinatawagan na kasi siya ni Kuya Harry sa cellphone para umuwi. Makikisabay naman ako sa sasakyan nila hanggang highway.

***
You are annoying.

Nakatitig ako sa screen ng mobile phone ko. Nasa kotse pa ako ni Kuya Harry, katabi si Helga sa backseat no'ng dumating 'yung message ni Marcus.

'Yung talon ng puso ko kanina no'ng in-accept ni Marcus 'yung message ko at lumitaw 'yung una niyang message, napalitan ng sakit.

Parang pinupunit 'yung puso ko sa mga salita niya.

Sino ka ba?


Was it also you?
The one who left a first-aid kit on my trunk?

Reply!

Nanginginig ako sa pagbasa ng messages. Nagpipigil na rin ng luha.

Nagtanong si bestie kung okay lang ako. Nag-fake na lang ako ng ngiti bago mag-reply sa message ni Marcus.

Yes. Ako yun.
I'm sorry.

Nag-reply uli siya. Sunod-sunod.

What I do and what happens
to me is none of your business!

Dont stalk me or tell me
things!

Dont send me things!

Dont bother me, whoever
you are!

STOP sending me messages!

Got it?!

May capslock talaga siya sa STOP. Pwede namang wala. Minsan na nga lang mag-reply, ang sungit pa.

Ganito ba siya kasungit? Gano'n ba 'ko ka-annoying?

Lumabo 'yung screen ng mobile phone ko. Dahil siguro sa luha sa mata ko. Kumurap-kurap ako para hindi lumaglag 'yung luha ko.

Yan. Pakialamera ka kasi, naisip ko bago mag-type.

I'm really sorry.

Seen na lang uli galing sa kanya. Pasimple naman akong humihinga nang malalim para kumalma.

Tiniis kong 'wag munang maiyak sa kotse ni Kuya Harry at sa jeep na nilipatan ko pagbaba sa highway.

Pagdating sa bahay, umiyak ako habang paulit-ulit kong binabasa 'yung messages ni Marcus.

You are annoying.

Annoying.

Nag-deactivate ako ng account ni En Visible pagkatapos. Dahil gaya ng sabi niya, I shouldn't annoy him. I should stop with the messages. #

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top