Day 39.1
09:00 PM
Marcus : Hi, En! ^__^
09:06 PM
Marcus : En?
Marcus : May ginagawa ka pa?
09:08 PM
Marcus : Don't let me bother you. :)
09:21 PM
En : Hi!
En : Sorry, ang tagal ko.
09:23 PM
En : May ginagawa ka?
09:24pm
Marcus : Sorry. It's all good now. ^__^
En : May ginagawa ka pa ata e. :3
Marcus : Kani-kanina lang. Habang naghihintay.
En : E..? Anong ginawa mo habang naghihintay?
Marcus : Haha! You wouldn't want to know. ^__^
En : E??? Bakit?
Marcus : Mag-o-offline ka pag sinabi ko. ^__^
En : Hala!
En : Mag-o-offline... ako? Bakit???
Marcus : Yes. :)
Marcus : Do you want a clue?
En : Huhuhu. Ayoko yata... ╥﹏╥
Marcus : Hahahahaha! I'll tell you a hint, anyway.
Marcus : It has something to do with your voice message. ^__^v
09:27 PM
En : Iniimbestigahan mo na yung boses ko??? (╥╯θ╰╥)
Marcus : Hahahaha!
Marcus : Nope. I told you, not without your permission.
En : E di... okay lang. Hindi ko na lang huhulaan. Huhuhu. ╥﹏╥
Marcus : Don't you want to know?
En : Gusto ko...
En : Pero kasi... sabi mo mag-o-offline ako e... (╥╯θ╰╥)
En : Ayoko pa naman mag-offline e... (╥╯θ╰╥)
Marcus : Hahahaha!
Marcus : Okay. I won't tease you anymore. :3
En : Oo. Wag na lang... (╥╯θ╰╥)
Marcus : Hahahahaha. That emoji.
Marcus : It makes me want to tease you more. ^__^v
En : Wag na lang!!!
En : Saka, bakit ang sigla-sigla mo na? Malungkot ka kahapon lang a... (╥╯θ╰╥)
Marcus : Hahahahaha! Sinusunod ko lang yung bilin mo. ^__^
En : (╥╯θ╰╥)
09:30 PM
Marcus : How's your day? :)
En : Okay lang...
Marcus : Hm. Okay lang?
En : E... something good happened.
Marcus : Hm. Something good...
Marcus : What is it? ^__^
En : E... sorry!
En : Hindi ko na pwedeng ikwento e. (╥╯θ╰╥)
Marcus : Oh. Okay, okay. :)
En : Ikaw? How's your day? Kumain ka na?
Marcus : Yes. Nag-light dinner na ko. Nagmeryenda ako bago umuwi e.
Marcus : I was coordinating the preparations para sa memorial ni Mom sa isang araw. Tinutulungan ako nung mga trolls.
En : A... Marami kang bisita sa memorial?
Marcus : Iilan lang. Pero yung magtatagal, kami-kami lang siguro nila Harry.
En : Hala, bakit? Wala ka ng ibang kamag-anak sa side ni Mommy mo?
Marcus : Isa lang ang kapatid ni Mom. Nasa Sweden. Si Tito Dolf.
Marcus : Yung lolo't lola ko sa side ng Lopez, matagal nang namatay.
Marcus : Yung mga pinsan, nakakalat na sa ibang bansa.
En : Hindi sila uuwi?
Marcus : No. Ayoko na rin silang abalahin.
Marcus : Nung may sakit pa lang si Mom, umuwi na si Tito rito para sana alagaan siya. Marine Biologist si Tito.
Marcus : Nung nalaman ni Mom na magli-leave siya sa trabaho para lang sa kanya, she insisted he live his life like normal.
Marcus : Tapos, tinawagan niya yung mga pinsan niya. Siya ang nangumusta. She told them about her situation and advised them not to be overly dramatic.
En : E...
Marcus : Yes. She was like that.
Marcus : Si Mommy kasi, lalong naging selfless nung nagsabi na yung doktor na may ilang buwan na lang siya.
Marcus : We thought, we're putting up a good fight with cancer. She survived breast cancer two years ago pa. Pero yung cancer na akala namin nawala, bumalik na, kumalat pa.
Marcus : Nung huling mga buwan na, halos tanggihan na rin kami ng mga doktor. The last consultation told us the devastating news.
Marcus : May isa o dalawang buwan na lang daw si Mommy.
Marcus : Instead of clinging to people to be there for her, she kind of entered this very annoyingly peaceful phase. Lagi siyang parang walang hinihintay. Walang pinagsisisihan.
Marcus : She was at home as if nothing's wrong. She cooked for me. She attended to my things. She slept like normal.
Marcus : Yung mga huling araw niya, normal na normal talaga.
Marcus : Hay. Naalala ko na naman.
Marcus : Haha.
En : Hala... Sorry... :(
Marcus : Okay lang. Haha. Hindi naman pwedeng hindi ko siya maalala e.
Marcus : She insisted we live normal but I could hear her crying at night.
Marcus : She got on my nerves a lot of times. Lagi niya kasi akong itinataboy kay Laurice o kila Harry. Mag-date daw ako. Gumimik. Kaysa nagmumukmok sa bahay, kasama siya.
Marcus : Mas naging clingy pa ko sa kanya.
Marcus : Nagagalit pag lagi akong nakadikit, o nakayakap o nakahalik.
Marcus : She worried na baka hindi ako agad maka-move on pag wala na siya. Na baka I don't get to live my life because of grief.
Marcus : She left me a long video of sermons. Inisa-isa kung anong mga ikagagalit niya. She almost plan my everyday for me.
Marcus : She's that great. She loves me and Dad that much.
09:47 PM
En : She was a loss.
Marcus : Yes.
Marcus : Kung hindi ka dumating, baka galit na galit na siya sa kin ngayon. Haha.
En : E...
Marcus : I told you before, you make me look forward to tomorrow.
Marcus : When I lost my Mom, I kind of stopped.
Marcus : Stopped feeling, fighting, living.
Marcus : Pumapasok sa school pero hindi sa classes. Gumigising pero hindi kumakain. Natutulog pero kulang na lang, magdasal akong wag na ring magising kinabukasan.
Marcus : Pinipilit nung mga trolls na sabihin ko kung anong kailangan ko. Tumatambay sila rito sa bahay. O di kaya, hinihila ako ni Harry papunta sa kanila.
Marcus : But I couldn't tell them what I needed to be okay because I don't have the slightest idea.
Marcus : And then... you came.
En : Hala...
Marcus : She will really like you. :)
En : All I did was send you messages.
Marcus : I guess that's what I needed, then. Someone who will tell me to stop looking so sad. To remind me of every good morning and night. To remind me to eat every mealtime.
En : E... Pwede naman yung gawin nila Kuya Harry.
Marcus : They did.
Marcus : Kaso, nangilabot kami pare-pareho kasi si Harry, magre-remind lang, maiiyak.
Marcus : Ash... sounded gay.
En : Hala! Ang sama!
Marcus : Hahahaha! Hindi lang ako ang nakapansin a. Apat kaming kinilabutan!!!
Marcus : Malandi kasi boses ni Ash. Hahahaha!!!
Marcus : Nakakakilabot, En! Hahahahaha!
En : Hahaha! E si Jeric?
Marcus : Si Jeric, muntik naman kami magsuntukan. Makulit kasi yun. E... wala ako sa mood kulitin dati e.
Marcus : Kaya nga na-capslock kita.
Marcus : Haha!
En : A... You're being too difficult pala dati. ಠ~ಠ
Marcus : Oo.
Marcus : Mas cheerful na ko ngayon. :)
En : Good job! ( ・ิω・ิ )人( ・ิω・ิ)
Marcus : ^__^
09:58pm
Marcus : Ano nga yung pinag-uusapan natin bago ako napakwento?
En : Hihi. Yung memorial at si Tito Dolf.
Marcus : Oh.
Marcus : Ayun nga.
Marcus : Tumawag si Tito to ask about the memorial but he's tied up. Kaya sabi ko, umuwi na lang siya anytime kapag okay na ang schedule niya.
Marcus : May ilang close friends si Mom na in-invite ko. They're coming. Pero iilan lang din yun.
Marcus : Nasa 25 -30 lang siguro lahat ng guests. Baka hindi pa yun sabay-sabay na dumating.
En : E... Okay lang yun? Hindi ka ba lalong malulungkot nun?
Marcus : Haha! Okay lang yun. Hindi ko rin kayang mag-host ng maraming tao.
Marcus : And they might ask about Dad. Mahihirapan akong magpaliwanag.
Marcus : Saka baka humagulgol uli si Harry, ma-confuse yung mga bisita kung sino ang tunay na anak. Hahahaha.
En : Haha. Salbahe. (><)
Marcus : Okay na yung kami-kami lang.
Marcus : Nag-excuse ako sa last subject para sa misa. Sila Harry, hindi maka-excuse kaya magka-cutting.
En : A, may mass.
Marcus : Yes. I arranged a mass at 5pm sa cemetery. Dun na rin ang set-up ng dinner.
Marcus : I ordered surplus food kila Jenessy. Balak kasi ng mga trolls na mag-stay sa cemetery until late.
Marcus : Sanay yun si Mom na nag-iingay kami.
En : E... Sa Heaven's Garden yung Mommy mo, di ba?
Marcus : Yes.
En : Pwede akong magdala ng flowers sa kanya?
Marcus : Huh? You'd do that?
En : Oo naman!
En : Basta wag mo kong ia-ambush a! ಠ~ಠ
Marcus : Haha. No. :)
En : Anong favorite flowers niya?
Marcus : Lilies. :)
En : A, okay. :3
Marcus : Anong favorite flower mo?
En : Ha???
Marcus : Flowers. ^__^
En : E... White roses.
Marcus : Oh. ^__^
En : Ikaw? May favorite flower ka? Hihihi. (*^^)v
Marcus : Haha! Wala.
En : (*^ω^*)
Marcus : Do you like codes?
En : Codes? Anong codes?
Marcus : Gaya sa mga detective stories.
En : E... Medyo. Bakit?
Marcus : Could you solve a code for me?
En : E... May code ka?
Marcus : Yes. You might crack it. ^__^
En : Importante yan?
Marcus : Yes. :)
En : E di sige. :)
Marcus : Iiwan ko sa library yung another set of books na ibibigay ko sayo bukas.
En : Hala! Bukas?
Marcus : Yes. Tuesday naman e. Wala si Artie sa library. ^__^
En : Huhuhu... Alam mo pala kung bakit Thursday lang ako nagpapabigay ng books. ╥﹏╥
Marcus : Haha! Of course, I know. :)
Marcus : Para hindi makita ni Artie kung sinong kumukuha, right?
En : ╥﹏╥
Marcus : Haha! Pag iniwan ko yung books bukas, isasama ko yung coded message, okay?
En : Sige. :3
Marcus : Pag na-solve mo, ibibigay ko yung huling set ng reference books sa Thursday. :)
En : Hala! Pano pala pag di ko na-solve? Wala na kong books??? (╥╯θ╰╥)
Marcus : Hahaha! We will see. ;)
Marcus : You have to try your best to solve it.
En : Gagalingan ko... Sayang yung books. (╥╯θ╰╥)
Marcus : Haha! It's really important to me.
Marcus : You really have to try your best. :)
En : Oo. (∩_∩)
Marcus : Mag-10:30 na. You have to sleep.
En : Send me a voice message, then. (><)
En : Mauna ka mag-goodnight this time.
Marcus : Okay.
10:27 PM
Marcus :
◁ ━━━━━━━━━━━━━━ 0:33
Voice message : Goodnight, En. (Long pause)
En : E... Ang haba. Bakit tahimik lang yung dulo?
Marcus : ^___^
En : ಠ~ಠ
Marcus : I'm going to send you another message. But this one, wag mo munang pakikinggan. Pakinggan mo na lang sa 100th day. ^___^
En : Hala! Bakit?
Marcus : Because I shouldn't say it hangga't hindi ka pa nagpapakilala.
Marcus : At para quits.
En : Quits saan? ಠ~ಠ
Marcus : I could see you pero ayaw mo. Nagpipigil kaya ako. Mahirap, En. ^__^v
Marcus : 39 days pa lang... :(
En : Hala...
En : Sorry na kasi... 。゚(゚'Д`゚)゚。
Marcus : Haha. Kaya nga, I will give you something, too. Something within your reach that you cannot touch.
En : #BullySiMarcus
Marcus : #BullyDinKasiSiEn
Marcus : Hahaha!
Marcus : And it's fun to tease you. ^__^v
En : #BullyTalagaSiMarcus
10:39 PM
Marcus :
◁ ━━━━━━━━━━━━━━ 0:29
En : Anong mangyayari pag aksidente ko tong napakinggan?
En: Yung aksidente lang talaga??? Hindi ko sinasadya.
Marcus : I will get mad at you. (⇀↼‶)
En : Hala!!! ಠ~ಠ
Marcus : Hahahaha!
Marcus : It's up to you, Invisible Girl. Baka lang mag-offline ka ng matagal pag narinig mo.
Marcus : Malulungkot ako. :(
En : E...
En : Pano kung pakinggan ko pero sasabihin ko lang na hindi? (*^^)v
Marcus : You don't lie. You can't lie. ^__^v
En : Huhuhu!
En : Oo na. Di ko papakinggan. (╥╯θ╰╥)
Marcus : Haha. Goodnight, En. Tulog na. May pasok pa bukas. :)
Marcus : Lakihan mo yung bag na dadalhin mo. ^__^v
En : ಠ~ಠ
Marcus : Haha. Cute brat En. :P
En : -___-
Marcus : ^___^v
En : Goodnight. :3
En : Sleep well, Marcus. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top