Wakas

Janice's POV

Hindi mali ang magparaya at hindi mali ang magpaubaya. Desisyon natin ito, desisyon nating iwan ang taong alam nating sakit lang ang dulot sa atin. Desisyon din nating magpaubaya kapag alam nating hindi na sa atin. Hindi na tayo ang mahal. Huwag nating pilitin ang taong ayaw na sa atin, masasaktan lang tayo, kaawaan at tayo pa ang sisihing nagkamali. Ito ang natutunan ko. Tama na siguro ang dalawang chance. Kapag ginawa ko 'yung tatlo, parang pinapakita ko na easy lang akong babae. Na ayos lang na lokohin ako nang harap-harapan. Nakababastos sa totoo lang, sila na nga 'yung nagloko, sila pa ang nagmamakaawa. Paano naman kaming nasaktan? Mababalik ba ng sorry ang sakit? Mababalik ba ng sorry ang mga memoryang pinagsaluhan? Mababalik ba ng tanginang sorry na 'yan ang sigla ko? Salita lang 'yan. Salita na ginagamit ng mga taong hanggang sorry lang ang kaya. Hindi kayang panindigan ang kasalanan. Ayos na sa kanila ang humingi ng tawad at patawarin. Hindi nila na mas mahirap magpatawad kaysa humingi ng paumanhin.

Nasa labas ako ngayon ng apartment ni Wade. Kunwari nag-aaral kasi 'yon ang gusto niya. Nasa ikatlong taon na ako ngayon sa kolehiyo, sa kasamaang palad naka-ahon. Hindi naging madali ang buhay kolehiyo, marami kang isasakripisyo at marami kang ilalaan na oras sa mga takdang-aralin kaysa sa tulog. No'ng tumuntong ako ng third year, doon ko naramdaman ang hirap. Kung hindi dahil kina Wade at Luella, matagal na siguro akong bagsak.

"Janice! Ang aga mo ngayon ah!"

Kumaway si Aling Waning. May dala itong dalawang basket na naglalaman ng mga sariwang gulay. "Aling Waning! Magandang umaga!" ngumiti ako at kumaway din sa kaniya.

"Ang ganda mo talaga!"

Inilingan ko siya at tinawanan na lang. Lagi siyang ganito sa akin. Puri nang puri kahit totoo naman. Chos! Nasa kabilang subdivision nagtatrabaho si Aling Waning. Hindi ko alam kung kaninong pamilya pero sigurado akong isang bigating pamilya iyon dahil mayayaman lang naman ang pupuwedeng makapasok sa kanila. Sobrang lalaki ng mga bahay doon, mas malaki pa yata sa amin.

Minsan na akong napadpad doon at masasabi kong 'heaven'. Ang lawak at ang tatayog ng mga building. Sino kaya nagmamay-ari ng subdivision na 'yon? Ang yaman niya siguro.

Binalik ko muli ang atensyon sa binabasa. Padabog kong binaba ang libro dahil wala akong maintindihan. Dalawang oras na yata ako dito pero wala pa rin akong nagi-gets! Paano ba kasi 'to? Hindi naman ako magtatrabaho sa morge, bakit kailangan kong pag-aralan ang patay na?

Geez! Hindi ba sila natatakot na baka multuhin sila ng patay na 'yon? Kakaloka naman.

"JANICE!"

Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang malakas na boses ni Wade sa ikalawang palapag. Ayan na naman siya! Pati mga manok at ibon napatakbo dahil sa lakas ng sigaw niya.

Inagat ko ang ulo. Sinalubong ang kaniyang beast mode na mukha. Bagong ligo ah. Saan naman kaya lalakwatsa ang lalaking 'to? Lagi na lang umaalis.

"Ano na naman?"

"Papatungan ko ng dalawang daan ang charger mo!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Hayup ka! Hindi naman malaki ang sakop niyan, ah! Saka nanghihiram ka din ng charger! Papatungan mo pa!"

"Ginamit mo ang rice cooker ko kaya patas lang tayo! We both lived here so dapat fair din ang kuryente!" sigaw niya pabalik.

Kinuha ko ang libro sa ibabaw ng lamesa at walang pagdadalawang isip na tinapon sa kaniyang mukha ang libro dahilan nang pagdaing nito nang sumapol sa kaniyang mukha iyon.

"Tangina mo! Ang yaman yaman mo pero hindi mo kayang magbayad ng buo sa kuryente! Kasalanan ko bang dito ako nilagay?!"

"Bayad 'yan sa pagprotekta sa'yo. Walang libre sa panahon ngayon." At pabagsak niyang sinirado ang bintana.

Argh! Kaiinis talaga ang bakulaw na iyon. Makaligo na nga. Bibisitahin ko na ang coffee shop namin kaysa tumunganga lang dito buong araw. Pambihira! Hindi kasi available si Luella e, may ginagawa daw siya. Gano'n din si Aia, may part-time. Ending, ako lang mag-isa ngayon. Mayaman ka nga pero wala ka namang mga kaibigan.

Sad life.

"May lakad ka rin?"

"Bakit, may problema ka?" taas kilay kong tanong nang nakasalubong ko siya sa salas. Nag-aayos ng sapatos.

"Huwag kang masyadong lumayo, Janice. Alam mo namang nakatakas si Hudson, hindi ba? Maghihiganti iyon sa atin,"

"Bakit kasali ako? Hindi ba't sila ang may atraso sa akin?"

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Alam niya na kung sino ka at alam din niyang may kinalaman ka sa amin. Hindi ka rin niya tatantanan." Seryoso niyang asik dahilan nang pagtayo ng mga balahibo ko sa katawan.

Nagdadalawang isip na tuloy ako kung pupunta ba ako ng coffee shop ngayon o bukas na lang. Mukhang delikado kasi ang buhay ko ngayon lalo nat nakatakas si Hudson. Ako nga dapat ang galit dahil sila ang may malaking atraso sa akin. Bakit parang bumaliktad?

"Hindi mo ba talaga ako isasama?"

Binulsa niya ang cellphone. "That place is too dangerous for you, Janice. Hindi kita puwedeng dalhin doon,"

"Sa tingin mo magiging safe ako dito kung wala ka?" inis kong tanong.

"Marami akong mga tauhan sa paligid. Babantayan ka nila habang wala ako."

"But I'm bored here! Isama mo na lang kasi ako, Wade! Hindi naman ako manguggulo, promise!"

Sinamaan niya ako ng tingin. "Hindi nga puwede. Sige na, aalis na ako. I-lock mo ang pintuan at huwag na huwag mong iiwan na nakabukas ang mga bintana."

Napanguso na lang ako habang pinapanood siyang humakbang palabas. Nang tuluyan na siyang nawala sa paningin ko, pagod akong sumampa sa airbed ko. Binukan ko ang laptop niya at napasinghap ako nang makita ko ang mukha ko sa home. Shuta ka talaga, Wade! Akala ko ba, hindi mo ako type? Bakit nasa wallpaper mo ako, ah?

Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapangisi. Ganda ko kasi dito e.

Ito 'yung isang stolen shot ko na kinunan mula sa phone niya. Nakatingin pa rin ako sa bintana pero nakangiti. Litaw na litaw ang pantay-pantay at puti kong ngipin. Medyo kinikilig ako slight-ACKKK! Pakipot ka talaga, Wade. Kunwari hindi mo ako type, ah!

Syempre hindi ko na sinamba ang mukha ko sa laptop niya. Binuksan ko ang netflexx at pumili ng panonoorin. "Ang daming bago ngayon ah,"

Halos mga western movies ang bagong release nila ngayon. Mostly horror movies. Ay bet ko 'to! Sa tuwing nanonood ako ng horror, iniisip ko ang mukha ni Wade. Imbes na matakot, natatawa ako. Nakakatawa naman kasi ang pagmumukha niya, lalo na kapag galit siya.

Hays.

Habang abala ako sa kapanonood ng horror, hindi ko namalayan na gabi na pala. Kung hindi lang tumunog 'yung bakal sa labas ng pintuan, hindi ko mapapansin.

Dahan-dahan akong tumayo. Sinirado ko ang dalawang bintana at inayos ang kurtinang nakatakip doon. Sunod kong nilapitan ang pintuan na bahagyang bumukas.

"Nakasara naman 'to kanina ah? Nakaligtaan ba ni Wade?" nagtataka kong tanong.

Nagkibit-balikat ako. Kinuha ko ang lock sa dingding at akma na sanang isasara ang pintuan nang may humawak sa pulsuhan ko at sapilitan ako nitong sinandal sa pader na kinagulat ko.

"Ahhhh!-"

Napadaing ako nang suntukin nito ang sikmura ko. Hindi pa siya nakuntento, sinuntok niya rin ang leeg at pisnge ko dahilan nang pag-iwas ko sa kaniya at pagbagsak ko sa sahig.

Umiikot ang paningin ko. Hindi ko mamukhaan ang lalaki dahil sa itim nitong mask.

H-Help!

"Akala mo makakatakas ka sa akin? Sisirain ko ang magandang mukha mo, Adeline! Sisirain ko lahat hanggang sa wala nang matira sa'yo!"

Bago pa man ako makasigaw ulit, isa na namang suntok ang kaniyang pinakawalan sa aking sikmura. Napaiyak na ako dahil sa sakit at sa dugong lumabas sa ilong ko. T-Tama na!

"H-Help..."

Tumawa siya. Pabagsak niyang nilapag sa sahig ang bag saka hinawakan ang panga ko. Nanlalabo na ang mga mata ko, hindi dahil sa mga luha kundi sa sakit na aking naramdaman. I can't see his face clearly, tanging ang kaniyang labi lamang na may bahid na dugo habang nakangisi.

"Masakit ba? Kulang pa 'yan, Adeline. Kulang pa ito!"

"Argh! T-Tama na! Tama na-"

Hindi siya tumigil. Mas lalo niyang nilakasan ang suntok sa aking sikmura dahilan nang pagbagsak ko muli sa sahig. Napapikit ako nang mapansing marami na akong nailabas na dugo. Hindi ko na kaya, hinang-hina na ako. Nahihirapan na din akong huminga.

"Ano? Nasaan si Wade, huh? Akala ko po-protektahan ka niya? Yung gagong iyon, magtutoos din kami! Wala akong ititira sa inyo, uubusin ko kayo!"

"T-Tama na please..."

"Tama na!"

Imbes na makinig, isang malakas na sipa ang natamo ko sa mukha dahilan nang pag-ikot ng paningin ko at pagpikit ko. Hindi ko na maigalaw ang katawan. Napuno na nang sugat ang mukha at katawan ko.

"T-Tama n-na..."

Dito na ba talaga ako mamamatay? Ito na ba ang hangganan ko? Wala nang pang-apat na buhay?

Naramdaman ko ang unti-unting pagsara ng aking mga mata. Pero bago iyon, isang nakakabinging putukan ang aking narinig at galit na boses ni Wade ang umalingawngaw sa loob ng apartment.

Hilaw akong napangiti. "Wade, help me."

"TANGINA MO, HUDSON! PAPATAYIN KO KAYONG LAHAT. HINDI NA AKO MAAAWA, UUBUSIN KO ANG PAMILYA MO! PUTANGINA MO!"

***

Wade's POV

"Wade, huwag kang padalos-dalos sa desisyon mo! Makakalaban natin ang nakakataas kapag ginawa mo 'yan!" galit na untag ni Davian. Nasa labas kami ng NC ngayon. Malayo sa mga tao.

Putang ina. Wala na akong pakialam. Sinaktan nila si Janice kaya ibabalik ko din sa kanila ang ginawa nila. If only I had come home earlier, none of that would have happened. Putcha! Hinding-hindi ko titigilan ang mga tauhan mo, Hernandez. Wala akong pakialam kung mataas ang posisyon mo sa organization. Sinaktan ng tangina mong tauhan ang mahal ko at hindi ako magdadalawang isip na ibalik sa kaniya ang ginawa niya.

Galit kong tinapon ang sigarilyo. Sunod pa rin nang sunod si Davian. I'm trying hard to convince myself not to cause trouble with those in higher positions. Damn it, they started it. I will finish it! Siguro kung mas nahuli pa ako, baka patay na ngayon si Janice.

"Fuck! Fuck! Fuck!" Sinipa ko ang basurahan. Kumalat sa kalsada ang mga laman no'n pero wala akong pakialam. Gusto kong ubusin ang mga tauhan ni Hernandez gano'n din ang Hudson na 'yon.

Hindi pa ako tapos, Hudson. Sisiguraduhin ko, sa pagkakataon na ito mas dobleng sakit ang ipaparamdam ko sa'yo. Hindi lang magulang mo ang papatayin ko. Papatayin ko rin ang anak at ang asawa mo. Walang awa-awa sa akin. Sinimulan mo 'to.

"Wala kaming alam sa ginawa ni Hudson! Huwag mo kaming idamay!"

Ngumisi ako sa ina ni Hudson. Nakaluhod ito sa aming harapan habang nagmamakaawa na huwag siyang idamay sa kagaguhan ng kaniyang anak.

"Wala rin namang atraso si Janice sa kaniya ah? Bakit niya dinamay? Muntik niya pang napatay. Kaya ibabalik ko sa kaniya ang ginawa niya, Mrs. Lakren. Kilala niyo ako, wala akong sinasanto. " Kasabay nito ang tatlong balang pinakawalan ko.

Tinamaan ko siya ng tatlong bala sa ulo hanggang sa bumitaw at bumagsak ito.

Binalingan ko si Mr. Lakren. Nanginginig ang mga tuhod nito habang nagmamakaawa na huwag din siyang patayin. Pero asa namang maaawa ako. Kagaya nang ginawa ko sa kaniyang asawa, tinamaan ko rin siya sa ulo. Kitang-kita ko ang usok na lumabas sa hawak kong pistol. Subalit, hindi pa ako nakukuntento.

"You deserved all of this."

Tumalikod ako habang napuno ng dugo ang buong mansyon ng Lakren.

Tangina ninyo.

"Nasaan si Niah at ang anak niya?" walang emosyon kong tanong kay Davian.

"Nasa loob ng sasakyan."

Tumango ako at nilabas ang bomba sa aking suot na coat. Dahan-dahan akong lumapit, wala akong ginawang ingay habang papalapit ako sa kanila.

Nang nakalapit, narinig ko ang kanilang pinag-uusapan.

"Mommy, mabait ba si Tita Janice?"

"Oo naman, Aliyah. Excited ka na bang makita siya?"

"Opo, mommy! Sasama ba si daddy?"

"Bukas pa siya uuwi e. Tayo na lang muna ngayon, ah? Ihahatid tayo ng Tito Wade mo sa kanila. Mag-behave ka ah?"

"Opo, mommy!"

Pinihit ko ang gatilyo. You really messed up with the wrong person, Hudson.

Hindi madadala ng galit ko ang salitang sorry mo, Hudson. You hurt my woman, you almost killed her. Ngayon, kukunin ko ang kabayaran sa ginawa mo. Hinding-hindi ko ito palalampasin.

"Wade... may bata."

Winaksi ko ang kamay ni Davian. "You're my left hand, Davian. Don't fucking show mercy." Umigting ang aking panga kasabay nito ang naghihikahos na katawan ni Hudson.

He looked at us. But he's already late.

"Kill him."

Tatlong putok sa ulo. Apat na putok sa balikat at tag-iisa sa dalawa.

"NIAH!"

All cleared.

You all deserved this.

***
The end.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top