Simula
Nasaan ako?
I woke up in a clean and unfamiliar room. My body showed evidence of harm; bruises covered my flesh like horrible marks. Binalot ng mga benda ang aking mga sugat na parang nakakatakot na saplot. Nakaramdam ako ng takot habang pinagmamasdan ang mga sugat sa aking katawan. Nasaan ako? Bakit ako nasa ospital?
Wala akong maalala.
Nabaling ang tingin ko sa matandang ginang nakaupo hindi kalayuan sa akin. I can still see her kahit medyo may kadiliman ang buong paligid. Her shoulders are trembling, umiiyak. Her clothes were untidy, na parang minadali at hindi napansin ang suot nito. There's a younger woman standing alongside her, looking at me with a mixture of concern and confusion.
Who are they? Bakit umiiyak ang matanda?
Binalingan ko ng tingin ang babaeng kasama ng ginang, napasinghap ako nang nagtama ang mata namin and a strange recognition flashed across her eyes.
"Gising na siya, Tita!" she exclaimed, hurrying to my bedside. "Janice! My name is Macey." Nakangiti na para bang kilalang-kilala niya ako.
My heart pounded with a mixture of confusion and unease. Janice? Who was she? Why was I here? Fear gnawed at my mind as I realized something, I don't remember everything. Is this amnesia? Kahit anong gawin ko ay walang lumalabas na alaala sa utak ko. Blangko.
"Who am I?" mahinang bulong ko pero sapat lamang na marinig niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin, tumahan na ang ginang ngayon ngunit nanginginig pa rin ito na para bang may nasaksihang nakakatakot. Lumunok ako saka pumikit ng mariin, naiinis dahil wala man lang akong matandaan. Kahit huling nangyari na lang sana.
"Wala kang maalala?" she asked softly. "Nasagasaan ka, mabuti na lang nakita ka namin ni Tita."
Nasagsaan? The words echoed through my mind, but they held no meaning. I had no recollection of any such event.
"What happened?" Umayos ako ng upo. Seryosong nakatitig kay Macey.
She paused, malumay ang kaniyang mga mata, napapansin ko ang pagod at sakit roon. "Nasagasaan ka ng malaking truck," she said. "Masyadong matindi ang impact non sa'yo kaya na-coma ka ng isang linggo. Akala nga namin hindi kana gigising, alalang-alala sa'yo ang mama mo, halos hindi na makatulog."
I stared at her in disbelief. Isang linggo? Mama? Pabalik-balik ang tingin ko kay Macey at sa matandang ginang. Is she telling the truth?
"What about the old lady? Who is she?"
Macey glanced at the old woman, who had now composed herself. "Mama mo 'yan, Janice," she explained. "Hindi ka niyan iniwan, halos hindi na nga kumakain 'yan."
A pang of guilt washed over me as I looked at the old woman. Wala akong naramdaman, nanatili lamang ako sa aking puwesto, hindi alam ang gagawin. Kung totoong mama ko talaga siya, mararamdaman ko iyon, right? Baka siguro dahil sa nangyari sa akin, I can't feel anything.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "I don't remember her," I said, my voice trembling. "Or you, or anything."
She nodded understandingly. "Alam naming nawala lahat ang memorya mo pero imbes na malungkot? Tutulungan ka naming makaalala, Janice,"
I closed my eyes, wala talagang pumapasok sa utak ko. Naiinis na ako. I had lost my memory, my identity, and I had no idea who I was anymore. Ang alam ko lang, mama ko ang matandang ginang na ito at kaibigan ko si Macey. May sakit ako sa puso, no'ng araw na nasagasaan ako, bumili daw ako ng gamot no'n ngunit sa kasamaang palad, humantong sa masaklap na trahedya ang buhay ko. At first, hindi ako naniwala dahil may tumutulak sa akin na hindi maniwala, may nararamdaman akong sakit at paminsan naluluha na lang.
Sumama ako sa kanila dahil naniwala akong kilala nila ako at wala ring mapuntuhan. I don't even know my real name. Just Janice, that's it. Nakatira sa probinsya ang mama ko at kapitbahay naman namin si Macey. Nang makarating sa kanilang lungsod, napuno ng chismisan ang buong bayan. Hindi ako kilala ng halos tao sa bayan na iyon, nagtataka ang kanilang mga mata na para bang ngayon lang nila ako nakita.
Sinawalang bahala ko lamang ang alitan na 'yon at tahimik na sumunod sa kanilang dalawa. Malapit sa dalampasigan ang bahay namin, may papa akong laging lasing at laging lulong sa utang. Nang makita niya ako kumunot ang kaniyang noo, sino raw ako at anong ginagawa ko sa pamamahay nila. Laging sagot ni mama, lasing at may sakit sa ulo.
Paminsan umaatake ang sakit ko sa puso, do'n ko napagtanto na totoo nga ang lahat. Kilala nila ako, sila ang mama at papa ko at may sakit akong paminsan umaatake. Dahil sa kahirapan, wala akong sapat na gamot para ibsan ang sakit ko. Mahirap kami, 'yon ang tumatak sa isipan ko.
Umalis ako ng probinsya at nag-desisyon na tapusin ang huling kabanata sa kolehiyo. Nag-aral ako sa Maynila kasama ang kakilalang kaibigan na si Niah. Nag part-time job at kung ano-ano pang trabaho ang pinasukan ko para lang may maitustos at maibigay kina mama dahil matanda na ito.
"Ang baduy ng taste mo!" maarteng sambit nito habang pinagmamasdan ang suot ko. Nasa loob kami ngayon ng apartment, maliit lamang 'to at kasya sa dalawang tao.
"Ano na naman ang problema mo sa suot ko?" Sa ilang taon kong pamamalagi sa probinsya, nakuha ko na kung paano sila manamit at mag-ayos. Kaya nadala ko din dito sa Maynila. Nakakailang nga minsan dahil ang sososyal ng mga damit nila, nakikita pa ang cleavage. Kagaya nitong si Niah, revealing lahat ang sinusuot.
"Hindi ka ba nauumay sa suot mo? Nagmumukha kang nanay na may sampung anak."
"Grabe ka naman sa sampung anak,"
"Aba! Totoo naman! Ang gaganda ng ibang damit mo pero hindi mo sinusuot kaya nauuwi sa akin,"
Inirapan ko siya. "Gusto mo naman."
"Syempre! Mukhang mamahalin, e!"
Umismid ako. "Ukay-ukay lang 'yon, mamahalin ka diyan."
Tumayo ako at binuksan ang malaking bintana sa aking likuran. Pumasok ang malakas na hangin ngunit hindi sariwa, napasinghap ako nang maamoy ang malansang amoy ng kanal at usok ng sigarilyo. Kakaloka. Sinara ko na lang ulit at bumalik sa pagkauupo.
"Kailan pasok niyo?" tanong nito habang naglalagay ng lipstick sa labi. May pupuntahan na namam yata ang bruhang 'to. Ayaw mag-aral.
"Next month pa. Saan punta mo?"
"May kikitain lang."
Umiling ako saka tumayo, lumapit sa pintuan at pinanood ang mga taong pabalik-balik, may ginagawa, naglilimos at nagbi-benta ng kung ano-ano sa tabi.
"Kailan kaya babalik ang alaala ko?" wala sa sarili kong bulong.
"I-lock mo ang pintuan ah? Baka bukas pa ako uuwi,"
"Huwag ka na lang kaya umuwi, Niah?"
Nakita ko ang pag-asim ng kaniyang mukha. Bago pa man ito mag-hesterikal, inunahan ko na.
"Kidding! Kumatok ka lang."
"Gaga ka! Alam kong wala akong kuwenta pero sinusubukan ko naman. Huwag kang mag-alala, Janice, kapag nagkapera ako ililibre kita ng siomai. Paborito mo 'yon, hindi ba?"
I really want to eat siomai na talaga. Sa sobrang hirap ng buhay, pati siomai hindi ko kayang bilhin. Laging nauuwi sa pag-aaral at kina mama ang pera ko.
Kailan kaya ulit ako makakatikim ng siomai?
"Ay nga pala, mag chismis ako!"
Sinara ko ang bintana. "Ano na naman 'yan, Niah?"
"Nakita ko sa mall kahapon sina Luella at Davian! Tangina, pinagpala talaga ang dalawang iyon!"
Kumunot ang noo ko. Hindi ko kilala 'tong mga taong binanggit niya. Sino ba 'yon?
"Ay tange! Hindi mo pala kilala. Basta, nakita ko sila kahapon. Ang ganda ni Luella sa personal! Hindi naman sila artista pero dahil sa impluwensya ng mga Salvatore para na rin silang artista. In short, mas mayaman pa sa artista!"
Inilingan ko lamang siya dahil wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Pera ang kailangan ko, hindi 'yang mga artista na 'yan.
"Mag-model ka kaya, Janice? Ang ganda ganda mo oh! Para ka ring artista!"
"Tigilan mo ako. Wala akong balak sumali sa mga gan'yan."
"Magkakapera ka!"
Umiling ako. Ayoko. Mas mabuti pang alagaan ko ang sarili ko kaysa sumali sa mga walang kuwenta. May sakit ako at paniguradong hindi ako tatagal. Niah talaga e, akala niya gano'n lang kadali mag-artista. Baka doon ako tuluyang mamatay.
Pumikit ako ng mariin. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik ang mga memoryang nawala sa akin. I want to know myself. Kahit sandali lang bago ako mawala sa mundong ito.
I want to know the truth.
***
Paalala lang po, paniguradong mabibitin kayo sa storyang ito at maaaring magalit kayo. Ang masasabi ko lang ay kung anong mangyayari sa kuwentong ito, iyon na po talaga at wala nang palitan, happy ending o dagdagan. Be aware of your words din po.
Nakaplano na ang story ni Janice. Sa librong ito, you will know the side character of Janice.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top