Kabanata 9

Klane's POV

"Ang hilig mo talagang manood, ano?" tanong ko sa kaibigan kong kanina pa nanonood sa serye nina Janice. Gulong-gulo ang mga mata nito habang bakas naman ang takot sa mga mukha ng kaniyang kaibigan. Lalong-lalo na si Hudson Lakren. Napakagago niya sa part na 'to. Still a user. Ginagamit ang babae para sa kaniyang pansariling kaligayan. Target niya pa si Janice, mukhang hindi niya pa naikama 'to ah.

"He's still a fucker. Hindi ba siya nandidiri sa sarili niya?" komento ko.

Nasa loob kami ng sasakyan ngayon. Huminto at nanonood. Hindi nga sana kami hihinto kaya lang bigla na lang itong tumigil at binanggit ang pangalan ni Janice. Ang lakas naman ng tama ng gagong 'to sa babaeng 'yon. Hindi naman kagandahan si Janice, simple lang 'to at hindi tipo ng kaibigan ko pero bakit siya ganito?

"Pupuntahan ba natin?"

"No. We stay here." Mahinang sabi niya at umayos ng upo.

Nagpakawala ako ng hininga at napansin ko ang butil butil na tubig sa aming sasakyan. Mukhang uulan yata.

Binalik ko ang tingin sa kanila. Pilit pinapakalma ni Hudson si Janice habang 'yong babaeng kaibigan naman niya ay umiiyak na. Ano ba kasing pinag-aawayan nila? Ayaw kasi buksan ni Harvis ang pintuan. Mukha ba kaming manghuhula rito? Kakabanas! Mukhang exciting part na 'to.

"Anong pinag-uusapan nila?"

Hindi na maganda ito. Umiiyak na ngayon si Janice. Sinasabayan pa ng malakas na ulan. Sigaw sila nang sigaw sa labas, hindi namin maririnig. What the fuck!

"Fuck! Go outside, Klane! Take her!"

"W-What? Anong gagawin mo? Huwag mong sabihing sasali ka sa alitan nila, Harvis? You can't do that!" inis na may halong tarantang sigaw ko sa kaibigan.

Ngunit hindi nakinig ang gago. Padabog niyang binuksan ang pintuan at tumakbo papunta sa kinaroroonan nina Janice.

"Tangina!"

Lumabas na rin ako ng sasakyan. Nanlaki ang dalawang mata ni Hudson habang hindi namang makapaniwala 'yong dalawang babae sa amin. Ang kaibigan ni Janice.

Nakahandusay ang katawan ni Janice nang kunin siya ni Harvis. Mura ito nang mura habang inaakay ang kaniyang katawan. Is she okay? Hindi na gumagalaw ang katawan niya.

"Saan ninyo dadalhin si Janice? Sino kayo!" sigaw ng babaeng hindi ko kilala. Pulang-pula ang mga mata nito. Galing siguro sa pag-iyak.

"Janice!"

Lumapit ako kay Hudson. Nanigas na ito ngayon, ni hindi man lang gumalaw-galaw.

Hinawakan ko ang kaniyang kuwelyo. "Kung gusto mo pang mabuhay? Umalis ka na sa lugar na ito dahil hinding-hindi palalampasin ni Harvis ang ginawa mo sa babaeng 'yon..." Binalingan ko ang dalawang babae sa kaniyang likuran.

"Kahit na babae, hindi niya palalampasin, Hudson Lakren."

Winaksi niya naman ang kamay ko. "Anong pakialam mo ah? Bakit ninyo kinuha si Janice! Kami ang maglilibing sa kan—" Of course, I didn't let him his fucking words. Malakas ko siyang sinuntok sa tiyan at mukha dahilan nang pagtilapon niya. Hindi pa ako nakuntento, nilapitan ko siya at muling sinuntok ang mukha at leeg niya.

"Hindi mo kilala kung sino ang babaeng 'yon, Lakren. Baka kapag malaman mo, hindi lang suntok ang makukuha mo sa kanila. You will taste their wraths. Kaya huwag na huwag mong kakalabanin ang nakakataas sa'yo, kundi pati 'tong dalawang babae hindi nila palalampasin!"

"She's dead! She's sick!" malakas na sigaw ng isang babae. Nakatayo siya habang mariing tinuturo ang sasakyan namin.

Pinagpagan ko ang aking mamahalin na damit. Akala ko pa naman worth it pag-aksayahan ng oras ang mga walang hiyang 'to. Iyon naman pala isa rin pa lang basura.

"She's sick? Paano mo naman nasabi?"

"D-Dahil lagi siyang umiinom ng gamot! May sakit siya sa puso!"

I know Janice is just a simple girl with a cheerful personality. Sinabihan ko siyang simple dahil doon ko siya nakilala at doon ko nakita ang totoong siya. I don't know bakit nagustuhan iyon ni Harvis, e hindi naman gano'n ang mga tipo niya sa babae. Mana siya sa tatay niyang mahilig sa mga b0ld girls. Well, sa nakikita ko ngayon, umiba na ang taste niya. She's not bad din naman. Nakagugulat lang.

And she's sick? She's really sick. Nawala ang memorya niya sa kaniya. Ang memoryang nagpabago sa kaniya nang ganito. If her memory comes back, mag-iiba ang pananaw niya sa buhay. She will forget everything here. Kung gaano kasakit ang ginawa ng mga taong 'to sa kaniya.

Nilingon ko muli si Hudson bago sa babaeng nakaluhod. "Pinaubaya ng kaibigan mo ang lalaking 'yan sa'yo kahit hindi na kailangan, hindi naman kasi siya worth it ipaubaya. If you won't accept him, desisyon mo na iyon. Huwag mong sayangin ang buhay na tinaya ni Janice para sa lalaking 'yan at para sa'yo."

Tumikhim ako at umayos ng tayo. Basang-basa na ako ngayon. Tangina!

"Saan niyo dadalhin si Janice?"

"Huwag niyo siyang s-sasaktan! May s-sakit siya!"

Ngumiti ako sa mga taong naging parte ng buhay ni Janice. Mga taong walang kuwenta at dumaan lang sa kaniyang buhay.

"Janice..."

"Alam kong alam mong kamukha ng babaeng iyon si Janice kaya mo hinahabol-habol ngayon..."

Ngumisi ako. Inisa-inisang tiningnan ang mga kaawa-awang mukha nila. Talagang hindi palalampasin ni Harvis ito.

"Kahit anong gawin mo... kay Harvis pa rin babagsak ang babaeng 'yon, Hudson Lakren."

Tumalikod ako habang may malaking ngisi sa labi. Hindi niyo na muling makikita pa si Janice.

"Saan natin dadalhin ang babaeng 'to, Harvis?"

"Tinawagan ko na si Mrs. Alcazar. Sila na ang bahala sa katawan ni Janice."

"Is she okay?" tanong ko kahit na alam kong hindi okay si Janice. Putlang-putla na ito ngayon, para bang wala ng buhay.

What the fuck.

"I don't know."

Pinaandar niya ang sasakyan. Sobrang bilis non, halos liparin ako. Tangina!

***
NAKARATING kami sa ospital na pagmamay ari ni Mrs. Santford. Asawa ni Tito Skie. Hindi daw available si Mrs. Alcazar kaya dito namin naisipan na dalhin si Janice upang ipagamot. Alam kong imposible itong gustong mangyari ni Harvis pero pursigido talaga siyang magmumulat pa si Janice. Punyeta! Ako ang kinakabahan sa kaniya. Papaano kung hindi na talaga siya gigising? Hindi na gumagalaw ang katawan niya at hindi na rin humihinga. Imposibleng mabubuhay pa iyon. Kakapit na lang talaga kami sa himala nito. Ang itaas na ang bahala sa kaniya kung bibigyan pa siya ng pangatlong buhay.

Shit!

"Huminahon ka nga, Harvis! Kinakabahan din ako sa'yo e!" iritado kong singhal sa kaniya. Kanina pa siya palakad-lakad sa harapan ko. Nakakairita.

"Sa tingin mo makakakalma pa ako sa lagay na 'to? Hindi natin alam kung may chance pa bang mabuhay si Janice! She's not fucking breathing anymore!"

"Walang magandang maidudulot 'yang pabalik-balik mo, Harvis. Bakit hindi mo na lang dasalan si Janice, ah? Prayer is the most powerful thing! Subukan mo 'yan kaysa maglakad-lakad na parang baliw!"

Sinamaan niya ako ng tingin. Nagkibit-balikat lamang ako at tinuon ang atensyon sa malaking pintuan ng ospital. Naramdaman ko namang umupo siya sa tabi ko, nakayuko at palihim na nagdadasal habang nanginginig ang balikat.

I know it's really impossible. Pero umaasa ako na puwede pa. Na mabubuhay pa si Janice.

Days turned into weeks and months. Hindi pa rin gumigising si Janice sa kaniyang higaan. Nasa labas ako pinapanood ang kaniyang payapang katawan habang katabi ko naman si Harvis na kanina pa palihim na umiiyak. Hindi niya pa rin tanggap. Umaasa pa rin siya kahit kaharap na mismo namin ang monitor na nagsisilbing may hawak sa buhay ng tao. We see nothing there, tanging linya lang. Ibig sabihin, wala ng pag-asa.

Hindi na mabubuhay si Janice.

"Ginawa na namin ang lahat, Harvis, gano'n pa din. Wala na siyang buhay. Hindi puwedeng pilitin ito, the monitor sa—"

"She will open her eyes again, Tita Vena! Gusto ko ako ang unang makasaksi non! I trust her! Magigising siya! Hindi niya ako iiwan!"

Mahigpit kong hinawakan ang kaniyang katawan upang pigilan siya sa anumang gagawin niya. Tangina, Harvis! Siguro kung wala ako dito baka kanina pa ito nagwawala sa loob ng ospital. Buntis pa naman si Tita Vena, paniguradong malilintikan kami kay Tita Skie kapag pina-stress namin ito.

"Stop it, Harvis! Tanggapin na nating hindi na babalik si Janice—"

Nakatanggap ako ng malakas na suntok sa pisnge.

"Wade! Huwag kayong mag-away dito!"

"Ikaw rin? Naniwala na hindi na siya gigising? Klane, kaibigan kita. Akala ko—"

Tumayo ako. Kinuyom ko ang kamao. "Oo! Kaibigan mo ako, Harvis, pero tangina! Alam nating wala nang buhay si Janice no'ng kinuha natin siya sa pisteng lugar na iyon pero naniwala akong mabubuhay pa siya. Hindi ako umalis o iniwan man lang kayong dalawa! Nanatili ako kahit alam kong wala na! Hindi na puwede! Patay na si Janice. Tarantado ka rin kasi e!" galit kong untag at walang lingon-lingong tumalikod. Putangina kasi e! Bahala siya sa buhay niya.

Kaibigan ko silang dalawa pero marunong din akong umurong. Pagod na pagod na akong umintindi sa gagong 'yon. Bahala na siya kung anong gawin niya sa buhay niya.

"Maka-uwi na nga lang—"

"WADE! SI JANICE, GUMALAW ANG DALIRI NIYA!"

Bigla akong natigilan nang marinig ang malakas na sigaw ni Tita Vena sa aking likuran. Imbes na lumapit, ngumiti ako at tuluyan na ngang lumabas ng ospital.

"Ako na ang bahala sa kanila. Let them taste my sweet revenge."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top