Kabanata 8

Continuation.

"I will make you the happiest woman in the world, Janice. Hindi kita iiwan, susunod ako sa mga yapak mo..."

He held my both hands. Nanatili lamang akong nakatitig sa kaniya. Hindi maipaliwanag ang sariling nararamdaman. Ngumiti siya sa akin, kapansin-pansin ang panginginig ng kaniyang dalawang kamay. Kinakabahan habang hawak ako. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa desisyon niyang ito. Wala namang atraso sa akin kung gagawin niya 'to, ang akin lang ay sana'y huwag niyang gawing excuse para sawalaing bahala 'yong ginawa niya. I'll be the happiest kung sincere ito.

"I know I made a mistake, Janice. Pinagsisisihan ko 'yon. Hindi ko na ulit gagawin 'yon ipinapangako ko. Sa'yo lang ako, Janice."

Muli na namang nagsihayawan ang mga tao. Napapansin ko ang flash sa kanilang mga cellphone. Kinukuhanan kaming dalawa ni Hudson. Tumikhim ako, ayoko nang patagalin ito. Kung anuman ang magiging desisyon ko ay hinding-hindi ko sana pagsisisihan.

Hinawakan ko ang pisnge ni Hudson na naging dahilan nang paggalaw niya ng kaonti. Nakikita ko ang pag-asa sa kaniyang mga mata. Walang halong biro iyon. Wala naman sigurong mangyayari kung tatanggapin ko 'to. We're still studying, hindi naman kaagad magpapakasal.

"Thank you, Hudson." I flashed a smile.

"I-Is that a yes, Janice?" kinakabahang tanong niya.

Dahan-dahan akong tumango at niyakap siya kasabay nito ang malakas na hiyawan ng mga tao sa aming likuran. Nagsipalakpakan. Masaya sa aming dalawa ni Hudson.

I'm happy too...pero hindi ko maiwasang hindi malungkot.

"I love you, mahal! Thank you!"

***

"Ang harot harot mo, Janice. Toda-highest level na kaharutan, jusko! Pero masaya ako para sa'yo. Tangina mo! Ang swerte swerte ni Hudson sa'yo, buwesit siya!" natawa ako sa paiyak na mukha ni Niah. Natutuwa siya pero at the same time ay ayaw niya kay Hudson. Laking-pasalamat ko sa kaniya dahil suportado pa rin siya sa amin kahit na labag minsan 'yon sa loob niya.

Napangiti ako sa singsing na nasa aking daliri at pulang rosas na binigay niya kaninang umaga sa akin. Ang romantiko ng lalaking 'yon. Hindi ko talaga inaasahan 'yung nangyari kahapon, kaya pala kami pinagtitinginan dahil magpo-propose pala ang Hudson na 'yon, pambihira talaga. Masaya ako. Hindi ko inaasahan ito. Gusto ko sanang ibalita ito kina mama kaso saka na lang kapag handa na ako. Ayokong mahuli sila sa balitang 'to.

"Gaga ka! Kilig na kilig talaga!" umirap sa akin si Niah at nilantakan 'yung chocolates na galing din kay Hudson.

Saan niya kaya nakuha ang mga ito?

"Mamahalin ang singsing na 'yan. Gaano kaya kayaman ang Hudson na 'yon, ano?"

Pinagmasdan ko ang singsing na nasa aking daliri. Mamahalin nga 'to at kilalang-kilala ang brand nito sa buong Pilipinas. Hindi din naman fake. Kasi kapag fake ito lulusaw ang kulay niya, sinubukan namin ito kanina at hindi naman umiba. Ni-search pa ni Niah kung totoo ba talaga dahil isasangla daw kung sakaling maghihirap ako. Loko talagang babaeng iyon.

"Nga pala, nakabili ka na ba ng gamot mo?"

"Bibili pa ako ngayon." Sagot ko sa kaniya sabay tayo at inom ng tubig. Bibili ako ngayon sa nakagawian kong pharmacy. Hindi naman nakakagaling ang gamot na 'yon, tinutulungan lamang ako no'n para hindi ako masaktan at para hindi magdusa sa sakit.

"May pera kang pambili?"

"Oo, kakukuha ko lang ng sahod kahapon. Papadalhan ko pa ng pera sina mama. Saka nga pala, bayaran mo ang upa natin dito, may iniwan akong pera diyan sa Lamesa. Ibabayad mo 'yan, ah?"

"Oo naman! Pasensya ka na kung wala akong trabaho, Janice. Wala kasing tumatanggap sa akin e at wala rin akong alam sa gawaing bahay,"

"Siguro senyorita ka sa past life mo," saad ko naman. Umirap naman siya at umiling. Sayang ang kagandahan ni Niah, pwede naman siya sa modeling pero ayaw niya dahil makikita niya raw ron ang kalandian niya. Sino naman kaya 'yon?

"Hindi noh, tambay siguro." Sagot naman niya. Tumawa ako. "Aalis na muna ako!"

"Saan ka na naman pupunta?"

"Bibili ako ng gamot at magpapadala ng pera kina mama."

"Okay! Mag-iingat ka, ah? Lalo na diyan sa mga tambay sa ibaba. Bali-balita na nawawala daw 'yong isa nating board mate na babae diyan sa 'baba at huli niyang kasama ay 'yang mga tambay."

"Kailan lang nangyari?"

"Kahapon ko narinig. Usap-usapan kasi 'yan ngayon. Hindi naman nabo-bother 'yung mga tambay, kunwari wala silang ginawa,"

"Eh kung wala nga?" kapag kasi may ginawang masama ang tao magtatago 'yon at hindi magpapakita. Bakit tumatambay pa rin ang mga tambay na 'yon kung may ginawa pala silang mali, hindi ba? At saka hindi lahat masama, mababait din 'yong iba.

"Hindi mo sure. Basta, mag-iingat ka at huwag mo silang pansinin kung tatawagin ka man."

"Noted! Aalis na ako, mag-iingat ka rin dito, ah? Huwag mong bubuksan ang pintuan."

Bumaba ako at nagpasya na tumungo sa malapit na Palawan dito sa lugar namin. Habang tinatahak ko ang daan papunta roon hindi ko maiwasang hindi marinig ang mga bulungan ng mga tao. Hindi naman tungkol 'yon sa akin. Tungkol 'yon sa babaeng nawawala at sa mga tambay na muntikan ko nang lingunin kanina, mabuti na lang talaga napigilan kong huwag silang tingnan.

Natatakot ako.

Mukhang malakas ang mga tambay na 'yon at kayang-kaya nila ang isang babae.

"Nakita na ba ang babae?"

"Kay gandang bata pa naman no'n."

"Hindi pa daw umuuwi e."

"Sigurado ka ba talaga na ang mga tambay na 'yan ang may gawa?"

"Hindi ako nagkakamali."

Dumeresto ako sa malapit na Palawan at nagpadala ng pera kina mama, pagkatapos ay dumeretso ako sa pharmacy na kinagawian kong bilhan.

Pagpasok ko sa loob ay muntikan kong mabangga ang lalaking naka-hoodie na black. Yumuko ito sa akin pero sa hawak niya na plastic ako nakatingin. May mga bottles iyon na gamit, marami. Siguro gamot niya.

Umiwas ako at tinungo ang counter. Sinabi ko ang bibilhin ko at kaagad ko namang nakuha. Pagkatapos ay dumeretso ako sa karenderya na pinagta-trabahuan ko pero bago 'yun ay huminto muna ako dahil pamilyar sa akin ang lalaking nasa labas. Si Hudson na naka-puting T-shirt. Saan siya galing?

Akmang lalapitan ko na sana siya nang may lalaking lumapit sa kaniya. May nilahad na kung ano, nilahad niya naman ang plastic na hawak niya. Hindi ko gaanong makita kung anong laman ng mga iyon pero parang pamilyar sa akin 'yon. Galing din kaya siya ng pharmacy? Supot kasi 'yon ng pharmacy.

"Hudson!" malakas na sigaw ko. Mabilis naman siyang napalingon sa akin at kita ko ang panlalaki ng mga mata niya na tila nakakita ng multo.

"J-Janice..."

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya habang 'yong kausap niya ay umalis. Nagmamadali. Bakit kaya.

Mukhang nakakita ng multo 'tong si Hudson. Ano kayang meron?

"Saan ka galing? At sino 'yong kausap mo?" nagtataka kong tanong.

"Kaibigan ko, mahal. Binilhan ko ng gamot dahil naglayas sa mansyon nila," lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Kinilig naman ako. Kakainis! Hindi pa nga ako naka-move on kahapon e.

"Gusto mo ba ang singsing na binigay ko?" ngumiti siya at hinaplos ang buhok ko. "Gustong-gusto na kitang pakasalan, Janice, ngunit huwag mo na sa ngayon dahil gusto kong makapagtapos ka muna ng kolehiyo. Mag-iipon din ako, mahal."

Hinawakan niya ang mukha ko.

"Nirerespeto ko rin ang desisyon mong makapagtapos. Tatapusin natin ang huling taon sa kolehiyo at magpapakasal tayo, Janice. Pinapangako ko 'yan sa'yo. Hinding-hindi ako bibitaw sa mga salitang ito," hinaplos niya ang kamay ko.

"Alam kong may ginawa akong mali, alam kong nasaktan kita, Janice. Labis kong pinagsisihan 'yon. Nagawa ko 'yon kay Hope dahil lasing ako at inakala kong si Hope ay ikaw. Wala ako sa tama-"

Hindi natapos ni Hudson ang kaniyang sasabihin nang marinig namin ang boses ni Hope at malakas na sigaw ni Niah.

"JANICE!"

"Tangina mo, Hope! Tumahimik ka!"

Sabay kaming napalingon ni Hudson kina Hope at Niah. Putlang-putla si Niah habang si Hope naman ay namamaga ang mukha.

"Anong nangyayari?!"

"J-Janice..." Hinawakan ni Hope ang braso ko.

"Fuck, Hope! Papatayin talaga kita!"

"Ano 'yon, Hope?" bigla akong kinabahan. Napansin ko ring umalis sa tabi ko si Hudson. Umatras siya habang pinapanood niya akong naguguluhan.

Anong nangyayari?

"Hope, ano ba!"

"Buntis si Niah, Janice!" malakas na sigaw niya kayat dinig na dinig ko 'yon.

"Buntis siya, Janice!" umiiyak si Hope habang sinasabi iyon. Samantalang si Niah ay napaluhod. Bakit ganito ang reaksyon nila?

"Sinong nakabuntis sa'yo, Niah?!" pasigaw na tanong ko. Sana naman hindi 'yong kung sino-sino lang ang nakabuntis sa kaniya. Malilintikan talaga siya sa akin.

"J-Janice, sorry..."

"Huwag kang humingi ng sorry, Niah. Sinong nakabuntis sa'yo? Baka tambay 'yan, ah? Uupakan talaga kita."

Gusto kong matuwa ngunit natatakot ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Janice..."

"Hope, huwag muna ngayon!"

Mas lalong bumilis ang tibok ng aking puso.

"Sino ang ama, Niah?" naramdam ko ang panginginig ng aking labi Hindi ko maunawaan ang sariling emosyon. Naguguluha ako, ewan ko kung bakit.

"Janice...sana mapatawad mo ako. Hindi ko ginustong mangyari iyon. L-Lasing kaming d-dalawa..."

"S-Sino, Niah?" mas lalong bumigat ang aking pakiramdam.

"Si Hudson ang ama ng dinadala ni Niah, Janice! SIYA ANG AMA NG ANAK NI NIAH!"

Parang biglang gumuho ang mundo ko nang marinig iyon mula kay Hope. Bumagsak ang supot sa lupa kasabay nang pagbagsak din ng aking mga luha.

Tiningnan ko sila. Napaatras ako habang umiiling-iling.

Humagolgol na ngayon si Niah sa aking harapan. Hindi ko na mamukhaan ang kaniyang mukha dahil sa make-up nitong nagkagulo na.

Tila nabingi ako. Tila tumigil ang mundo. Nanaginip ba ako? Totoo ba ito? Hindi naman 'yon magagawa ni Niah sa akin, hindi ba? Mahal na mahal ko siya kahit wala siyang ambag minsan sa renta namin. Hindi ko rin siya sinisingil, hindi rin sumama ang loob ko at mas lalong wala akong galit sa kaniya. Pero bakit...

"B-Bakit mo n-nagawa sa akin 'to, N-Niah?"

Mas lalong sumikip ang aking dibdib habang walang lakas na nakatingin sa kaniya. Nakaluhod siya sa aking harapan, umiiyak na tila mas nasaktan kaysa sa akin.

"M-Mahal ko si Hudson, N-Niah. Alam na alam mo 'yan pero nakaya mo rin akong t-traydurin. Masaya ka ba?"

Kinuyom ko ang aking kamao. Nararamdaman ko na ang sakit sa aking puso. Naghalo-halo na. Hindi ko na mawari.

"J-Janice...p-patawad...h-hindi namin ginustong mangyari 'yon. L-Lasing-"

"Lasing? At bakit kayo magkasama?! Saan at kailan 'yan nangyari? Tangina naman, Hudson. Binigay ko lahat sa'yo, pagmamahal ko na halos wala na akong tinira sa sarili ko! Minahal pa rin kita kahit nasasaktan pa din ako sa ginawa ninyong dalawa ni Hope. Sinawalang bahala ko ang lahat, Hudson, dahil mahal kita. Kaya kong magpakatanga para sa'yo! B-Bakit k-kaibigan ko pa?"

Tiningnan ko si Niah.

"Niah...ang sakit..." turo sa puso ko habang dinadama ang mainit na likidong dumadaloy sa aking pisnge. Nakatingin lamang ako sa kanila habang unti-unting nadudurog ang aking puso sa sakit. Bakit nila nagawa sa akin ito? Hindi ko ba deserve sumaya? Lagi na lang ba sakit ang nararapat sa akin?

Pagod na pagod na akong umintindi oh! Pagod na pagod na akong unahin ang nararamdaman ng ibang tao kaysa sa sarili ko!

Ito na ba? Hanggang dito na lang ba ang lahat? Hindi ko na kaya e. Mas lalo akong nadurog nang nalamang nasa malapit lang pala ang sasaksak sa puso ko. Pinatawad ko si Hudson no'ng nagtaksil silang dalawa ni Hope sa akin. Ngayon, mas matindi pa dahil may bata sa kaniyang sinapupunan. Wala akong laban. Wala na akong lakas para lumaban at akuin ng lubos si Hudson.

Tama na. May nagmamay ari na sa kanilang dalawa. Sapat na ang ilang taong pagsasama namin ni Niah. Kahit papaano naramdaman kong may kasangga ako sa buhay. May rason ako para mabuhay ng matagal.

Kinuyom ko ang aking kamao kasabay nang pagbagsak ng malakas na ulan.

Is this the end? Handa na ba akong bumitaw sa mundong naging parte ng buhay ko? Handa na ba akong bumitaw sa memoryang nakabaon na sa limot?

Ngumiti ako. Ngiting walang kabuhay-buhay.

Masakit na, kaya tama na.

"Janice..."

Naramdaman ko ang papalapit na yapak ni Hudson. I smiled bitterly at buong lakas kong sinalubong ang kaniyang mukha. Sinampak ko ng malakas ang kaniyang mukha kasabay nito ang panlalambot ng katawan ko pero hindi ko pinahalata.

"Pinatawad kita! Kinalimutan ko ang ginawa mo upang ibsan ang sakit na aking naramdaman kahit alam kong palihim ako nitong dinudurog! Nagtiwala muli ako dahil akala ko hindi mo na ulit gagawin! Pero tangina, Hudson?! Kaibigan ko pa talaga? Nasaan na 'yong mga pangako mo? Napako na ba?"

"J-Janice..."

Mas lalo akong nadurong nang mapansin ang unti-unting paglandas ng kaniyang mga luha. Hindi ko kayang tingnan. Nasasaktan ako.

"Minahal pa rin kita kahit alam kong sobrang sakit na. Kinalimutan ko ang mga nagawa mo dahil naniwala ako na magbabago ka, Hudson. Pinili kong dibdibin ang sakit dahil naniniwala ako na ako lang!"

Napasinghap ako nang naramdaman ang pangangalay ng aking dalawang braso. Wala na akong lakas pa. Susunod na ang dalawang paa ko. Damn.

"Janice...mahal na mahal k-kita."

Mas lalong kumirot ang puso ko. Nanlalabo na rin ang mga mata ko habang pilit nilalabanan ang pagbagsak ng ulan.

Yumuko ako. Ngumiti. "S-Salamat dahil sa sandaling panahon naranasan ko ang pagmamahal mo, Hudson. Kahit masakit, kahit nakakadurog nilabanan ko pa rin. Salamat dahil naging parte kayo ng buhay ko..."

Hinarap ko si Niah. Mas lalong lumakas ang kaniyang iyak. Kahit nanghihina ang katawan ko, pinilit ko pa rin ang sariling lumapit sa kaniya.

"J-Janice..."

Nilapit ko ang noo ko sa kaniyang noo at pumikit. "Salamat, Niah. Sa lahat..." pumikit ako ng mariin nang maalala ang kulitan, bangayan at tampuhan namin sa maliit na silid na iyon. Mga kulitan na nauwi sa bangayan at tampuhan, ngunit nauwi naman sa tawanan ang lahat.

Muli na namang tumulo ang aking mga luha at mas lalong nanginig ang balikat ni Niah. "Salamat dahil nanatili ka hanggang dulo." Bulong ko at hinalikan ang kaniyang noo bago humarap kina Hope at Hudson na ngayo'y hindi na maipinta ang kanilang mga mukha.

"Hudson...mahal...tahakin mo ang tamang landas. Sana sa pangalawang pagkakataon, hindi ka na bibitaw, hindi mo na ipapako sa isang kahoy lang ang 'yong pangako, sana sa pagkakataon na ito, natuto ka na na hindi lahat tama. Na hindi lahat okay lang na masaktan ang iba, at sagipin ang puso mo sa sakit..."

Unti-unting nang namamanhid ang tuhod ko. Bago pa man ako tuluyang bumagsak at mawalan ng buhay. I smiled at them again for the last time.

This is the end. Hindi man naging maganda ang wakas ng aking buhay, I will still treasure our memories.

"Be a man, Hudson. Magpakalalaki ka sa anak mo. Huwag mong gawin ang ginawa mo sa akin d-dahil masakit..."

Tiningnan niya ang dibdib ko. "Masakit dito at walang lunas sa pusong unti-unti nang bumibiyak..."

Kinagat ko nang mariin ang labi upang pigilan ang aking hikbi. "P-Pinapalaya na kita, H-Hudson..." mas lalong kumirot ang aking puso."P-Pinapaubaya na k-kita- " kasabay nito ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa, malakas na pagsigaw nila sa pangalan ko at panlalabo ng aking paningin.

"Janice!"

"Janice!"

"Janice!"

Thank you for everything you've done to me.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top