Kabanata 7
Janice s POV
"Sigurado ka ba sa desisyon mong 'to, Janice? Alam kong nasaktan ka. Palalampasin mo na lang ba 'yon?"
Hinubad ko ang aking sapatos at sumampa sa kama habang siya naman ay nakatayo sa aking harapan. Naghihintay sa magiging reaction ko. Wala namang atraso sa akin 'yon. Masakit oo dahil binigay ko sa kaniya ang sarili ko ng buo pero sa iba siya humalik.
Naalala ko na naman ang nangyari kanina, ang harapan-harapang halikan nina Hope. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mukha ni Hudson. He likes Hope! Sino namang hindi magkakagusto sa babaeng 'yon, aber. Mayaman sila, maganda at higit sa lahat ay healthy. Samantalang ako? Mahirap na nga, pangit pa, masakitin at taning pa ang buhay. Sinong mananatili non? Fuck! Bakit ko ba iniisip ito Hudson is mine, habang nabubuhay pa ako sa akin muna siya. Makapaghintay naman siguro si Hope. Ipapaubaya ko rin naman sa kaniya iyon kung gusto niya. Sa ngayon, ako muna. Ako ang nauna e, sa akin nanligaw pero sa iba—argh!
"We have a deal, Niah. I can't break that."
Kumunot ang kaniyang noo. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako ng mariin. "Anong deal 'yon?"
"Huwag ka ngang chismosa. Sige na umalis ka na!"
"Ang damot mo! Gusto mo lang solohin si Hudson, e!"
Tumawa ako. "Malamang jowa ko iyon!" giit ko.
"Duh! Walang forever, Janice. Maghihi—"
Kinuha ko ang unan at padarang na tinapon iyon sa kaniyang mukha. "Umalis ka na nga! Parang wala kang nilalanding iba, ah kung makaasta!"
Ngumisi siya at kinuha ang unan sa sahig. Lumapit muli siya sa akin. Kita kong kumislap ang kaniyang mga mata.
"May nakita akong guwapo kanina. Gosh, nagpaulan. Gusto ko sana siyang payungan kaso umalis kaagad kami pagkaalis ninyo,"
Kumunot ang noo ko. Is she talking about Harvis? "Hindi mo sinundan?"
"Gaga, bakit ko naman susundan? Hindi ko iyon kilala pero ang guwapo talaga tangina, Janice. Jojowain ko iyon kapag nakita ko." Seryoso niyang sabi.
Mabilis naman akong tumikhim at sinipa siya ng kaonti dahil nararamdaman kong hindi ako komportable. Ayokong pag-usapan ang lalaking 'yon.
Pero bakit ako naiinis sa gagawin ni Niah. Sigurado ba siyang makukuha niya ang loob non? Kakagat din kaya si Harvis sa kalandian ni Niah?
Damn. I don't know.
"Hmp! Alis na nga ako. Baka makita ko 'yon ulit!"
"Landi mo!" asik ko. Tumawa lamang siya at kumaway sa akin. Kitang-kita ang kaniyang makinis na likod dahil sa suot nitong top. Naka skirt siya at sexy top naman sa pang itaas. Handa na talagang lumandi e. Nakasuot din siya ng 3 inch na heels at black na bag. She walked out without looking at me, narinig ko pa ang malakas niyang tawa sa labas.
Nakasalubong niya siguro ang mga tambay sa labas. Mabuti na lang mababait ang mga 'yon. Hindi nanbabastos.
Hays. Sigurado ba si Niah sa gagawin? Bakit hindi ako mapakali. Hindi ko naman pagmamay ari si Harvis. If she wants him, I don't—I do care!
Bumaba ako ng kama. Binuksan ko ang pintuan at hinanap ang pigura ni Niah. Kasasakay niya lang ng tricycle. Tumatawa na naman. Talandi talaga ng babaeng ito oh.
Bumalik muli ako sa aking higaan. Mabuti na lang walang pasok bukas. Lalabas kami ni Hudson, bawi niya raw sa ginawa niya sa akin. Kala niya talaga gano'n lang kadali e. Bahala na nga, pinili ko naman 'to.
Humiga ako, tumihaya at niyakap ang unan. Sana nga tama itong desisyon ko. Sana tamang pinili ko si Hudson.
"Argh! Bakit hindi ko maiwasang hindi isipin ang lalaking 'yon? Nagpaulan siya kanina, lalagnatin 'yon!"
Nanlaki ang mata ko sa aking reaksyon. Lumunok ako at inisip ang sarili.
Mabuti na lang ayos lang ako. Kahit may sakit ay malakas pa rin sa ulan. Swerte ba ito o malas?
***
"Ang aga natin ngayon, ah? Saan punta mo?" tanong ni Niah habang may kinakaing chichirya. Nasa kuwarto kaming dalawa ngayon pero aalis ako dahil may trabaho at date kaming dalawa ni Hudson. Alam kong hanggang ngayon ay masakit pa rin pero sinasawalang bahala ko 'yon dahil mahal ko si Hudson. Mahal nga ba? Siguro nga martir akong babae, tanggap ko naman.
"May lakad na naman kayo ni Hudson? Nasisikmura mo pa talagang pakisamahan ang lalaking 'yon, ano?"
"Niah, naman, tapos na tayo dito, hindi ba? Napag-usapan na natin 'to."
"Oo, Janice, pero kapag 'yon hindi
magbago? Uupakan at mas dobleng sakit ang ibibigay ko sa kaniya, Janice." Napangiti naman ako sa sinabi niya.
"Oo na nga. Sige na alis na ako! Mag-iingat ka ah,"
"Ikaw kamo mag-iingat." Irap na sagot niya. Tumango naman ako saka sinuot ang bag ko.
Mabuti na lang walang nangyaring masama sa kaniya kaninang umaga. Alas singko na kasi siyang nakauwi, lasing na lasing ang gaga. Tatanungin ko sana kung nakita niya ba 'yong lalaking hinahanap niya ngunit pinigilan ko ang sarili ko. Magkwe-kuwento naman iyon kung nakita niya. Bakit naman ako nababahala.
Ngumiti ako. Ayokong sirain ang araw na ito. Unang date naman ni Hudson 'to e. Susulitin ko ang araw na ito. Landi mode muna ako ngayon habang hindi pa umaatake ang sakit ko.
Lumabas ako ng kuwarto namin at tinungo ko ang karenderya kung saan ako nagta-trabaho. Nakatutuwa na mabenta ngayon ang karenderya, maraming mga dayo kaya't natutuwa ako. Mukhang malaki ang sahod kong maiuuwi mamaya ah. Kailangan ko pa kasing padalhan ng pera si ama, matagal-tagal na rin kasi.
"Janice, ang ganda ng ngiti natin ngayon, ah!"
"Hindi naman po," nahihiyang turan ko naman sa kasama kong nagta-trabaho rin dito sa karenderya. Mababait naman sila, tinuring nila akong isang kasapi ng kanilang pamilya.
Napabuntonghininga ako at binalik muli ang atensyon sa ginagawa. Pagkatapos nito ay susunduin ako ni Hudson dahil magdi-date daw kami. Ang landi talaga ng lalaking 'yon, kahit na may malaki 'yung ginawa sa akin sinawalang bahala ko na lamang dahil nga ginusto ko. Mukhang kinalimutan niya rin 'yung nangyari. Paano kaya si Hope?
Hindi ko na kasi siya nakikita sa campus. Hindi na rin sila nag-uusap ni Niah. Kaya ngayon tambay ang babaeng 'yon sa bahay namin. Walang trabaho, kung maghahanap man ng trabaho 'yon, gustong ibenta ang katawan, hindi kayay sasayaw sa loob ng bar. Ayokong gawin niya 'yon para sa gastusin namin. Kahit malandi ang babaeng 'yon, ayokong gano'n ang trabahong tatahakin niya.
"Aalis ka na, Janice?"
"Opo. Maraming salamat po."
"Mag-iingat ka, ah? Inumin mo lagi sa tamang oras ang gamot mo."
Kumaway ako sa kanila at tumango. Hindi ako bumili ngayon ng gamot dahil naubusan. Bukas pa ako makakabili. Huwag sana mapaparamdam itong sakit ko ngayon, ayoko munang maramdaman.
Tinungo ko ang malaking gate ng Klaus University. Napangiti ako nang makita ko si Hudson. Nakasandal sa sariling sasakyan, mukhang kung sino. Hindi tuloy maiwasan ng mga kababaihang hindi lumingon sa gawi niya, ang gwapo ba naman kasi ng nobyo ko. Nakakainis isipin.
"Mahal!" malakas na sigaw ko. Mabilis naman siyang napalingon sa gawi ko. Sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi bago siya pumasok sa sasakyan at nilapitan ako.
"Ghad, namiss kita, mahal ko!"
At paglabas niya ay mabilis niya akong sinalubong ng yakap. Sobrang higpit no'n, tila hindi ako bibitawan. Sana nga.
"Mas lalo ka yatang pumayat ngayon, Janice. Kumakain ka pa ba? Ang gamot mo?" seryosong tanong niya.
"Oo naman." Angil ko naman kahit ang totoo niyan ay hindi pa ako umiinom ng gamot dahil naubusan nga. Bukas pa ako makakabili.
"Shall we go?"
"Yes!"
Sana maging successful itong date namin. First time ko e. Huwag niya lang talaga akong lokokohin at paaasahin kundi!
Pumunta kami ni Hudson sa Ariel Park. Isa sa mga sikat na Park dito sa lugar namin, hindi naman kalayuan ang Ariel Park kaya't mabilis kaming nakarating ni Hudson. Sabay kaming bumaba habang hawak niya ang kamay ko. Napangiti naman ako habang papasok kami sa loob. Sumalubong sa amin ang alon ng dagat at mga magkasintahan na may kani-kaniyang ginagawa din. Halos mga couples ang andito ngayon.
Hanggang ngayon pa rin pala ay dinadagsa ang lugar na 'to.
Pinikit ko ang mga mata ko nang marinig ko ang alon ng dagat. Dinadama ko rin ang malakas na ihip ng hangin na dahilan nang malayang paglipad ng aking mga buhok. Gusto ko pang manatili sa mundo ito, umaasa ako na gagaling ako. Ngunit sa tingin ko'y hanggang asa na lang iyon.
"Mabuti naman at nagustuhan mo ang lugar na 'to, mahal," bulong ni Hudson at maya-maya pa ay naramdaman ko ang mga kamay niyang lumalandas sa beywang ko. Niyakap niya ako mula sa likuran.
Nagsitaasan ang mga balahibo ko roon. Bumilis ang tibok ng puso ko na tila wala nang bukas. Ngumiti ako. Sana nga ay totoo na ito. Tama muna ang pagpapanggap. Gusto kong maging masaya kahit na pansamantala lamang.
Sana'y hindi na magtatapos ang araw na ito. Gusto kong sumaya sa mga bisig ng aking mahal habang kapwa kami nakatingin sa kawalan at hiniling na sana bukas ay tayo pa, na sana bukas ay kasama pa kita.
"Ang ganda-ganda dito, mahal. Salamat." Tumingala ako sa kalangitan. Napapansin kong tila uulan pa yata dahil tinatakpan ng maitim na ulap ang sinag.
Ngunit, imbes na pansinin iyon ay sinawalang bahala ko. Hindi naman siguro ako aatakehin dahil sa ulan. Gusto ko munang manatili dito.
"Tungkol nga pala sa nakita mo, mahal. Labis kong pinagsisihan 'yon, hindi ko ginus—"
"Huwag kang humingi ng tawad, Hudson. Huwag mo naring balikan ang araw na 'yon dahil pilit ko na 'yung kinalimutan. Date natin 'to, huwag mong sirain." Maingat na sabi ko sa kaniya. Tumango naman siya at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.
Naramdaman kong uminit ang sulok ng aking mga mata. Gustuhin ko mang huwag pansinin 'yon ay lagi namang pumapasok sa aking isipan. Nakikita kong mahal ni Hudson si Hope, nakikita kong masaya sila sa isa't isa. Ako lang naman 'tong nagpupumilit kahit na masakit.
"Nagugutom ka ba, mahal? Tara bili tayo ng ice cream!"
"S-sige! Magkano ba?" pinigilan ko ang sarili ko na huwag mag-drama ngayon. Nakakainis naman kasi e.
Maingat akong hinila ni Hudson sa isang matandang nagbibenta ng ice cream.
"Anong gusto mong flavor?"
"May strawberry ba?"
"May strawberry po ba, manong?"
"Meron po, sir."
"Isa nga po."
Pinapanood ko lamang siya habang kinakausap niya ang tindero. Napapansin ko rin na nagsi-uwian na 'yung iba habang ang natira naman ay kumakain, bumibili.
"Here you go!" Nilahad sa akin ni Hudson ang strawberry ice cream ko.
Ngumiti naman ako.
"Salamat, mahal,"
"Walang anuman!"
Kumain kami ng ice cream habang nakaupo malapit sa nagtitinda ng bulaklak. Parang-para talaga sa mag-jowa itong lugar na 'to dahil may mga nagbibenta ng bulaklak at balloons na pa heart-shaped. May mga couple shirts din at ano pa. Para kaya sa couple 'tong Ariel Park?
Pinapalibutan ng mga puso ang bawat sulok ng lugar. Hindi matutumbasan ang mga ngiti ng bawat magkasintahan. Nagtatawanan, nag-aasaran. Mapa matanda man o bata, walang pili ang lugar. Nakakagaan sa loob ang mga ngiti nilang walang bahid na kalungkutan, walang problemang dala.
Kailan ko kaya mararanasan iyon.
"Oh my ghad, sis! Tingnan mo!"
"Ang sweet naman!"
"Ang swerte niya, sis!"
"Ang gwapo ng lalaki!"
"Support!"
"Isa na namang tatak para sa Ariel Park!"
Iba't ibang mga bulungan ang narinig ko mula sa mga tao habang nakatingin sa a-akin? Kumunot ang noo ko. Bakit sila nakatingin sa akin? Kilig na kilig pa sila.
Nagtaka ako kaya't binalingan ko ng tingin si Hudson. Nanlaki kaagad ang aking mata sa nakita. Nakaluhod siya sa aking harapan. May matamis na ngiti sa labi.
"H-Hudson..."
Hindi ko inaasahan ito. Narinig ko ang malakas na hiyawan ng mga tao. Natuon sa amin ang kanilang atensyon. 'Yung iba ay kinukuhanan pa kami ng litrato at may sari-saring mga komento.
I can't move. Nanigas ako sa aking kinatatayuan.
I-I can't believe this. I don't know what to say o kung anong irereact sa kaniyang ginawa. Masyadong mabilis. Nag-aaral pa ako at hindi pa handa sa ganito, pero biglang pumasok sa aking isipan ang kakulitan ni Hudson. That day, no'ng sinabi niyang liligawan niya ako. Hindi ako nagdaldalawang isip non. Sinagot ko kaagad siya.
Bakit ngayon...
Napahinto ako. Naguguluhan.
Is he serious?
To be continued.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top