Kabanata 3

Janice's POV

"May something ba sa inyong dalawa ni Hudson, Janice?" taas kilay na tanong ni Niah. Andito na naman siya sa harapan ko kasama si Hope na wala pa ring imik. Anong something sinasabi ng babaeng ito.

Hay naku, hanggang kailan ako buwe-buwesitin ng babaeng 'to. Araw-araw na lang siyang ganito. Hindi ko naman ginusto na laging makasabay ang Hudson na 'yon. Gusto niya talaga akong istorbohin lagi at nakakainis 'yon. Kung gusto niya ang lalaking 'yon sa kaniya na.

"Bakit ba? Ano na naman, Niah. Pagod na akong sumagot sa paulit-ulit mong tanong. Puwede ba kahit ngayon lang lubayan mo muna ako? Puwede?"

Katatapos lang ng exam namin at masasabi kong hindi madali. Konting oras lamang ang ginulgol ko sa pagbabasa kayat hindi ako sigurado kung papasa ba ako o hindi. Ngayon, nag-aalala na ako.

"Janice, hindi naman sa gano'n. Nakita kasi namin si Hudson kanina may kasamang babae, mukhang mayaman," saad niya. Kumunot naman ang noo ko. Ano naman ngayon kung may kasama ngang babae si Hudson? Hindi ko siya gusto.

"Pakiramdam ko playboy ang Hudson na 'yon." Dugtong naman ni Hope habang mahigpit na hinahawakan 'yong kwintas na may sing-sing. Hindi ko gaanong makita ang disensyo ng sing-sing pero sigurado ako na sing-sing 'yon. Ano kayang gagawin niya riyan? Ibibigay niya kaya?

"Ano bang pinagsasabi ninyo? Kung iniisip niyo na may gusto ako sa lalaking 'yon, pwes, wala! Hindi ko siya gusto at wala akong oras sa mga ganoong bagay, Niah. Alam mo 'yan, wala sa pag nonobyo or paglalandi ang dahilan kung bakit ako andito." Seryoso kong sagot. Iyon naman kasi ang totoo, ano namang mapapala ko sa Hudson na 'yon.

Napakamot si Niah sa kaniyang noo. Nagkatinginan pa silang dalawa ni Hope. May binabalak na naman siguro ang dalawang 'to, hindi ko talaga sila maintindihan. Hindi naman ako interesado kay Hudson, oo't gwapo nga siya, matangkad, matipuno, maganda ang mata at mabait minsan pero ayoko talaga e. Hindi ko siya type, saka wala akong pakialam kung sino-sinong babae diyan ang lalapitan niya. Desisyon niya naman 'yon at hindi akin.

"Kapag pormahan ka ng lalaking 'yon sabihin mo agad sa amin, ah?"

"Bakit naman ako popormahan no'n?"

"Ang nerdy mo talaga. Hayst, basta, kapag pinormahan ka no'n sabihin mo ka agad sa akin at uupakan ko si Hudson,"

"Huwag kang gumawa ng g—"

"Blah! Blah! Blah! Halika na, Hope. Bye! Janice, mag-iingat ka sa pag-uwi, ah?"

Napairap na lamang ako sa hangin. Kahit kailan talaga Ang laki naman ng problema nila, ano? Hindi nga ako namomoblema. Nga pala, bakit bumalik si Harvis kahapon sa bahay nina Aling Marsie? Hindi ko kasi makalimutan 'yong malalim niyang mga tingin, lalong-lalo na kay Hudson. Magkakilala kaya sila? Hindi siya napansin ni Hudson dahil nasa akin ang buo niyang atensyon, ang kulit kulit niya. Muntikan ko na ngang sipain 'yon palabas kahapon. Mabuti na lang dumating sina Niah, nang-iisue na naman sa aming dalawa.

I didn't let him touch me that day. Ginamot ko ang sugat ko na walang tulong mula sa kaniya kasi kaya ko naman. Umuwi siyang umaasa, loko talaga. Huwag niya lang talaga akong paglaruan.

Binalik ko sa loob ng bag ko ang mga librong binabasa ko kanina. Wala na akong pasok kaya dederetso na ako sa Karenderya ngayon. Kailangan ko munang kumayod nang kaunti dahil kulang pa ang ipon ko, kababayad ko lang ng renta kahapon. Wala man lang inambag ang Niah na 'yon, pero kapag tungkol sa chismis at kabaliwan sa buhay? Ambag niya lahat. Nasa kaniya lahat.

May problema yata sa buhay 'yon. Gala nang gala. Hindi na yata mabilang ng professor niya kung ilan na ang absences niya. Wala naman siyang pakialam, pag-aaral lang daw iyon at hindi siya masaya. Habang nabubuhay pa raw siya ay gagawin niya ang mga bagay na nakapagsasaya sa kaniya.

Ang paglalandi at lakwatsa talaga ang gusto niya. Hindi ko naman siya pinagsabihan dahil desisyon niya naman 'yan at hindi ko kaano-ano. Ang akin lang ay sana'y tulungan niya ako sa mga gastusin. Naiintindihan ko naman bakit siya nagkakaganyan at wala ako sa oras manghusga sa pagkatao niya.

"Janice, uuwi kana?"

Naikuyom ko ang kamao ko sa loob ng lamesa nang marinig ko na naman ang boses ni Hudson. Gusto kong umiwas at tumakbo pero baka isipin niyang iniiwasan ko siya na totoo naman. Gustong-gusto ko talaga siyang iwasan lalo na sa narinig ko kanina. Baka ano pa ang isipin ng mga girlfriend niya. Tss.

"Hindi pa ako uuwi. May trabaho pa ako," sagot ko habang hindi siya tinitingnan. Kinuha ko ang bag ko at humakbang na palayo.

"Teka lang, Janice! May sasakyan ako sa labas. Ihahatid na kita!" ugh. Ang kulit naman.

"Ayos lang ako, Hudson. Kaya ko namang mamasahe," heto na naman kaming dalawa. Hindi na naman 'to matatapos. Wala yata sa bokabolaryo niyang tumigil. Habol nang habol parang aso.

Huminto ako sa paglakad. Nilingon ko siya habang walang kahit na anong emosyon sa aking mukha. Pansin kong pawis na pawis ang kaniyang noo ngayon, at basa naman ang kaniyang suot na jersey. Saan kaya galing ang lalaking 'to? Bakit naka-basketball jersey siya. Is he one of the varsity players? Bagay sa kaniya.

"Sumali ka ba ng basketball?" kunot noo kong tanong.

"Oo, kanina lang. Ano? Hatid na kita. Marami pa namang mga baliw diyan sa labas," isa ka ba roon? Tanong ng aking isipan.

Umiling ako. "Kaya kong umuwi, Hudson. Mauna na ako!"

"Janice, naman."

Hindi ko siya pinansin. Deretso lang ang lakad ko. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ngayon ng mga estudyante. Gusto ko nang lumabas at kumita ng pera.

Pero sadyang makulit talaga si Hudson Lakren. Sunod pa rin siya nang sunod sa akin na parang aso. Nakakairita. "Ano ba, Hudson. Bakit ka sunod nang sunod sa akin?"

"Kasi gusto kitang ihatid, Janice."

"Ayoko nga, hindi ba? Kaya ko nga sabi!"

"Alam ko, Janice. Alam kong kaya mo ang sarili mo, pero hindi naman masamang tumanggap ng tulong minsan, hindi ba? Wala namang mawawala."

Meron. At iyon ay ang puso ko.

Umiling-iling ako. Hindi puwede, hindi ko pwedeng sirain ang pangarap na kailangan kong tuparin. Kung sa ibang tao, ang pagkakaroon ng nobyo ay hindi hadlang sa kanila puwes ibahin nila ako. Makapaghintay naman ang pag-ibig, hindi naman 'yon mawawala. Pero ang buhay na gusto kong matamasa ay masisira sa isang iglap kapag hindi ko pinagtuusan ng pansin. Hindi ito ang tamang oras para umibig, kaya kong maghintay kahit gaano katagal. At isa pa, hindi naman ako nililigawan ni Hudson. Ang akin lang ay, tigilan niya na ako dahil hindi ko gusto itong ginagawa niya.

Ayokong mahulog ang loob ko sa taong hindi ako handang saluhin.

"Pagod ako ngayon, Hudson. Wala akong lakas makipag-bangayan sa'yo, hayaan mo na ako."

"Pwede ka naman magpahinga o gawin akong sandalan habang pagod ka, Janice. Kaya kong saluhin ang pagod mo."

Lumunok ako. Hindi ko alam kung anong plano ni Hudson. Pero, kung ano man 'yon, kailangan kong paghandaan.

"Isang sagot lang ang masasabi ko sa'yo, Hudson. Ayoko."

'Yon ang huling salita ko bago tuluyang naglaho sa kaniyang paningin. Ayokong sinasayang niya ang oras niya sa akin. Kung ako sa kaniya ilaan niya na lang sa pag ba-baskteball ang oras niya. Mas importante 'yon.

"Iha, ayos ka lang ba?" Sinalubong ako ni Aling Pipay nang makita niya akong walang lakas. Nakalimutan ko ang gamot ko sa kuwarto.

"Ubos na ba ang gamot na binigay ko sa'yo?"

Malumay akong umiling. "Umupo ka muna, iha."

Pinaupo niya ako sa upuan habang siya naman ay kumuha ng tubig. Umiikot na ang paningin ko ngayon, sobrang sakit ng ulo ko, tila binibiyak ang buo nito.

"Iha! Iha!"

"Sabi ko sa'yo huwag na huwag mong kakalimutan ang gamot mo."

"INE! KUNIN MO NGA 'YUNG BAGONG BILI KONG GAMOT KANINA!"

"Saan po nakalagay?"

"NASA LOOB NG CABINET, BILISAN MO DAHIL NAWAWALAN NA NG MALAY ITONG SI JANICE! Jusko kang bata ka."

Sinusubukan kong igalaw ang malumay kong mga paa ngunit hindi ko kaya. Hinang-hina na talaga ang katawan ko ngayon, pagod na pagod.

Pinikit ko ang mga mata ko. Nilalabanan ang sakit ko, hindi pwede. H-Huwag ngayon.

"Sir?"

"Janice!"

Nabibingi ako. "Anong nangyayari sa kaniya?"

"Kilala mo si Janice?"

"Opo, ano pong nangyari? Bakit ang putla-putla niya?!"

"Huminahon ka."

"Fuck! Just tell me what the fuck happened to her! That's a simple question, Ma'am. I want to know!"

***

Anton's POV

"Bakit ka na naman nandito?" tanong ko sa kaibigan kong inaraw-araw yata ang pagpunta sa bahay ko. May sarili naman silang bahay at mas malaki 'yon kumpara sa amin na kaysa lang ang limang tao. Wala sina mommy, daddy at kapatid kong babae ngayon kaya ako at si Aling Marsie lamang ang nandito. Mabuti na rin iyon para hindi masira ang ulo ng kaibigan ko sa kapatid kong adik na adik sa kaniya. Hindi niya alam na maraming printed pictures niya ang kapatid ko sa sarili nitong kuwarto. Ayaw ko rin naman sabihin dahil baka hindi na ito babalik sa bahay namin.

Binaba niya ang bola at humarap sa akin. Napalunok ako nang makita ang buong mukha niya. Kamukhang-kamukha niya talaga si Sir Maximilian. Sikat na businessman sa bansa.

"I just want to play, Melendez. Bawal ba?"

"Mas malawak at malaki ang sainyo, Harvis. Bakit hindi ka doon maglaro? Busy akong tao at hindi lagi namamalagi sa bahay na 'to!" frustrated kong sabi. Medyo hindi nagustuhan ang sinabi niya. Hindi naman kasi palaruan ang bahay namin. To be honest, mas malawak ang sa kanila. Mansyon ang bahay nila e.

Dahan-dahan akong umupo sa upuan. Nitong mga nakaraang araw ay minsan nakikita ko siyang tumatambay sa labas ng bahay namin. Hindi siya pumapasok. Para bang may pinapanood sa labas. Diyan sa kabilang rentahan ng kuwarto kung nasaan sina Niah. Tangina, naalala ko na naman ang malanding babae na iyon. Ano kaya ang ginagawa niya roon? Imposible namang isa sa mga hobby niya ang makiusisa sa labas? Hindi siya 'yung klaseng tao na gumagawa ng mga bagay na walang kuwenta.

Kung sinuman 'yung pinapanood niya sa labas o babae man iyon ay sigurado akong makukuha niya rin 'yon. Siya pa, anak mayaman at may mala-adonis na mukha. Tangina, parang akong bakla habang nilalarawan ang mukha nitong gago. Sa aming magkakaibigan, siya lang talaga itong mas malakas sa babae. Walang ginagawa pero nilalapitan.

"Sino ba 'yang babaeng 'yan? Gusto mo bang puntahan ko?"

"Do you know her? Nasa kabilang kanto lang. Kapitbahay ni Hudson Lakren."

So babae nga ang dahilan kung bakit siya tumatambay sa labas ng bahay namin?
Is he referring to Janice? Kaibigan ni Niah na may sakit? Imposible kasing matitipuhan niya si Niah. Pero what if?

Kumunot ang noo sa huli niyang sinabi.

"Hudson? Anong ginagawa ni Hudson sa maliit na bahay na 'yon?" Is he crazy?! May sarili silang bahay, ah, bakit nakikitira iyon doon. Gumagana pa ba utak non?

Sa pagkakaalam ko ay mayaman ang pamilya nila. Anong pumasok sa kokote ng gagong 'yon at bakit tumira rito sa lugar namin. Malilintikan na naman 'yon sa nanay niya panigurado. Masasangkot na naman ako sa gulong ginawa niya. Lagi naman e. Porket ba hindi kami kasing yaman ni Wade? Tangina naman.

"I'm asking, Anton, don't change the subject. Who is that woman?" seryoso niyang tanong. Lumunok ako.

"Yung kaibigan ba ni Niah na si Janice?" oh si Niah? Hindi ko na dinugtong. Ayoko mahawaan ng sakit ang kaibigan ko. Ang laking lason pa naman ng babaeng 'yon.

"Janice..."

"Anong plano mo?" Umupo ako sa upuan, inayos ang gitara na nakasandal. Habang siya naman ay nakatayo pa rin, bakas sa mukha ang intesesidad. Sa kayrami-rami ng babae iyon pa talaga ang pinag-aaksayahan niya ng oras.

That girl is sick, hindi rin siya masyadong kagandahan. Inuuna lagi ang trabaho at pag-aaral. Wala siyang mapapala do'n.

"Tell me about her, Anton." Seryoso siya?

"Huwag iyon, Harvis. Marami pa namang mayaman at magaganda riyan! Huwag si Janice," para akong boses boyfriend. Tangina.

"Bakit, boyfriend ka ba niya? Kalaban din ba kita, Anton?"

Natigilan ako nang narealize ang sinabi niya.

"YOU LIKE THAT SICK GIRL!"

"Sick girl?" Tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay at unti-unting lumapit sa akin.

Sobrang seryoso ng mukha niya. Ikalawang beses ko na itong nakita at masasabi kong hindi maganda ang lagay ko ngayon. Ayokong lumaban sa kaniya kundi bagsak talaga ang aabutin ng pamilya ko. Sapat na naging kaibigan siya.

"She's sick, Harvis. May sakit siya..." mahinang sabi ko dahilan ng pagtigil niya.

"What do you mean?"

"Sinabi sa akin ni Aling Marsie na may sakit si Janice. Hindi sinabi kung anong klaseng sakit iyon pero paminsan ay umaatake,"

"Wala siyang sapat na pera para pang-hospital dahil kinakapos siya sa pera. Nagta-trabaho lamang siya sa isang maliit na karenderya, kagaya rin ni Aling Marsie, alam nilang may sakit si Janice. Don't bother her anymore, Harvis. Huwag mong dagdagan ang sakit niya." Alam kong wala ako sa lugar para sabihin ang lahat ng ito pero kailangan niyang matauhan.

Hindi si Janice ang tamang babae para sa kaniya. Kung anuman 'tong nararamdaman niya ngayon para sa babae, panandalian lamang 'yan. This is for Janice too, ayoko rin naman siyang masaktan.

Kilalang-kilala si Harvis ng mga tao. Mayaman sila, talagang pagchi-chismisan sila kapag bumagsak siya sa babaeng iyon.

Ayaw pa naman ni Tita Kendra ng atensyon. 'Yan ang pinakaayaw niyang mangyari din sa anak niya dahil naranasan niyang dumugin ng mga fans ni Tito Maxi noon. Na-trauma siya, ayaw niya nang ulitin pa.

"Think about the consequences, Harvis, if you choose that path, hindi kita pinipigilan, ayoko lang magsisi ka sa huli." I'm done.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan upang umalis ngunit...

"Wala akong pakialam sa mga sinasabi mo, Anton. I will wait for her, hihintayin ko ang tamang oras para sa aming dalawa."

"You are crazy, Harvis,"

"Call me anything you want. I don't care anymore." At nauna nang lumabas ng bahay.

Napasapo na lamang ako sa aking noo.

What the fuck. Seryoso ba talaga siya sa babaeng 'yon. Si Harvis ba talaga 'yon? Damn. Wala siyang pakialam sa kinatatayuan niya. Kapag gusto niya ay talagang kukunin niya.

Ngayon lang siya nagkakaganito at hindi maganda 'to.

"Harvis!" Hinabol ko siya. Lumabas ako ng bahay at pinuntahan ang kaniyang sasakyan sa garahe kaya lang ay wala na ito ngayon.

"Damn it! Kung puwede lang 'yong kapatid ko na lang, huwag lang ang babaeng iyon! May sakit si Janice. Tangina."

Sinabunutan ko ang buhok ko. Fuck! Hindi talaga natatakot. Ang bobo mo sa part na ito, Wade. Kaya ka minamalas sa pag-ibig e.

Binalingan ko ng tingin ang maliit na tinitirhan nina Niah. Nakita ko Janice kausap si Hudson? Talagang lumabas pa ang gagong ito oh!

Sinuot ko ang sinelas ko at akma na sanang lalapit nang makita ko si Niah. Papalapit sa kaniyang kaibigan. Walang lakas ang mukha nito, tanging ang kaniyang mabilis lamang na galaw ang nagbibigay sa kaniya ng lakas.

Lumingon sa kaniya si Janice. Nanlalaki ang mga mata.

Mukhang may masamang nangyari.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top