Kabanata 2

Janice's POV

"Kumusta ang pakiramdam mo?"

Minulat ko ng dahan-dahan ang mga mata ko. Nakita ko si Niah nakaupo sa aking kama may hawak na pagkain, nag-aalala ang mukha.

Binaling ko ang tingin sa bag. Naroon pa din iyon at nasa ayos na. Mabuti naman kung gano'n. Kung kanino man ang bag na 'yan ay kailangan kong isauli. Baka nasa kaniya rin ang bag ko. Anong gagawin ko ngayon? May pasok ako bukas at kailangan ko ang mga libro ko!

"Sorry nga pala, Janice. Gusto ko lang sana tumulong sa'yo. Mamahalin kasi ang mga damit na 'yon, kapag binenta ay malaking halaga."

"Hindi natin gamit 'yan, Niah. Kailangan kong isaoli 'yan baka hawak niya rin ang bag ko." Isasauli ko bukas. Babalik ako sa bahay nina Aling Marsie.

Sumangayon si Niah at hindi na muling nagsalita patungkol sa bag ng lalaki. Nilapitan ko iyon at ni-check ang mga gamit. Nang makitang walang kulang ay sinirado ko at binuhat. Langya!

Kaaalis lang ni Niah, pupunta yata sa bahay nina Hope. Hinayaan ko na lang dahil wala naman siyang gagawin dito sa tinitirhan namin at isa pa wala na kaming bigas. Makikain yata kina hope iyon. Nang makalabas ng bahay dumeretso kaagad ako sa bahay nina Aling Marsie.

Nadtnan kong may mamahaling sasakyan sa labas at boses ng dalawang taong nag-uusap. Akma ko na sanang tatawagin si Aling Marsie nang magtama ang mga mata namin ng lalaking kausap niya. Ang guwapo...

Tinitigan niya ako hanggang sa bumaba ang kaniyang tingin sa hawak kong bag, gano'n din naman ako sa hawak niya. Magkapareho kami ng bag! Umarko ang kaniyang kilay, bakas sa mukha ang galit non.

"Janice!"

"Give me that!" matinis na usal niya at padarang na kinuha sa akin ang bag at binaba niya sa lupa ang isang bag na sa tingin ko'y pagmamay ari ko. What the hell?

"Senyorito..." napalunok ako. Kahit naiinis ay pinatatag ko ang sarili ko. Lumapit sa amin si Aling Marsie at siya na mismo ang kumuha ng bag ko. Binigay niya ito sa akin, kitang-kita ko ang paghingi niya ng pasensya sa ginawa ng walang modong lalaking 'to.

"Salamat ah?" sarkastiko kong sagot sa kaniya at tatalikod na sana para umalis dahil ayokong makipag-away sa kaniya. Kompleto naman ang mga gamit niya riyan. Wala akong kinuha.

Ngunit pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang braso ko at hinigit sa labas. "Anong ginagawa mo!"

"Senyorito!"

Hindi niya pinansin ang tawag ni Aling Marsie sa kaniya. Dinala niya ako sa harapan ng kaniyang sasakyan at sinandal doon.

"What did you see?" mariing tanong niya. Hindi ako makatingin ng deretso sa kaniya dahil nasa kaliwa at kanan kong balikat ang kaniyang kamay. Sobrang lapit ng kaniyang mukha, kitang-kita ko ang gray niyang mga mata.

"What did you see, woman!" Kinalampag niya ang kotse.

"Just your things! I didn't touch it!" sagot ko. Iniiwasan ang galit niyang mga mata.

"Are you sure about that?"

"Oo, wala akong kinuha o hinawakan. I thought that was my bag dahil 'yan ang binigy sa akin ni Aling Marsie..."

Dahan-dahan siyang umatras at sinabunutan ang buhok. Inayos ko naman ang sarili ko, tumayo ako ng tuwid habang pinagmamasdan siya. Mas guwapo pa siya sa kapitbahay namin pero masama ang ugali.

"Move." Malalim na saad niya. Umalis naman kaagad ako sa kaniyang kotse at tumalikod pero hindi umalis.

"I didn't touch any of your things there. Good luck to your exam." Padabog niyang sinara ang kotse. Pinaharotrot niya ito palayo na wala ng lingon-lingon.

Napabuga ako ng hininga. Tila ngayon lang yata umayos ang hininga ko. Nakakatakot naman siya! Sino ba siya?

"Janice! Janice! Ayos ka lang ba?"

Nabaling ang tingin ko kay Aling Marsie na hinahabol ang sariling hininga.

"Huminahon ka, Aling Marsie," saad ko sa kaniya. Tumango siya at panandaliang tiningnan ang sasakyan no'ng lalaking papalayo.

"Pasensya ka na talaga, iha, ah? Akala ko kasi 'yan ang bag mo."

"Ayos lang iyon, Aling Marsie. Hawak ko naman ngayon ang akin," pinakita ko sa kaniya ang magaan kong bag.

"Hindi ko kasi alam na magkapareho pala kayo ng bag ni Senyorito."

"Senyorito?" kanina niya pa tinatawag na Senyorito ang lalaking iyon. Is he somewhat related to Aling Marsie? Does he know that guy?

"Anak siya nina Kendra Hardin Fuego at Maximilian Fuego, Janice..."

Nag-igting ang aking tainga sa narinig.

"Siya si Harvis Fuego. Nag-iisang tagapamana nina Kendra at Maxi."

Bigla akong ginapangan ng kaba. So it means pagmamay ari nila ang school ko? Minsan ko na kasing narinig itong pangalan ng parents niya. Masasabi kong hindi basta-basta ang kanilang pamilya. Sobrang yaman nila. Marami silang mga negosyo sa ibang basa gano'n din dito. Pagmamay ari pa nila ang MMalls.

"I messed up with the wrong person, Aling Marsie."

Binalik ni Aling Marsie ang kaniyang tingin sa akin. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Hindi niya naman siguro dibdibin iyong bag niya, ano? Nasa tamang ayos naman at kompleto. Hindi talaga ginalaw ni Niah, mabuti naman kung gano'n.

"Nga pala, Aling Marsie, aalis na po ako!"

"Mag-iingat ka, Janice!"

HINDI muna ako umuwi sa tinitirhan namin ni Niah. Dumaan ako sa isang karenderya at tumingin-tingin. Gusto ko kasing kumain dahil kanina pa ako nagugutom. Maraming mga kumakain ngayon sa pinuntahan kong karenderya, halos may mga sasakyan. Ang taray naman ng mga mayayamang ito.

Lumapit ako sa mga naghahain at sinabi ang gusto ko. Mabuti na lang may pera pa akong natira sa bulsa kaya may pangkain ako ngayon. Pagkatapos ibigay ng naghahain ay umupo kaagad ako sa napili kong puwesto.

"Hindi naman siguro ako irereport ng lalaking 'yon, noh?" wala sa sarili kong sabi habang sumusubo.

Napakayaman ng pamilya nila. Kaya nilang magbayad ng tao para tugsain ako. Oh my gosh! Ayoko pang mamatay. Hindi pa ako handa. Nakakaloka naman.

Sinauli ko naman ng tama iyon. Huwag kang matakot, Janice. Mabait si Harvis Fuego.

Mabait nga ba? Hindi ko alam. Sa ugali niya kanina galit at suplado. Wala naman akong karapatang manghusga, galit lang 'yon dahil sa bag niya. Kahit ako magagalit kapag may gano'ng laman ang bag ko tapos nakita ng ibang tao iyon. Nakakahiya kaya. Maybe he acted like that because he was embarrassed. There's a condom inside his bag for damn's sake! Ang dami naman non.

"Mauubos niya kaya iyon?" ilang babae kaya ang—nevermind. Bakit ko ba iniisip iyon! Kakabanas.

Pagkatapos kong kumain ay umuwi kaagad ako sa tinitirhan namin ni Niah. Binagsak ko ang aking katawan sa kama at pumikit.

***

"Janice!"

"Janice!"

Napalingon ako sa harapan nang marinig ko ang malakas na boses ni Niah, kasama niya si Hope na mukhang wala sa sarili. Ano na naman ang kailangan ng dalawang 'to. At anong nangyari sa kasama ni Niah? Wala yata sa sarili. Rinig ko kasi sa kuwento niya na masiyahing dalaga si Hope at tahimik din daw ito pero may pagkatopak daw minsan. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang wala siya sa mood. May nangyari kaya?

"Anong kailangan mo, Niah?" tanong ko at binalik sa libro ang aking atensyon. Medyo gumaan na rin ang pakiramam dahil hawak ko na ang bag ko ngayon. Pilit kinakalimutan ang Wade Harvis Fuego na 'yon. Saan kaya nag-aaral 'yon? Binalik ko ang tingin kay Niah. Nasa loob kami ngayon ng Klaus University. Wala pang klase kayat naisipan kong tumambay muna sa tabi kahit madilim na.

"Kailangan agad? Kukumustahin lang naman kita, ah,"

"Alam kong may sasabihin ka, sabihin mo na."

"Ano kasi..."

Tinigil ko ang pagbabasa. Nilapag ko sa damuhan ang libro at nagpasiya na ibaling sa kanilang dalawa ang atensyon kaya lang ay naagaw ng mga mata ko ang lalaking nagsanhi ng iritasyon ko no'ng nakaraang araw. That stupid thing! Nakangisi ito habang kumakaway sa akin at papalapit sa puwesto namin. Shit! Mukhang napansin naman ni Niah ang iritasyon ko sa mukha kayat napalingon din siya sa likuran at napa "oh" pa talaga ang bunganga.

Umiwas ako. Kinuyom ko ng mariin ang kamao saka hindi pinansin ang papalapit niyang bulto. Ano na naman kaya ang gagawin niya? Wala akong oras ngayon makipag-lokohan. Huwag talaga.

"Close na kayo?" tanong ni Niah. Umirap ako.

"Pinagsasabi mo riyan."

"Mukhang kilala ka niya na ah. May pa ngiti-ngiti pa si Mister Hudson."

Nanlaki ang mata ko. "Kilala mo siya?"

"Hindi! Nabasa ko lang sa ID niya. Mister Hudson ang pangalan niya. Anong meron sa inyong dalawa?"

"Walang meron sa amin, Niah. Huwag ka ngang issue!" inis na sambit ko. Kinuha ko ang libro sa tabi ko at nagpasya na magbasa kaysa makipag-sagutan kay Niah. Wala rin namang kuwenta kung ipagpapatuloy namin, at isa pa papalapit dito si Mister Hudson kuno. Ano na naman ang kailangan niya?

"Hey girls!" boses playboy. Napapikit ako nang mariin. Gusto kong lamunin na lang ako ng lupa ngayon. Hanggang ngayon ay inis na inis pa rin ako sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang magpakita pagkatapos niya akong pasukin sa loob ng kuwarto namin!

"H-Hello, Mister Hudson, right?"

"You are?"

Magaling din siyang magsalita ng ingles. Pero, isa pa rin siyang patay gutom.

"May kailangan ka?" tanong ni Hope. Napatingin naman ako sa kaniya dahil sa malalim niyang boses. Miski si Hudson ay namangha pero panandaliam lamang 'yon.

"Gusto ko lang magpa-salamat kay Janice. Salamat nga pala no'ng nakaraang gabi ah, kung hindi dahil sa'yo patay na ako ngayon." Ang oa naman ng lalaking 'to.

Napairap ako ng wala sa oras. Paano ba naman kasi mukhang hindi sincere 'yong pagpapa-salamat niya. Nakangisi pa siya na tila tuwang-tuwa pa. Mukhang plano niya talagang inisin ako no'ng nakaraan.

"Alam mo ang pangalan ni Janice?" parang tangang tanong naman ni Niah. Nanlaki pa ang mata niya, para bang gulat na gulat.

Tumango-tango si Hudson na parang bata. "Paano?"

"Ang lakas kasi ng boses mo kanina, narinig ko kahit ang layo ko sainyo. Sinigaw mo ang pangalan niya at lumingon naman siya kaya... Janice, nice to meet you," ngumisi na naman siya. Ngising nakakairita.

"Nice to meet you..." Nakalahad ngayon sa harapan ko ang kamay niya.

"Tanggapin mo na, Janice. Aarte pa oh!"

"Shhh ka lang, Niah. Ang ingay mo talaga."

Dahil sa mala-speaker na boses ni Niah. Nalaman tuloy ng walang hiya 'to ang pangalan ko. Wala rin akong balak makipag-kamay sa kanyang kasi hindi ako interesado. Baka may germs 'yan. Mahawa ako sa kabastusan niya.

"Aalis na ako, Niah, Hope. May trabaho pa ako." Sabi ko imbes na tanggapin ko ang kamay ni Hudson. Nakita ko naman kung paano siya yumuko habang kagat ang labi. Pero wala akong pakialam. Wala akong oras makipag-landian or makipag-usap sa mga lalaki. Hindi 'yon ang tungkulin ko bakit ako andito sa lugar na 'to, kailangan kong makapagtapos at mag-trabaho, 'yon ang dapat kong gawin.

"Janice!"

"Janice!"

Rinig kong tawag sa akin ni Hudson, ngunit hindi ako lumingon. Deretso lang ang lakad ko papuntang waiting area. Wala nga kasi akong balak na kausapin ang Hudson na 'yan. Lason 'yan sa mga gagawin ko.

"Janice! Teka lang!"

"Janice!"

Nang mahagip ko na ang bus, tumakbo ako papalapit ron. Janice ng Janice kasi siya, nakakarindi sa tainga.

"Janice hoy!"

At nang malapit na akong makalapit bigla na lang akong natisod at natumba.

Punyeta! Ang malas malas naman!

"Janice!" at ang lason lumapit sa akin.

"Okay ka lang ba?" Hinawakan niya ang braso ko. Inalayan niya akong tumayo pero winaksi ko ang kamay niya. Nahiya ako bigla dahil nakita niya ang katangahan ko. Shit!

"Mukha ba akong okay?!" gigil na singhal ko. Kung hindi mo sana ako hinabol hindi ako tatakbo! Hindi ba marunong makiramdam ang lalaking 'to? Nakakabuwesit naman.

Yumuko naman siya. "Hindi ka okay, Janice. May sugat ka sa tuhod. Halika gagamutin ko 'yan."

"Huwag kang lumapit sa akin!" sabi ko. Tumayo ako kahit nanginginig ang dalawang tuhod ko.

"May sugat ka sa tuhod, Janice. Gagamutin ko 'yan,"

"Ako na ang bahala!" hindi ko kailangan ang tulong mo.

"I insist,"

"Ayoko!"

Bakit ang kulit-kulit ng lalaking 'to. Hindi niya ba nararamdaman na ayaw kong lumalapit siya sa akin. Manhid ba siya?

"Uuwi na ako, kaya ko ang sarili ko."

"Sabay na ta—"

"Ayoko nga sabi!"

"Pareho lang ang kuwartong tinutuluyan natin, Janice. Uuwi rin ako, sasabay na ako sa'yo."

Pinikit ko nang mariin ang mga mata ko. Hindi ko na kinaya ang kakulitan niya. Sasabog na ako. "Bahala ka sa buhay mo." Nagtgis ang aking mga ngipin.

"Gagamutin ko ang sug—"

"May paa at kamay ako, Hudson. Ako na ang gagamot sa sarili ko."

Hindi ko na siya pinansin at sumakay na lang ng bus. Sobrang kulit niya, sabing ako na ang bahala sa sugat ko gusto niya pa ring siya. Saan ba pinaglihi ang lalaking 'to, bakit ang tigas ng ulo.

"About what happened. I'm really sorry, Janice. Sorry kung bigla akong pumasok sa loob ng kuwarto mo. Gutom na gutom lang talaga ako no'n, hindi ko intensyon na may gawing masama sa'yo,"

Nilingon ko siya. "At, gusto ko ring gamutin ang sugat mo ngayon."

"Kaya ko naman," mahinang sagot ko saka binaling ang tingin sa bintana ng bus.

"Alam kong kaya mo, Janice. Kaya ko rin naman. Bakit hindi ako?"

Hindi ko na lamang pinansin muli.

TUMIGIL ang bus sa mismong tapat ng bahay nina Aling Marsie. Mabilis na umalis si Hudson at aalalayan sana ako nang iwaksi ko ang kaniyang kamay. Hindi kami mag-jowa kaya bakit gano'n ang tungo niya. Para namang tanga.

Nang makababa ay inayos ko ang sarili ko. Nasa tabi ko si Hudson na naghihintay.

"Gagamutin kita, Janice. May medicine kit ako sa tinutuluyan ko,"

Pumikit ako ng mariin, pilit pinapakalma ang sarili baka masigawan ko na naman ang tanginang lalaking 'to.

"Sabing ayos lang —" naputol sa ere ang aking sasabihin nang makita si Harvis sa labas ng bahay nina Aling Marsie.

Nakasandal siya sa kaniyang sasakyan at seryosong nakatingin sa aming dalawa ni Hudson. Shit. Anong ginagawa niya rito. May nawala na naman ba?

"Janice!"

"Ano ba, Hudson! Sabing kaya ko na e—" tangina. Napamura na lamang ako nang hilahin ako bigla ni Hudson. Hindi ko na nalingunan si Harvis dahil sa ginagawa niya. Letse!

Bakit siya bumalik? May kailangan kaya siya?

Naalala ko na naman ang ayos at mga mata niya. He's so fvcking gorgeous!

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top