Kabanata 1

This is the beginning of my story.

***

Janice's POV

"Janice, kilala mo ba 'yong bagong lipat?"
Napalingon ako sa kaniya. Nasa loob kami ng kuwarto ngayon, naglilinis ako habang si Niah naman ay walang ginagawa, nasa kama lamang siya nanonood sa akin.

"May bagong lipat?" sa pagkaaalam ko hindi na tatanggap ang may-ari, ah. Anong pumasok sa ulo non ngayon. Dahil kaya gwapo 'yong lalaki?

"Oo! Sobrang gwapo, Janice. Mukhang mayaman!" kapag usapang guwapo, maasahan mo talaga si Niah.

Ngumiti ako. "May binabalak ka na naman, 'noh? Tigilan mo 'yan, Niah." Sagot ko sa kaniya. Baka lalandiin niya na naman ang bagong lipat na 'yon, naku talaga.

"Wala akong binabalak, Janice. Mukha kasing mahirap ding pakisamahan ang lalaking 'yon. Tahimik at misteryoso."

Lumingon muli ako sa kaniya habang naghuhugas ng pinggan "Talaga? Huwag mong lapitan baka masamang tao 'yon, Niah. Baka ano pa ang mangyari sa'yo."

Minsan talaga naiirita ako sa kalandian ni Niah. Minsan din ay naaawa ako sa kaniya. Nasaktan kasi 'yan noon kaya nagkakaganito siya ngayon. Wala akong alam sa talambuhay niya, basta ang alam ko, nasaktan siya ng todong-todo. Mahal niya ang lalaking iyon, ginawa niya ang lahat kahit minsan siya 'yong nahihirapan. Ayaw niyang pakawalan ang lalaki, ngunit sadyang masaklap ang tadhana sa kaniya. Minahal mo na nga, nagloko pa.

"Sabi mo e! Siya nga pala, aalis na ako ah, may pupuntahan pa kasi ako,"

"Saan ang tungo mo?"

"Diyan lang sa kabilang bahay, kina Hope. Inimbitahan niya kasi ako kanina. May salo-salo raw sila mamaya dahil anibersaryo raw ng mama at papa niya."

"May susuotin ka na?"

Hinugasan ko ang kamay ko saka nagpunas ng kamay. Inayos ko rin ang buhok ko habang pinagmamasdan si Niah na namimili ng damit sa loob ng maleta ko. Mahilig din mangialam ng damit si Niah, sa katunayan nga ay mas bagay na bagay pa sa kaniya ang mga damit ko. Hindi rin naman ako mahilig magsuot ng mga mahahalay na damit. Pakiramdam ko nakahubad ako. Ewan ko ba kay mama bakit niya pinasok sa maleta ko ang mga makasalanang damit na 'yun. Hindi ako sanay, damit 'yun lahat ni Allison na naging akin na rin dahil nagsawa na raw siya.

"Pahiram mu na, ah? Ibabalik ko 'to mamaya pagkatapos ng party."

Bumuntonghininga ako at umupo sa kama. "Kahit hindi mo na ibalik. Hindi rin naman ako nagsusuot ng gan'yang damit. Hindi ako komportable."

Mariin niya akong tinapunan ng tingin. Para bang may malaki akong kasalanan dahil sa tingin niyang 'yon. Maganda si Niah, mukhang anak mayaman din. Malinis na malinis, saka ang kinis-kinis ng balat niya. Mahaba ang kaniyang buhok, matangkad rin at mestiza.

Hindi katulad sa akin na morena, matangkad, mahaba ang maalon na itim na buhok.

"Hello!"

Nabalik ako sa wisyo nang maramdaman ko ang mainit niyang palad sa noo ko. Sobrang lapit niya sa akin, naamoy ko tuloy ang pabango na galing din sa akin. Hindi naman siguro halata na mahilig siyang mangialam ng gamit, 'noh?

"Wala ka namang lagnat ngayon. Anong gusto mong pagkain? Babalutan kita mula roon,"

"Naku, huwag na, Niah," mabilis na angal ko. Nakakahiya kasi. Kaya ko namang bumili ng pagkain. Nagtitipid lang kasi pang-allowance ko 'yon sa eskwelahan.

"Nahihiya ka lang e. Hindi naman masama kung dadalhan kita ng pagkain dito, aber. Isa pa, wala na 'yang laman oh!" Tinuro niya ang sakong bigas na nasa likod ng pintuan ko. Wala na 'yung laman, huling saing na 'yung kanina. Pambihira talagang buhay 'to.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga. Dahan-dahan kong hiniga sa kama ang pagod kong katawan. Ang dami kong ginawa ngayong araw. May pasok pa ako sa trabaho bukas, may klase rin ako sa gabi, hays. Kailangan na kailangan ko talaga ng pera, wala na akong makain. Wala rin akong perang pambayad sa renta, nakikitira pa rito si Niah, kagaya ko rin wala rin siyang pera at wala ring trabaho. Ang babaeng 'to talaga, imbes na tulungan ako sa mga babayarin, mas pinili niyang lumabas lagi at makipaglandian sa mga mayayamang hapon doon sa Dark Bar. Wala rin naman akong karapatan na sumbatan siya, pero minsan ang sarap niyang palayasin. Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan.

"Daldalhan kita rito!"

"Niah!"

"Sa ayaw man o sa gusto mo! Sige, aalis na ako, ah!"

Bago pa man ako makasagot; nakalayo na siya. Nakalimutan niya pang sarhan ang pintuan. Err, nakakagigil talaga ang babaeng iyon.

Iritado akong tumayo mula sa kama ko. Tinungo ko ang hindi kalayuang pintuan at akmang isasara ko na sana 'yun nang may lalaking nakatayo sa gilid ng kuwarto ko. Halos mapatalon ako sa kaba dahil sa ayos nitong mukhang magnanakaw.

"Anong ginagawa mo riyan?" kinakabahan na tanong ko. Dahan-dahan niyang binaling sa akin ang kaniyang tingin. Napalunok ako nang tuluyang nagtagpo ang mga mata namin. Sobrang lalim ng kaniyang tingin, napakaamo din ng kaniyang mukha. Parang hindi siya tao, este! Parang may lahing hapon.

"S-Sino ka?"

"Nagugutom ako. Walang pagkain sa loob ng kuwarto ko at ang init-init pa. May pagkain ka ba riyan?"

"H-Ha?" lutang na sagot ko. Tila hindi makapaniwala.

"Sabi ko, makikain ako. Narinig ko kasi na dadalhan ka ng pagkain ng kaibigan mo. Puwede ba akong humingi?"

"S-Seryo— Hoy! Hoy! Huwag kang pumasok sa loob!" punyeta!

Niah, tulungan mo ako!

Hinila ko ang laylayan ng kaniyang damit. Pinilit pinapalabas ngunit sadyang mapilit talaga siya.

"Ano ba, hindi mo 'to kwarto! Lumabas ka kung ayaw mong I-report kita sa mga pulis!"

"Go on. Wala akong pakialam. Nagugutom lang talaga ako ngayon. Hindi ka ba naaawa sa akin?"

Sarap niyang suntukin sa totoo lang. Kung puwede lang gawin iyon ay baka kanina ko pa ginawa sa kaniya.

"Ano, ayaw mo talaga?" hamon ko sa kaniya. Umupo siya sa kama at tamad na tiningnan ako, nag-uusok na sa galit.

Argh, kakaloka.

Umiling siya. Talagang iniinis talaga ako ng walang hiya na ito. Sige, sinusubukan mo talaga ako, ah. Iritado akong lumabas ng kwarto, bumaba ako at hinanap ang nagmamay ari nitong bahay kaya lang ay napatigil ako nang makitang may kausap itong lalaking matangkad.

"Rerenta ka ba, iho?" tanong ng may ari sa matangkad na lalaki. Hindi ko gaanong mamukhaan ang mukha niya dahil sa suot nitong cap. Kakainis naman.

Mamaya ko na lang siguro siya kakausapin. Mukhang bigatin kasi 'tong kausap niya, sa tingin ko'y pogi din. Kumekembot kasi si Ali habang kinakausap ang lalaki. Ang landi, ah.

Galit akong bumalik. Mas lalo lamang uminit ang ulo ko nang makita ang malaking ngisi ng lalaki. Tila ba sinasabi na 'oh asan na?' Naghihintay ako. Tangina talaga.

"Umalis ka sabi! Wala na nga kaming makain tapos dito mo pa naisipang manloob. Baliw ka ba, ah? Trespassing 'tong ginagawa mo!"

"Hindi mo naman pagmamay ari ang buong bahay..."

Pigilan niyo ako, please. Sasapakin ko na talaga ang hinapuyak na ito.

***

"Oh? Anong klaseng mukha 'yan, Janice?"

"Mukhang... walang tulog."

"Anong nangyari sa'yo? At bakit kasama mo 'yong bagong lipat kagabi, ha? Ikaw ah, type mo?"

Umarko ang kilay ko. Kung alam lang ng gagang 'to anong nangyari kagabi, jusko. Iinit talaga ang ulo mo. Sino ba namang baliw ang masisiyahan kung may lalaking bigla-bigla na lang papasok sa loob ng kwarto mo at komportable pang umupo sa kama ko. Tila wala man lang ako sa kaniyang harapan. Prente pa siyang puwesto, akala niya siguro kwarto niya. Kahit anong taboy ko sa kaniya, hinding-hindi talaga siya aalis. Wala akong tulog dahil du'n. Hanggang sa umuwi si Niah, mulat na mulat pa rin ang mga mata ko dahil sa lalaking 'yon.

Kailangan ko kasi siyang bantayan, baka nanakawan ako. Kahit na kaonti at mukhang mumurahin lang itong mga gamit ko ay may value pa rin ito sa akin. Ni-check ko naman lahat ang mga gamit ko, walang nawala.

"Mukhang bang type ko 'yon?"

"Bakit wala kang tulog? May ginawa kayong milagro 'noh?"

Nanlaki ang mata ko. "A-Anong milagro? Mandiri ka nga sa sinasabi mo, Niah!" ang bastos ng babaeng 'to.

"Sus, para namang virgin."

"Virgin pa ako!" angil ko naman. 'Yon naman kasi ang totoo. Wala nga akong boyfriend, e.

"Sabi mo e. Pero aminin, hot niya 'no?"

Aish. Hot ba 'yon? Para ngang tanga.

"Nakakadiri ka, Niah. Kahit naman hot o guwapo iyon wala pa rin akong pakialam. Ang kapal ng mukha non." Gigil kong sabi at nagmartsa palabas ng kuwarto. Bumaba ako habang sunod nang sunod naman si Niah. Tumatawa pa.

"Saan ka pupunta?"

"May naiwan akong bag kina Aling Marsie, kukunin ko lang. Gagamitin ko 'yon bukas e,"

"Puwede mo namang gamitin muna 'yung akin."

"Hindi kakasya ang gamit ko roon, Niah."

Ang liit kaya ng bag niya. Dinadala niya nga iyon sa mga lakad niya. Cellphone lang yata ang kakasya do'n. Aanhin ko naman iyon kung gano'n? Notebook ko ngang tatlo hindi kakasya.

Nang makarating sa bahay nina Aling Marsie sinenyasan ko si Niah na hintayin na lang ako sa labas. May malaki kasing galit sa kaniya si Aling Marsie dahil nahuli niya daw ang kaibigan kong nilalandi ang anak niyang si Anton. Ayaw kong mag-away na naman ang dalawa kaya sa labas na muna si Niah. Papatol kasi talaga ang babaeng 'to.

"Bakit naman? Naka-move on na naman siguro si Aling Marsie,"

"Wala sa bokabolaryo niyang mag-move on, Niah." Asik ko. Tumawa naman siya ng malakas. Walang hiya talaga oh.

"Hindi ko naman kasalanan na mabilis maakit ang anak niya, Janice. Kinindatan ko nga lang iyon nagpauto kaagad."

"Niah!"

"Oo na sige!"

Umiling-iling ako habang papasok sa loob ng bahay nina Aling Marsie. Nakita ko siyang nag-aayos ng labahan sa labas.

Dahan-dahan akong lumapit.

"Aling Marsie..."

"Janice, bakit naparito ka?" Lumapit at nag-mano ako sa kaniya.

"Kukunin ko lang po sana ang bag kong naiwan kahapon. Gagamitin ko po kasi bukas sa eskwelahan,"

Napaisip si Aling Marsie at kalaunan may naalala. Tumango naman ako at ngumiti sa kaniya. "Ay oo nga pala, iha. Sandali kukunin ko ah,"

"Salamat po, Aling Marsie."

Habang naghihintay sa kaniya binaling ko ang tingin sa kanilang malaki at 3rd floor na bahay. May sarili silang swimming pool na hanggang leeg yata.  Nakita ko kasi isang beses si Anton na naliligo doon at hanggang leeg niya lang. Siguro kapag sa akin iyon lagpas na.

May malawak silang garden at tambayan sa gilid ng bahay. Masasabi kong maganda at pang-mayaman ang bahay nila. A-aplay kaya akong maid dito, tatanggapin kaya ako?

Narinig ko ang yapak ni Aling Marsie kayat napalingon ako sa kaniya. Hawak niya ang itim kong bag at bakas ang bigat sa kaniyang reaksyon.

Kumunot ang aking ulo. "Mabigat ba, Aling Marsie?" Lumapit ako at ako na mismo ang nagbuhat ngunit kaagad ding napamura nang maramdaman ang bigat nito.

"Ang bigat, iha. Anong laman niyan?" Nakahawak sa beywang na tanong ni Aling Marsie.

Miski ay napatanong din sa sarili.

"Mga libro at iilang notebook lang naman po, Aling Marsie," naiwan ko kasi 'to dahil sa pagmamadali kahapon sa trabaho. Mas malapit kasi ito kaysa do'n sa tinutuluyan namin.

"Ganoon ba. Mag-iingat ka ah,"

"Salamat po!"

Bigat na bigat ako habang palabas ng bahay. Nadatnan ko si Niah na may kausap na lalaki sa labas, matangkad ito at chinito. Bago na naman?

Libro lang naman at iilang notebook ito, bakit ang bigat naman yata?

"Janice!" tawag niya.

"Yan na ba? Mukhang nahihirapan ka ah," tinulungan niya na rin akong hawakan ang bag ko.

"Para may bakal sa loob, ah. Sigurado ka bang bag mo 'to?" hindi ko siya pinansin sa halip ay binalingan ko 'yong chinito. Hindi pa rin umaalis.

"Kilala mo?"

"Hindi. Nagtatanong lang,"

"Ano raw?" usisa ko habang naglalakad papalapit sa aming kwarto.

"Kung saan ang bahay nina Anton Melendez. Sinabi ko iyon at tamang-tama kalalabas mo lang." Sagot niya sabay upo sa sahig nang makarating.

"Grabe ang bigat naman niyan!"

Pareho kaming hinihingal habang nakatingin sa aking bag. Napaka-imposible talagang ganito kabigat ito. Gamit lang naman sa school ang laman nito.

"Bubuksan ko na ah—what the fuck, Janice! Bakit may box ka ng condom sa bag mo?!"

Nanlaki ang mata ko at dali-daling lumapit upang makita ang pruweba.

Tiningnan niya ako. "Gamit lalaki ito, Janice. Saan mo nakuha ito?"

Napalunok ako nang makita ang box ng condom, tuping mga boxers ng lalaki at mga damit na halos branded lahat. Anong nangyayari...

Saan galing ang mga ito? This is not my bag.

"Ang mamahal ng mga damit na ito. Benta kaya natin? May dalawang laptop pa, sa'yo isa, Janice!"

Hindi ako natutuwa, Niah. Kailangan kong isauli ang bag na ito. Ang mga libro at notes ko! Exam bukas, kailangan kong mag-aral!

"Gosh. Babalik ako kina Aling Marsie, Niah. Isasauli ko ang bag, hindi atin 'to,"

"Huwag muna ibalik, Janice. Ibenta natin ang mga ito,"

"Are you crazy? I need my ba—" hindi ko natapos ang aking sasabihin nang biglang umatake ang ubo ko. Shit, not now!

"Janice! Janice!"

"K-kunin mo ang g-gamot ko sa drawer..."

Natataranta niyang kinuha ang gamot ko sa drawer at binigay kaagad sa akin.

Tinanggap ko naman at mabilis na ininom kahit walang tubig dahil nahihirapan na akong huminga.

"Shit! Umayos ka, Janice!"

I smiled at her and said thanks, bago ko naramdaman ang panghihina dala ng gamot.

Why am I so weak.

***
Don't forget to vote and leave a reaction for more updates. Thank you!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top