CHAPTER 04

I refused her message. Kahit ano lang ang kanyang naiisip por que hilig siya magbasa ng mga libro.



"Nasa bahay na ba si dad?"



"Wala pa."



"How about Stella and Stallion?"



"Nasa business meeting sila."



"Paano mo nasabi?"



"Your dad told me about that earlier."



Tumango ako. "Okay, sabi mo."




Nakasentro lang ang kanyang atensyon sa dinadaanan namin. Pasimple ko siyang tiningnan. He's not actually familiar to me. Still, he looked like a married man, or else... had a girlfriend.



"May I ask you something?" Binasag ko ang sandaling katahimikan.



"You can."



"What's your name?"



Tahimik siya na tila may malalim na iniisip. Hinintay ko siyang sumagot.



"Zi Clemente," tugon niya sa mahinang boses.



"How old are you?"



"I'm twenty-eight."



"So, you're Zi and twenty-eight. Any girlfriend or spouse?"



"I'm single."



Pasimple akong ngumiti, at sinigurado kong hindi niya ako nahalata. This time, mas cute akong ngumiti. Something went through my mind. Kilig I think.



"Bukod sa pagkain, ano pa ba ang kinakain mo, Zi?"


Bahagya siyang lumingon sa akin at lumunok. I saw his Adam's apple. Bagay sa kaniya.



"I ate anything as long as it can be taken orally." Ngumisi ako at inulit pa ang kanyang sinabi.



"Orally." May mahiwagang bagay na sumagi sa aking isipan. "So interesting."



"Are you hungry?" tanong niya.



"Orally, yes." Ngiting ngiti ako sa bagay na aking naiisip.



"Ako rin." Natigilan ako.



"Gusto mo ba kumain?" dagdag niya.



"Magkainan tayo," sambit ko at umiwas agad ng tingin. I would rather not be flirty, pero may nature ako na medyo bastos kausap.



"Seryoso ka ba?" Kumunot ang kanyang noo.



"Zi, kumakain ka ba?" Nagsimula siyang magtaka. Mukhang iba ang kanyang iniisip.



"At sigurado akong kumakain ka rin," bawi niyang sagot.


Aba naman at palaban siya. At kapag ganito, talagang gaganahan ako sa pakikipagsagutan.



"I'm horny now," anas ko.


Ngumisi siya. Pansin kong dinilaan niya ang kanyang ibabang labi sabay kagat na para bang may kinagigilan siya at gustong kainin.


"Ano ba iniisip mo?" Kunwari ay hindi ko nahuli ang umiikot sa kanyang utak.



"You're horny for what you've said."



"Oh, tapos?"



"Nagugutom ka, hindi ba? Kung ganoon, bibilhan kita ng pagkain." I nodded, trying to forget what I was trying to say. Bitch! Ang landi ko.


"Dumaan na lang muna tayo sa fastfood."


I ordered fries, a burger, and drinks for us. Kumain kami sa loob ng kotse habang nakahinto sa gilid ng kalsada.



"Would you mind if I will ask you about yourself?" Tiningnan ko siya. Eye to eye. Para siyang naging bato at hindi makagalaw habang pilit na nginunguya ang fries.



"Sige," pagsang-ayon niya. Ngumiti ako, and he did the same thing. 



"Dad hired you for me, right?" Tumango naman siya agad. "So it means that I'm your boss, too."



"So?" natatawang sabi niya.



"So, what?"



"Your dad is my primary boss. And since anak ka niya, I will give a respect for it and for you."



Unti unting nawala ang ngiti sa aking labi. Sa tingin ko ay hindi ko siya agad mapapasunod sa mga gusto kong gawin sa araw araw habang wala sa bahay. Surely, hindi ako makakagala with my gals, or partying with dudes. At sa tingin ko, magiging reporter ko siya when it comes to my dad. No way!



"May mga kapatid ka na ba, Zi?" Iniba ko ang tanong since hilig din ako mag-imbestiga. I want to know him very well. He's my driver, and theres nothing wrong with it.



"Meron, pero wala sila rito. Nasa probinsiya sila, kasama si lola." Sandali siyang ngumiti at kalaunan ay napawi rin ito. Pasimple siyang yumuko, ayaw akong tingnan.



"Where were your parents?"


Umiling siya, "Wala na sila sa mundong ito, Star. Kinuha na sila sa amin."



"I'm... I'm sorry."



"Okay lang. Nagtanong ka naman, so sinagot ko lang din ng maayos."



Inayos ko ang aking pag-upo, at hinintay ko siyang matapos sa kanyang pagkain. The silence crossed between us. I hate this kind of conversation na tila nauubusan ng ideya sa pupwedeng pag-usapan. Nag-isip ako ng pwedeng itanong sa kanya. Nagiging awkward na ako sa ginagawa kong trip na ito, pero kailangan ko siyang galitin para umalis na siya sa trabaho niya at para malaman ko rin kung ano at sino siya. Ayaw ko siyang tumagal sa buhay ko.



"Bakit mo naisipang magtrabaho bilang driver?"


"Simple lang, dahil gusto ko magkapera para sa kanila. Gusto ko mapagtapos sa pag-aaral mga kapatid ko, at sa gayon ay hindi sila matulad sa akin na tila ba walang silbi sa mundo."



Napakagat ako sa aking ibabang labi. I felt something bad, knowing the initials of his side story. Binabalak ko pa lang na saktan siya, ngunit nakokonsensiya na agad ako. Parang ayaw ko na siyang kausapin. I hate listening to dramas and kaartehan sa buhay.



"Marami namang trabaho, Zi. Bakit naman sa amin? I mean, paano mo nakilala si dad at mapakiusapan na pumasok ng basta basta?"



Sa wakas ay umangat na siya ng ulo at inayos din ang pag-upo. Tapos na siya sa kanyang kinakain.



"Do you want to know the reason behind in it?" Tumango ako.


"Sasabihin ko sa'yo bukas." Tumaas ang isa kong kilay, nagtataka kung bakit kailangan ko pa maghintay ng bukas para malaman ang kanyang sagot. Not sure, pero baka na-sense niya rin ang binabalak ko sa kaniya.



"Bukas?" Nagkibit balikat ako. "Bakit, may kaibahan ba kung sasabihin mo na lang ngayon? Wala naman."



Balik biyahe na kami. Tahimik na tao si Zi, habang ako naman itong madaldal. And since he's my driver, normal lang naman siguro ang kusapin namin ang isa't isa patungkol sa mga bagay na may moral at maging immoral. Syempre, why not. I have a bad attitude, and at the same time, a flirty one. Actually, I called myself as a "fucking bitch."



"Zi, huminto na muna tayo rito." 



"Bakit?"



"Basta ihinto mo na muna." Agad niya namang sinunod ang aking utos.



"Wait me here," pagkasabi ko ay agad na akong bumaba ng sasakyan. Jusko, bakit ngayon pa?



"Star," tawag niya sa akin at sumunod din.



"Shit," usal ko habang nakaupo na para bang palaka sa mismong labas ng sasakyan.



"Sorry," agad niyang sambit pagkakita sa akin. Pinaalis ko siya. Umiwas siya ng tingin at bumalik sa loob.



Para akong lumulutang sa sarap habang himas ang aking puson. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko.



"Ibang klase," sambit niya at akmang tatawa. Napang-abot naman ang aking kilay at pasimpleng umirap. Hindi ko gusto ang tabas ng kanyang dila.



"Ang alin ba?"



"Naiihi ka na pala, edi sana sinabi mo agad nang sa ganoon ay naidala pa kita sa matinong lugar."



"Baliw ka ba?"




Inginuso niya ang isang gasoline station hindi kalayuan sa amin. Nakita ko mismo na may c.r nga ito. Nainis ako sa sarili ko. Bakit ba ang tanga ko? I don't know. Gusto ko matawa pero awkward 'yon. Sobra.



"Cute ang c.r nila," sagot ko. "May initiate ang management nila. Look, maraming fresh flowers na naka-display sa labas ng pinto nila. Ganda naman."



"Hindi kasi 'yan, Star." Bahagya siyang tumawa at itinuro ang isa pang bahagi.



"That one, I mean."



"Namalikmata ako, pasensiya na."



Umiling siya, "Ganiyan ba ang epekto sa 'yo pagkatapos umihi?"



"Nang-aasar ka ba?"



"Asar ka na ba?"



"Baliw."




"Next time, kapag nasa biyahe tayo at ihing ihi ka na, just tell me para makahanap agad tayo ng maayos na lugar."



"Next time."



"Hindi kasi bagay sa 'yo ang iihi lang kahit saan. Pangit din tingnan."



I saw his face. Concern ba siya sa akin? Wow, first day niya pa lang sa trabaho, pero agad din siyang may napuna sa akin.



"Ganoon ba?"



Tumango siya. "Ganoon nga."




Sa wakas ay nakarating na rin sa bahay. Agad akong lumabas ng sasakyan at hindi na siya hinintay na ako'y pagbuksan. I know how to initiate on my own. Pumasok na ako. And as usual, tahimik ang bahay kapag ka wala ang mga kapatid ko.



"Hi, langga," bati ni Mi pagkalapit sa akin. She rather called me langga kasi mahal niya ako. Kinuha niya ang bag ko at kinumusta na rin ako. At ang kamustahin ako ang talagang isa sa nagpapasaya sa akin.



"Masaya po ang araw ko. Salamat, Mi."



"Gutom ka na ba? Gusto mo kumain o baka may gusto kang inumin."



"Kumain na po ako." Tumikhim ako at sandaling nilingon si Zi. "I mean, kami."



"Mabuti naman at agad din kayong nagkasundo."



Ngumiti ako. "Sa tingin ko naman ay magkakasundo kami. Mabait po siya."



Pansin ko na lang si Zi na umalis, palabas ng bahay. Sinundan ko siya ng tingin. Seryoso siya. May kausap ba siya?



"And, Mi, anong oras ang uwi nina daddy?"



"Wala silang binanggit. Bakit mo naman naitanong?"



"Pupuntahan ko sana si Bea sa kanila."


"Langga, ang sabi kasi ng daddy mo..." Agad kong pinutol ang sana'y kanyang sasabihin at dinugtungan ito.



"Saglit lang ako roon, Mi." Tumayo na ako at agad na umalis. Akmang lalabas ng pinto nang magkabungguan ko ang papasok na si Zi.



"Sorry," sambit niya habang nakatingin sa akin. Halos magkadikit ang aming mga katawan.


"May gagawin ka ba ngayon?" tanong ko.



"Wala pa naman, bakit?"



"Pwede mo ba akong ipagmaneho kina Bea?" 



"Hindi pwede," direkta niyang sagot.



"Pardon?"



"Isa sa bilin ng dad mo sa akin ang huwag kang ipagmaneho sa kahit saan."



"Bea is my friend. And, Zi, saglit lang tayo." Hinawakan ko ang kanyang isang kamay at hinila na ito pero agad siyang nakapagpigil.



"No, Star. Hindi pwede."



From that moment, para akong nalusaw. Dad really controlled me against my friends.



"Well, kaya ko naman umalis mag-isa."



Sa walang pag-alinlangan ay agad kong hinablot mula sa kaniya ang susi ng sasakyan. Patakbo kong tinungo ang sasakyan. Zi ran after me. Ang bilis ng kamay niya. Agad niyang napigilan ang pagbukas ko ng pinto.









































Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top