CHAPTER 03
"Sigurado ka ba, April?"
"Star, ayaw ko na ulit bumalik sa bar na 'yon."
"Why not?"
"That place is not safe anymore. Nagiging tambayan na pala iyon ng mga sindikato."
Nakapako ang tingin ko sa kaniya. Hindi makapaniwala. Mas tumindi pa ang takot ko.
"Sunduin natin si Bea sa kanila."
Agad kaming umalis. Nasa hallway pa lang kami nang marinig na binabanggit mula sa iilang estudyante ang tungkol sa mga naglipanang sindikato sa aming siyudad.
"Sana walang nangyaring masama kay Bea," tugon ko sa mahinang boses.
Palabas na kami sa E.U nang tumawag sa akin ang ina ni Bea.
"Yes, tita?" Lumakas bigla ang pagdabog sa aking dibdib.
"Nasa ospital kami ngayon. Isinugod namin si Bea."
"Papunta na kami ni April d'yan. Hintayin n'yo po kami."
Dali dali kaming sumakay ni April sa taxi na tila ba walang direksyon ang pupuntahan.
*****
"What happened to her, tita?" tanong ko sandaling makapasok sa silid. Hawak niya ang isang kamay ng anak habang nakaupo sa tabi nito.
"Nagsusuka siya lately at nawalan ng malay," giit nito at umangat sa amin ng tingin. There's a sadness to her expression.
"I'm sorry about this, tita," paliwanag ni April. "Kasalanan ko ito. Ako kasi ang nagyaya sa kanila na uminom sa bar kahapon."
"Look, I didn't mean to imply anything bad against you, but please, huwag n'yo na ulitin."
"Hindi na po mauulit," dagdag ko.
Tumayo siya at humarap sa amin. "Talagang hindi na, Star. Dahil simula ngayon, hindi ko na hahayaan pa na makalapit ang anak ko sa inyong dalawa."
Para akong sinampal sa pangalawang pagkakataon dahil sa hiya.
"Tita, huwag naman po sanang ganiyan," pakiusap ko at hinawakan ang kanyang kamay.
"Matagal na naming kaibigan ang anak ninyo," tugon ko. "Wala kaming intensiyon na masama sa kaniya. Kung ano man ang nangyari sa kaniya, hindi po namin iyon ginusto. Tita, aksidente ang nangyari."
"Makaaalis na kayo," sagot niya at inalis ang tingin sa amin maging ang aking kamay.
"Pero..."
"Pakiusap."
Sandali kong pinagmasdan si Bea sa higaan. Para akong dinurog sa sobrang sakit. Isang tao ang pilit na inaalis bilang parte sa buhay ko.
"Pakisabi po sa kaniya pagkagising na kami ay pumarito," sabi ko. "Marami pong salamat."
Hinawakan ko ang kamay ni April at mahinahong lumabas ng silid. Naglalakad kami na tila ba nakalutang sa hangin; tulala at hindi alam kung paano talaga nangyari ang bagay na hindi namin inakala.
Walang may gusto sa nangyari. Aksidente lamang iyon. Unpredictable.
*****
"Good evening, dad," bati ko at nagmano sa kaniya.
"Maganda ba ang araw mo?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng kaunti. At kahit hindi kailangan ay ginawa ko, kasi ayaw kong isipin niya na puro lang problema nasa buhay ko.
"Okay naman po ang naging araw ko."
"Hindi ka pumasok sa klase mo, tama?"
Yumuko ako at umiiling.
"Saan ka galing?"
"Kina April."
"Kung ganoon, mas tumigas pa lalo ang ulo mo."
"Dad, allow me to explain."
"No need, dahil nagkausap na kami ni Lesly kanina. At sa ginawa ninyo, lalo ka na, talagang hindi ako natuwa."
"Dad, aksidente ang nangyari kay Bea,"paliwanag ko. "At kahit kami ay hindi alam kung paano iyon nangyari sa kaniya."
"Kahihiyan sa pamilya ang ginagawa mo sa buhay, Star."
"Dad, wala kaming ginawang masama sa kaniya. Mahinahon silang nakauwi ni April."
"Gusto mo nahihirapan, tama?" Suminghap ako.
"Dahil diyan, bibigyan kita ng reward. Let's see what you can do. Go now."
*****
Maaga akong nagising dahil na rin sa malakas na alarma ng aking orasan. Medyo puyat pa ako pero pinipilit na agad bumangon.
May sarili akong comfort room. At sa walang pag-alinlangan, naligo ako at nag-ayos ng sarili. I want to look perfect before going down and meet my siblings.
Isinuot ko ang aking uniporme, black shoes at maging aking paboritong Gentle Woman bag. I love wearing black, at hindi maikakaila na kadalasan sa mga gamit ko ay kulay itim. Black is my favorite color, and it never fails me and my standard. I wear light makeup and applied floral scents.
Seksi akong lumabas ng silid. Nakangiti pa ako nang makita nila akong pababa na rin sa hagdan. Maganda ang araw ko, and I really appreciate positive thoughts, especially during morning.
"Good morning, Ate," bati ko sa kapatid kong humihigop ng kape sa sopa. Ngumiti siya at inilahad ang isang kamay sa akin. Nilapitan ko siya at tinabihan.
"I hope you will doing something today na hindi ikasasakit sa ulo ni dad."
"I will make sure of it."
Nilibot ko ang tingin. Hindi ko mahagilap ang aking ama. Sa halip, mukha ng kapatid kong lalaki ang nadaanan ng aking mga mata.
"Good morning, Stallion," bati ko sa kaniya. Inirapan niya ako na tila ba nagsusungit na naman.
"Ihahatid mo ba ako?" Tuloy lang ako sa pagngiti. Hindi ko alam kung napaano ako sa sarili ko at napaka-excited na pumasok sa eskwela.
"Hindi kita ihahatid," agad niyang sagot. "Grounded ka, hindi ba?"
"Baka naman pwede mo akong ihatid kahit hanggang sa kanto lang ng university," pamimilit ko sa kaniya at nag-pout.
"No way."
"Ang damot nito."
Sandali pa ay pumasok si dad. Agad din niya akong tinapunan ng tingin. Huminto siya at sumenyas na ako'y palapitin. Agad din akong kumilos.
"Yes, dad?"
"As what I've mentioned previously, I would like to give you a reward now for not obeying the house rules."
I wondered what it could be. Pero hinintay ko pa rin siya na matapos magsalita.
"I hired a driver for you. Therefore, keep safe," he proudly said. At pumasok nga ang isang lalaki at ito'y palapit na sa amin.
"Driver?" Ang kaninang ngiti ko ay napalitan ng kaunting inis.
"Siguro naman, titino ka na sa buhay mo," giit niya at ngumiti. Kumunot ang aking noo.
"Here he is," he added as the man finally stood in front of us.
"Hi, miss," bati niya sa akin. Hindi ko gusto ang boses niya. Tunog maangas. Hindi rin kagwapuhan.
Hindi ko siya pinansin. Nanatili lang akong nakatingin sa mukha ng aking ama.
"Ihahatid ako ni Kuya ngayon." Nilakasan ko ang boses para na rin marinig ng kapatid kong ayaw akong pakisamahan ng maayos.
"Sorry, I'm not available," sagot niya na ikinabaling ko rin agad. Pinandilatan ko siya. Ngumisi siya sa naging reaksiyon ko, habang si ate naman ay pilit na yumuyuko kahit alam kong natatawa rin siya.
Nga naman. Talagang iniisahan nila ako.
"I have something to do now," dad concluded. "Take good care of my daughter."
"Yes, sir."
Pansin ko ang pag-alis ni dad. Ngunit, hindi ko magawang lingunin ang lalaking nasa aking harapan.
"Aalis na po tayo," kalmadong sabi niya. Suminghap ako at nagsimulang maglakad. Nakasunod naman siya sa akin.
Pinagbuksan niya ako ng pinto nang marating namin ang sasakyang nakaparke sa mismong harap ng bahay. Ang linis. Ang ganda ng kotse ko. Sa wakas ay makakasakay na ulit ako sa kaniya.
"Thank you," sambit ko at pumasok na. We finally get into the car. Ang bilis niyang kumilos.
"You must wear your seatbelt, miss," utos niya sa akin.
"Sorry, I forgot," sagot ko at isinuot na nga ito.
Pinaandar niya ang sasakyan. Sandali pa ay umalis na rin kami. Naging tahimik ang aming paglalakbay.
"Tawagan n'yo po ako mamaya pagkatapos ng klase," sabi niya pagkahinto ng sasakyan. Tanaw ko na ang gusali kung saan ako pumapasok.
"How should I call you?" Sa wakas, nilingon ko siya at tiningnan ng maayos. "I don't have your cell number."
"Do you want to have it?" tanong niya na ikinangiti ko naman.
"I'm sorry, hindi ako hilig mag-add ng isang contact cell unless na lang kung mahalaga talaga."
Tumango siya. "I will call you later."
"You should, because that's one of a part of your service," I ridiculously said and went out of the car. I left him with peace.
"Bakit naman ganiyan ang mukha mo?" pagtataka ni April. "Napaano ka ba?"
"Dad hired a private driver for me."
"That's good, at least may maghahatid at sundo na sa'yo on time."
"Mabuti ba ang ganoon?" Humarap ako sa kaniya. "Magiging sagabal siya sa mga lakad ko and everything."
"Your dad really loves you. Isipin mo na ayaw ka niya mapahamak."
"I hate it. Wala akong freedom sa ginagawa niyang pag-control sa buhay ko."
"Edi ngayon, iiwasan na natin gumala na magkasama kasi may security ka."
"Guys, may party pala mamaya kina Audrey," sabi ng kaklase kong kapapasok pa lang sa room. "Sama kayo ha."
"Party raw, Star," panunukso ni April sa akin at ngumisi pa.
Umiling ako, "Not sure."
"Don't tell me iniisip mo kung paano siya tatakasan mamaya."
Nagkaroon ako ng ideya mula sa kanyang sinabi.
"Hindi ba ako sasablay?"
"Hindi ba magaling ka naman umilag?" pang-aasar niyang muli.
"Seryoso ako, April. Huwag mo akong pagtawanan."
"Wait," she paused for a moment. "Guwapo ba ang drayber mo?"
"Bakit mo naman naitanong?"
"Baka naman pwede mo siyang ireto sa akin."
"Mukha siyang may asawa."
"Ilang taon ba?"
"Hindi ko alam. Hindi ako interesado sa buhay niya."
"Kung ayaw mong ireto sa akin, sinasabi ko sa'yo, ikaw na lumandi para mapagbigyan ka niya sa lahat ng trip natin. What do you think?"
"Ayaw ko."
"Don't worry, I will help you. We will use our marketing strategy on that."
Pumasok sa klase, nakipag-kwentuhan, ginawa ang parte bilang isang estudyante, kumain, natuto at lumabas ng campus para hintayin ang sundo. Iilan lang ito sa naging bahagi ng araw ko.
Naka-akbay si April sa akin habang kami ay nakatayo. Ayaw niya raw munang umuwi hangga't hindi nakikita ang mukha sa sinasabi kong drayber ko.
"Nandito na pala siya." Tanaw ko ang papalapit na sasakyan.
"Hindi ka niya tinawagan."
"I think alam na niya ang eksaktong oras ng uwi ko, at hindi niya rin naman talaga kailangang tumawag. Hindi siya importante."
Huminto ang sasakyan sa aming harapan. Hinintay ko siyang lumabas para pagbuksan ako ng pinto, at ginawa niya rin naman ito.
"Pinaghintay ko po ba kayo?" tanong niya at ngumiti. Hindi ako sumagot.
"Ingat ka, Star," sabi ni April at nagpaalam na rin sa akin.
"Mag-iingat ka. See you tomorrow."
Pumasok na ako sa loob at huminga ng malalim. Saktong pagkaupo niya sa driver seat ay nag-bump naman sa screen ko ang SMS ni April at sinabing,
"Pamilyar siya sa akin."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top