CHAPTER 01

Samyo ng sampaguita ang nagpagising sa akin mula sa mahimbing na pagkakatulog. Umaga na at kailangan na bumangon. Ang saya ko, at palagi ang kasiyahan sa akin.

Masigla akong bumaba ng hagdan; nakangiting lumapit sa aking kapatid. She's sipping her coffee while reading something from the magazine.

"New style?" tanong ko. Tuloy lang siya sa pagtitig sa hinahawakan at nagbigay lamang ng tugon. Nilingon ko ang paligid.

"Good morning, Stallion," bati ko sa isa kong kapatid na tanaw ko naman hindi kalayuan sa amin. May ginagawa siyang hindi maganda.

Nilingon niya ako at inirapan. Agad ko naman siya nilapitan para ikompirma ang kanyang ginagawa.

"Ano 'yan?" tanong ko at nakakunot pa ang noo.

"Ano ba sa tingin mo?"

"So, mag-e-effort ka ulit sa kaniya?"

"Inggit ka?"

"May kainggit-inggit ba sa inyong dalawa?"

"Sige, asarin mo pa ang sarili mo. Malay naman natin at hindi kita ihahatid sa university mamaya."

"Edi wow. Mag-c-commute na lang ako."

"What if i-cancel ko ang allowance mo mamaya?"

"Sige, asarin mo ako at may kalalagyan sa akin ang jowa mo."

Humarap siya sa akin. Nakataas noo naman ako na tila ba hindi takot manghamon.

"How old are you again?" he asked.

"Twenty."

"How old am I?"

"Twenty-nine."

"I'm older than you, right?"

"Well, I know." I heaved a sigh.

"Therefore, you're younger than me," he said and made an evil laugh. Masaya siya sa joke niya.

"Siraulo ka ba?"

"Kinabahan ka ba?" natatawang sabi niya. Halatang nang-aasar lamang ito sa akin.

"Hindi naman. So, bakit natatawa ka?"

"May ginagawa ako, Star. Baka pwede ka na umalis." Ginulo ko ang kanyang buhok saka tumalikod.

"Kakain na ako," sambit ko at tumuloy na sa kusina para maghanda ng makakain.

"Bread or pasta?" Nag-iisip ako sa pwedeng kainin. Hindi naman kasi ako gaanong kumakain during breakfast.

"Good morning, Star." Mi greeted me with a smile.

"Mas maganda ka pa sa umaga ko, Mi," bawing sagot ko sa kaniya at ngumiti ng malapad.

"Breakfast?"

"Hindi ako gutom," palusot ko. "Pero may cravings ako at this moment."

Mi is one of our kitchen staff. She does a big contribution to our house; for the family.

"Ikaw na lang ang hindi pa kumakain."

"How about dad?"

"Maaga siyang umalis kanina."

"Saan daw siya pupunta?"

"Business."

"Palagi naman siyang busy."

"Anyway, nagluto si chief ng paborito mong adobo kanina."

"Gusto ko 'yan," sambit ko at ngumiti pa rin kahit sa kinalooban ko ay sobrang sama.

Dad left us like nothing. Uuwi siya sa bahay at aalis din agad. Uuwi lang siya para magpahinga tapos aalis din kung kailan niya gusto. Hindi namin siya madalas nakakasabay sa hapagkainan. Hindi buo ang pamilya namin.

Hinainan niya ako ng pagkain at inilatag sa mesa. Kahit papaano ay may nag-aasikaso sa amin. Nga lang, ayaw ko masanay sa pagiging buhay prinsesa.

"Thank you, Mi." Umupo na ako at sinimulan na ang pagsubo.

"Ang sarap," tugon ko. "Less oil at juicy ang meat. Gusto ko ito pa rin ang magiging dinner ko mamaya."

"No problem," saad niya. "Sasabihin ko kay chief."

Pagkatapos kong kumain, sarili ko naman ang sunod na inasikaso. I want to look and feel better as I enter the school. Si kuya ang nagbigay sa akin ng allowance at ang mismong naghatid sa akin sa eskwelahan.


ENGLISH UNIVERSITY. Dito ako pumapasok araw araw para matuto at buuin ang aking pagkatao.

"Muntikan ka na naman ma-late," paalala ni Bea sa akin.

"Ayaw ko sanang pumasok ngayon," naka-ismid kong sagot at umupo na.

"Good to know at pumasok ka," giit ni April at pumuwesto sa aking tabi.

"Anything new?"

"Wala namang bago. Mga mukha pa rin naman nitong mga kaklase natin ang makikita mo," pabiro ni Bea.

"Gusto mo ba ng bago?" tanong ni April. Tumango ako at tila wala pa rin sa wisyo.

"Bar tayo mamaya," anyaya ni Bea na mukhang excited.

"Na naman?"

"Gusto ko uminom mamaya. Sana kayo rin," dagdag ni April. "So, game?"

I agreed. "Okay, I will go for it."

"Can't wait," Bea chuckled.

After our classes; as what we agreed, dumako kami sa isang inuman na distansiya lamang ang pagitan mula sa E.U.

Ako, kasama sina Bea at April. I'm not totally a fond of alcoholic drinks. Okay na talaga ako sa coffee at juice. Since kaibigan ko sila, kung ano ang demand ng isa, ito ay aayunan naming lahat. Happiness is our choice. At kaligayahan namin ang isa't isa; naming tatlo.

Um-order na si April ng beer. Dahil nagluluksa siya at gustong uminom, siyempre at dinamayan namin siya ni Bea. April is not a drunkard, and like me, umiinom lang din kapag ka may hindi magandang pinagdaanan sa buhay. Sa aming tatlo, si Bea ang masasabi kong lasinggera. Of course, umiinom kaming tatlo, but we know our limitations in life.

We came from a decent family. People rather think na perpekto at masaya ang bawat buhay naming mayayaman. Not all rich are happy, nor wealthy on love. No life is perfect. We gain so much pain and troubles in life. Tao lang din.

"So, anong ikinadrama mo, April?" Tungga ni Bea ang isang bote. Nakamasid lang ako habang nakaharap sa kanila.

"Sunset," maiksing sagot ni April.

"Mas mabuti nga ang ganoon," pangsang-ayon ni Bea. "At least now you know. Masyado ka kasing mapilit kaya nagkaganiyan ka. So, what now? Sana hindi na kayo magkaayos muli. Kaloka ka."

"You didn't understand." Bakas sa mukha ni April ang lungkot.

"Of course, I understand. We knew it at first. Nakailang kasalanan na siya sa'yo, but you just tolerated him. Kaya ang nangyari, you loose and then make a cry."

"Magkakaayos pa kami."

"Oh, c'mon. Wala ng balikan, April. Sira na utak mo n'yan kung papayag ka pa na magkaayos kayo. Mindset. He's not real to you. Huwag feeling fairy."

"Sa bagay, maganda naman ako."

"Maganda tayo. So why not trying to move on at hayaan na siya sa buhay niya. Gayahin mo si Star na may jowa pero low-key lang, right, Star?"

Binalingan nila ako ng tingin. Ngumiti ako ng kaunti at tumango. Napang-abot ang kilay ni Bea.

"Malungkot ka rin?" tanong niya sa akin.

"Medyo," sagot ko.

"I guess hiwalay na kayo ng jowa mo, o 'di kaya ay gusto mo lang din gayahin itong si April na pilit nagluluksa sa buhay."

Umiling ako. "Family."

"So, what about your family?"

"I don't know how to make a start. About my dad. Masyadong busy. No time for me; for the family. Wala. Parang gusto ko na lang piliin na makasama si mama kompara sa kaniya."

"Complicated," mahinang tugon ni April.

"Si Stallion ba ang naghatid sa'yo kanina?" dagdag ni Bea. Tumango naman ako.

"Star, would you mind if sasabihin ko sa'yo na baka need mo lang talaga ng matinong jowa like he will make you happy. Kasi sa totoo lang, hindi bagay sa'yo ang magmukhang langaw."

"Langaw?" pagtataka ko.

"Para kang nagmumukhang langaw sa lagay mong 'yan. Iyong tipo na kahit saan ka dadapo, talagang hindi ka masaya."

"Bakit, hindi ba ngumingiti ang langaw?"

"Hindi ako sure, pero nakasimangot lang talaga ang langaw."

"Ganoon ba?"

"Ganoon na nga. Therefore, ayusin mo mukha mo. Hindi bagay sa pangalan at ganda mo ang nakasimangot ka."

"Ano ba ang bagay sa akin?"

"Mas bagay sa'yo ang ngumiti ng malapad habang nakaupo sa kanlungan ni Red."

"Huh?" Nagtaka akong muli. Hindi ko mawari kung ano ang ipinupunto niya sa usapan. Hindi pa kami tapos sa isang topiko, lumipat na naman.

"Red?" pag-uulit ko sa pangalang kanyang binanggit.

"Jared Cabrienta na pinsan ni Rain La Costa na jinowa mo," mariin niyang sabi.

"Saan mo naman ba nasagap ang balitang iyan?"

"Source of information," natatawang sambit niya.

"Kahit kailan talaga, Bea. Napakagaling mo gumawa ng isyu. Ikaw na. Ikaw ang nararapat na bigyan ng korona."

"At dahil d'yan, uminom pa tayo."

Sumige pa kami sa pagtungga ng bote. Kahit papaano ay naibsan ang sama ng loob ko dahil kasama ko itong mga kaibigan ko; mga taong nagbibigay lakas-loob sa akin, maging saya at inis. Total package. Walang katulad.

Hindi ko pansin ang pagtakbo ng oras. Lumipas pa ang mahabang sandali. Mas lalo pang sumarap ang kwentuhan naming tatlo. Medyo tipsy na ako pero tuloy pa rin sa paglagok ng malamig na alak. Ang sarap.

"Kanina pa kayo rito." Isang lalaki ang lumapit sa amin. Maya pa ay nagsilapitan na rin ang limang kasamahan nito.

"Mukhang binabantayan n'yo kami," sagot ni Bea. Binalingan ko naman ang mga ito ng isang simpleng tingin.


Hindi ko sila kilala.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top