Simula
Mock-up made by DaneAndKnight ❤️
“YOPHIEL, my child, the burden is not yours to carry.” Gamit ang malambot na balahibo, hinaplos nito ang mga pisngi niyang may guhit na mga bitak at dahan-dahan nang nababasag.
Madilim ang paligid ngunit dahil sa berdeng liwanag na nagmumula sa kasama ay nagawa niya pa ring makakita.
As she tried to form a smile, pieces of her sand-like lips started to dance along the air. “If not me, then who will?”
Napaupo siya sa mabatong lupa habang ang kaniyang buhay ay unti-unti nang sinisipsip bilang kapalit sa kahilingan na ginawa niya kanina.
Napapagod na siya.
Hindi niya ninais na magkaroon ng ganitong buhay. Hindi niya kayang tanggapin na isa lang siyang imahinasyon at nakasulat na sa kamay ng isang tao ang kaniyang kinabukasan.
“Yophiel, we still have time.”
Umiling siya. Hindi na niya babawiin pa ang kaniyang sinabi.
Pumikit siya. Kasabay ng pagpikit ang pagtulo rin ng kaniyang mga luha. Napakuyom ang kaniyang mga kamao habang naaalala ang buhay niya sa Chloronosos.
Nagising na lang siya isang araw na may dugong bughaw at anak ng isa sa pinakamakapangyarihang tao sa kanilang lugar. Lumaki siyang puno ng kalinga. Lahat ng bagay gusto niya ay nakukuha niya, lahat ng gustuhin niyang mangyari ay nagkakatotoo, pero nang dumating ang araw na isa na siyang ganap na dalaga, doon nagkandalitse-litse ang buhay niya.
“I swear, Inferio. I swear,” nangangalaiti niyang saad. “I will never let her win this silly little playground she made for us!”
“But you are slowly fading . . . .” Inferio’s voice cracked as he watched her.
“I—” She wasn’t able to finish her word when one side of her face shattered and turned into dust. Hindi na rin niya magawang makita ang kanang parte ng katawan ng kausap niya.
Her time was almost over.
Biglang may umalingawngaw na sigaw sa loob ng kuweba kaya napalingon siya sa kaniyang likuran kung saan ito nanggaling. Nasilaw siya sa sinag na nagmumula sa lagusan.
“Papaano . . .” Napalaki ang kaniyang mata sa pigurang mabilis na naglalakad sa kanilang direksyon. Hindi siya makapaniwalang nahanap siya nito.
Ang akala niya’y walang sinuman ang makakapasok sa lugar na ito bukod siya at si Inferio, pero bakit nandito ang babae?
“You’re not going anywhere!” the woman who came out from the door shouted. Her eyes were glaring red. The ends of her hair circled like a whirlwind, ready to suck her anytime. She was mad, yet her lips were smiling, devious enough to make Yophiel rolled her eye in disgust.
She couldn’t understand how an innocent face of a woman could turn into something monstrous.
Tumayo siya habang humihinga nang malalim. Nararamdaman niya pa ang pagdaloy ng mana mula sa kaniyang puso. If she could concentrate one more time, she could still fight.
“You are not the one who will decide my fate.” Raising her hand, she focused her mana on the tip of her finger until it burst out of her body. She commanded the wind and created a series of spears made from the element. Endlessly spiralling at a maximum speed, the Wind Spears were like the voice of the destructing storm—dark, heavy and hugged by ferocious lightning.
The Wind Spears filled her surroundings as she waited for the woman to reach her. It would be too risky to release them when the woman was still not in near distance. Her vision was getting darker as well. If only she wasn’t in death’s door, she could easily release the Wind Spears with accuracy. But at this moment, she had to wait. She couldn’t afford to miss.
Biglang tumalon ang babae dahilan para mapaangat din ang tingin ni Yophiel. Ang mga kamay nito ay nagliliyab ng apoy at nakaambang susuntukin siya. Siguradong maluluto siya nang buhay kapag lumapat iyon sa katawan niya.
Kaagad niyang binitawan ang mga Wind Spear sa direksyon ng babae bago pa bumagsak ang kamao nito sa kaniya. Napuno ng usok ang paligid subalit hindi iyon naging sapat para mapigilan ang pagsugod nito.
Muntikan na siyang mapaluhod nang tumama ang nagliliyab nitong kamao. Sinangga niya iyon gamit ang mga braso.
“Ah!” Napasigaw siya dahil sa hapdi. Binarena ang kaniyang balat sa nanunuot na sakit ng apoy.
Diniinan pa nito dahilan para bumigay ang kaniyang mga tuhod at bumagsak ang likuran sa lupa.
“Yophiel!” Inferio’s voice echoed.
Isang maliit lang na guhit ang sumilay sa kaniyang mga labi. Inferio wanted to help her, but he couldn’t, for it was beyond the rule.
“You’re only a brat. An extra and a nothing. How dare you defy me!” Inalis nito ang kamao at ang kaniyang leeg naman ang pinuntirya.
Sinakal siya nito habang nakadagan sa kaniya. Hinawakan niya naman nang mahigpit ang pulso nito kahit na sobrang init at napapaso siya.
Hindi siya makahinga. Gusto niyang sumigaw dahil sa hapdi subalit hindi na niya magawa pa.
Yophiel formed another Wind Spear and hit the woman’s face. Ngunit para lang itong bula na biglang nawala pagkatapos matamaan ang babae.
“Y-you’re . . . w-worthless.” Kahit na nahihirapan ay pinilit niyang magsalita.
Hindi niya kayang itago ang pagkasuklam sa babae. Simula nang malaman niya ang lahat, wala siyang ibang hiniling kundi ang makaganti at hilain ito pababa.
“It’s you that is worthless, Yophiel.” Lumiwanag ang mapula nitong mga mata. Kasabay no’n ang pagdoble ng apoy sa mga kamay at ang pagtaas din ng sakit na nararamdaman niya.
Nandidilim na ang kaniyang paningin. Hindi niya alam kung mauuna ba siyang mawalan ng malay o ang hiling niya ang hihila sa kaniya sa kabilang buhay.
“Stay away from my beloved child!”
Napalaki ang mata ni Yophiel nang bigla na lang tumilapon ang babae. Bumangga ito sa pader ng kuweba. Sa lakas ng pagkakabangga ay yumanig ang buong paligid.
Nahigit niya ang kaniyang hininga at napabangon.
A loud growl enveloped the area, making her eyes panicked.
“No, Inferio!” Hinawakan niya ang mabalahibo at higante nitong paa. “Don’t do this! You will get punished!”
Tumigil naman ito at binaba ang buntot na handa na sanang ihampas sa kanilang kalaban.
“I just can’t let you suffer from that lunatic!”
Ginamit niya ang balahibo sa mga paa nito upang hilahin ang sarili patayo. Napababa ang kaniyang tingin sa isa niyang kamay na dahan-dahan na ring nawawala.
“It’s almost time,” ani niya.
Binalik niya ang tingin sa babae. Tumindig ang mga balahibo niya sa katawan nang maging kulay abo ang apoy sa braso nito hanggang sa kumalat at napuno ang buo nitong katawan.
“You are one of mine. How come both of you are against me?” The woman wasn’t shouting, yet her voice dominated the area.
Napalunok si Yophiel. Nadatnan siya ng kaba subalit hindi iyon sapat para umatras siya.
She had come so far.
“Inferio, do not do anything and just grant me my wish,” she reminded him. “I may not win this time, but I promise, this will not be the end.”
“But you will be gone forever.”
She took one last glance at Inferio. “I’ll be fine. I know you will too.” Niyakap niya nang mahigpit ang paa nito. Hinayaan niya ang sariling maramdaman ang malambot nitong balahibo sa huling pagkakataon. “You know what to do.”
Humiwalay na siya. Binalik niya ang tingin sa babae at nasa harapan niya na kaagad ito. Nawala na si Inferio sa kaniyang tabi na naging dahilan ng pagdilim ng paligid. Ang tanging nagpapaliwanag na lang ay ang apoy na pumapalibot sa katawan ng kalaban.
Hindi na siya nag-atubili pang iwasan ang atake nito at buong tapang na tinanggap ang suntok sa sikmura.
Napaluhod siya at napaubo. Hindi pa siya nakakabawi, hinila na nito ang kaniyang buhok kaya napaangat ang kaniyang tingin.
“I can’t believe you came from me, Yophiel.”
“Likewise.” She grinned, making the woman madder.
Her anger allowed Yophiel to create an opening. Mabilis niyang hinila ang kuwelyo ng damit nito at nilapit ang mukha sa kaniya. Inipon niya ang natirang mana upang gumawa ulit ng mahika. Naging bughaw ang natitira niyang mata habang sinasalubong ang mapulang mga mata ng babae.
A white glowing light flowed out from her eyes, making the woman panicked.
“You—”
“Accompany me to death,” she said, still wearing a mocking grin.
If she couldn’t win the fight, she might as well bring her with her.
“Annoying brat!” Sinubsob nito ang kaniyang mukha sa lupa.
Naramdaman niya ang pagkalas nito sa pagkakahawak sa kaniyang buhok kaya natawa siya. Kahit na tumutulo ang dugo mula sa ilong at umiikot na rin ang kaniyang paningin, nagawa niya pa ring humalakhak.
Sinulyapan niya ang babae na natataranta at pilit na pinipigilan ang sariling maging alikabok kagaya niya.
“Stop! Stop! Stop!” Paulit-ulit nitong pinapagpag ang sarili na animo’y mapapatigil nito ang pagkalusaw.
She just sat on the ground, laughing while also fading together with the woman.
“That’s for messing with me and my family!”
It was for making his father go crazy with power and greed. It was for the shame she experienced while in the hands of the woman. And it was for making her terrible and being hated by everyone.
“You bitch!” Sinugod siya nito at muling sinakal pero hinayaan niya lang itong saktan siya habang ‘di pa rin tumitigil sa pagtawa.
“Undo this right now!” Kita niya ang ugat nitong bumabakat sa leeg. Desperation burst out from the woman’s raging face. So desperate that Yophiel wanted to scream in happiness. Oh, how badly she wanted to see that expression.
“Why would—ah!” Hindi niya matapos-tapos ang sasabihin dahil hindi siya makahinga sa pagkakasakal nito.
Ang kaniyang paningin ay dahan-dahan na ring nawawala dahil nagiging alikabok na rin ang buo niyang mukha.
She was almost gone. And the fear that she had been suppressing for hours started to overtake her.
She was afraid to die. Ayaw niya pang mawala. Gusto niya pang makasama ang mga importanteng tao sa buhay niya pero hindi na siya puwedeng umatras pa. Pinili niya ito at papanindigan niya ito hanggang sa huli. Pinili niya ito upang maging masaya ang mga taong nagbigay ng kahulugan sa buhay niya.
“I said undo it!” Malakas na sampal ang natanggap niya.
Tuluyan nang nawala ang kaniyang bisyon. Hindi na niya makita pa ang mukha ng babaeng nakadagan sa kaniya, pero sinigurado niyang nakangisi siya sa huli upang ipagsigawang hindi siya ang talo.
“I am the one who made you! You came from me! You are mine, Yophiel. You need to listen to me!” She received a slap again. “Why are you acting like this? I don’t remember making you this way!”
“Then I guess you don’t know me at all.” Her feet and arm mixed around the air. She could no longer feel anything, even the hand of the woman who slapped her.
“You should’ve paid more attention to me,” she added as she dispersed completely.
Gone forever.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top