Kabanata 8
“ANONG ginagawa mo rito?” tanong niya kay Eziyah habang nakaupo sa dulo ng mattress.
Nasa himpapawid pa rin sila at ang kaniyang mga mata ay kanina pa nakatitig sa lalaking nakatayo katabi niya.
“I saw you going out from your window, so I followed you. I was at your back the entire time, my lady. Pero hindi mo ako napansin.”
“Ha?!” sigaw niya na nauwi sa tili.
Hindi siya makapaniwala na nasa likod pala niya si Eziyah habang tumatawa siyang parang baliw kanina sa saya. Feel na feel niya pa naman ang kaniyang sarili. Nakakahiya.
“Bakit hindi mo sinabi agad?!” bulyaw niya.
“I can’t interrupt a lady’s happiness.” Yumuko ito at sinalubong ang kaniyang tingin. “Can I sit beside you, my lady?”
Napakamot naman siya sa kaniyang ulo bago tumango. “Sige, umupo ka lang d’yan.”
Kagaya ng sinabi niya, umupo nga ito. Hindi ito sumagot at wala nang umimik pa sa kanilang dalawa. Binalik niya ang atensyon sa buwan at mga bituin. Ganoon din ang ginawa ng lalaki.
Minu-minuto, sinusulyapan niya si Eziyah. Madilim ang paligid kaya hindi niya masiyadong maaninag ang lalaki. Kanina pa siya nagtataka dahil parang may gumagalaw sa kanang balikat nito. Hindi siya sigurado kung ito ba’y isang buntot o baka nag-ha-hallucinate lang siya.
Dahan-dahan niyang tinaas ang kamay at inabot ang gumagalaw sa balikat. Kaagad siyang napaigtad nang tinampal ng buntot ang kaniyang kamay.
Kasabay ng paglingon ni Eziyah ang paglipad din ng kakaibang bagay.
Isang maliit ngunit matinis na boses ang nilikha ng nilalang na lumipad papunta sa kaniyang harapan. Wala itong mga pakpak pero nagagawa nitong makalipad.
Napanganga siya habang pinagmamasdan ang kulay ginto at mabalahibong katawan na kawangis ng isang pusa. Ang noo nito’y may maliit na punong tumutubo. Sa katawan ng puno’y may dumadaloy na parang likido na kulay ginto rin. Paakyat ang daloy nito kaya napababa ang tingin niya upang makita kung saan ito nanggagaling. Sa mata ng kakaibang nilalang. May mga ugat na nakakonekta sa pagitan ng puno at mga mata nito, at doon dumadaloy ang nagliliwanag na likido.
“Anong pusa ka?” bulong niya habang pinagmamasdan ang mga mata nitong pinaghalo sa kulay na asul, pula at ginto. Napaisip siya dahil pakiramdam niya’y nabasa na niya ito sa libro na binigay ng ama dati.
“It’s a Felis Drahika,” sagot ni Eziyah. “His name is Atlanta. He’s my pet.”
She clapped her hand when she remembered it. Naituro ito ng kaniyang ama dati habang nagsasanay sila.
Ang Felis Drahika ay isang nilalang na sa kanilang kontinente lang matatagpuan. Their history said they were the descendants of the magical dragons which existed in their continent hundred years ago. Mailap at mapili ang mga Felis Drahika sa mga taong lalapitan nila dahil may kakayahan itong makita ang totoong personalidad ng isang tao—kung may mabuti ba itong budhi o wala.
The Felis Drahika let out a small squeak. Muli itong lumipad papalapit sa kaniya at sinundot ang kaniyang mukha.
Napatawa naman siya dahil sa lambot ng mukha nito. Hinaplos niya ang mabalahibo nitong katawan at hinayaan naman siya ng nilalang.
“Ang cute,” saad niya habang nawiwiling haplusin ang tiyan nito. Nakahiga ito sa ere at nagpaikot-ikot. Parang pusa nitong pinaglalaruan ang kaniyang kamay.
Nangangati ang kamay niya dahil sa gigil. She couldn’t count the times she gritted her teeth just so she could stop herself from squeezing the creature’s tummy.
Hahawakan na niya sana ang maliit na kahoy na nasa ulo nito pero biglang nagsalita si Eziyah.
“My lady, the night is getting deeper, we need to go back to the mansion now.”
Napangiwi naman siya. “Killjoy mo talaga.”
“What’s a killjoy?” Pinilig nito ang ulo.
“Wala. Oo na. Ito na. Uuwi na.”
ISANG linggo na ang lumipas matapos niyang padalhan ng sulat si Prinsipe Adelio. Hindi naman nabigo ang kaniyang paghihintay dahil dumating na ang libro na ninanais niya. Makapal ang libro at may kalakihan din. Pagkarating nito, kaagad niyang pinagbubuklat ang mga pahina upang makahanap ng solusyon kung paano makabalik sa reyalidad.
She saw a lot of portal spells in the book, and she was now in her backyard, drawing on the soil one of the magic circles she saw.
Hindi malinaw ang deskripsyon ng libro. Sinabi lang dito na makapupunta sa ibang dimensyon ang caster pero hindi sinabi kung saan at anong dimensyon. Pero wala namang masama kung susubukan niya.
Baka ito na ang susi para makabalik siya sa kanila.
Ang kondisyon lang upang mabuksan ang portal ay bigyan ng mana ang magic circle.
“Aria Nasima,” she whispered as she whistled. Mabilis na sumagot ang hangin sa paligid at pinalibutan siya.
Kasabay ng pagliwanag ng mga mata ang pagliwanag din ng magic circle. Tinapat niya ang kamay sa magic circle at parang agos na dumaloy ang kaniyang mana sa bawat linya na ginuhit niya.
Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay at sinabi ang katagang nakasulat sa libro. “Beholder of time, unlock the portal!”
Parang unos ng nagraragasang tubig ang malaking puwersa ng hangin na pinakawalan niya papunta sa direksyong ibabaw. Hanggang sa tuluyan itong mawala at maging kalmado ulit ang paligid, naghintay si Yophiel na may portal na lumabas mula sa magic circle.
Subalit ilang minuto na ang lumipas, walang nangyaring kakaiba.
“Huh?” Napakamot siya sa kaniyang ulo at inabot ang makapal na libro na nasa lupa.
Sinunod naman niya ang sinabi sa libro ni Inferio pero bakit hindi gumana?
Muli niya itong sinubukan pero hindi pa rin gumana. Nawawalan na siya ng pasensya.
Isang malalim na hininga ang binitawan niya at ibabagsak na sana ang libro sa lupa pero may biglang dumating.
“My lady.”
Napairap siya nang makita ang nakabusangot na mukha ni Eziyah. Hindi naman talaga ito nakabusangot dahil ‘yon na talaga ang normal nitong ekspresyon.
“Ano na naman? Sinabihan ko na si Papa na hindi na ikaw ang magbabantay sa akin, ah. Alis nga!” pagtataboy niya.
Kahit pinalitan na kung sino ang magbabantay sa kaniya, hindi pa rin siya nilubayan ng lalaki. Palagi pa rin itong nagpapakita sa kaniya araw-araw. Kung hindi lang dahil sa cute nitong alaga, hindi niya talaga ito papansinin.
“Why are you trying to cast a portal spell, my lady?” Nakatingin ito sa magic circle. Mahangin ang paligid dahil sa kaniyang abilidad kanina kaya nililipad din ang puti at may kahabaang buhok ni Eziyah.
“Kasi gusto kong bumalik sa reyalidad.”
“Hindi ba ‘to reyalidad?” taka nitong tanong at pinagkrus ang mga braso.
Umiling siya. “Hindi. Itong mundo niyo, hindi ‘to totoo. Gawa lang ito ng isang taong may malikot na utak. Ako ang totoo rito at ikaw pati na ang iba ay kathang-isip lang.”
“Really?” Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. Ilang saglit pa ay mahina itong natawa. “The lady indeed has a very playful mind.”
“Hindi ako nagbibiro.” Dinuro niya ito gamit ang libro. “Babalik ako sa mundo ko at bahala na kayo sa buhay niyo.”
“If you say so.”
Muli niyang inulit ang ginawa kanina, nagbabakasaling gumana na. Ngunit, wala pa rin.
Napasabunot na lang siya sa kaniyang buhok dahil sa inis. Mabuti na lang at wala si Miss Ella dahil umuwi ito sa kanila kaya walang magagalit sa kaniya kahit gawin niya pang parang isang bird’s nest ang sariling buhok.
“Bakit ayaw?” nayayamot niyang sabi.
“Maybe it won’t work with a wind element,” sagot naman ni Eziyah at naglakad papalapit sa kaniya. “Let me try mine.”
Lumipad si Atlanta at tumuntong sa balikat niya matapos higitin ni Eziyah ang espada sa scabbard.
Umilaw ang matulis na dulo ng espada nito dahilan para mapapikit siya. Hindi niya kayang salubungin ang liwanag. Ilang saglit ang lumipas bago siya sumilip at nawala na ang nakakasilaw na liwanag na para bang walang nangyari.
“Anong ginawa mo?”
Nagkibit-balikat ang lalaki at binalik ang espada sa scabbard. “I just used my light magic. I guess it didn’t work too.”
Lumapit naman si Yophiel at pinagmasdan ang magic circle. Lumuhod siya upang hawakan ang mga linyang kaniyang ginuhit. Bigla itong lumiwanag kaya napaigtad siya, bago pa siya makalayo, biglang nag-apoy ang magic circle. Lumikha ito ng malaking pagsabog dahilan para tumilapon siya at magpagulong-gulong sa lupa.
“My lady!”
Tumama ang kaniyang ulo sa dulo ng lamesa dahilan para mandilim ang kaniyang paningin.
“My lady.”
Inangat niya ang umiikot niyang paningin at nakita si Eziyah na nakatayo sa kaniyang harapan.
Masama niya itong tinignan. Sa isipan niya’y sinadyang gamitin ng lalaki ang light magic para pasabugin ang magic circle at masaktan siya.
“Yophiel!”
Pinikit niya ang mga mata matapos makita ang ama na papalapit sa kaniya at hinayaan ang sariling yakapin ng kadiliman.
HINDI niya alam kung anong oras na siyang nagising pero naririnig niya sa paligid ang sermon ng ama. Pinapagalitan nito si Eziyah. Panay rin ang paghingi ng paumanhin ng lalaki dahil hindi naman daw nito sinasadya at hindi nito alam na sasabog pala ang magic circle.
“You can’t use another element to a portal spell when it has already been powered by a different element. The circle cannot bear the mana, and it will lead to an explosion. Please, do take this in mind, Eziyah,” pangangaral ng ama.
“I will, Your Grace.”
Yakap-yakap niya ang kaniyang unan habang sumisilip. Nakita niya ang ama na nakaupo sa sofa ng kaniyang kuwarto habang si Eziyah naman ay nakatayo sa harapan nito. Nakatagilid ang dalawa sa bisyon niya.
Pinagmasdan niya ang buhok ng lalaki na sumusunod sa bawat galaw nito. Ang ilang hibla ay nakasabit sa tainga habang ang iba naman ay nagpatianod lang.
Hindi niya mapigilang purihin ang manunulat sa paglikha kay Eziyah. Hindi ito ang typical na second lead material na isang literal na araw ang personalidad.
Red orb, white hair and tan skin. Based on his appearance, it was already obvious that Eziyah had a tough personality and a dark aura.
Eziyah moved his eyes to her direction without turning his head. Nahigit ni Yophiel ang kaniyang hininga at muling napapikit.
Nahuli pa siyang nakatingin.
Hindi niya minulat ang mga mata at pinilit ang sarili na makatulog ulit habang hindi pinapansin ang mabilis na pintig ng kaniyang puso.
Gabi na ng muli siyang magising. Nagising siya dahil sa bagay na kanina pa naglilikot sa ilalim ng kaniyang kumot.
Sinilip niya iyon at napatili siyang nang biglang iniluwa si Atlanta. Kaagad nitong sinundot ang kaniyang pisngi gamit ang mabalahibo nitong mukha.
Niyakap niya ang nilalang. “Anong ginagawa mo rito?”
Napabangon siya sa kama. Kaagad siyang sumandal sa headboard nang bigla na lang umikot ang paningin niya.
“Ano ba naman ‘to,” reklamo niya sa sarili.
Okay na naman siya. Ginamot na ng ama ang mga galos niya kanina pero parang nanghihina pa rin ang kaniyang katawan.
Yakap-yakap niya si Atlanta nang mapagdesisyunang bumaba sa kama at maglakad papalapit sa bintana ng kaniyang kuwarto. Binuksan niya iyon at pinagmasdan ang tahimik na kalangitan. Gusto niya ulit gawin ang ginawa niya no’ng nakaraang linggo.
Uupo na sana siya sa bintana pero nagulat siya nang may kamay na kumapit doon.
Napamura siya at napatalon palayo sa bintana nang inilabas doon si Eziyah.
“Inakyat mo ang bintana?” tanong niya at lumapit. Dinungaw niya ang baba habang si Eziyah naman ay nakaupo lang sa bintana.
“I flew.”
Nabitiwan niya si Atlanta nang lumipad ito papunta sa balikat ng amo.
“Anong ginagawa mo rito?”
“How are you feeling?” Sinagot nito ang kaniyang tanong ng isa pang tanong kaya napataas ang kaniyang kilay.
“Wow, concern ka?” natatawa niyang sagot. “Okay na naman ako.”
Pinagmasdan muna siya ng lalaki bago iniwas ang tingin. “I didn’t mean what happened earlier, my lady.” Nakatago ang isa nitong kamay sa likuran.
“Ah. Yeah, narinig ko na ‘yan kanina.” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Natuwa ka rin siguro dahil tumilapon ako.”
He sighed. “I don’t understand why you always see me as someone who expects misfortune for the lady.”
Inabot nito ang kaniyang kamay at hinalikan ang likod ng palad. “I will never wish to see you in pain, Lady Yophiel.”
Sinalubong nito ang kaniyang tingin. Hinarap nito ang isang kamay na nakatago kanina at may bagay na binigay sa kaniya.
Tumalikod na ito at tumalon sa bintana.
Naiwan siyang mag-isa habang nakatingin sa kamay niyang may hawak sa ibinigay ni Eziyah.
It was a Bluestar flower.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top