Kabanata 7

“AKALA ko ba nagkakaintindihan na tayo, ba’t buntot ka pa rin nang buntot?” Inis niyang siniko si Eziyah sa kaniyang tabi habang naglalakad sila patungo sa tindahan ng mga tinapay.

Akala niya’y lulubayan na siya nito pagkatapos niyang isampal ang kakayahan sa lalaki pero hindi pa rin pala ito tumigil.

“I said I have understood, but that doesn’t stop me from fulfilling my duty. Hindi ba sinabi ko sa ‘yo na ako na ang inatasan ng iyong ama na bantayan ka?” Tinignan siya nito at inaayos ang hood ng cloak upang takpan nang maayos ang kaniyang mukha.

Ayaw talaga niyang magsuot ng cloak pero dahil sobrang init ng panahon, binigay nito sa kaniya ang suot-suot nitong cloak kanina.

“Kasalanan mo rin ‘yan. Ba’t ka kasi nag-request kay Papa na maging guard ko para tugisin ako,” bulong niya at tinuon ang tingin sa mga batang naglalaro sa daan.

“I’ve been wondering, my lady. Why are you so certain that I wanted to kill you?”

Napatigil siya sa paglalakad at nilingon ang lalaki. “Gusto mong malaman? Halika.” Sinenyasahan niya itong yumuko.

Ginawa naman ng lalaki.

Lumapit siya sa tainga nito at saka bumulong, “Nabasa ko na kasi kung gaano ka kasama.”

Napakunot naman ang noo ng lalaki. “Nabasa?”

Tumango siya at naglakad na ulit. Hindi niya pinansin ang mga tingin na binibigay ng lalaki na para bang sinasabi nito na may problema ang utak niya.

Nakita na niya ang tindahan ng tinapay.

Tinawag niya ang kaniyang lady in waiting upang maunang pumasok sa tindahan at kausapin ang may-ari—ang anak ng sorceress. Tinanggal niya ang cloak at binigay kay Eziyah.

Aabutin na niya sana ang pinto pero pinigilan siya ng lalaki.

“Do not go inside. I am not liking the energy covering this place,” saad nito habang nakaangat ang tingin sa matayog na tindahan.

“Because a sorceress owns this place.” Tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa kaniyang pulso.

“What? My—”

Mabilis niyang tinakpan ang bibig nito bago pa matapos ang sasabihin. Nagulat naman si Eziyah. Nagkalapit ang kanilang katawan dahil sa kaniyang ginawa.

Sorceresses were not allowed to live in their country, for it was one of their beliefs that sorcerers, along with witches, could result in misfortune and grief.

“Do not say anything. Kapag may sinabihan ka tungkol dito, isusumbong kita kay Papa na pinagbantaan mo ako, naiintindihan mo ba?”

Tumango naman si Eziyah bilang sagot.

Inalis na niya ang mga kamay at nilingon ang pinto.

“But why are you consulting with a sorceress, my lady?”

Nakahawak na ang kaniyang kamay sa door knob bago nilingon ang lalaki. Ngumisi siya.

“Because I’m finding a solution to get out of this fictional reality.”

Mas lalong nalukot ang mukha ng lalaki sa kaniyang sinagot kaya bahagya siyang natawa.

She pushed the door open, and she was greeted by the aroma of coffee and bread. Nandoon na si Miss Ella sa counter at kinakausap ang anak ng sorceress. Ilang saglit pa, nilingon siya nito at yumuko. Umalis ito sa counter at umakyat papunta sa second floor.

Sumunod naman kaagad siya at si Eziyah.

“Dito lang kayo,” sabi niya kay Eziyah at Miss Ella pagkarating nila sa labas ng kuwarto ng sorceress.

Mag-isa siyang pumasok sa loob. Purong kadiliman ang bumati sa kaniya kaya napatigil siya sa paglalakad. Napaigtad siya sa gulat nang may malamig na kamay ang dumapo sa kaniyang balikat.

“Lady Yophiel,” matinis ang boses ng sorceress.

“Sabi ko naman sa ‘yo na huwag niyo ‘kong gulatin, e,” reklamo niya.

Hinila siya nito at ginaya papalapit sa kama ng sorceress. Unti-unting lumiwanag ang paligid hanggang sa makaupo siya sa dulo ng kama.

“Anong maitutulong ko sa ‘yo, hija?” Hinila nito ang isang upuan at umupo sa harapan niya.

Hindi niya magawang makita nang maayos ang mukha ng sorceress dahil may nakatikip na itim na veil.

“Alam ko naman na alam mo na ang pinunta ko rito,” sagot niya. “Gusto kong makuha ang libro ni Inferio.”

Si Inferio ang pinakaunang magician sa kanilang bansa.

“Wala sa akin ang libro, hija. Ang sentro ng kontinenteng ito ang nagmamay-ari sa librong sinasabi mo.”

Napaisip naman siya sa sinabi ng sorceress. Ang sentro ng kontinente ay ang tirahan ng imperial family, ang Perin Empire. Doon nakatira ang emperor at ang labing-lima nitong anak kasama na si Prinsipe Adelio.

“Ibig mo bang sabihin nasa imperial palace ang libro?”

Tumango ang sorceress.

Napangiti naman siya. Akala niya kailangan niya pang pumunta at sumuot sa mga lugar na hindi niya alam at posibleng ikapahamak niya pero sa imperial palace lang pala. Kahit hindi na siya pumunta ro’n, puwede naman niyang hiramin ito kay Prinsipe Adelio.

“Sige, maraming salamat ulit, Xeneca.” Abot-tainga niyang ngiti habang inaabot ang bayad sa sorceress.

Naglakad na siya papunta sa pinto para lumabas nang biglang magsalita ang sorceress.

“Bakit mo pa kailangang hanapin ang librong ‘yon kung nasa sa ‘yo ang may-ari?”

“Huh?” Napalingon siya. “Anong ibig niyong sabihin?”

Hindi naman nito sinagot ang kaniyang tanong at may sinabi ulit sa kaniya na lalong nakapagpalito sa kaniya.

“Kailangan mo nang magmadali, Lady Yophiel.” Pagkatapos nitong sabihin ay bigla na lang nawala ang sorceress.

Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo at saka lumabas. Hanggang sa makarating sila sa labas ng tindahan, hindi pa rin mawala sa isipan niya ang sinabi ng sorceress sa kaniya.

“Are you okay? May I know what’s bothering you, my lady?” tanong ni Eziyah habang tinatakpan siya ng cloak upang ‘di siya maarawan. She refused to wear it again, but he was so persistent that he ended up making it like an umbrella for her.

“Wow! Concern ka? Hindi halata sa nakakatakot mong pagmumukha.”

“My face is scary?”

“Hindi mo alam?” Nilingon niya si Eziyah pero ibang tao ang nakakuha ng atensyon niya.

Hindi kalayuan sa kanilang dinadaan, nakita niya si Lady Gisela na abalang bumili ng mga prutas. Nakatalikod ito sa kanila kaya hindi sila nito nakikita.

Tinuro niya ang babae. “Sir Eziyah, tignan mo, oh. Nandoon si Lady Gisela.”

Kaagad namang lumingon ang lalaki.

Palihim siyang napangiti nang mapansing napatigil ito sa paglalakad at napako na kay Lady Gisela ang tingin.

Siniko niya ito. “Huwag ka nang tumunganga r’yan at puntuhan mo na. Alam ko naman na gusto mong duma-moves do’n.”

Okay rin naman ‘tong si Eziyah. May pagkakataon din na gusto niyang si Eziyah ang maging endgame kahit na si Prinsipe Adelio talaga ang manok niya. In the novel, Eziyah did everything for the female lead. He was there when she needed someone, yet he still wasn’t chosen. Ito rin ang isa sa mga rason kung bakit buwisit na buwisit siya sa naging ending ng lalaki.

“Sayang ka. Second lead ka lang,” napapailing niyang sabi habang nakatingin sa matipunong katawan ng lalaki.

Nilingon naman siya nito. “What is it, my lady?”

“Ang sabi ko puntuhan mo na si Lady Gisela.”

“What? No. Why would I?”

“Sus! Gusto mo ‘yon, ‘di ba?” Turo niya kay Lady Gisela.

Napaiwas naman ito ng tingin.

“Pakipot ka pa. Alis na bilis,” pagtataboy niya sa lalaki. Bukod sa gusto niyang duma-moves si Eziyah kay Lady Gisela, gusto niyang ring lubayan na siya nito.

“I can’t do that, my lady. I have a duty to fulfill.”

“Ay, sus! Ako na magsasabi kay Papa na tanggalin ka na bilang guard ko kaya alis na.” Tinulak niya ito pero ‘di naman nagpatinag ang lalaki.

She sighed. “You know, Prince Adelio has been making moves for Lady Gisela recently. Kapag ‘di ka pa gumalaw ngayon, paniguradong mauunahan ka,” dagdag niya pa, nagbabakasaling umepekto ito sa lalaki at mukhang epektibo nga dahil napansin niya ang pagsalubong ng makapal nitong kilay.

“W-will you really be okay without me?”

Napangisi naman siya at nag-thumbs up. “Okay na okay.”

Matapos niyang binitiwan ang mga katagang iyon, umalis na si Eziyah at nagtungo sa direksyon ni Lady Gisela.

Bahagya siyang natawa.

Si Lady Gisela lang pala ang kailangan para lubayan siya.

Nagtungo na sila ng kaniyang lady in waiting pabalik ng mansiyon. Pagkarating niya, nagbihis muna siya bago magsulat ng mensahe para kay Prinsipe Adelio na naglalaman na nais niyang hiramin ang libro ni Inferio.

Humiga siya sa kaniyang kama at buong maghapon na humilata. Hanggang sa maggabi, wala siyang ibang inisip kundi humiling na sana makakuha siya ng impormasyon sa libro na makakatulong sa kaniya upang makabalik sa orihinal na mundo.

Ano na kaya ang nangyayari sa orihinal niyang katawan? Ang kaniyang pamilya at mga kaibigan, kumusta na kaya sila?

Miss na miss na niya sila. Gusto na niyang makalabas sa librong ito at bumalik sa dati niyang buhay.

Bumangon siya sa kaniyang kama at naglakad papalapit sa bintana ng kuwarto. Binuksan niya ito. Sumalubong sa kaniya ang malamig na hangin ng gabi at ang magandang tanawin ng kanilang bakod. Napapaligiran ng mga rosas ang gilid ng daanan hanggang sa kanilang gate.

Wala na naman siyang ibang gagawin pero ayaw niya pang matulog.

Sumagi naman sa isipan niya ang palabas na napanood niya dati no’ng siya pa si Blank Herana.

The movie with a flying carpet.

No’ng bata pa siya, pinangarap niyang makasakay sa isang carpet na lumilipad kahit na malabo iyong mangyari sa reyalidad.

But she wasn’t in reality right now. Nasa loob siya ng isang libro at may sarili siyang mahika. Malaki ang posibilidad na magagawa niya iyon.

Sabik na sabik, patakbo siyang bumalik sa kaniyang kama. Imbes na carpet, ang mattress ng kama ang kinuha niya.

She whistled to call the attention of the wind. Nilipad ang kaniyang buhok nang paikutan siya ng hangin. Tinuro ng kaniyang kamay ang mattress sa harapan at mabilis naman na sumunod ang kaniyang kapangyarihan.

Pumalakpak siya sa tuwa nang lumutang sa ere ang kaniyang mattress.

“Ba’t ngayon ko lang ‘to naisip?”

Mabilis niyang itong nilabas sa bintana. Tumuntong siya sa bintana habang nakatingin sa mattress na lumulutang na sa harapan niya.

Napahawak siya sa kaniyang night gown at saka tumalon. Nasalo siya ng mattress bago lumipad sa himpapawid, palayo sa kanilang mansiyon.

“Ah!” Napasigaw siya sa tuwa habang nakataas ang dalawang kamay. Kahit na malamig ang hanging sumasalubong sa kaniyang mukha, ‘di niya iyon pinansin.

She was too focused by the fact that she was between the land and sky. Pakiramdam niya’y nagkaroon siya ng pakpak. Ang agos ng hangin ay sumusunod sa kaniyang utos. Kahit ilang beses pa siyang magpaikot-ikot, hindi siya nahuhulog dahil nakasuporta ang kaisa-isang elemento na hinasa niya mula pagkabata.

It was the first time she was thankful for her ability.

Tumingala siya sa ibaba at nasilayan niya ang mga kabahayan pati na ang kanilang mansiyon. Lumipad pa siya sa ibabaw hanggang sa matanaw na niya ang kabuohan ng dukedom.

“Wow!” She exclaimed. She couldn’t believe she was now up in the sky.

Humiga siya sa mattress at pinagmasdan ang buwan at mga bituin. Ang mga ulap sa paligid ang nagsilbing kumot niya.

“I guess being in this fictional reality isn’t so bad at all.”

Tinaas niya ang kamay at umaktong inaabot ang mga bituin. Kahit na malayo, pakiramdam niya’y kaya niya itong sungkitin.

“You’re not allowed to stay out at this hour, my lady.”

“Wala kang karapatan na pagsabihan ako,” sagot niya naman nang marinig ang boses ni Eziyah.

Huh? Boses ni Eziyah?

Ilang saglit pa bago siya natigilan. Kaagad siyang napalingon sa kaniyang tabi at napahiyaw nang may mga paang nakatayo sa kaniyang mattress.

Sa gulat niya, napabalikwas siya sa mattress. Kamuntikan na siyang mahulog pero hinila ni Eziyah ang kaniyang braso.

“My lady!”

Nahigit niya ang hininga nang muntikan nang magkalapat ang kanilang mga labi sa lakas ng pagkakahila nito. Her ocean-like eyes met his crimson orbs.

Napalunok siya.

Kumabog ang kaniyang dibdib kaya agad siyang napaiwas ng tingin sa lalaki. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kaniyang braso at tumalikod.

It was only after she turned around that she remembered how to breath. Napahawak siya sa kaniyang puso habang pinapakalma ang sarili.

His gaze was too mesmerizing.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top