Kabanata 6
“YOUR Majesty,” Yophiel curtsied when she reached the living room and saw the emperor.
Payat ito at kulubot na ang buong mukha dahil sa katandaan. Subalit kahit matanda na, bakas pa rin sa mukha na isa ito sa mga kinahuhumalingang lalaki sa kanilang kontinente no’ng kabataan pa nito.
Katabi nito si Lady Gisela na naiiyak na nakatingin sa kaniya. May bandage ito sa noo dahil sa pagkakatama nito sa kaniyang mahika.
“Please, Your Majesty, I am really okay. Lady Yophiel doesn’t have to do this. Hindi ginusto ni Lady Yophiel ang nangyari kanina,” Lady Gisela pleaded to the emperor, but the emperor didn’t bother to look at her.
Nakapokus lang ito sa kaniya at hinihintay ang kaniyang sasabihin.
Hindi na niya pinatagal ito at yumuko sa harapan ni Lady Gisela.
“I apologize for the harm I have caused, Lady Gisela. It is because of my incapability and carelessness that I have messed up my own coming-of-age ceremony.”
“Oh, no, please. I am fine, Lady Yophiel. You don’t have to bow down to me,” mabilis na sagot nito sa kaniya.
Tinaas niya ang kaniyang ulo at sinalubong ang tingin ng babae.
“Then it is settled,” sumabat ang kaniyang ama.
“Wait,” bigla namang sumabat ang emperor. Tinignan siya nito. “That apology is not enough for me. I want you to get on your knees and head on the floor.”
“Your Majesty!” sabay na sigaw ng kaniyang ama at ng prinsipe.
Napakuyom naman ang kaniyang kamao.
What the heck?
Hindi pa ‘yon sapat? Parang kung ano naman ang nagawa niya, e, nadaplisan lang naman si Lady Gisela. Mas okay pa nga ang kalagayan nito kaysa sa kaniya.
Binalik niya ang tingin kay Lady Gisela. Mabilis na napakunot ang kaniyang noo nang makita niya itong ngumisi. It was only a split second before her expression turned into an almost crying face.
Ano ‘yong nakita niya? Namamalikmata lang ba siya?
“Father, that is too much,” the prince said.
“Pardon, Your Majesty, but I will not allow my daughter to do as you say.”
“I do not need your permission, Duke Niklaus. What I say will prevail.”
“This is my house, my residence, my mansion and my country. You cannot just do anything you want to do.” Naglakad ang kaniyang ama sa tabi niya.
Napasulyap siya sa mga kamay nito dahil sa enerhiyang nabubuo roon.
Oh, heck. Huwag kayong mag-away.
“Your country is under my supervision,” sagot naman ng emperor at nanunuyang tinignan ang kaniyang ama. “The smallest country in my continent, to be exact.”
Her father smirked. “The smallest yet the wealthiest. And has a ruler much more stronger than the emperor.” He let out a small laugh. “I think his majesty have forgotten what I am capable of doing.”
Nawala ang mapaglarong ngiti ng emperor kaya napalunok si Yophiel. Umeksena na siya bago pa mapunta sa hindi magandang ugnayan ang dalawa.
Hinawakan ni Yophiel ang braso ng kaniyang ama kaya napalingon ito sa kaniya.
“It’s fine, Papa. I also just want to finish this. Gusto ko na rin pong magpahinga pagkatapos nito kaya, please, hayaan niyo na ang emperor,” bulong niya sa ama.
“But Yophiel . . .”
“Please, Papa?” Pinagsaklop niya ang mga palad.
Bumuntonghininga naman ang kaniyang ama. Kahit na ayaw pa rin ng ama, wala itong nagawa kundi ang umatras at bumalik sa puwesto nito kanina.
Siya naman ay muling binalik ang atensyon kay Lady Gisela na nakaupo sa kaniyang harapan. Lumuhod siya at niyuko ang ulo.
Kahit hindi naman ito malaking bagay sa kaniya, may parte sa kaniya ang nainis. Pakiramdam niya’y isa itong insulto, hindi bilang si Blank Herana, pero bilang si Yophiel Aurelia Demancrius.
She clenched her fist as she spoke the words she said earlier. “I apologize for the harm I have caused, Lady Gisela. It is because of my incapability and carelessness that I have messed up my own coming-of-age ceremony.”
As she let out those words, she promised herself to never be humiliated like this again.
ISANG linggo na ang lumipas pagkatapos ng kaniyang coming-of-age ceremony. Mabilis din kumalat ang chismis sa buong Chloronosos dahil sa kaniyang ginawa. Rumors that became inaccurate as it spread further.
In this time period, rumor was the most powerful weapon people could use to ruin a person’s image.
But she didn’t care about any of those. Sanay na siya sa mga ganiyan, dahil sa reyalidad niya rin, napapalibutan din siya ng mga chismosa.
“Miss Ella, tara na!” Naglakad na siya palabas ng kaniyang kuwarto at sinuot ang hat na hawak-hawak.
Pinagbuksan naman siya ng kaniyang lady in waiting. Pupunta ulit sila ng bayan para makita ang sorceress at makakuha ng impormasyon sa librong nais niyang makuha.
Nakangiti siyang naglakad palabas pero agad ding napasimangot nang makita niya kung sino ang naghihintay sa labas.
“Sir Eziyah?” Kung dati ay natatakot siyang makita ang pagmumukha nito, ngayon nabubuwisit na siya. “Anong ginagawa mo rito?”
He was wearing a cloak to cover his sword and his armor as a knight captain.
Nilapitan naman siya nito. “Your father have assigned me to look after his daughter’s safety, so from now on, I’ll be accompanying you, my lady.”
Napataas ang kaniyang kilay. Tinignan niya ang lalaki mula ulo hanggang paa. Hindi na naman siya nito sinasamaan ng tingin subalit wala pa ring emosyon ang mukha nito.
“Talaga lang, ha?” sagot niya. “Why would a man want to accompany a woman who hurt his beloved? Baka naman, Sir Eziyah, may plano kang saktan ako?”
“I can’t believe that the lady will mistaken his duke’s order as a threat,” sarkastiko nitong sagot.
Naglakad naman siya. Sumunod kaagad ang dalawa sa kaniya.
“I don’t think my father will command you unless I’ll be the one to ask.”
There was no way her father would change her guards unless she would ask for it. At alam ng ama niya ang kapabilidad niya bilang isang anak ng pinakamakapangyarihang magician.
“O baka naman, ikaw mismo ang lumapit kay Papa.”
Hindi naman kaagad nakasagot si Eziyah na nasa kaniyang tabi. He wasn’t matching her pace. Nauuna siya at bahagyang nasa hulihan ito, kagaya ng kaniyang lady in waiting.
“Why would I ask the duke?” rinig niyang bulong nito.
“Bakit nga ba? Baka may plano ka talagang masama sa akin. Baka gusto mo akong saksakin.”
“Do you think I can do that to you, my lady?”
Sinulyapan niya nito. Salubong ang mga kilay nito at halatang nainis sa kaniyang pinagsasabi.
“Oo naman,” mabilis niyang sagot. “Ilang beses mo nga akong pinagbanataan sa nobela, e. Grabe, ‘kala mo naman kung sinong perfect. Para sabihin ko sa ‘yo, Sir Eziyah, kahit ano pang gawin mong pagpapasikat sa female lead, hindi pa rin ikaw ang endgame kasi second lead ka lang!”
Kumunot naman ang noo nito. Hindi naunawaan ang kaniyang sinabi.
“What on earth are you saying?”
Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ang lalaki. “Wala. Ang sabi ko, lubayan mo ako. Hindi pa ba sapat na humingi ako ng tawad kay Lady Gisela? Emperor the second din ba ang ugali mo? Kulang pa ba ang pagluhod ko? Gusto mo bang maglupasay ako sa harapan mo?”
Napatigil din sa paglalakad si Sir Eziyah. He was staring at her with no plan of breaking their eye contact. Hindi siya nagpatinag at sinalubong din ang mga titig nito. Hinintay niya itong magsalita hanggang sa bumuntonghininga ang lalaki.
“Fine. You’re right, I asked the duke to guard you.”
Napangiti naman siya. Isang ngiting tagumpay. “Aaminin naman pala, e. Kailangan pang titigan.”
“And you are also right that I came here to keep an eye on you to ensure the safety of Lady Gisela. The apology is enough for me, but I don’t want to see Lady Gisela getting hurt again by your magic that—”
“Kaya gusto mo akong bantayan para ‘pag nagwala ulit ako, diretso muna akong sasaksakin at wala nang makapapanakit pa sa Lady Gisela mo?” nakapamaywang niyang saad.
“I am here to prevent you from hurting anyone in case you will go berserk again, my lady,” salubong ang kilay nitong sagot.
“I don’t need you. I am capable of protecting myself and my people.”
“That is not what I saw in your coming-of-age ceremony,” sagot nito dahilan para mapairap siya.
“It was only because I wasn’t feeling well.”
Eziyah didn’t look convince, so she rolled her eyes again. Tinanggal niya ang kaniyang hat at inabot kay Miss Ella. Mabilis naman itong lumapit sa kaniya at kinuha iyon.
“If you will not believe me, then allow me to prove my strength to you.” Marahas niyang hinila ang hood ng cloak nito dahilan para makaladkad niya ito.
“What are you doing, my lady?”
Hindi siya sumagot hanggang sa mapunta sila sa training ground ng mga Demancrius knights. Walang tao. Malawak ang training ground at kitang-kita niya ang asul na asul na kalangitan sa itaas. Tirik na tirik din ang araw dahil malapit nang mag-alas dose ng hapon.
Saka niya lang binitawan si Eziyah nang mapunta na sila sa gitna ng pabilog na battle ground. Tumataob ang kaniyang paa dahil buhangin ang kanilang tinatapakan.
Hinarap niya ang lalaki na ngayon ay nagtataka.
“Why did—” Hindi nito natuloy ang sasabihin nang gamitin niya ang kaniyang mahika upang liparin sa ere ang cloak nito.
Huminga siya nang malalim, pinapakiramdaman ang mana na dumadaloy sa kaniyang puso patungo sa buong parte ng kaniyang katawan. Naririnig niya ang simoy ng hangin at nauunawaan ang bawat daloy nito.
Nagsimulang bumuo ng enerhiya ang kaniyang mga palad. Unti-unting nililipad ang maputla at asul niyang buhok habang palakas din nang palakas ang hanging pumapalibot sa kaniyang mga kamay.
“Engrande Quill,” she whispered and let out a whistle. A whistle to call the strongest wind.
Kasabay ng kaniyang pagdilat ang pagbuo rin ng malakas na presyon ng hangin mula sa kanilang ibabaw. Her dark blue orbs lit up like fire as her hair flowed up like a crown in her head. Naglipana ang buhangin sa kanilang paligid at nandilim ang kalangitan dahil sa ipuipong kaniyang tinawag.
Napatakip si Eziyah sa mukha dahil sa lakas ng hangin.
“Do you understand now what I am capable of doing?” Nakataas ang kaliwa niyang kamay, pinipigilang bumaba sa kanilang training ground ang ipuipo na kaniyang nilikha. Ang mga kagamitan sa pag-eensayo ay nilipad na sa lakas ng puwersa.
“How can you keep an eye on me when I am the daughter of a powerful magician? I don’t need a man like you. If you want to stand as my guard, act like someone whose mission is to protect me and not to look at me as if I am a threat.”
Iniiwasan niyang magalit sa kaniya si Eziyah dahil ayaw niyang magaya sa Yophiel ng nobela na ilang beses pinagbantaan at hindi man lang lumaban. Muntik na niyang makalimutan, hindi nga pala siya si Yophiel na nasa nobela. Siya si Blank Herana na nasa katauhan ni Yophiel.
At kaya niyang lumaban.
Para saan ang pagsasanay niya kung hahayaan niya lang ang sariling manginig sa banta ng isang lalaki?
She wasn’t born to be shaken by anyone, but to shake the lives of those who would dare to look at her as something so easy.
“I now understand what you are trying to prove, my lady,” malakas na pagkakasabi ni Eziyah.
Matapos iyog marinig, isang ngiting tagumpay ang tumakas sa kaniyang labi at pinakawalan na ang kaniyang mahika. Bumalik ang paligid sa dati at muling lumiwanag ang kalangitan. Bumagsak sa training ground ang mga kagamitang kinain ng ipuipo sa himpapawid kanina.
“I have seen and understood that the lady is more than capable of using her magic. I apologize for looking at you as someone who needs supervision,” dagdag pa nito.
“Mabuti naman at nagkakaunawaan tayo, Sir Eziyah.” Gamit ang mahika, kinuha ni Yophiel ang cloak nitong tumilapon sa gilid kanina.
Lumapit siya kay Eziyah at sinukbit ito sa balikat. “Now, stay away from me and mind your own business.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top