Kabanata 3
NAPAHIKAB si Yophiel habang yakap-yakap ang malambot niyang unan. Kakagising niya lang at ayaw niya pang bumangon.
The afternoon tea party yesterday had been done smoothly. Walang abirya ang nangyari at lalong walang kaguluhan. Lahat ng mga dumalo ay naging mabuti ang pakikitungo sa kaniya.
“Malamang. I am the only daughter of the duke. It is expected that they will be nice to me.” She crossed her arms as she leaned on the headboard of her bed.
The more power someone had, the more people would take the opportunity to be closer to them because of authority and influence. They wanted to stand on the same level as hers. They wanted to be recognized, feared, respected and looked up to.
Sa mundo ni Blank, marami na siyang nakilalang mga taong ganoon. Dahil na rin sa kaniyang karanasan, madali niyang napagtanto kung sino ang naging totoo sa kaniya kahapon at kung sino lang ang nagbabalat-kayo.
“Lady Ross of the baron family,” she muttered.
Siya lang ang kaisa-isang bisita niya kahapon na masasabi niyang naging totoo sa kaniya. Magaan ang loob niya sa babae. Isa rin siguro sa naging dahilan kung bakit nagustuhan niya si Lady Ross dahil mahilig din itong magbasa ng mga nobela.
“Magandang umaga, my lady.” Pumasok sa kaniyang kuwarto si Miss Ella at may dala-dala itong sulat.
Inabot nito sa kaniya. “You have a letter from Lady Gisela.”
Kaagad na napataas ang kaniyang kilay. Lady Gisela from the count family and the female lead of the story.
Kagaya ng karakter nito sa libro, isang mahinhin at mabait na dalaga si Lady Gisela Lusielle. Maraming nagkakagusto sa babae dahil sa ganda nitong taglay. Ang ganda na patok na patok sa panahon nila. Kulay pula ang mahaba nitong buhok, simputi ng niyebe na balat, mga matang malalim ngunit punong-puno ng buhay, labi na manipis at higit sa lahat, may mahika itong apoy. Ang elemento na isang beses sa isang daang taon lang lumalabas. At ang taong masuwerteng nakakuha n’yon ay walang iba kundi ang bida ng kuwento, si Lady Gisela.
Samantalang siya, isang wind element ang binigay sa kaniya, ang pinakakaraniwang elemento na maaaring makuha ng mga biniyayaan ng mahika sa kanilang kontinente.
“Hmp. Bias talaga ng author,” bulong niya at saka binuksan ang sulat.
Dear Lady Yophiel,
It’s an honor to meet the duke’s only daughter and the heir of the ducal family. To tell you the truth, I was worried that a lady of no youth and frail will greet us yesterday because as I have heard in the rumor, you are still not recovered from the duchess’ death, but I guess it isn’t true. You are one of the healthiest and happiest people I have met. I hope that we will see each other more often.
Gisela
Ilang minuto niya pa itong tinitigan dahil hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis sa sinulat nito. Hindi na nga siya nagpakita sa publiko pero siya pa rin ang laman ng usapan.
Matagal nang patay ang duchess. Walong taon pa lang si Yophiel no’n. No’ng siya na ang pumalit sa katawan ni Yophiel, hindi na niya naabutan pa ang duchess at nanatili na lang ito sa kaniyang memorya. Halos hindi siya makapaniwala na hanggang ngayon, ito pa rin pala ang laman ng usapan.
“Hmp. Chismosa,” komento niya.
“Ano ‘yon, my lady?” tanong ni Miss Ella, halatang hindi naunawaan ang kaniyang sinabi.
Tinupi niya naman ang sulat. “If you hear someone gossiping, just say the word ‘chismosa’, and you will be magically protected from their gossip.”
“In what way? Is it some kind of a talisman?” Miss Ella’s eyes were curious.
Napangisi naman siya sa kaniyang isipan sabay tango. “Oo. Kapag sinabi mo ang salitang iyon, lahat ng kanilang mga usap-usapan ay babalik lang din sa kanila. It’s like a karma. A powerful karma!”
Mahina namang napasinghap ang kaniyang lady in waiting. Hindi ito palaging nagpapakita ng emosyon pero ngayon, hindi nito kayang itago ang pagkamangha sa mukha.
“Anyway, miss. I want to go to town right now.”
Bukod sa pagsasanay, naghahanap din siya ng paraan para makabalik sa kaniyang mundo. Dahil sa kaniyang paghahanap, nakilala niya ang isang sorceress no’ng nagpunta siya dati sa bayan.
Even if she had stayed for almost six years in this world, she still yearned to return to reality. She enjoyed living here, but this wasn’t her place.
This place would always be and would only remain foreign to her.
She missed her old life.
“Same place?”
Tumango naman siya. “Same place.”
Her father, the duke, had taught her about the history of magic in their continent. And there was a book that she yearned to have.
According to his father, it was a book containing all the journey of the first magician in their country. Lahat ng mga natutunan ng magician ay isinulat nito sa libro kaya nagbabakasakali siyang may makita siya roon na paraan para makabalik sa kaniyang mundo.
Ang problema, hindi niya alam kung nasaan ang librong ‘yon, wala ito sa silid-aklatan ng kanilang mansiyon kaya pupuntahan niya ang sorceress para kumuha ng impormasyon tungkol sa libro.
ISANG simple at plain na kulay kayumangging damit lang ang kaniyang sinuot upang hindi siya makaagaw ng atensyon. She wanted to blend with the commoners to make her trip to the sorceress easy and without delay.
Habang nakasakay sa karwahe, sumilip si Yophiel sa bintana. Maingay ang bayan at lahat ng tao ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa. Ang mga bahay ay gawa sa bato at kahoy habang ang kanilang bubong naman ay gawa sa materyales na hazel twigs.
Hindi niya mapigilang malungkot dahil sa laki ng deperensya ng kanilang pamumuhay. Totoo nga na sa panahong ito, ang mga maharlika lang ang may maginhawang buhay.
Nakita na niya ang tindahan ng tinapay na palagi niyang pinupuntahan kaya bumaba na siya sa karwahe at naglakad papalapit doon. Nakasunod sa kaniya si Miss Ella habang sa ‘di kalayuan naman ang kaniyang mga guwardiya na nagbabalat-kayo rin upang maprotektahan siya.
Kaya naman niyang protektahan ang sarili pero ayaw pumayag ng ama na lumabas siya ng palasyo na walang bantay.
Aabutin na niya sana ang pinto ng tindahan nang makarinig siya ng isang sigaw.
“Magnanakaw!”
Napalingon siya sa kaniyang kanan at may isang lalaking nakasuot ng sira-sirang cloak na mabilis na tumatakbo papunta sa kaniyang direksyon. May dala-dala itong prutas sa mga kamay.
May nakasunod namang lalaki sa likuran nito at mukhang hinahabol ang magnanakaw.
Tinulak siya ng magnanakaw paalis sa daan pero hinawakan niya ang braso nito. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak dahilan para humulma ang ugat sa kaniyang kamay.
“Bitiwan mo 'ko!” Kinuyom nito ang kamao at handa na siyang suntukin pero mabilis siyang yumuko at sinipa ang tuhod nito. Nawala ito sa balanse at bumagsak ang katawan sa mabatong lupa.
Napadaing ito. Kaagad niyang inapakan ang leeg nito at diniinan upang bumaon ang may pagkamatulis niyang heels.
She whistled, making the wind listen to her. Inikot niya ang mga daliri sa ere upang lumikha ng maliit na whirlwind, sapat lang para kunin ang mga prutas na hawak ng magnanakaw at iangat sa ere.
Nag-akmang gumalaw ang magnanakaw kaya mas lalo niyang diniinan ang pagkakatapak.
Dumating naman ang kaniyang mga guwardiya at tinuunan ang lalaki ng kanilang espada. Sumunod na dumating ang lalaking humahabol sa magnanakaw.
May cloak din itong suot pero dahil sa mabilis nitong pagtakbo, naalis ang nakatakip nitong hood.
“Whoa! Thank you, miss—” Napatigil ito sa pagsasalita nang magkasalubong ang kanilang tingin.
Mahina siyang napamura nang makilala ang lalaki.
Mukhang nakilala rin siya nito dahil ngumisi ito nang nakakaloko sa kaniya. Yumuko rin ang kaniyang mga guwardiya upang magbigay galang.
Sa dalawang male lead na iniiwasan niya, isa sa kanila ang hindi niya tuluyang natakasan.
“Lady Yophiel,” bati nito sa kaniya at inabot ang kaniyang kamay upang halikan ang likod ng palad.
Pilit naman siyang ngumiti. Tirik na tirik ang araw dahil malapit nang mag-alas dose ng hapon pero mas nasisilaw siya sa lalaking nasa harapan niya. Mas maliwanag pa ang olandes nitong buhok kumpara sa kaniyang kutis. Akala ni Yophiel na isang eksaherasyon lang ang pagkakalagay ng deskripsiyon nito sa libro patungkol sa kumikinang nitong mga mata pero sa nakikita niya sa kaniyang harapan, mukhang totoo nga talaga.
It was the crown prince, Adelio Alvaro Arylys.
“Tao ka ba?” bulong niya pero mukhang narinig ng prinsipe.
Bahagya itong natawa at saka hinila patayo ang magnanakaw na tinapakan niya. “Oh, please. I am, after all, the greatest beauty of our continent. “
Makapal ang mukha nito pero hindi naman siya makapalag dahil totoo naman.
Tinaas ni Prinsipe Adelio ang kamay upang magbigay ng senyas. Mabilis na naglabasan ang mga guwardiya nito at sila ang umaresto sa magnanakaw.
“Aarestuhin mo siya? Mukhang ilang araw na hindi nakakain ang lalaki kaya ito nagnakaw ng mga prutas,” bulong niya.
The thief was pale and malnourished. Winaksi niya ang butas-butas nitong cloak upang makita nang maigi ang buto't balat nitong katawan.
He was a peasant.
“Well, what do you want me to do, my lady?” He crossed his arms while smiling playfully at her.
She knew those smiles.
Ilang beses na itong bumisita sa mansiyon nila at kahit ayaw niyang magpakita, ito mismo ang bumubulabog sa kaniya. Hindi siya nito tinitigilan hangga’t hindi siya lalabas sa kaniyang kuwarto. In those almost six years, she and the crown prince became friends, and in the original Yophiel’s memory that had become hers too, they were friends way before those years.
Kilalang-kilala na niya ang lalaki.
Nginitian niya rin pabalik ang prinsipe at pinaglaruan sa kamay ang mga prutas. “The man didn’t stole anything, Your Imperial Highness. I am the one who ordered him to get these fruits. Mukhang nakalimutan kong magbigay ng bayad kaya tumakbo papalapit sa akin ang lalaki.” Nilingon niya ang magnanakaw at sinenyasahan itong tumango. “Right, mister?”
Dali-dali naman itong tumango.
The prince played along. “Oh, my lady. You should’ve told me.” Tinignan nito ang mga guwardiya. “Release him.”
Kahit na nalilito ang mga guwardiya, sinunod pa rin nito ang gusto ng prinsipe at binitiwan ang magnanakaw.
Dumating naman ang may-ari ng tindahan na pinagnakawan kaya sinenyasahan niya ang kaniyang lady in waiting na bayaran ang tindira sa pera na dala nila.
“I apologize for the trouble,” she said to the woman.
Nilingon niya ang prinsipe na muli nang nakasuot ang hood ng cloak. Wala na rin ang mga guwardiya nito pati ang kaniya. Siya na lang, si Miss Ella at ang prinsipe ang natira.
He winked at her, praising her that she did great.
The prince had a compassion for his people. It was obvious that she lied, but he played along to save the man’s life. It was in the empire’s law that stealing would lead to an imprisonment for ten years. But the prince didn’t want the thief to suffer behind bars just because he was hungry.
“When you are crowned as the emperor, you better not forget these people, Your Imperial Highness.”
“My memory is as sharp as a blade, my lady.” He smiled. “And I also expect you to do your job as the heiress of the ducal family.”
Ngumiti rin siya.
Naglakad na ito paalis.
“Let’s spar again when I get to visit you.” Liningon siya nito. “You should also save me a slot for the dance in your coming-of-age ceremony, all right?” He let out a laugh before waving goodbye and left.
Napairap naman siya. He knew she didn’t like dancing in public, and he just reminded her of that. Argh!
“My lady.”
Napalingon siya kay Miss Ella. Akala niya’y nakatingin ito sa kaniya pero nakaturo pala ito sa pinto ng tindahan ng tinapay.
“The store just closed.”
“Ha?” Tinignan niya naman ang pinto at may nakapaskil nga roon na ‘closed’ na wala naman kanina.
“Bakit nag-close?” Naglakad siya papalapit doon at hahawakan na sana ang pinto pero bigla na lang itong nagbukas.
Isang babaeng may kayumangging mga mata ang nagbukas ng pintuan. Ang anak ng sorceress.
“Balik ka na lang bukas, Lady Yophiel. Hindi maganda ang pakiramdam ni ina ngayon.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top