Kabanata 23

FOR a week, Eziyah had stayed in Yophiel’s side. They spent the day together as if it was a normal day. As if nothing would happen soon. As if his woman wasn’t bound to leave her.

Lumabas siya upang bumili ng Bluestar flower para ibigay kay Yophiel. Pagbalik niya sa loob ng mansiyon, napatigil siya sa labas ng pinto nang marinig ang mga boses sa loob.

“Yoyo, you’re leaving?” Ang boses ng humihikbing prinsipe na isa ng emperor ang sumalubong sa kaniya.

Nanatili siya sa labas at nakinig sa kanila.

“Lady Yophiel, thank you for helping me. I can’t even express my gratitude to you. And I’m sorry if I can’t do anything to help you.” Nandoon din sa loob si Lady Gisela.

“Okay lang. Patahanin mo na lang ‘yang jowa mo, ang pangit umiyak. Parang bata.”

Napahigpit ang hawak niya sa bulaklak. Hindi niya kayang pakinggan ang nanghihina nitong boses. No’ng isang araw lang, nagagawa pa ni Yophiel na makapaglakad kasama siya sa buong mansiyon pero simula kahapon, hindi na nito magawang makabangon.

At ang araw na ito, ang huling araw na makakasama niya ang babae.

Napaangat ang tingin niya dahil sa luhang nagbabadyang kumawala sa mga mata. His heart had been aching, but this time, it had been totally torn apart. Hindi niya kayang mawala si Yophiel sa kaniya. Kung may paraan lang upang makasama ang babae habambuhay, gagawin niya ‘yon kahit ano pang maging puwedeng kapalit.

Naglakad siya paalis ng kuwarto at nagtungo sa harden. He didn’t want Yophiel to see him crying. And he, also, didn’t want to burst out his emotion and begged her to stay even though it was already impossible.

Nanatili lang siya sa harden habang inalala ang mga araw na kasama niya ang babae. He touched the red rose while a scene played in his mind. Isang maliit na ngiti ang sumilay sa kaniyang mga labi nang pumasok sa isipan ang araw na una niyang nakita si Yophiel.

He was walking in the hallway when he felt a pair of eyes looking at his direction.

There, he saw Yophiel, smelling the roses but her eyes were fixated on him. Naalala niya pa kung paano kaagad ito umiwas sa mga titig niya na para bang takot na takot sa kaniya. Simula ng araw na ‘yon, hindi na rin nawala pa sa kaniyang isipan ang babae.

He asked himself a couple of times why did she look so scared? Wala naman siyang ginawa kaya ba’t parang takot na takot ito sa kaniya? And then, her coming-of-age ceremony came. He expected that the woman would repeat the same expression she did in the garden, but no, she bravely met his gaze which left him astonished.

In that moment, he realized that there was something in Yophiel he wanted to know. Due to his curiosity, he ended up spending his time with her, leading him to know that he wasn’t a real person but just words on paper.

It was the silliest and most unbelievable thing he had heard in his life. But eventually, he ended up believing her words.

She had already caught his attention, but he didn’t expect to be pulled down a little—too much harder.

He fell.

And it was the best thing that ever happened to him. When he realized his love for her, his fear that the lady would go away someday without him knowing had been bugging on his mind, so he stayed closer to her. He stayed so he could prevent her from casting those portal spells. He didn’t want her to go. And he would do anything to stop her from leaving.

But now, the day he feared the most came. She would leave, and he could not do anything to stop it.

He closed his eyes. “How can I be real with you, my lady?”

If only both of them came from the same world, this phenomena wouldn’t have happened. If only this world wasn’t fictional, and if only he was real, he could’ve stayed with her forever. She wouldn’t need to go. And he wouldn’t be left alone.

Tuluyan nang gumabi at napagpasyahan na niyang bumalik sa labas ng kuwarto ni Yophiel. Nakita niya rin ang lady in waiting nito na kalalabas lang. Pinagbuksan siya nito ng pinto.

“Thank you,” saad niya bago nagtungo sa kinaroroonan ng kaniyang minamahal.

Nakahiga ito sa kama at ang mga tingin nito ay nasa kaniya. He wanted those gaze to stay with him until the end. He wanted to remember those forever.

“My lady.” Umupo siya sa gilid ng kama. Katabi ng babae si Zopy at Atlanta na natutulog.

Sinulyapan niya ang libro ni Inferio na nasa ibabaw ng drawer nito. Inabot niya ito. “You still have this, hmm?”

Binigay niya kay Yophiel ang Bluestar na hawak-hawak.

Nakangiti naman nitong tinanggap. “This is the third time and will probably be the last.”

Napalunok muna siya upang pigilan ang sariling umiyak na naman. Mahapdi na ang kaniyang mga mata. Tinuon niya na lang atensyon sa asul nitong mga buhok at pinaglaruan sa kamay.

“You are my favorite color.” He kissed the strands of her hair. Her scent was lingering on his fingers.

“Eziyah.” Tinaas ni Yophiel ang dalawa nitong kamay. Maputlang-maputla ang mukha nito. Her eyes where tired like any minute she would close those and would never open again. “Dance with me.”

He let out a smile. Nilagay niya muna sa tiyan nito ang libro bago binuhat ang babae. Her body became lighter, but he still could feel her warmth. Kinuha naman ni Yophiel ang libro at parang bookmark na pinasok doon ang binigay niyang bulaklak. Pinulupot nito ang mga braso sa kaniyang leeg habang hawak-hawak pa rin sa kamay ang libro.

Sinandal nito ang mukha sa kaniyang balikat.

Hinigpitan niya ang hawak sa babae bago pumikit. Sinayaw niya ang pinakamamahal sa loob ng tahimik na kuwarto. Walang musika na pumapalibot sa kanila ngunit sapat na sa kaniyang marinig ang puso nitong tumitibok.

Nandito pa si Yophiel. Kasayaw niya.

“My lady.”

“Hmm?”

“Why were you so afraid of me when you first saw me?”

Mahina naman itong natawa. “Nakakatakot kasi mga titig mo, akala ko lalapain mo na ako nang buhay.”

Napatawa rin siya. Patuloy itong nagsalita kaya nakinig siya. Sa bawat salita na lumalabas sa bibig nito, pinakinggan niyang mabuti.

“Nakakatakot ka sa nobela dahil maliban kay Lady Gisela, wala ka nang paki sa iba. Pero hindi ko inakala na marunong ka naman pa lang tumawa. No’ng nabasa ko ang story, hindi ko talaga nagustuhan ang nangyari sa ‘yo.”

“Am I your favorite?”

“Hindi. Si Yophiel kaya favorite ko. Naawa lang ako sa ‘yo pero most of the time, nabubuwisit ako sa ‘yo kasi masiyadong pa-cool ang karakter mo,” tawa nito at bahagyang pinisil ang kaniyang pisngi.

“How about now? Nabubuwisit ka pa rin ba sa akin?”

Inangat naman ng babae ang tingin at pinagmasdan siya. “Paano ako mabubuwisit sa ‘yo, e, mahal na nga kita?” Hinalikan nito ang kaniyang pisngi. A long worthwhile kiss.

Napatigil siya sa pagsayaw at napapikit nang mapunta ang halik nitong sa kaniyang mga labi. He kissed her back. He kissed her with his mind and heart thinking only about her. Ito na ang huling pagkakataon na mararamdaman niya ang malambot nitong mga labi. Ang huling pagkakataon na mararamdaman niya ang pagmamahal ng babae. At ang huling pagkakataon na makakasama niya ito.

“I love you, my lady.” His tears fell as he let go of the kiss. Tinitigan niya nang maigi ang mukha nito. Gusto niyang kabisaduhin ang bawat sulok ng mukha ni Yophiel.

This would be the last time he would see her blue orbs staring at his crimson ones.

Pinahid ni Yophiel ang kaniyang mga luha. “I’m sorry for making you cry.” Tumakas din sa mga mata nito ang malalaking butil ng luha. Muli nitong sinandal ang ulo sa kaniyang balikat habang humihikbi.

“Your name is Blank Herana, right?” Muli niyang isinayaw ang babae.

Tumango ito.

“Can you tell me what was your life outside of the novel?” Eziyah had known Yophiel only in this novel, so he yearned to hear what life she lived in the real world.

“Boring naman buhay ko. Pagkatapos kong mag-aral, nagtrabaho ako sa isang publishing company.”

“You work?”

“Oo, kasi kapag wala kang trabaho, ‘di mo rin mapapakain ang sarili mo.”

“Why did you work in a publishing company?”

“Gusto ko kasi na malapit ako sa mga libro. Simula bata hanggang paglaki, wala akong ginawa kundi ang magbasa. Ang dami-dami ko nang nabasa, hindi ko na mabilang,” she paused before continuing. “Sa mundo ko, walang magic doon. Hindi ka rin puwede lumipad pero puwede kang sumakay ng airplane. Tapos hindi mo na rin kailangang magsulat ng letter kasi isang click mo lang sa cellphone matatanggap na agad ang mensahe sa gusto mong padalhan. Pero siyempre dapat may wifi ka, or data, or load para mag-send ang message mo.”

“I don’t understand some of what you are saying.”

Tumawa naman ito. Humihikbi pa rin ang babae habang patuloy na nagsalita. “Basta, Eziyah. Nako! Kung totoo ka, paniguradong madami ang pipila sa ‘yo. Ang guwapo-guwapo mo, e. Puwede ka na maging artista.”

“You think so?”

Nakayakap pa rin ang babae sa kaniya. Nararamdaman niya pa rin ang hininga nito sa kaniyang leeg, ngunit ang init nito sa katawan ay unti-unti nang nawawala.

Pero nandito pa ang minamahal niya. Kasama niya pa si Yophiel.

He rested his chin on top of her head. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa babae habang patuloy pa rin itong nagsasalita.

“Oo. Kapag nangyari ‘yon, for sure, magiging fan mo ako.” Naramdaman niya ang paghaplos nito sa likod ng kaniyang mga buhok. “Eziyah, sana puwede kitang makasama sa reyalidad. Sana totoo ka rin. Sana puwede kitang makasama hanggang sa kabilang mundo.”

“I wish for that to happen too, my lady.” He planted a kiss on her forehead. “I wish to be real with you. I want to come with you in your world. If there is a way, I will surely gonna come to you.”

Hindi sumagot si Yophiel.

“M-my lady?” Napatigil siya sa pagsayaw.

Ang mga yakap nitong mahigpit ay naging maluwag. Ang hininga nito sa kaniyang leeg ay tumigil na. Ang init nito sa katawan ay napalitan ng panghabambuhay na lamig.

Napalingon siya sa likuran nang malaglag sa mga kamay ng babae ang libro ni Inferio kasama na roon ang bulaklak.

Muling tumakas ang luha sa mga mata niya.

Wala na. Iniwan na siya ng minamahal niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top