Kabanata 2
A PALE woman with braided brown hair. She had a pointy nose and thin lips, and she only smiles and greets people when it was necessary. She was Miss Ella, a daughter of a viscount. The lady in waiting of Yophiel.
“Puwede mo ba akong iwan sandali?” Yophiel asked after Miss Ella changed her dress and styled her hair. She was still confused about everything.
“Sige pero bilisan mo. Maghihintay ako sa labas, my lady.”
Tumango naman siya bilang sagot. Nang siya na lang ang naiwan sa napakaengrandeng kuwarto na kahit ang apartment niya ay hindi kayang mangalahati, kaagad siyang lumapit sa malaking salamin. Halos ingudngod na niya ang mukha sa sobrang lapit.
Hindi siya makapaniwala. Hindi pa kayang ipasok ng isip niya na mayroon na siyang mga mata na katulad ng karagatan. Ang buhok niyang tuwid na tuwid na hanggang baywang ay parang replika ng kalangitan.
“Ang ganda ko masyado. Nakakatakot.” Hinawakan niya ang magkabila niyang pisngi na namumula. Naninibago siya sa kulay ng kaniyang balat na sobrang liwanag.
“Kahit anong glutathione yata ang itarak ko, hindi ako ganito magiging kaputi,” komento pa niya.
Naglakad siya sa mahaba at kulay gintong sofa habang nag-iisip pa rin. Pilit niyang iniintindi kung paano at bakit siya napunta rito. Ilang beses na rin niyang kinurot ang sarili kanina kung sakali mang nananaginip lang siya subalit hindi. Nakapasok siya sa isang nobela.
Ang kaniyang imahe at ang cursed mark na nasa kaniyang braso ang nagpapatunay na siya ay naging si Yophiel, ang anak ng main villain ng kuwento at ang pinakamalakas na magician sa kanilang kontinente na si Niklaus Ivan Demancrius, ang duke ng Chloronosos dukedom.
Napakamot siya sa kaniyang buhok. Muntik nang matanggal ang ribbon na nilagay ni Miss Ella sa kaniyang ulo sa lakas ng pagkakakamot niya.
She had read about this phenomenon before. From different stories, to be exact. Being transmigrated inside of a novel was one of her favorite plots. Sino ba naman kasi ang ayaw na mapunta sa loob ng isang nobela at makausap mismo ang mga karakter na gustong-gusto mong magkatotoo?
Pero sa kalagayan niya, hindi siya natuwa. Sa lahat ba naman ng nobela na puwedeng mapasukan, iyon pang pinakaayaw niya sa lahat.
“Buwisit naman, oh, “ bulong niya at napahilamos sa kaniyang mukha.
Kahit kailan hindi niya hiniling na makapasok sa nobelang ito dahil puwera kay Yophiel, hindi niya gusto ang mga karakter lalo na ang mga pangyayari.
Naiisip niya pa lang ang kahihinatnan niya sa wakas ay gusto na niyang sumigaw at maglupasay pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niyang kumalma upang makapag-isip siya. Ano ang puwede niyang gawin para maiwasan niya ang kaniyang wakas at makabalik sa mundo niya?
Inalala ni Blank ang kaniyang mga nabasa na transmigration novels upang makakuha ng ideya. Lahat ng mga nabasa niya ay nagawa ng mga bida na mabago ang kanilang wakas. Ngunit, nanatili lang sila sa loob ng nobela at hindi na nakabalik pa.
Napapikit siya.
“Ayokong manatili rito,” naiiyak niyang sabi. “Wala pang internet. Kainis! Hindi ako makapag-search.”
Nakarinig siya ng katok sa pinto, hudyat na tinatawag na siya ng kaniyang lady in waiting.
Bumuntonghininga siya at naglakad papalapit sa pintuan.
The body she inhabited was a 12-year old Yophiel. Malayo pa ang kaniyang coming of age. Mahaba pa ang kaniyang oras bago magsimulang umusad ang sentro ng kuwento.
Wala pa siyang paraan na naiisip kung paano makabalik sa mundo niya pero sisiguraduhin niyang makakauwi siya. Higit sa lahat, hindi niya hahayaang mamatay ang karakter na ginagalawan niya sa wakas ng nobela. Dahil kapag nangyari iyon, mamamatay rin siya.
Binuksan na niya ang pinto at nagtungo sa dining area ng mansiyon.
“Your Grace,” bati niya nang makarating siya sa dining table kung saan naroroon ang kaniyang ama.
Napatayo naman ang kaniyang ama. Ang asul nitong mga mata na katulad ng kaniya ay namilog, gulat sa kaniyang sinabi. Mahaba at nakatali ang kulay maputla at asul din nitong mga buhok.
Magkamukhang-magkamukha sila. Para bang siya ang babaeng bersyon nito.
Nagtaka naman siya sa naging reaksyon ng ama. May nasabi ba siyang mali?
“‘Your Grace?’ I am your father!” Napahawak ito sa dibdib na animo’y nasaktan sa kaniyang sinabi. “Nasaan na ang anak ko? Bakit hindi mo na ako tinatawag na papa? May nagawa ba akong mali? Saan ako nagkulang, anak?” He acted like he was whimpering, but he wasn’t really crying.
Napakunot ang kaniyang noo pero ilang sandali rin ay napatawa siya.
That was when Blank figured out that Yophiel was deeply loved by his father. Hawak niya rin ang memorya ni Yophiel kaya naaalala niya kung gaano siya nito inalagaan nang mabuti. Kung paano ibigay sa kaniya ang lahat ng gusto niya, at kahit na hindi niya hinihingi, binibigay pa rin nito. Naglalaan ito palagi ng oras para sa kaniya kahit na abala ito sa pagiging duke at pinuno ng magical tower—ang tore na isang paaralan para sa mga taong biniyayaan ng mahika.
“Papa,” she said.
Mabilis naman na nagliwanag ang mukha ng kaniyang ama at niyakap siya.
“My daughter!” Kumalas ito sa yakap. “How’s your sleep?”
“Maayos naman po,” nakangiti niyang sagot.
Naupo na silang dalawa at nagsimula nang kumain. Dalawa lang sila pero parang aabot sa isang daang tao ang pakakainin dahil sa dami ng mga nakahain. There were meat, fishes, fresh fruits, vegetables, and there was even bread. Kahit solohin niya ito, hinding-hindi niya magagawang maubos ‘to ng isang buwan.
Nalilito tuloy siya kung anong una niyang kakainin.
“Oh, right, Yophiel. You told me you are going to ask something from me. What is it?” tanong ng kaniyang ama na may ngiti sa mga labi. Hindi halata na nasa mga 40s na ito dahil walang makikitang kulubot sa mukha.
Napatigil naman siya sa pagkuha ng prutas. Napamura siya sa kaniyang isipan dahil hindi niya alam kung anong sinabi ng totoong Yophiel. Maayos naman ang memorya niya at alam niya rin ang memorya ni Yophiel pero hindi niya matandaan kung ano ang tinutukoy ng ama.
Maraming pumapasok sa alaala niya at sa dami ng hiningi ni Yophiel sa ama, nalilito siya kung alin doon ang gusto niyang hingin.
“Uhm . . . “ Inikot niya ang tingin sa paligid, naghahanap ng puwedeng sabihin nang biglang pumasok sa isipan ang kaniyang kakayahan. Sa pagkakaalala niya, namana ni Yophiel ang malakas niyang mana sa ama at ang abilidad nitong kontrolin ang hangin.
It would be an advantage for her to master her own element.
“I want you to teach me, Papa. I want to use my magic well!” masigla niyang sabi.
Pinilig naman ng ama ang ulo. Bakas sa mukha ang pagtataka. “I thought you don’t want to learn any magic? Ayaw mo nga rin pumunta sa tore.”
“Binabawi ko na, Papa. I prefer to be strong like my father.”
Kaagad na nawala ang bahid ng pagtataka matapos niya iyong sabihin. Abot-tainga ang mga ngiti nitong sinagot siya. “Okay! We’ll start right away tomorrow!”
Napangiti siya at nagpatuloy na sa pagkain.
Hindi niya mapigilang mamangha at matuwa sa duke. In the novel, she didn’t read much about how the duke treated Yophiel because it wasn’t highlighted. But in her memory as Yophiel Aurelia Demancrius, she could say that she was deeply spoiled. Despite losing his wife, the duchess, the duke never turned his back on his duty as a duke and a father.
Hindi niya lubos maisip na ang ganito kasigla at kabait na duke ay magiging kalaban sa isang nobela. Na mabubulag ito sa kapangyarihan at pipiliing mag-alsa at nakawin ang trono ng kanilang emperor.
Napalunok siya sa mansanas na kaniyang nginunguya.
Kinakabahan siya sa mga posibleng mangyari pero nananatili sa kaniya ang dalawang bagay na gusto niyang makamit.
She needed to prevent the revolt from happening. A major plot in the story she needed to change. Kapag nagawa niyang pigilan ang pag-aalsa, hindi lang mananatiling isang posibilidad ang pagbabago ng kaniyang kapalaran.
Tuluyan siyang maliligtas sa kamatayan. Maiiba rin ang wakas ng lahat ng karakter.
Muli niyang kinagat ang mansanas matapos makapagdesisyon.
She would change her and her father’s ending regardless of what changes might happen for the other characters. She would make it happen. For sure.
ALMOST six years. She spent almost six years training inside the Demancrius’ residence.
Sa loob ng mga taong iyon, walang araw na hindi siya nangulila sa dati niyang tahanan. Sobrang magkaiba ang buhay rito sa buhay ng kaniyang kinagisnan. Kailangan niya pang kumayod sa dati niyang buhay para may maipakain sa sarili pero dito, kahit umupo lang siya at walang gawin buong araw, ang pagkain ang mismong lalapit sa kaniya.
Pero kahit na masarap ang kaniyang buhay rito, marami pa ring wala sa panahong ito na mayroon sa dati niyang buhay. Kagaya na lang ng internet at cellphone. Wala man lang siyang mapaglilibangan at kapag may nais siyang malaman, kailangang niya pang pumunta sa silid-aklatan para maghalungkat ng impormasyon.
Wala rin dito ang mga taong importante sa kaniya bilang si Blank Herana. Ang taong nakapalibot sa kaniya ay mga importanteng tao sa buhay ni Yophiel. Hindi sa kaniya.
Maingat siyang naglakad sa hallway ng kanilang mansiyon. Papunta siya sa kanilang harden para sa kaniyang tea party. Kahit na ayaw niya talaga, nais ng ama na makipaghalubilo siya sa mga babaeng nasa katulad niyang edad. At isa sa mga dadalo ay ang anak ng isang count, si Lady Gisela Lusielle, ang female lead ng kuwento.
Bukod sa pag-t-training, iniiwisan niya ring makita ang mga bida ng kuwento upang malayo rin siya sa gulo. Inaalok siya ng kaniyang ama sa pagsasanay ng mga knight pati na ang pagpunta sa tore pero tinatanggihan niya naman kaagad dahil ayaw niyang makita si Eziyah Cecilion, ang second lead at ang magiging war hero ng Chloronosos.
Eziyah was currently a knight captain, but later in the novel, he would become the war hero of Chloronosos. He would soon bring victory to their dukedom after defeating the army of their neighboring country.
Sa pagkakaalala niya, labis ang galit ni Eziyah sa kaniya sa kuwento dahil sa mga ginawang pam-bu-bully niya sa female lead, pero dahil wala pa naman siyang ginagawang kalokohan, siguro ay wala pa itong galit sa kaniya. Kahit papaano ay may nag-iba na sa kuwento. Ang Yophiel na nasa istorya ay inaagrabyado na dapat ang female lead ngayon. Dati pa dapat silang nagkita ni Lady Gisela pero dahil sa kaniyang pag-iwas, ang tea party ang magsisilbing unang pagkakataon ng kanilang pagkikita.
“Stay low and uninteresting,” she reminded herself. It was better to stay away from them.
If she wanted to change her ending, she must stay irrelevant in the story.
Liliko na sana siya sa isang pasilyo pero kaagad siyang napaatras at nagtago sa pader nang marinig ang isang pangalan.
“Lady Gisela.”
Umupo siya sa sahig bago sumilip. Wala siyang pakialam kung madumihan pa ang suot-suot niyang maumbok at makapal na kulay itim na gown.
“Sir Eziyah, it’s nice to see you here,” bati ng babae sa lalaking kausap nito.
Gisela? Eziyah?
Those were the names of the female lead and second lead of the story.
Umusog pa siya lalo upang mas makita ang mga mukha nito subalit may kamay na biglang sumundot sa kaniyang baywang dahilan para mapaigtad siya.
Muntikan na siyang mapasigaw. Nilingon niya kung sino ito. Ang lady in waiting niya lang pala na masama ang tingin sa kaniya.
“Nagpakapagod akong disenyuhan ka tapos uupo ka lang sa sahig na parang bata? You’re coming of age is right at the corner, Lady Yophiel. Act like a lady now.”
“Wow! Disenyuhan. Ano ba ako? Christmas tree?” sarkastiko niyang sabi pero kaagad na natigilan nang marinig ang huli nitong sinabi.
Malutong siyang napamura sa kaniyang isipan.
Her coming-of-age ceremony would be next month. One major event of the story would soon come up too. An event where she would humiliate the female lead.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top