Kabanata 19
THE day of the coronation came fast. Binihisan na si Yophiel ni Miss Ella. Nagtungo na siya sa labas at sinalubong siya ni Eziyah. Sabay silang naglakad at hanggang makarating sa throne room, panay ang paghikab niya.
“Are you still sleepy?”
Tumango siya. Kahit buong araw siyang natulog kahapon, hindi natanggal ang pagod niya sa biyahe at pakiramdam niya’y mas bumigat lang ang kaniyang pakiramdam.
Napukol ang kanilang atensyon sa platform kung saan naroroon ang imperial family nang magsimula na ang seremonya. The crown prince outshined all of his siblings, not just the face but also his influence. Lahat ng mga dumalo ay suportado ang kanilang magiging bagong pinuno. Lahat sila ay gusto si Prinsipe Adelio bilang emperor.
Sa nobela, sa araw ring ito hihingin ng prinsipe ang kamay ni Lady Gisela.
“Hmm.” Napalingon si Yophiel sa kaniyang likuran dahil may naramdaman siyang kakaibang enerhiya.
Hindi kalayuan sa kaniyang tinatayuan, isang pares ng mga mata ang nakatingin sa kaniya nang masama. In the middle of the crowd, she saw Lady Gisela. Mabilis na nagsalubong ang kaniyang kilay at ginantihan din ang mga tingin nito.
Hindi niya pa nakakalimutan ang labanan na nangyari sa pagitan nila.
Nawala sa kaniyang paningin ang babae dahil sa mga nagkukumpulang mga tao kaya binalik na lang niya ang atensyon sa prinsipe na handa ng koronahan.
Humikab si Yophiel habang pinagmamasdan sa plataporma si Prinsipe Adelio na handa ng tanggapin ang orb at scepter.
Isang malawak na ngiti ang pinakawalan niya habang nakatingin pa rin sa kaibigan. Pinulupot niya ang braso kay Eziyah at hihilahin na sana ang lalaki upang lumapit pa sa direksyon ng plataporma ngunit bigla na lang yumanig ang paligid.
Napahawak siya nang mahigpit kay Eziyah nang lumakas pa ang paglindol. Yumuko siya upang makita ang unti-unti nang nabibiyak na sahig. Ang mga tao ay nagsimula na ring mataranta. Ilang saglit pa, ang lindol ay sinundan ng isang malakas na pagsabog.
Kaagad na napalingon si Yophiel sa lumipad na tarangkahan. Naging hudyat ito upang magkagulo ang mga tao. Nanginig ang kaniyang mga kamay nang maramdaman ang enerhiya ng ama.
“P-Papa . . .” Ilang beses na napakurap si Yophiel nang makita ang ama na kakapasok lang sa throne room. Ang suot nito ay ang kasuotan nito no’ng selebrasyon. Ang mga kamay pati na ang katawan nito ay napapalibutan ng libo-libong Pressure Ball na kung sino man ang sumubok na lumapit sa ama ay siguradong sasabog.
“Your Grace . . .” Hindi rin makapaniwala si Eziyah.
“Papa!” Tumakbo siya papalapit sa ama, sapat lang para hindi siya tamaan ng Pressure Balls. “Papa, bakit—"
Hindi niya natapos ang sasabihin nang biglang magsalita ang emperor. “Guards!” Tinuro nito ang duke at kaagad na sinugod ng mga imperial guard ang kaniyang ama.
“Huwag kayong lumapit!” sigaw niya. Sinubukan niya silang pigilan upang hindi matamaan ng Pressure Balls pero hindi sila nakinig. Sunod-sunod na pagsabog ang nasaksihan niya matapos dumikit sa katawan ng mga guwardiya ang kapangyarihan ng ama. Parang mga ibong tumilapon ang mga ito habang siya ay napapikit dahil sa lakas ng hanging nilikha ng mga pagsabog.
Malakas na sigawan ng mga natatarataong tao ang sunod na namayani sa paligid, kinakabahan na baka’y madawit sila sa labanan. Gusto nilang lumabas subalit nakaharang ang ama sa daanan.
“Papa!” tawag niya ulit sa ama subalit hindi siya nito nilingon. Nakapokus lang ang tingin nito sa plataporma.
Napakunot ang kaniyang noo nang mapansing iba ang kulay ng mga mata nito. Ang asul ay naging pula. Anong nangyayari sa duke?
“Papa!” sigaw niya ulit pero parang hindi siya nito magawang marinig.
“My lady.” Hinila siya ni Eziyah sa braso kaya napalingon siya.
Bago pa siya makasagot ay sumugod na si Eziyah papalapit sa ama nang makita itong aatakihin ang imperial family. He unsheathed his sword and deflected the Wind Spear of his father. Tumama ang spear sa pader dahilan para gumuho ito.
Tumakbo rin siya papalapit sa ama upang tulungan si Eziyah. Hahawakan na niya sana ang manggas ng damit nito pero kaagad siyang napayuko nang muntik nang tumama ang braso nito sa kaniyang mukha.
Napunta ang atensyon ng ama sa kaniya. Kinuyom nito ang kamao at nag-ambang susuntukin siya.
“Wind Shield!” Isang hugis bilog na pananggang gawa sa hangin ang inilabas niya at parang tinusok ng mga karayom ang puso niya nang gumamit siya ng mahika.
Nanginig ang kaniyang mga braso nang tumama ang kamao nito sa kaniyang shield. Napamura siya nang dahan-dahang nasisira ang kaniyang mahika dahil sa lakas ng ama. His magic was too domineering. Nahigit niya ang hininga at mabilis na ginamit ang hangin upang itulak ang sarili paatras. She might as well not fight the force.
Bago pa siya makapag-isip ng gagawin, biglang tumalikod ang ama sa kaniya at nagpakawala ng isang mabigat na sipa. Tuluyang nawasak ang kaniyang Wind Shield at tumalipon ang kaniyang katawan.
Nasalo naman siya ni Eziyah bago pa siya tumama sa pader.
“Thank you.”
Binaba siya nito.
“Yoyo!” Napalingon siya nang makita si Prinsipe Adelio na tumatakbo papalapit sa kanila. “What is happening?”
Nagsilabasan na ang mga tao pati na ang imperial family. Bukod sa ibang imperial guards na kararating lang at handang sugurin ang ama, sila na lang apat ang natira.
“Looks like his grace is under a trance. He’s being controlled. No matter how we try to talk to him, he won’t listen,” Eziyah said while not removing his eyes on the duke.
“A manipulation magic? Who can do that?” Prince Adelio asked.
Isang tao naman ang pumasok sa isipan ni Yophiel. Napakuyom ang kaniyang kamao sa naisip. Naalala niya ang nangyari kay Lady Ross sa Larin River at posibleng ang nangyayari sa ama ay kagaya ng nangyari sa babae.
At ang may pakana nito ay walang iba kundi si Lady Gisela.
Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan sa kanilang harapan dahilan para maputol ang kanilang usapan.
“Jump!” Sabay silang tatlo na tumalon sa iba’t ibang direksyon nang sumugod ang ama. Ang kaninang tinatayuan nila ay nagkaroon ng malaking bitak dahil sa tibay ng kamao nito.
“Eziyah!” tawag niya kay Eziyah sa kabilang direksyon. “Can you hold out Papa for a while?”
Tumango naman ito. “I’ll try my best.”
Tumalikod na si Yophiel at mabilis na tinungo ang pintuan. Kailangan niyang hanapin si Lady Gisela.
Pinunit niya ang dulo ng kaniyang damit at hinubad din ang heels upang mapabilis ang kaniyang pagtakbo. Pinasok niya ang bawat kuwarto na madadaanan hanggang sa makarating siya sa second floor kung saan naroroon ang silid-aklatan. Hindi niya mabilang kung gaano karami ang bookshelves na nakahilara pero iniisa-isa niya pa rin ito. Isang pulang buhok ang nahagip ng kaniyang paningin kaya kaagad siyang tumakbo papunta sa ikasampung shelf.
“Lady Gisela!” sigaw niya.
Napatigil sa pagtakbo si Yophiel nang umapoy ang shelf kung saan naroroon ang babae. Sunod-sunod na nawasak ang ibang shelf nang magpakawala ito ng higanteng Fireball. Lumipad siya paitaas upang maiwasan ito.
Umapoy ang silid-aklatan dahil sa ginawa ni Lady Gisela.
Yophiel’s eyes glowed when she summoned ten Wind Spears. Bago pa ito mawala, mabilis niya itong hinagis pababa kung saan naroroon si Lady Gisela.
Nakaiwas ang babae at lumipad din ito palapit sa kaniya. Sinangga niya gamit ang mga braso ang umaapoy nitong suntok. Napakagat siya sa kaniyang dila upang pigilan ang pagsigaw dahil sa nanunuot nitong hapdi.
“Lady Yophiel.” The woman smirked. “You again.”
Lumipad paatras ang babae upang humugot ng lakas para sipain siya. Ginaya niya ang ginawa nito at umikot. Sabay silang nagpakawala ng sipa. The pressure between their clashing feet created a great wind pressure.
“Ano bang gusto mong mangyari?” She clenched her fist. Forming a shield in her knuckles, she attacked Lady Gisela.
Sinalubong nito ang kaniyang suntok ng umaapoy nitong kamao. They exchanged heavy blows, and no one wanted to back down. Sa tulong ng kaniyang Wind Shield, nagagawa niyang salubungin ang kamao ng babae. Pero hindi ‘yon nagtagal nang tuluyang nalusaw ang kaniyang mahika.
Napamura siya. Bago pa siya makailag bumaon na sa kaniyang pisngi ang kamao ni Lady Gisela.
Tumilapon ang kaniyang katawan. Nasira ang bintana kung saan siya tumama dahilan para dumiretso siya sa harden.
“Oh, heck.” Napahawak siya sa kaniyang pisngi.
Dali-dali siyang tumayo nang makitang papalapit na si Lady Gisela. Tumakbo siya papalapit sa umaagos na fountain at hinayaang mabasa ang sarili.
Sinalubong niya ang kamao nito nang walang kahit anong Wind Shield. Napadaing si Yophiel sa sakit pero hindi siya bumitaw. Hindi naging sapat ang tubig para patayin ang apoy pero kahit papaano, naiibsan ang init dahil sa bumabasa sa kaniya.
“Stop being a menace, Yophiel.”
“You are the menace here. Ni hindi nga kita pinakialaman.” Hinila niya ang braso nito papalapit sa kaniya at gamit ang tuhod, sinipa niya ang tiyan ni Lady Gisela.
Nang mawala ito sa pokus, kaagad niyang hinawakan ang kuwelyo ng damit at binagsak ang babae sa tubig. Dinaganan niya ito upang hindi makawala.
“Tanggalin mo ang ginawa mo kay Papa.” Nanginginig ang kaniyang kamao sa higpit ng kaniyang pagkakakuyom. Nagpakawala siya ng isang mabigat na suntok sa pagmumukha nito.
“Ganti ko ‘yan sa ginawa mo sa mukha ko.” Napangisi siya nang tumulo ang dugo mula sa ilong nito.
“Annoying brat!” Hinila nito ang kaniyang buhok. “Stop pestering me!”
“Ah!” Napaalis si Yophiel sa pagkakadagan nang umapoy muli ang kamao ni Lay Gisela.
Muntikan nang masunog ang buhok niya.
“You’re the one who needs to stop pestering me!” naiinis niyang sigaw. “Lubayan mo ako at si Papa—ah!”
Hindi niya natapos ang sasabihin nang sunggaban siya nito. Hawak-hawak nito ang kaniyang leeg.
“I just did what should be done in this story.”
Natigilan siya matapos iyong marinig.
The Lady Gisela she was fighting knew that this place was just a fictional reality. Yophiel was now sure that the one possessing Lady Gisela’s body came from her world.
“You being good and not following what role is given to you messed up everything. How long am I going to endure your stubbornness, you brat!” Lady Gisela gritted her teeth as she spoke. Bumabaon na rin sa kaniyang leeg ang kuko nito. Hindi siya makahinga.
Isang malakas na sampal ang binigay nito kaya napaupo siya sa lupa.
She spit the blood from her cheek before turning to Lady Gisela. Salubong ang kilay niyang nilingon ito. “Bakit ko naman susundin ang nakasulat sa libro, e, ang pangit-pangit ng kuwento!”
“W-what?”
Nagulat si Yophiel nang makita ang reaksyon nito. Natigilan ang babae at ilang beses na napakurap. Ilang saglit pa bago kumunot ang noo nito at pinandilatan siya.
“How dare you!” Nilamon ng apoy ang buo nitong katawan.
Napamura siya dahil mukhang nagalit niya yata ang babae. Dali-dali siyang tumayo at paika-ikang tumakbo. Ngayon pa lang niya naramdaman ang sakit sa kaniyang tagiliran pagkatapos niyang bumagsak kanina galing sa bintana.
Isang mainit at mabigat na bagay ang tumama sa kaniyang likuran dahilan para muli na naman siyang tumilapon. Babangga siya isa sa mga haligi ng palasyo. Gamit ang mga braso, sinangga niya ito sa kaniyang mukha.
“Ah!” Parang nabasag ang mga buto niya nang masampal ang mga braso sa sementong haligi. She fell hard on the ground. And a sharp, rigid object banged against her head. Tumama ang kaniyang ulo sa malaking bato.
“You deserve to die,” rinig niyang sabi ni Lady Gisela na naglalakad na papalapit sa kaniya.
Sinubukan niya ulit na tumayo habang nilalabanan ang nandidilim niyang paningin. Napahawak siya sa kaniyang ulo nang may pulang likidong lumabas mula ro’n. Unti-unti na siyang nahihilo.
Tumulo ang dugo at dumaan iyon sa kaniyang noo hanggang sa kanan niyang mata kaya napapikit siya. Bumagsak ang kaniyang katawan sa sahig habang nakatingin pa rin ang isa niyang mata sa mga paang papalapit sa kaniya.
Hindi na niya alam pa ang sumunod na nangyari nang tuluyan nang bumigay ang kaniyang katawan.
“Blank.”
Isang mabalahibong bagay ang dumaan sa kaniyang pisngi. Paulit-ulit nitong sinusundot na para bang ginigising siya.
Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata. Inikot niya ang tingin at pamilyar sa kaniya ang silid. Napapalibutan ng matitigas na lupa ang buong lugar. Nakapunta na siya rito.
Nasa loob siya ng kuweba kung saan niya nakita si Inferio.
“Blank.”
Kaagad siyang napahiyaw nang may malaki at mabalahibong buntot ang dumaan sa kaniyang balikat. Lumingon siya sa kaniyang likuran.
Nagitla siya sa nilalang na nasa kaniyang likuran. Ang malalaki nitong pangil ang bumungad sa kaniya dahilan para mapahawak siya sa kaniyang kinakabahang puso. Itim na itim ang balahibo nito at may mahabang katawan. Para lang siyang insekto kung ikukumpara sa laki nito.
Ang dragon na nakaungkat sa kaniyang braso ay buhay na buhay at gumagalaw ngayon sa kaniyang harapan.
“I am now fully awakened, Blank.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top