Kabanata 18
“ANO?! Saan ba nagpunta si Papa?” Salubong ang mga kilay ni Yophiel habang nakatingin sa guwardiya.
“The duke never said anything, my lady,” nakayuko nitong sagot.
“Nakabantay ka naman sa labas ng office ni Papa, ‘di ba? Hindi mo ba siya nakitang lumabas?”
“Kagabi pa siya hindi nakabalik sa office, my lady. Huli ko siyang nakita kausap si Lady Gisela.”
“What?!” Napakunot ang kaniyang noo.
Hindi na niya hinintay pa ang guwardiya na makasagot at kaagad na naglakad nang mabilis papunta sa horse stable. Kinuha niya ang kaniyang kabayo at sumakay.
Tinungo niya ang Lusielle residence. Wala siyang paki kung hindi siya mukhang presentable ngayon. Gusto niyang makita si Lady Gisela dahil hindi maganda ang kutob niya.
“Heya!” Binilisan pa ng kabayo ang kanilang takbo.
She gritted her teeth as she approached the Lusielle residence. Mahigpit din ang hawak niya sa rein. Eksaktong nakita niya si Lady Gisela na kalalabas lang ng gate kaya tinawag niya ito.
“Lady Gisela!” Hindi niya magawang maitago ang inis sa kaniyang boses.
She pulled the rein to stop the horse in front of the woman. Kaagad siyang tumalon pababa at hinarap ang babae. May dala itong basket at mukhang pupunta ng bayan.
Napahawak ito sa dibdib at umaktong nagulat sa kaniyang pagdating. “Lady Yophi—”
“Nasaan ang duke?” Hindi niya ito pinatapos.
“The duke?” taka nitong tanong. “Bakit mo naman siya hinahanap sa akin, Lady Yophiel?”
Humakbang siya papalapit at hinawakan nang mahigpit ang braso. “Huwag kang magmaang-maangan diyan.” Sinalubong niya ang walang kaemo-emosyon nitong mata.
Alam niyang hindi ito ang Lady Gisela na umiiyak sa kaniya no’ng nakaraang buwan at binigyan siya ng journal. Ito ang Lady Gisela na sumalubong sa kaniyang Wind Spear no’ng coming-of-age ceremony at ngumisi sa kaniya habang humihingi siya ng patawad sa harapan nito.
“You are hurting me, my lady,” sagot nito pero nawala na ang peke nitong ngiti. Hinawakan din nito ang kaniyang pulso. Dahan-dahan niyang naramdaman ang init pero hindi siya bumitaw at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa braso.
Wala siyang pakialam kung magkapasa man ito sa kaniyang pagkahawak dahil alam niyang mag-iiwan din ng matinding paso ang apoy nitong elemento sa kaniyang pulso.
“Saan mo tinago si Papa?” nangangalaiti niyang tanong.
Lady Gisela chuckled. “I don’t know, my lady.”
“Ikaw ang huli niyang nakausap kahapon kaya imposibleng hindi mo alam. Anong ginawa mo sa kaniya?”
“Ano bang magagawa ko sa pinakamakapangyarihang magician?”
“Ewan ko ba sa ‘yo. You are actually weird.” Gamit ang isang kamay, kinuwelyuhan niya ang babae. Hindi niya mapigilang mainis sa mapanuya nitong tingin.
“Sino ka ba?” Umigting ang kaniyang panga. Nanginig ang kaniyang kamao dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa braso at manggas nito.
The woman smirked. “Why would I tell you?” Sumiklab ang palad nitong nakahawak sa kaniyang pulso.
Napasinghap si Yophiel dahil sa nanunuot na hapdi.
“You are such a menace, Yophiel. I can’t even explain why until now you are still doing this.” Lady Gisela frowned.
Napakunot din ang kaniyang noo sa sinabi nito. Anong ibig nitong sabihin?
Kaagad siyang napatalon palayo nang bumuo itong ng nagliliyab na bilog sa kabilang kamay. Isa, dalawa, hanggang sampung Fireball ang binato sa kaniya. Tinawag niya ang hangin upang maging panangga sa papalapit na atake. Umalingawngaw sa kaniyang tainga ang pagsabog nang magtama ang kanilang mga elemento.
“Aria Nasima!” Sinubukan niyang lumutang si ere subalit kaagad na nawala ang hanging pumalibot sa kaniya.
Hindi siya makalipad.
Napayuko siya nang nasa harapan na niya si Lady Gisela at ihahampas na sana sa kaniyang mukha ang dala-dalang basket. With her left hand, she grabbed the woman’s arm. Umikot siya papunta sa likuran nito at hinawakan ang leeg. Lilingon na dapat ito subalit sinipa niya ang mga likod ng tuhod nito dahilan para mawala ito sa balanse at mapadapa sa lupa.
“Sino ka ba talaga, ha? Anong ginawa mo kay Lady Gisela?” sigaw niya.
Hindi ito sumagot at tinaas ang hintuturo.
Napalingon si Yophiel sa kaniyang kanan nang makaramdaman ng init. Isang Fireball ang sumabog sa kaniyang braso. Tumilapon siya at napadaing nang mahampas ang likuran sa bakal na gate.
“And what will you do again, huh?” saad nito nang makatayo. Tinaas nito ang kaliwang kamay na lumiliyab, unti-unting nagbabago ang anyo ng apoy at naging isang sibat.
Mukhang balak yata siya nitong patayin.
Hindi rin siya nagpatalo at kahit hirap na kontrolin ang mana, sinubukan niyang tawagin ang pinakamalakas na hangin.
“Engrande Quill.” Naging makulimlim ang kanilang paligid. Ang mga dahon sa puno pati na ang mga alikabok sa kalsada ay nagliparan dahil sa ipuipo na tinawag niya.
Huminga siya nang malalim upang pakalmahin ang daloy ng mana na nagwawala sa kaniyang katawan. Namumuo na ang pawis sa kaniyang noo dahil sa mana na parang winawasak ang loob niya.
“Shit,” napamura siya dahil nawawala ang ipuipo. Hindi niya ito magawang mapanatili. Hindi nakikinig ang hangin sa kaniya.
“Struggling?” Isang tawa ang narinig niya kay Lady Gisela. “Why don’t you stop resisting?” Inamba na nito ang apoy na sibat.
Handa na nitong ibato sa kaniya subalit may biglang dumaan na puting liwanag sa pagitan nila. Napunta iyon sa likuran ni Lady Gisela. Isang lalaki na nagmamay-ari ng puting buhok at mapulang mga mata ang tumutok ng espada sa leeg ng babae.
“Hurt her or your head will fall off.” Madilim ang mga tingin nito na animo’y isang maling kilos lang ni Lady Gisela ay puputulan na niya ito ng hininga.
“Sir Eziyah, why are you threatening me? She attacked me first. I just defended myself.” Sinubukang gumalaw ni Lady Gisela at harapin si Eziyah subalit hinigpitan lang nito ang espada sa leeg.
“Did I ask who attack whom? I only care for the lady’s well-being.”
Napatayo si Yophiel habang nakatingin pa rin kay Lady Gisela. Halata sa mukha nito na hindi nagustuhan ang sinabi ni Eziyah. Nagsalubong ang mga kilay nito pero hindi na tinuloy pa ang pag-atake at pinatay na ang apoy sa mga kamay.
“All right. Fine,” pagsuko nito.
Nang makasigurong hindi na aatake ang babae, inalis na ni Eziyah ang pagkakatuon sa espada at kaagad na nagtungo sa direksyon niya. “Are you okay?”
Tumango naman siya.
Napunta ang tingin nito sa kaniyang pulso na nagkapaso. Nagsalubong ang mga kilay nito. Kaagad nitong nilingon si Lady Gisela at susunggaban na sana pero hinawakan niya ang braso nito.
“I’m fine.”
“But, my lady, your hand are entirely burned,” sabi nito na pilit pinipigilang tumaas ang boses.
Sasagot na sana siya pero nagsalita si Lady Gisela. Pinagkrus nito ang mga braso. “You should go away in front of our residence. It’s too early to cause trouble.” Napunta ang tingin nito kay Eziyah. Biglang nagliwanag ang mapula nitong mga mata kaya agad na tinakpan ni Yophiel ang mga mata ng lalaki.
Iyon din ang ginawa nito sa kaniya bago ang araw ng tea party. Wala namang nangyari sa kaniya subalit hindi pa rin maganda ang kaniyang kutob.
Lady Gisela rolled her eyes.“ Get lost, you two.” Kinuha nito ang basket na nasa kalsada at naglakad na palayo sa kanila.
Bago pa ito tumalikod, pinukol muna siya ng masasamang tingin ng babae.
“My lady.”
Napunta ang kaniyang atensyon kay Eziyah na inalis ang pagkakatakip ng kamay niya. Nag-aalala ang mukha nito habang nakatingin sa kamay niyang nawasak ang balat dahil sa pagkakapaso ng apoy ni Lady Gisela.
“Ayos lang ako.” Hinila na niya ang lalaki papalapit sa kabayo para umalis na subalit hindi ito gumalaw sa kinatatayuan.
“Are you really okay, my lady? I saw the attack you made earlier, and it suddenly perished.”
Right. She hadn’t told him about her condition.
Hinarap niya ito. “I can’t control my magic now, Eziyah. The mana inside me won’t follow my body's circulation like it wanted to burst.”
“What? But why? Did something happen while I was away?”
Umiling siya. “My health just suddenly deteriorated. Pero huwag kang mag-alala, I’ll find a way to treat myself sooner.” Hinaplos niya ang pisngi nito. She wasn’t really sure if she could find something to solve her condition. Ang gusto niya lang ay huwag mag-alala ang lalaki sa sitwasyon niya.
Subalit nang makabalik na sila sa mansiyon, hindi pa rin talaga nawala ang pagkabahala sa mukha nito.
Sinabi niya rin kay Eziyah ang tungkol sa duke kaya inutusan nito ang mga knight na hanapin ang duke sa buong lugar ng Chloronosos.
Wala siyang nakuhang matinong sagot kay Lady Gisela at napasabak pa siya sa laban. Lalo lang din siyang nalito dahil sa mga pinagsasasabi nito kanina.
Malapit na ang koronasyon ni Prinsipe Adelio. Kailangan na nilang maghanda para sa gagawing pagpasok sa mga silid ng palasyo upang hanapin ang mga sulat ng ina. Pero hindi naman niya mahagilap ang ama. Alam naman niyang malakas ito subalit kinakabahan pa rin siya. Baka may nangyaring hindi maganda at malakas ang kutob niyang may kinalaman do’n si Lady Gisela.
LUMIPAS ang isang linggo at hindi pa rin nila natatagpuan ang ama.
“Lady Yophiel, halika ka na,” tawag ni Miss Ella sa kaniya upang lumabas na ng kuwarto.
Sinulyapan niya muna ang libro ni Inferio. May kung anong pakiramdam ang nagtutulak sa kaniya na dalhin ito kaya kinuha niya ito at inabot kay Miss Ella.
Gaganapin isang linggo mula ngayon ang koronasyon ng prinsipe kaya kailangan na nilang pumunta sa imperial palace. Malayo-layo ang Chloronosos sa Perin kaya ilang araw rin ang magiging biyahe nila.
“Paano si Papa?” alala niyang tanong.
Nagsimula nang umandar ang karwahe. Napasilip siya sa bintana nang makita si Eziyah na nakasakay sa kabayo.
“May balita na ba kay Papa?” tanong niya sa lalaki.
Umiling naman ito. “I’m sorry, my lady. We haven’t found anything about the duke.”
Bumagsak ang balikat niya dahil sa isinagot nito. Buong biyahe, wala siyang ginawa kundi ang mag-alala sa kalagayan ng ama. Pilit niyang iniisip kung saan posible itong nagpunta dahil lahat na ng lugar ay napasok na nila. Bumabagabag din sa isipan niya si Lady Gisela. Ilang beses nang pumasok sa isipan niya na pasukin ang residence nito.
Nakarating na sila sa imperial palace. Dumiretso agad si Yophiel sa guest room at humilata sa kama. Sumakit ang puwet niya kakaupo sa karwahe.
“Yoyo!”
Kaagad siyang napairap nang marinig ang boses na iyon. Nilingon niya ang prinsipe na kakapasok lang. Nakasunod naman sa likuran si Eziyah.
“Bakit ka nandito? Kokoronahan ka na nga pero kung saan-saan ka pa naglilikot.”
“Ayaw mo? This is will be the last time you will see me as a prince. By the way, why do you look thinner?” Lumapit ito sa kaniya at tinaas ang isa niyang braso. “And what is this? Anong nangyari sa mark mo?”
“Ewan ko rin.”
“Sir Eziyah, are you not taking good care of Lady Yophiel?” Nilingon nito si Eziyah at pinaningkitan.
“Of course, I am, Your Imperial Highness.” Lumapit ito sa kanila.
“Where is the duke? I haven’t seen him.”
“The duke is missing,” sagot ni Eziyah.
“What?!” sigaw ng prinsipe. “Are you serious? Since when? Did you came here without the duke?”
Tumango naman siya at muling humiga sa kama. Mabigat ang kaniyang pakiramdam dahil sa pagod sa biyahe. Gusto niyang magpahinga.
“He’s been missing since last week. We haven’t found any clue where he might be right now,” sagot ni Eziyah at kinumutan siya.
Yophiel closed her eyes and let the two men talked about the duke. Nagtatalo ang isipan niya kung hahanapin niya bang mag-isa ang mga sulat ng ina o hihintayin ang ama kung sakali mang bigla itong dumating.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top