Kabanata 17

ONE month had passed. And the war between the Chloronosos dukedom and the neighboring country was finally over. The whole mansion got busy as the staff prepared for the celebration that would be held later.

Nakabalik na si Eziyah kaninang umaga subalit hindi pa ito nakikita ni Yophiel. Nanatili lang siya sa loob ng kuwarto at pinapakiramdaman ang sarili kung makakadalo ba siya mamaya.

Sa loob ng isang buwan, hindi umunlad ang kaniyang kalusugan. Kagaya ng sinabi ng ama, hindi nga siya bumuti kahit na nawala na ang lagnat niya. Bawat araw na dumaaan, mas lalo siyang nahihirapang tawagin ang kaniyang elemento.

Lumalayo na sa kaniya ang kaniyang mahika.

Napatingin siya sa salamin, bakas sa kaniyang katawan ang pamamayat. Umakyat na din ang cursed mark at umabot na sa kaniyang leeg hanggang sa gilid ng kaniyang pisngi. Hindi na niya ito magawang maitago pa sa ilalim ng mga tela.

“My lady?”

Napalingon siya sa pintuan nang may pumasok. Ang kaniyang lady in waiting.

“Sabi ni Sir Eziyah sunduin ka raw niya mamaya.” Pinagmasdan siya ni Miss Ella mula ulo hanggang paa, nag-iisip kung anong disenyo ng damit ang isusuot niya mamaya. “Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Kaya mo bang pumunta mamaya sa banquet hall?”

Tumango naman siya. “Kaya ko naman.”

Gusto niya ring dumalo at makita ang lalaki. Isang buwan din niya itong hindi nasilayan at miss na miss na niya ito.

Naging matunog ang pangalan ni Eziyah matapos nitong maipanalo ang labanan. This was the part of the novel where Eziyah became the war hero of Chloronosos dukedom. Sa selebrasyon ding ito, yayayain ni Eziyah ang female lead na tanggapin ang kaniyang proposal subalit tinanggihan siya dahil si Prinsipe Adelio ang gusto nito.

“Do you prefer this or this?” Pinakita ni Miss Ella sa kaniya ang dalawang gown. Ang isa ay kulay itim na backless habang ang isa naman ay gradient blue.

Pinili niyang suotin ang gown na may dalawang kulay ng asul. Hapit ito sa katawan at may slit. 

Dumating ang gabi at nakahanda na siyang pumunta sa banquet hall. Nakarinig siya ng katok kaya kaagad na niyang tinungo ang pinto. Bumungad sa kaniya ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng embroidered coat na ipininta sa kulay itim at pula. Nang masilayan niya ang moreno nitong balat at pulang mga mata, kaagad niya itong nakilala.

“My lady.” His voice that she yearned to hear for a month echoed in her ear.

Kaagad niyang tinapon ang sarili sa lalaki at niyakap ito nang mahigpit. Naramdaman niya ang mga kamay nito sa kaniyang baywang habang sinisiksik ang mukha sa kaniyang leeg.

“I have longed for you, my lady,” Eziyah uttered while planting a kiss on her shoulder.

Humiwalay siya sa yakap. “Na-miss din kita.” Hinaplos niya ang pisngi nitong nagkapeklat.

Pansin niyang nanatili ang tingin nito sa kaniyang leeg. Ilang saglit pa, kumunot ang noo nito. He must be wondering about her cursed mark.

“What happened to your arm? The last time I saw the mark, it wasn’t this big.” Tinaas pa nito ang kaniyang braso.

“Hindi ko rin alam. Naging ganiyan na lang ‘yan bigla-bigla.”

Eziyah looked at her and studied her expression. Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. “Have you been well? Did something happen?”

“I’m fine.” Ngumiti naman siya. Although she wanted to tell him about her condition, it wasn’t the right time. Ayaw niyang mag-alala ang lalaki sa kaniya lalo na’t ito pa naman ang sentro ng selebrasyon. Gusto niyang magpokus muna si Eziyah nang hindi siya inaalala.

“Are you sure?” Hindi pa rin nito binitawan ang kaniyang pisngi. Pinaikot siya ng lalaki upang makita ang kabuuan niya kung sakali mang may tinatago pa siyang iba. “Are you really fine, my lady?”

“Oo nga.” Sinukbit niya ang mga sa braso nito. “Tara na. Naghihintay na sila sa ‘yo.”

Eziyah didn’t look convinced, but he still listened. Naglakad na sila papunta sa banquet hall.

“Ah, by the way.” Tumigil ito sa paglalakad at tinignan siya. “You look astonishing, my lady.”

Natigilan naman siya, nabigla sa sinabi ng lalaki. Dahan-dahang umakyat ang ngiti sa kaniyang mga labi habang unti-unting nararamdaman ang panginginit ng kaniyang pisngi.

“Alam ko na ‘yon.” Bahagya niya itong siniko bago muling naglakad.

Nakarating na sila sa banquet hall. Nang makapasok, kaagad na napunta sa kanila ang tingin ng mga tao. Sino ba naman kasi ang hindi mapapatingin kung ang kaisa-isang anak ng duke ay kasama ang war hero at pinagpipiyestahan ng masa, si Eziyah.

Hindi kalayuan, nakita niya ang ama na naglalakad papalapit sa kanila.

“Eziyah. Yophiel,” bati nito habang nasa magkabilang balikat si Zopy at Atlanta.

“Your Grace.” Yumuko si Eziyah bilang paggalang pati rin siya.

“Congratulations. I was right in raising you.” Tinapik nito ang balikat ni Eziyah, punong-puno ng pagmamalaki ang mga mata nitong nakatingin sa lalaki.

Mabilis na napunta ang tingin ng ama sa kaniya. Nagtaka siya dahil bigla itong ngumisi. Makahulugan sila nitong tinignan at bumulong, “Do not repeat what you two did a month ago, okay?”

“Ha? Ang alin?” taka niyang tanong.

“You know . . . iyong sinabi ni Prince Adelio.”

Kaagad niyang naunawaan ang sinabi nito kaya inis niyang tinignan ang ama. “Pa naman, e!”

Tumawa naman ang kaniyang ama at naglakad na palayo sa kanila.

“What did the duke mean, my lady?” takang tanong ni Eziyah.

“Wala, wala. Huwag mo na ‘yong pansinin,” sagot niya at umiling, pilit na inaalis sa isipan ang nangyari sa Larin River.

Hinila niya si Eziyah papunta sa mga nakahaing pagkain at kumuha ng isang cupcake. Habang lumalamon siya, may tumawag sa kaniya.

Nakita niya si Lady Gisela na nakangiti sa kanila. Mabilis na kumunot ang kaniyang noo habang naaalala ang binigay nitong journal isang buwan na ang nakararaan. Hindi niya rin nagawang puntahan ang babae sa loob ng isang buwan na iyon dahil nga hindi naging maganda ang kaniyang kalagayan. Dahil din doon, walang nadagdag sa impormasyon niya. Posibleng ang kaharap niya ay hindi si Lady Gisela kundi ang taong gumagamit sa katawan nito.

“A pleasant evening, my lady,” bati nito at napunta ang tingin kay Eziyah. “Congratulations on your win, Sir Eziyah.”

“Thank you,” sagot ni Eziyah at bahagyang yumuko.

Sumunod naman si Prinsipe Adelio sa likuran ni Lady Gisela. Nagkasalubong ang kanilang tingin. Parang may sinasabi ito sa mga mata kaya napasingkit siya. Anong ibig nitong sabihin? Tungkol ba ito sa sitwasyon ni Lady Gisela?

“You seem a little pale, Lady Yophiel.” Naglakad papalapit sa kaniya si Lady Gisela. Tinignan siya nito na puno ng pag-aalala subalit hindi niya ito nagustuhan, may ibang sinasabi ang mga tingin nito.

“You should rest, my lady,” dagdag pa nito at lalo pang lumapit. Napaatras naman siya. Taliwas ang ekspresyon ng mga mata nito sa lumalabas na mga salita. Parang hindi ito natutuwa na makita siya.

“Puwede bang huwag kang dumutdot?” kunot-noo niyang sabi at bahagya itong tinulak. “You’re invading my space.”

“Oh, I am just concerned.” Lady Gisela smiled.

Concern daw. Maniwala!

Inalis niya ang tingin sa babae at binalik kay Prinsipe Adelio. She signaled him to get the woman away from her. Mabilis naman itong naunawaan ng prinsipe.

“Ah, my lady, would you like to dance with me?” saad ni Prinsipe Adelio upang kunin ang atensyon ni Lady Gisela.

“I would love to.”

Napahinga naman siya nang malalim nang umalis na ang dalawa at pumunta sa gitna ng hall kung saan nandoon din ang ibang nagsasayaw.

“Ahm, my lady.”

Nilingon niya si Eziyah. Napakamot ito sa likod ng batok at para bang nahihiya sa kaniya. Tumikhim ito at inilahad ang kamay.

“Can I h-have the honor to dance with you, my lady?”

Kaagad niyang nilunok ang kinakain at nakangiting tinanggap ang kamay nito. “Of course, Sir Eziyah.”

Ngumiti rin ang lalaki sa kaniya at ginaya siya papunta sa mga nagsasayawan.

“Sir?” Hinawakan nito ang kaniyang baywang.

Nilagay niya naman ang isang kamay sa balikat ito habang ang isa ay nakahawak sa isang palad ni Eziyah. Sumabay sila sa tunog ng musika.

“Bakit? Ayaw mo n’yon?”

“You have started calling me Eziyah. Now you are calling me Sir Eziyah again.”

She chuckled. “Ikaw rin naman. I’ve never heard you calling my name.”

Tinaas nito ang isang kamay upang igaya siyang umikot. “I prefer calling you ‘my lady’.”

“But I would love it if I hear you calling my name.”

“Is that so? I will try.”

Mapayapa silang sumayaw ni Eziyah habang nakatingin sa mata ng isa’t isa. Biglang pumasok sa isipan niya ang mga nabasa niyang historical fantasy no’ng siya pa ay si Blank Herana. Palaging hindi nawawala ang sayawan sa kuwento. Minsan na rin niyang hiniling na maranasan ito sa totoong buhay.

At ngayon, nararanasan na niya ito sa taong mahal niya. Hindi man totoo ang mundo na ginagalawan niya, ang mga karakter na nakasama niya at ang kaniyang nararamdaman ay higit pa sa reyalidad.

Totoo si Eziyah. Kahit ito’y isang kathang-isip lang, totoo ito sa harapan niya. Nagagawa niya itong hawakan, makausap at higit sa lahat, mapagmasdan ang ganda nitong taglay na kahit sinong totoong tao ay hindi makapapantay.

“By the way . . .” Hinapit nito ang kaniyang baywang dahilan para magdikit ang kanilang katawan. “Why are you staring at the crown prince earlier?”

“Bakit? Nagseselos ka ba?”

He chuckled. “A little.”

Hinila siya nito paalis sa hall nang matapos ang musika. Habang naglalakad at nakahawak ang mga kamay sa isa’t isa, sabay nilang tinamasa ang lamig ng hangin sa harden ng mansiyon. Tumigil sila sa lugar kung saan naroroon ang mga rosas.

“You stared at me here,” sabi ni Eziyah.

“Huh?” Napakunot naman ang kaniyang noo pero mabilis ding nawala nang maalala ang panahong iniwasan niya si Eziyah kasama ang prinsipe.

No’ng panahong ‘yon, takot pa siya kay Eziyah. Hindi pa siya sanay sa nakamamatay nitong tingin.

Binitawan ni Eziyah ang kaniyang kamay at hinarap siya. Pinaglaruan ng mga daliri nito ang dulo ng nakalugay niyang buhok bago nagsalita. “Do you still want to go back to your world, my lady?”

Napakurap siya sa tinanong nito pero kaagad ding napangiti. “Bakit? Kapag sinabi kong oo, susundan mo ba ako?”

“Puwede ba?” sagot naman nito kaya napatawa siya.

“Siguro, oo. Try mo rin gumawa ng portal spell,” biro niya. Pinulupot niya ang mga braso sa leeg ng lalaki. “Pero hindi na ako aalis. Dito na ako.”

Natigilan si Eziyah dahil sa kaniyang sinabi. Dahan-dahan, sumilay ang ngiti nito. “Really?” Bakas sa boses nito ang saya.

Tumango siya. Hindi niya rin naman kayang iwan si Eziyah. She had decided to stay in this place. Hindi bale nang hindi na siya makabalik pa sa totoo niyang mundo kung makakasama naman niya ang taong mahal niya.

“Naisip ko na—” She wasn’t able to finish her word when Eziyah held her chin.

Napapikit siya nang nilapat nito ang mga labi sa kaniya. Kaagad niyang tinugon ang bawat halik na binibigay nito habang ang kaniyang mga daliri ay pinaglalaruan ang mapuputi nitong buhok.

“Let me stay by your side forever, Yophiel,” he said in between their kisses.

NAGISING si Yophiel na humahapdi ang mga labi. Hindi na sila nakabalik pa ni Eziyah kagabi sa banquet hall at nanatili lang sa harden. Hindi siya nito tinigilang halikan hanggang sa ito’y makuntento. Mukhang mas mahaba pa nga ang oras na tinagal nila sa harden kaysa sa loob ng banquet hall.

Bumangon siya sa kaniyang kama at tinignan ang sarili sa salamin. Kaagad niyang tinakpan ang gilid ng leeg kung saan walang marka ng kaniyang sumpa nang makita ang iniwan ni Eziyah.

Isang malutong na mura ang tumakas sa kaniyang labi at mabilis na kumuha ng scarf. Pinulupot niya ito sa leeg bago lumabas para puntahan ang ama. Nais niya itong makausap sa kanilang plano dahil papalapit na ang koronasyon ng prinsipe.

Habang naglalakad, nakasalubong niya ang guwardiya na palaging nakatalaga sa pagbabantay ng opisina. Nababahala ang mukha nito.

“Sir, nandoon ba si Papa sa office?” tanong niya rito at mukhang ngayon lang siya nito napansin dahil bakas ang gulat sa mukha nito.

“I’m sorry but the duke isn’t in his office right now, Lady Yophiel.”

“Nasaan? Umalis?” taka niyang tanong.

The guard gulped. Hindi ito nakasagot kaagad at iniwas ang tingin. Ilang sandali ang lumipas bago ito yumuko at napagdesisyunang magsalita.

“The duke hasn’t returned since last night.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top