Kabanata 16

THE departure of the knights and magicians made everyone busy. Ngayon na ang araw kung saan sila sasabak sa digmaan. The ogres had reached the first town in their country. And the magicians assigned in the area had evacuated the civilians.

Nasa labas ng mansiyon si Yophiel habang pinagmamasdan ang mga knight na paalis na.

Isang kabayo ang huminto sa kaniyang harapan at sakay n’yon si Eziyah. Bumaba ito at inalis ang helm. Sinalubong siya ng ngiti nito. His not-so-even-smile made Yophiel curved her lips too.

“I will miss you.”

Hinalikan nito ang likod ng kaniyang palad. “Me too, my lady.”

In the novel, the war would last for a month. Kaya isang buwan niya ring hindi makikita ang lalaki.

“Don’t attempt to cast portal spells when I am away,” dagdag nito.

Bahagya naman siyang natawa. Hinawakan niya ang magkabila nitong pisngi at pinagmasdan ang mukhang araw-araw niyang iniisip. Pagkatapos ng nangyari kagabi, mukhang may magbabago yata sa mga plano niya.

“I won’t.” She buried a kiss on his cheek.

Binitawan na niya ang lalaki. Muli na nitong sinuot ang helm at sumakay na ulit sa kabayo. He took one last glance before turning and signaling the horse to run outside the gate of the Demancrius’ mansion.

Yophiel then whistled to call the wind and flew to the top part of their mansion. Naupo siya sa sementadong railing. Dahil sa taas ng mansiyon, nagagawa niyang tanawin ang daan papunta sa bayan. Pinagmasdan niya si Eziyah na pinangunahan ang mga knight at magician. Ang mga tao naman sa gilid ng daan ay pinaulanan sila ng suporta. Rinig niya mula sa ibabaw ang ingay nila.

Napalingon si Yophiel sa kaniyang likuran nang makarinig ng matinis na boses. Nakita niya ang ama na naglalakad papalapit sa kaniya habang karga-karga ang dalawang Felis Drahika. Si Zopy na natutulog habang si Atlanta naman ay pilit na kumakawala at gustong sumama kay Eziyah.

“You can’t. You’re still a baby,” saad ng ama kay Atlanta.

Tinabihan siya ng ama nang makalapit ito at pinagmasdan din ang mga knight at magician.

“Hindi ka ba sasama, Pa?” tanong niya.

“Nah. I will come if it’s necessary. But for now, Eziyah can handle it himself.”

Napangiti naman siya sa sinabi ng ama. Mukhang malaki ang tiwala nito sa lalaki.

“Why are you smiling, Yophiel? Are you that into him?”

Napalaki ang kaniyang mga mata. Kaagad siyang napaiwas ng tingin nang pinaningkitan siya nito na para bang binabasa ang iniisip niya. “A-ano bang sinasabi mo, Pa?”

“Oh, no, Yophiel. You can’t fool your father. I know there is something going on between you two,” saad ng ama habang hawak-hawak ang buntot ni Atlanta nang mag-akma itong lumipad. “The prince even told me that you two already kissed in front of everyone.”

“Hindi ‘yon kiss!” tutol niya. “Hindi ‘yon kiss. Promise!” Tinaas niya pa ang kanang kamay habang pinagmumumura na sa isipan ang prinsipe.

Imbes na paniwalaan ay napataas lang ang dalawang kilay ng ama. Ilang saglit pa, tinawanan nito ang kaniyang mukha na namumula. “Your face is showing otherwise.”

Binigay nito sa kaniya si Zopy na natutulog pa rin dahil nahihirapan itong pigilan ang naglilikot na Atlanta. He kept on whining and wanting to fly to the direction of his owner.

“Atlanta, no. Dito ka lang,” sita ng ama.

“Nako, Pa. Mukhang magiging abala kang alagaan si Atlanta.”

“It’s fine with me. He’s cute, anyway.” Pinanggigilan pa nito ang pisngi ng Felis Drahika na hanggang ngayon ay nagwawala pa rin.

Bumaba na silang dalawa at pumasok na sa loob ng mansiyon. Gamit ang kaniyang mahika, dahan-dahan niyang ibinaba ang sarili, ngunit bago pa siya nakatapak ay biglang kumirot ang kaniyang braso. Naging dahilan iyon upang mawala ang hanging umiikot sa paligid niya. Muntik na siyang bumagsak pababa kung hindi siya nahawakan ng ama.

“Are you okay?” he asked after they landed.

Tumango naman siya. Sinulyapan niya ang braso na may cursed mark. Hindi pa rin nawawala ang pabigla-bigla nitong kirot.

Bumalik siya sa loob ng kaniyang kuwarto at nilagay sa kama ang natutulog niyang Felis Drahika. Ang ama naman niya ay bumalik sa office habang pinapakalma si Atlanta.

Napatingin siya sa dalawang libro na nasa kaniyang side table. Kinuha niya iyon at nilapat sa kama.

Ang libro ni Inferio at journal ni Lady Gisela.

Pagkatapos ng pangyayaring ‘yon, hindi  pa niya nakikita ulit ang babae. May parte sa kaniya na nag-aalala at gusto itong puntahan. Gusto niyang malaman kung sino ang isa pang nilalang na kumukontrol sa katawan nito at ano ang pakay nito.

Inabot niya naman ang libro ni Inferio. Binuklat niya ang mga pahina. Hindi niya pa ito nababasa lahat at tanging mga portal spell lang ang tinitignan niya dahil ‘yon lang naman ang dahilan kung bakit gusto niyang mahawakan ang libro.

Gusto niyang makabalik sa mundo niya.

Subalit sa mga nangyari no’ng nakaraang araw, hindi niya alam kung gugustuhin niya pang umalis. She couldn’t deny that despite hating the novel, the characters she grew up in as Yophiel Aurelia Demancrius had become part of her life. Kahit papaano, naging malapit na sila sa kaniya.

Si Miss Ella, ang kaniyang ama, si Prinsipe Adelio at higit sa lahat, si Eziyah.

She sighed and decided to lay beside Zopy. Bibitiwan na niya sana ang libro sa kamay subalit biglang kuminang ang pabalat nitong kulay itim.

Napakunot ang kaniyang noo habang pinagmamasdan ang puting liwanag na gumagalaw. May ginuguhit ito sa pamalat. At first, she couldn’t distinguish what the moving light was trying to draw. But as it continued to move, the drawing slowly took it shape.

The light had stopped moving when the lines met its end. Yophiel almost gasped when she figured what it was.

It was a dragon resembling the cursed mark in her arm.

Dali-dali niyang tinignan ang braso nang humapdi ito. Isang malakas na kalabog ang nilikha ng kaniyang puso kaya napahawak siya sa kaniyang dibdib. The mana inside of her body were moving in different directions. Pabilis nang pabilis ang daloy nito at hindi na sumusunod sa sirkulasyon ng kaniyang katawan dahilan para mahilo siya.

Huminga siya nang malalim upang iwasan ang sarili na mataranta. Ayaw niyang maulit ang nangyari sa coming-of-age ceremony.

“Aria Nasima,” she called the attention of the wind to surround her. Ilang sandali pa ay sumunod ito sa kaniya. Mapapangiti na sana siya ngunit bigla na lang itong nalusaw.

She tried to make a small tornado in her hand, but just like what happened, it perished, leaving no trace. Ilang ulit niya pang sinubukan ngunit kagaya ng nangyari, nagagawa niya ito pero kaagad ding nalulusaw.

“Anong nangyayari?” taka niyang tanong sa sarili.

Umilaw ang cursed mark niya sa braso kaya napatingin siya. Napakunot ang kaniyang noo nang umilaw rin ang guhit sa libro ni Inferio. Kinain ang kaniyang kuwarto sa liwanag nitong dala. Lalo itong kuminang dahilan para mapapikit siya sa silaw.

Pagmulat niya, purong kadiliman na ang sumalubong sa kaniya. Wala siyang kahit na anong mahawakan o makita man lang. Hindi rin siya makahinga nang maayos, pakiramdam niya’y sinasakal siya. Natatakot siyang humakbang dahil nagmumukhang masikip ang lugar sa dilim. Hindi niya mawari kung may pader ba sa kaniyang harapan o isang malaking espasyo.

“Yophiel.”

Nabato siya nang may umalingawngaw na boses sa paligid. Malalim ang boses nito at buong-buo. Hindi niya alam kung saan at kailan niya narinig ang boses subalit pamilyar ito sa kaniya.

“S-sino ka?”

Nakarinig siya ng mga yabag ng paa. Habang papalapit, dahan-dahan ding nagliwanag ang paligid. Unti-unti na niyang nasilayan ang nakapalibot sa kaniya na pader at kisame na gawa sa matigas na lupa.

Nasa loob siya ng kuweba.

“Yophiel,” muling tawag nito sa kaniya pero sa pagkakataong ito, may nakikita na siyang pigura sa unahan at papalapit ito kaniya.

Isang lalaki na may matipunong katawan ang naglakad sa kaniyang direksyon. Natatakpan ang katawan nito ng isang itim na tela. Ang mahaba at maalon nitong buhok ay umabot na sa lupa at nagmukhang parte ng kasuotan nito. Ang mga mata nitong nakapikit at may peklat ang nagpakunot sa noo ni Yophiel.

“S-sino ka?” tanong niya nang makalapit ang lalaki.

Ngumiti ang lalaki sa kaniyang harapan. Hinawakan nito ang kaniyang pisngi na mabilis din naman niyang tinabing.

“Hmm. You’re not really Yophiel.” Kahit na nakapikit ito, pakiramdam niya’y nakikita pa rin siya ng lalaki.

“Anong ibig mong sabihin?”

Imbes na sagutin nito ang kaniyang tanong, nagpakilala ang lalaki. “I am Inferio.”

Natigilan siya.

Ilang saglit bago napalaki ang kaniyang mga mata at napaatras. “Inferio? The first magician?” Ngayon niya lang din napagtanto na ang boses nito ay katulad ng napakinggan niya no’ng nawalan siya ng malay sa coming-of-age ceremony.

Tumango ang lalaki. “I am your curse.”

Napahawak siya sa kaniyang braso. “Anong ikaw? Ikaw ‘tong dragon?”

He nodded again. “Right now, you are inside my cage. No one can reach this place except you and the maker.”

Tinaas nitong muli ang kamay, ngunit sa pagkakataong ito, nilapat nito sa kaniyang ulo. “I have a lot of things to say to you, Blank. But you need to wake up for now.”

“Kilala mo ako?”

“Of course. It is I who brought you here, after all. And now, your time is almost up.”

“Huh? Teka nga, puwede bang lagyan mo naman ng explanation ang mga pinagsasasabi mo? Wala akong maintindihan,” nayayamot niyang sabi.

“Not until I am fully awakened. I can’t oppose the conditions laid on me. We will meet again soon. Until then, Blank.” Tinakpan ng palad nito ang kaniyang mga mata. Kaagad niya itong inalis pero pagtanggal niya nawala na siya sa kuweba at nakabalik na ulit siya sa kaniyang kuwarto.

Nakahiga siya sa kaniyang kama habang nararamdaman ang basang tela na nakapatong sa kaniyang noo.

“Your Grace, Lady Yophiel is awake,” rinig niya si Miss Ella sa kaniyang tabi. Kinuha nito ang basang tela sa kaniyang noo.

Kaagad na lumapit ang kaniyang ama at puno ng pag-aalala siya nitong tinignan. Hinawakan nito ang kaniyang mainit na noo.

“Anong nangyari, Pa?” namamaos niyang tanong.

“Nakita ka na lang ni Miss Ella na wala nang malay kanina sa kama mo. You’re having a fever,” sagot nito habang hindi pa rin tinatanggal ng ama ang kamay sa kaniyang noo.

“Aria Namiss,” her father whispered and cast a healing magic. Kaagad na naramdaman ni Yophiel ang lamig ng hangin sa kaniyang noo na para bang sinisipsip nito ang init sa kaniyang katawan.

“What is happening to you?” mahinang sabi ng ama, ang mga mata nito ay nababahala.

“Okay lang ako, Pa,” sagot niya upang tanggalin ang pag-aalala nito.

Pero umiling ang kaniyang ama. “No. I checked your condition earlier, and your mana is in chaos. It’s messing the flow of your heart.”

The heart of the magician is the mana’s guide. Doon nakasentro ang pagdaloy ng mana. Sa bawat pagtibok ng puso, sumasabay din ang mana na umiikot sa buong parte ng katawan ng isang magician. Kapag nagkagulo ito, hindi lang ang kakayahang kumontrol ng elemento ang maaapektuhan, pati na ang kalusugan ng isang tao.

“Can you use your magic? Try to call the wind.”

Sinunod niya ang sinabi ng ama at sinubukang lumikha ng enerhiya ng hangin sa pagitan ng kaniyang mga palad. Isang Pressure Ball ang binuo niya, subalit hindi iyon nagtagal at dahan-dahang nawala. Kahit anong pilit niyang panatilihin itong buo, kusa itong nalulusaw.

Sinubukan niya ulit pero katulad lang ng kanina ang nangyari.

“Your mana is unstable,” his father concluded.

Napatingin siya sa kaniyang ama na nakakunot ang noo na para bang nag-iisip kung bakit siya nagkakaganito.

“Sa tingin ko naman magiging okay lang din ako kapag nawala na ‘tong lagnat ko,” sagot niya.

Muling umiling ang ama. “Even if you have fever, your mana should be left unaffected. Dapat nga mas lalo itong lalakas para mapabilis ang paggaling mo. But it looks like your unstable mana is what keeping you sick.”

Hinawakan nito ang kaliwa niyang braso kaya napatingin din siya ro’n. Napalaki ang kaniyang mga mata nang makita ang kondisyon nito. Lumaki ang kaniyang cursed mark at sinakop nito ang buo niyang braso papunta sa kaniyang palad at mga daliri.

“Your mark also got weirder.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top