Kabanata 13
KARARATING lang ni Yophiel sa mansiyon kasama si Eziyah at ang prinsipe. Pagkatapos nilang mahulog sa ilog, tinigil ni Lady Gisela ang tea party kaya umuwi na sila.
Umiinom sila ng kape na ginawa ni Miss Ella sa salas ng mansiyon.
Magkatabi siya at si Eziyah habang si Prinsipe Adelio naman ay nasa katapat nilang upuan. Kanina pa siya nito tinititigan na para bang may ginawa siyang kasuklam-suklam. Ganoon din ang reaksyon ng kababaihan kanina.
Napatingin si Yophiel sa ibabaw nila nang makarinig ng mga ingay. Naglalaro si Zopy at Atlanta.
“Excuse me, my lady. I’ll go out for a while. I’ll be back,” paalam ni Eziyah na hindi makatingin sa kaniya.
Tumango naman siya. Pangalawang beses na itong nagpaalam sa kaniya na lalabas daw, tapos kababalik lang, lalabas na naman ulit. Naiilang ba ito sa kaniya? Ano bang ginawa niya at parang kakaiba na ang paningin sa kaniya ng mga tao sa paligid?
Nang makalabas si Eziyah, kaagad na tumabi sa kaniya si Prinsipe Adelio.
“Hey, Yoyo!”
“Oh?”
Eyes judging her, he looked at her from head to toe. “I can’t believe this. I know you are a bold woman, but I didn’t expect you to be this bold!” Napatakip pa ito sa bibig.
“Ano bang pinagsasasabi mo?” kunot-noo niyang tanong.
“You!” Tinuro siya nito. “You swallowed Sir Eziyah’s mouth! Oh! My eyes!” Sa pagkakataong ito, ang mga mata naman ang tinakpan. “My innocent eyes!”
Napairap naman siya. “Ang OA mo. Anong swallow? CPR ‘yon! CPR ang ta—” Napatigil siya sa pagsasalita.
Ngayon niya lang napagtanto na wala nga pa lang CPR sa panahon ng nobelang ito. Napalunok siya. Mabilis na naglaro sa kaniyang isipan ang mukha ng mga taong nakakita sa ginawa niya kanina. Kaagad siyang napapikit habang unti-unti na ring nararamdaman ang panginginit ng magkabilang pisngi.
Kaya rin ba panay ang labas ni Eziyah dahil nahihiya ito sa kaniya?
“You should’ve at least waited for the two of you to be alone. Hindi ‘yong mag-aano kayo sa harapin namin. Nako! Machichismis ka na naman sa buong Chloronosos!”
“Anong ano?!” sigaw niya at ito ang pinagbuntungan niya ng hiya. “Hindi ‘yon kagaya ng iniisip mo. Ginawa ko ‘yon para mailigtas ko siya!”
“Nakaliligtas na pala ang halik ngayon?”
“Oo!” Muli niyang sigaw at inis na tinalikuran ang prinsipe.
Hindi na siya nagpaliwanag pa dahil paniguradong hindi rin siya paniniwalaan nito. Sa mukha pa lang nitong hinahatulan na siya, paano pa siya makapagpapaliwanag?
“You’re lying!” sagot naman nito. Huminga muna ito nang malalim at inayos ang pagkakaupo bago nagsalitang muli. “Anyway, that is not the reason why I came here with you. I have something to ask, Yoyo.”
“Ano?”
“Ahm . . . do you—uh—how should I say this?”
Nilingon niya si Prinsipe Adelio na ngayon ay nag-iisip. “Ano ba ‘yon?”
“Do you find something unusual about Lady Gisela?”
Napataas ang kaniyang kilay. “How should I know? Hindi naman kami close.”
“We’ve been hanging out for some time now. And I can’t understand why sometimes she feels different. Parang may iba. Hindi ko maintindihan,” Prince Adelio said as his eyes were speaking of worries. Base sa sinabi nito, mukhang nagkamamabutihan na ang dalawa.
Minsan lang sila magkita ni Lady Gisela kaya hindi rin siya sigurado kung ano ang isasagot sa lalaki. She did feel weird towards Lady Gisela, but she wasn’t close enough with the woman to say that there was something really different happening to her.
Prince Adelio was about to speak again when Miss Ella entered the room with someone. Si Lady Ross na panay ang iyak.
Nang makita siya ng babae, mabilis itong tumakbo papunta sa harapan niya at lumuhod. “Lady Yophiel, I’m terrible s-sorry for what I did,” hagulgol ng dalaga habang ang mukha ay nakaharap sa sahig. “I apologize, my lady. Please, forgive me.”
Nagulat naman siya sa inakto nito kaya sinubukan niya itong patayuin. “Lady Ross, please stand up.”
Inangat naman nito ang tingin pero hindi pa rin ito umaalis sa pagkakaluhod. Tuloy-tuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito. Hinawakan nito ang kaniyang kamay dahilan para maramdaman niya ang panginginig nito.
“Forgive me, my lady. It is a foolish excuse to say that I wasn’t in my right mind earlier, but it is the truth. I didn’t know why I did that, too. I didn’t know why I also threw the tea to Lady Gisela. I don’t know what’s happening to me, my lady,” Lady Ross explained.
Kaagad na napakunot ang kaniyang noo dahil sa sinabi nito. What did she mean by that?
“I am sorry to ask, but . . . are you sick, my lady?” tanong ni Prinsipe Adelio na naintriga rin sa sinabi ni Lady Ross.
Umiling naman si Lady Ross. “I am fine, Your Imperial Highness. There’s nothing unusual happening to me until that tea party earlier. Ang alam ko lang napatingin ako kay Lady Gisela, pagkatapos, hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin. Namulat na lang ako na may nagawa na pala akong hindi kanais-nais.”
Napatingin si Yophiel at Prinsipe Adelio sa isa’t isa at nagpalitan ng makahulugang tingin.
Pinatahan nilang dalawa si Lady Ross. Sinubukan niya ring magtanong tungkol pa sa nangyari kanina subalit wala na itong maibigay pang impormasyon sa kanila maliban sa naalala nito.
Hinatid nila ang dalaga palabas ng mansiyon nang kumalma na ito. Sumunod din si Prinsipe Adelio na umalis.
Siya na lang at ang kaniyang lady in waiting ang naiwan at maglalakad na sana papasok nang makita si Eziyah na naglalakad na pabalik.
Nakayuko ang lalaki kaya tinawag niya ito, “Sir Eziyah.”
Inangat naman nito ang mukha. Nagkasalubong ang kanilang mga tingin ngunit bago pa siya makapagsalita ulit, pinukol na nito sa ibang direksyon ang mga mata. Naglalakad pa rin ito papalapit sa kaniya.
“My lady,” bati nito habang hindi siya tinitingnan.
Sabay silang naglakad papasok ng mansiyon. Tahimik lang ang lalaki sa kaniyang tabi. Tinitigan niya ito upang makuha ang atensyon subalit ni isang beses, hindi siya nito nilingon.
Tumigil siya sa paglalakad at tinawag si Miss Ella, “Miss Ella, puwede bang iwan mo muna kami sandali?”
“Masusunod, my lady.” Kaagad na naglakad palayo sa kanila si Miss Ella.
Nagtaka naman si Eziyah sa kaniyang ginawa. Hindi niya pinansin ang nagtatanong nitong tingin at hinila ang lalaki papunta sa harden.
“Huwag mo akong iwasan. Hindi ka man lang ba magpapasalamat sa ginawa ko?” sabi niya at hinarap ang lalaki.
“Ginawa mo . . .” Napunta ang tingin nito sa kaniyang labi pero kaagad ding napailing at napaiwas ng tingin. Napatakip ito sa bibig gamit ang likod ng palad. “Right. T-thank you for saving me, my lady.”
“Huwag mo sabi akong iwasan. If you are concerned about what I did, it wasn’t a kiss, okay?” sabi niya.
Napatingin naman kaagad si Eziyah sa kaniya. “Huh?”
“It wasn’t a kiss. I did that to give you air. Walang malisya ‘yon. Para lang ‘yon sa kaligtasan mo.”
Natigilan si Eziyah. “It was . . . just nothing?”
Kaagad naman siyang tumango. Nagtaka siya sa naging ekspresyon nito. Ang akala niya’y matutuwa ito pero bakit hindi?
Naghintay siya ng ilang segundo bago sumagot ang lalaki.
“Ah. All right. I understand, my lady.” Humina ang boses nito at napayuko.
Tatanungin na niya sana kung okay lang ba ito pero naunahan siya nitong magsalita.
“My lady.”
“Bakit?”
“Are you not really from this world?”
Nagulat naman siya sa tinanong nito pero agad din naman siyang tumango.
“What will happen to me if you go back to your world?”
Siya naman ang natigilan.
Hindi niya rin ang alam ang sagot. Marami nang pangyayari ang nag-iba kagaya na lang sa nangyari kanina sa tea party kaya hindi siya sigurado kung maibabalik ba sa dati ang lahat kung mawawala siya. Magiging isang bully ba ulit ang Yophiel na ginagalawan niya kapag umalis siya? Magiging magkaibigan pa kaya sila ng prinsipe? Magkakalapit pa rin ba sila ni Eziyah?
“H-hindi ko alam.”
Not once she thought about it.
“Okay. If you’ll excuse me, my lady. I need to go to the duke’s office,” muli na namang nagpaalam sa kaniya si Eziyah.
Sa pagtalikod nito, napansin niya ang malungkot nitong ekspresyon. Pinagmasdan niya itong lumayo habang iniisip kung may nasabi ba siyang mali. Pakiramdam niya’y kasalanan niya kung bakit bagsak ang mga balikat nitong naglalakad palayo sa kaniya.
DUMATING ang gabi pero hindi pa sila muling nagkausap ni Eziyah. Lumalalim na ang dilim ngunit hindi pa rin siya natutulog, nakatanaw lang sa bintana, at nagbabakasaling makita niya ang lalaki.
Pero iba ang nahagip ng mga mata niya.
Isang babae ang tumatakbo papasok sa kanilang mansiyon. Napasingkit siya nang makilala kung sino ang nagmamay-ari ng mapulang buhok.
Si Lady Gisela.
Hindi siya nagdalawang-isip na tumalon sa bintana, ginamit ang hangin upang makalipad at nilapitan ang babae.
“Lady Gisela, anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa babae nang makababa. May hawak itong libro at mukhang nagmamadali ito dahil hindi man lang nakapagsuot ng kahit anong saplot sa paa.
Lumuluha ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya. Ang buhok nitong magulo at ang night gown nitong nagkaputik sa dulo ang dahilan upang kumunot ang kaniyang noo. Hindi niya maintindihan ang kalagayan ng babae ngayon.
“Lady Yophiel.” Habol-habol nito ang paghinga. Inabot nito ang kaniyang kamay at nilagay ang isang makapal na libro. “Please, tulungan mo ako.”
“Tulungan saan?” nalilito niyang tanong.
“I have no time to explain, ito lang ang pagkakataon ko. Hindi ko alam kung kailan siya babalik kaya please, help me.” Tinuro nito ang libro. “This is a journal of mine. Please, please, read it, my lady, and help me. I don’t want to be stuck like this forever.”
“Teka nga.” Hinawakan niya ang balikat nito upang pakalmahin dahil halata sa mukha nito ang pagkataranta. Panay ang paglikot ng mga mata nito na para bang may pinapakiramdaman.
Tinitigan niya ang mukha ng babae lalo na ang mga mata nito. Inalala niya no’ng nakaraang araw kung saan hindi niya maunawaan ang tinging binibigay, pero ngayon, hindi niya ‘yon makita sa babae. Wala siyang maramdamang kakaiba.
Ang kaharap niyang Lady Gisela ay para bang ngayon niya lang nakilala.
“I don’t want to hurt anyone, my lady. I don’t want to hurt you nor Prince Adelio. I . . . I want to be with him. Please, my lady. Help me.” Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha nito.
Hindi niya alam kung anong isasagot dahil unang-una, wala siyang maunawaan sa sinasabi ng babae.
Biglang itong napahawak sa ulo dahilan para mas lalong malukot ang kaniyang mukha. Napaatras siya nang bigla siyang makaramdam ng kilabot sa ekspresyon ng mukha ni Lady Gisela. Ngumingiti ito bigla at iiyak na naman saglit, nagtatalo kung anong reaksyon ang dapat na mangibabaw.
“I n-need to leave,” nanginginig na saad nito at tinalikuran siya.
“Ha? Teka!” pigil niya pero tumakbo na si Lady Gisela palabas ng mansiyon.
Naiwan siyang mag-isa at litong-lito sa pangyayari. Napakamot na lang siya sa kaniyang ulo bago maglakad papasok sa mansiyon. Habang naglalakad, sinusuri niya ang librong binigay nito. Binuklat niya sa unang pahina ang libro.
I am five years old and someone else is inhabiting my body.
Muling napakunot ang kaniyang noo at napatigil sa paglalakad. Napuno ng katanungan ang kaniyang isip matapos iyong mabasa.
Ililipat na niya sana ito sa kabilang pahina nang may magsalita.
“My lady, why are you outside?”
Nakita niya si Eziyah na naglalakad papalapit sa kaniya.
“Are you attempting to make a portal spell again?” He glanced at the book.
Hindi kaagad siya sumagot dahil sa tono ng pananalita nito. It was too low and almost whispering. The Eziyah who walked away earlier still had the heavy burden on his shoulders. And Yophiel didn’t like it. It made her heart heavy too.
“Galit ka ba?”
Imbes na sagutin ang tanong ay iba ang sinagot nito. “Do you despise this world so much that you wanted to go away?”
Napakurap naman siya sabay napaisip. “At first, yeah. Pero habang tumatagal, okay naman.”
“Then why don’t you just stay here?” His voice sounded like he was pleading.
“Hindi ito ang mundo ko, Sir Eziyah,” she replied, but some place in her heart immediately felt regretful when she saw how the man’s expression dropped.
Mas lalo itong nalungkot.
“I see. I guess no one can stop you then.” Yumuko ito bilang paggalang. “I’ll get going. Good night, my lady.”
Nilampasan na siya ng lalaki.
Gusto niya itong pigilan pero hindi niya naman alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya rin alam kung bakit nakararamdam siya ng matinding panlulumo habang pinapanood ang lalaking naglalakad na palayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top