Kabanata 10

“WHAT is your relationship with the crown prince, my lady?”

Nilingon niya si Eziyah sa kaniyang tabi na nakasunod na pala. Saka lang siya sumagot nang makarating na sila sa kalagitnaan ng kagubatan. Madilim ang gubat dahil sa matatayog na mga puno. Ang tanging nagpapailaw lang ay ang mga lumulusot na sinag ng araw dahil sa nagagawang espasyo ng mga dahon.

“We are friends.”

“Is that so?” Eziyah replied, not convinced by what she said. “Then, I guess, you two are very close friends.”

Napakunot naman ang kaniyang noo dahil sa pagkakasabi ng lalaki. Hindi niya rin mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. His red orbs that used to intimidate her became like a fire of emotions, but she couldn’t distinguish what they were. The streak of light spotting his face made his expression more confusing. Although he wasn’t the type to give his smile all the time, there was something in his not-smiling lips that made Yophiel think of several questions.

Was he mad? Sad? Disappointed? Or was he just his usual self?

“Hoy, bakit parang pinapamukha mo sa akin na may something kami ni Prinsipe Adelio?”

Pinilig naman nito ang ulo. “Something? What do you mean by that, my lady?”

“Something ba. Iyong ano . . .” Napakamot siya sa kaniyang ulo. “Iyong may relasyon. Parang pinapamukha mo sa akin na may hidden relationship kami.”

“Well . . . you’re allowing him to call you a particular name.” Umiwas ito ng tingin.

“Because we are close. We’ve been friends since kids.”

Binalik nito ang tingin sa kaniya. “So, you allow someone to call you something else when you two are close?”

She nodded.

“Are we close?”

Natigilan naman siya sa tinanong nito. Siya naman ang napaiwas ng tingin. Nilibot ng mga mata niya ang paligid, nagkukunwaring naghahanap ng mga hayop na i-hu-hunt habang paunti-unting nararamdaman ang panginginit ng kaniyang pisngi.

Why is he suddenly like this?

“My lady?”

“Huh? Ah. Oo—hindi—ay! Siguro. Oo. Puwede,” taranta niyang sagot habang ‘di pa rin makatingin nang diretso sa lalaki.

Sasagot na sana ito pero inunahan niya ang lalaki at iniba ang usapan. “Hindi ba ikaw ang nanalo last year sa hunting festival?”

“Yes, my lady. And also, the years earlier than last year.”

Tumango naman siya. “Well, gusto ko lang sabihin na, hindi para sa ‘yo ang taon na ito.”

“Because you will get it?”

“I will own it.” Tinuro niya si Eziyah. “I will beat you and have more harvest than you.”

Napataas naman ang dalawang kilay nito. Ilang saglit pa ay tumakas ang isang ngiti sa labi ng lalaki. One corner of his lips was higher than the other. His eyebrows became slanted, and he gazed at her as someone worthy of a challenge.

“We’ll see about that, Lady Yophiel. Let’s see what a woman like you can do in a sport dominated by men.” For the first time, she heard his voice raise in excitement.

Napangiti rin siya. “A woman can dominate an entire field regardless of what gender they are going to face, Sir Eziyah.”

Bahagya niyang hinila ang rein upang igaya ang kaniyang kabayo sa kaliwang direksyon. Si Eziyah naman ay tumalikod na sa kaniya.

Pero bago tuluyang umalis ang lalaki, nag-iwan ito ng mga kataga. “I will take note of every word you say, my lady.”

Naiwan si Yophiel na nakatunganga habang naglalaro sa isipan niya ang ngiti ni Eziyah. Kaagad siyang umiling at sinenyasahan na ang kabayo na tumakbo.

As she was running with speed, she whistled to call the wind. The wind answered her by whispering in her ear the location of the animals in the area.

Hinila niya ang rein upang patigilin ang kabayo. Pinagsaklop niya ang kamay. Ang mana na dumadaloy mula sa kaniyang puso papunta sa dulo ng mga daliri ang naging dahilan upang makabuo ng presyon sa pagitan ng kaniyang mga palad.

Isang bola na singlaki ng mansanas ang nabuo niya. Tinaas niya ito sa ere.

“Pressure Balls!” sigaw niya at parang isang bomba na sumabog ang bola sa kaniyang kamay.

Nilipad ng hangin ang bawat puno sa kaniyang paligid dahilan para tumagilid ito. Parang isang kurtina na bumukas ang kagubutan sa ibabaw niya at makita ang asul na kalangitan. Hinanda niya ang kaniyang pana at kumuha ng isang palaso.

She aimed it upward and waited for the animals to fly up. Ilang saglit pa, parang mga bituin na nagsulputan ang mga hayop sa ibabaw.

Napangisi siya.

“Don’t be dismayed if your element is the most common of all. What matters is how you will use it to your advantage.” This was what her father taught her.

Una niyang pinana ang isang usa, sunod isang oso. May nasaling kuneho kaya mabilis niya iyong binaba. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagpana at kahit nangangawit na ang mga braso, hindi pa rin siya tumigil. Uhaw na uhaw siyang manalo, kailangan niya itong makamit.

Nang maubos ang kaniyang palaso, kinuha niya ang mga tumapak na sa katawan ng mga hayop na napana niya kanina at ginamit itong muli.

Malapit nang magdilim at doon lang siya tumigil. Buong araw siyang nangaso at hindi lang mga braso niya ang sumakit pati na ang buo niyang katawan.

Bumaba siya sa kabayo at hinagis ang pana sa bundok-bundok na mga hayop na nakuha niya. Habang nakatingin siya sa dami ng nakuha, ‘di niya mapigilang mapanganga.

If she was in her reality, she would likely be sued or reported. What she did was clearly overexploitation.

Mukhang naubos niya ang lahat ng hayop sa parte ng gubat na ginagalawan niya.

Bigla namang sumagi sa isipan niya si Eziyah dahilan para mapangiti siya. Ilan na kaya ang nakuha ng lalaki?

Tapos na siyang mangaso. Sunod naman ang kaniyang pakay.

Tinaas niya ang suot-suot niyang gown at kinuha ang makapal na libro na nakatali sa kaniyang paa. Ibubuklat na niya sana ito sa ika-labing limang pahina nang biglang kumirot ang kaniyang braso.

Nabitawan niya ang libro. Pinunit niya ang sleeve upang tignan ang nangyayari sa braso.

Umiilaw ang itim niyang cursed mark.

Kaagad siyang napalunok nang maalala ang pagwawala niya no’ng coming-of-age ceremony. Natatakot siya na baka maulit itong muli. Napaupo siya sa lupa na punong-puno ng mga patay na dahon at inobserbahan ang sarili.

Hinintay niyang mawala ang pagkirot.

Laking pasasalamat niya dahil nawala naman ito pagkatapos ng ilang minuto. Muli siyang tumayo at pinulot ang nalaglag na libro. Pinagmasdan niya ang magic circle na nakaguhit sa libro upang gayahin ito. Inalis niya muna ang mga patay na dahon bago abutin ang isang palaso at ginamit ang dulo nito upang gumuhit sa lupa.

Malapit na siyang matapos nang marinig ang mga yabag ng kabayo papalapit sa kaniyang direksyon.

Napalingon siya sa kanan at nakita si Eziyah.

Kaagad siyang napasimangot. Bakit ba palagi na lang itong dumadating sa tuwing may gagawin siya sa mga plano niya?

“Anong ginagawa mo rito?” inis niyang tanong habang tinatapos ang magic circle.

Hindi sumagot si Eziyah dahil napunta ang atensyon nito sa bundok-bundok niyang harvest. Pinagmasdan niya ang lalaki na nakatanaw pa rin doon. Kita sa mukha nito ang pagkamangha.

Ilang sandali pa bago siya nito nilingon. “You are the expectation, my lady. You already won.”

“Ako pa!” proud niyang sabi. “Ano pala ang ginagawa mo rito? Bakit wala kang dalang mga harvest?”

“Kanina pa ako natapos. I have brought my harvest out of the forest. All of the participants as well. Ikaw na lang ang wala. I returned because it’s almost nighttime. I was worried, my lady, so is the duke.” Bumaba ito sa pagkakasakay at nilapitan siya. Tinignan nito ang kaniyang ginuhit. “What are you trying to do again?”

Marahan niya itong tinulak. “Sabi ko naman sa ‘yo, gusto kong umuwi sa mundo ko.”

“What really is this world that you keep on talking about?” Frowning, he looked at her with curiosity. He yearned to understand what she was thinking.

Hinarap naman niya si Eziyah at saka bumuntonghinga. “This world that we are in is not real. Sinabi ko na, gawa lang ‘to ng isang manunulat.” Tinuro niya ang lalaki. “Lahat ng nandito pati ikaw ay hinubog lang sa mga salita. Pero hindi ako. Totoo ako, Sir Eziyah. Hindi ako tagarito. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa katauhan ni Yophiel pero gusto kong umuwi na sa ‘min.”

“I . . . still don’t seem to get it,” sagot nito.

“O baka ayaw mo lang talaga akong paniwalaan?” Binitawan niya ang hawak na palaso at binalik ang tingin sa magic circle. “Nasa loob tayo ng libro. Ikaw ay isang karakter. Ako ay totoong tao. Mambabasa ako, habang ikaw ay binabasa ko lang. Hindi ka totoo, pero ako, oo. Gets mo na?”

Hindi naman sumagot si Eziyah kaya muli siyang nagsalita ulit.

“It doesn’t matter if you’ll believe me or not. That won’t stop me from returning in my world.”

“And what you’re doing is your way of going back to your world?”

Tumango siya.

Pinagdikit niya ang mga daliri upang simulan na ang portal spell. Iuulat na niya sana ang mga nakasulat sa libro subalit pinigilan siya ni Eziyah.

“We have to go back now, my lady. Hinahanap ka na ng duke.”

“Teka lang.” Inalis niya ang pagkakahawak sa braso. Isa sa mga kondisyon ng portal ay iguhit ang magic circle sa gitna ng kagubutan kaya kapag umalis siya, hindi na niya magagawa pa ang portal.

“Do it next time, my lady. We need to go back.” Hinila nito ang kaniyang braso.

Napairap naman siya. Sayang ang oportunidad. Hindi niya ito puwedeng palampasin.

Ilang beses siyang pumalag pero ilang beses din siya nitong pinigilan kaya hindi rin niya magawa ang portal. Sumuko na lang siya at inis na inapak-apakan ang ginuhit upang mabura.

She used her wind magic to float her harvest in the air. Padabog siyang naglakad papalapit sa kabayo at sumakay. Kaagad niya itong pinatakbo. Lumulutang sa ibabaw niya ang kaniyang harvest habang si Eziyah naman ay nakasunod sa likuran.

Ilang minuto na ang lumipas at nagtaka si Yophiel dahil hanggang ngayon nasa loob pa rin sila ng kagubatan. Lalo siyang naguluhan nang makabalik sila sa lugar kung saan siya nangaso kanina.

Napatigil sila. Bumaba siya at si Eziyah.

“Bakit tayo nakabalik dito? Are we lost?”

“No.” Lumapit si Eziyah sa kaniya. Nagtaka siya dahil nakangiti ang lalaki.

“Hoy, Sir Eziyah.” Siniko niya ang braso nito. “Panay yata ang ngiti mo ngayong araw. Kinikilabutan na ako.”

Bahagya naman itong natawa. “I just want to congratulate you.”

“Saan?”

“This event has happened to me five months ago when I found Atlanta.” Muli itong ngumiti sa kaniya. “You are chosen by a Felis Drahika, my lady. The reason why we are taken back to this part is because the Felis Drahika wants you to find her. Hindi tayo makakalabas ng kagubutan hangga’t hindi mo siya nakukuha.”

Napanganga naman siya. “Ibig sabihin ba no’n magkakaroon na rin ako ng pet na Felis Drahika?” Hinawakan niya ang magkabilang braso nito at inalog-alog dahil sa pagkasabik.

Eziyah chuckled. “Yes, my lady.”

Nawala ang inis niya sa lalaki at napatalon sa tuwa. Patakbo siyang nagtungo sa mga puno at winaksi ang mga sanga at dahon gamit ang kaniyang mahika upang hanapin ang Felis Drahika.

“My lady, over here!” Napalingon siya kay Eziyah na nasa kabilang parte.

Nagpunta siya sa matayog na Narra kung saan nandoon ang lalaki. May tinuro ito sa gilid ng mga ugat. Nakita niya roon ang isang maumbok at pabilog na hugis na lupa.

“Nuno sa punso?” taka niyang tanong.

“What’s nuno sa punso?” taka ring tanong ni Eziyah.

Hindi naman siya sumagot at lumapit doon. Sinabi niya muna ang mga katagang “tabi-tabi po” bago ito hawakan.

Sinuntok niya ang lupa dahilan para masira ang ibabaw nito. May nakikita siyang umiilaw sa loob kaya mabilis niyang inalis ang mga lupang nakatakip.

Napanganga siya habang nasisilaw sa nagliliwanag na itlog. Isang malaking itlog na pinaghalo sa tatlong nagliliwanag na kulay: pula, asul at dilaw.

“This is it. The Felis Drahika who chose you.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top