Kabanata 1
“ANG sakit.” Blank groaned as she walked out of the comfort room in the mall.
Himas-himas niya ang tiyan habang naglalakad na pabalik sa karaoke room. Bigla na lang sumakit ang tiyan niya kanina kaya bigla tuloy siyang napatakbo sa comfort room para magbawas. Aliw na aliw pa siyang kumanta pero lintek na tae, umeksena at gusto agad lumabas.
“Oh, nandito na si Blangko,” saad ng isang babae na hanggang balikat ang buhok. Hawak nito ang mic habang nagsasalita.
“Kumusta ang pagtae? Success ba?” dagdag pa nito dahilan para matawa siya at ang iba pa nilang kasamahan.
“Blank, oh. It’s your turn to drink.” Nilapitan siya ni Plumer, ang kaniyang senior, at inabot ang isang inumin.
Mabilis naman niya iyong tinungga. S’yempre, hindi siya hihindi dahil araw niya ito. She got promoted to a higher position in the Lausia Publishing Company. Limang buwan pa nga lang siya no’ng nagsimula siyang magtrabaho pero magkatulad na sila ng position ng kaniyang senior na limang taon nang nagtatrabaho sa parehong kompanya.
Umupo si Blank sa mahabang sofa at inabot ang songbook. Ang mga ilaw na maya’t maya na nagpapalit ng kulay at sumasabay sa tono ng kanta ang nagsilbing liwanag niya habang naghahanap siya ng titles na puwede niyang kantahin.
“Ang guwapo talaga ni Prince Adelio, ‘no?”
“Oo, sobra! Kilig na kilig ako sa kanila ni Lady Gisela.”
Napatigil si Blank sa pagbuklat ng pahina nang marinig ang usapan ng dalawa pa niyang co-worker sa kaniyang tabi. Umaarko ang kilay niyang nilingon ang dalawang babaeng kilig na kilig habang pinag-uusapan ang mga karakter sa isang librong kinasusuklaman niya.
“Sayang si Eziyah pero deserve naman niya ‘yon!”
“Mas deserve ni Yophiel ang nangyari sa kaniya!” Humalakhak ang babaeng may suot ng glasses na si Ven.
“Ha? Anong deserve pinagsasabi niyo?” singit niya sa usapan at kunot-noong tinignan ang dalawa.
Napalingon naman ang dalawa sa gawi niya.
She crossed her arms. “Walang deserving sa mga naging kahinatnan ng mga karakter. Everything was absurd! Lady Gisela and Prince Adelio’s love story? Absurd! Eziyah’s death? Absurd! Yophiel and her father’s death? Absurd! The ending doesn’t make sense at all!” Kahit na umaalingawngaw ang basag na tinig ng kumakanta, nangibabaw pa rin ang malakas at nanggagalaiti niyang boses.
Hindi niya magawang itago ang sama ng loob sa isang sikat na nobela na galing sa kanilang kompanya. It was the Flood of Love and Royals by Alecka Mitch o mas kilala bilang si weatherwitch. Her book was a historical fantasy novel set in the medieval period.
Maganda ang simula subalit nang nasa kalagitnaan na, ang pangit-pangit na. Hindi na niya maintindihan ang mga karakter pati ang daloy ng istorya. Hindi niya nga maintindihan kung bakit naging sikat iyon.
“Ayan ka na naman, Blank. Ikaw lang yata ang nagsasabing pangit ang Flood of Love and Royals. Maganda kaya. Ang cute ng love story.” Bakas sa boses ang kilig ni Ven.
Napangiwi naman siya. “Cute daw. Saan ang cute doon? Cute na pilit lahat ng nangyari? Cute na parang para sa mga ten-year old ang story? Ganoon ba ang cute sa inyo? Ang pangit nga, e. Masiyado kayong nabulag sa mga linyahan ni Prince Adelio na ang babantot naman pakinggan.”
“Sus! Bitter ka lang. Hindi mo lang matanggap ang nangyari kay Yophiel!” sigaw ni Prixy, ang kausap ni Ven. Alam nito na si Yophiel ang paborito niyang karakter.
“Paano ko nga matatanggap kung hindi naman nag-ma-make sense ang pagkamatay niya?” Umirap siya habang pinagmumura na sa isipan ang manunulat.
Hindi dapat ganoon ang nangyari. Hindi dapat namatay ang paborito niyang karakter na si Yophiel.
“Inggitera kasi si Yophiel kaya deserve niya ‘yon. Muntik na niya kayang patayin si Lady Gisela tapos sasabihin mong hindi niya deserve ang mamatay sa huli?” saad ni Ven.
“Ayan, isa pa ‘yan!” Tinuro niya si Ven. “Hindi ko alam kung bakit kailangang mainggit ni Yophiel kay Lady Gisela kung nasa kaniya na ang lahat. Ano na namang kaiinggitan niya ro’n? Yophiel was born from one of the strongest and wealthiest families. She is the heir of the ducal family, to be exact. Her hate towards Lady Gisela, who is only a count’s daughter, doesn’t give any justice!”
“Anong walang hustisya? Gustong angkinin ni Yophiel ang pagmamahal ni Prince Adelio at Eziyah kay Lady Gisela! Papansin siya!” sagot ni Prixy.
“At bakit naman sila gustong agawin ni Yophiel? Ano ba sila?” Umirap siya. “Para sabihin ko sa ‘yo, hindi kailanman kakailanganin ni Yophiel ang pagmamahal ng dalawang loverboy na ‘yon dahil punong-puno na siya ng pagmamahal! Sa pamilya pa lang niya, nakukuha na agad niya ang pagmamahal na deserve niya. What makes you think that Yophiel wants to be loved by those two walking red flags, huh?” Bumabakat na ang ugat sa kaniyang leeg.
“She’s a spoiled brat, Blank! Because she is used to getting all she wants, she wants to get Prince Adelio and Eziyah’s attention as well!” tumaas ang boses ni Ven, halatang naiinis na rin ito.
“A typical spoiled brat na ginawa lang for the sake na may mag-bu-bully sa female lead. Pwe! The author could’ve done so much better. The story has so much potential!”
“Hala, sige! Ikaw na lang magsulat total desisyon ka naman,” sarkastikong sagot ni Ven sa kaniya.
“Itigil niyo na nga ‘yan. Nandito tayo para mag-celebrate, hindi para mag-debate sa mga taong hindi naman totoo,” sita ni Plumer sa kanila.
Hindi na siya sumagot pa at binalik na lang ang atensyon sa songbook. Kahit na hindi na sila nagsasagutan ni Ven, hindi pa rin talaga mawala sa isipan niya ang nobela, lalong-lalo na si Yophiel.
Every reader hated her due to her spoiled nature. Ginawa siyang bully ng manunulat, at para kay Blank, pangit ang desisyon na ‘yon. There was no way Yophiel would waste her time bullying a noble ranked lower than her for the sake of the male lead’s love.
A man’s love? Yophiel didn’t need any of that. She was the daughter of the duke of Chloronosos, the most powerful magician to ever exist! She had the power, the money, the beauty, and most of all, attention. Bakit niya sasayangin ang sarili sa dalawang mabantot na male leads?
Kung ako iyon, magpapakasaya talaga ako nang bongga sa buhay.
Napaangat ang tingin niya kay Plumer nang abutan na naman siya ng panibagong inumin.
“Kakainom ko lang kaya. Ako na naman?” tanong niya pero tinungga niya pa rin naman. Dumighay pa siya matapos iyong maubos.
Nagtuloy-tuloy ang kanilang kasiyahan. Dinaan na lang niya ang inis sa pagkanta. Ilang beses na sumakit ang tiyan niya dahilan para ilang beses din siyang magpabalik-balik sa comfort room. Pero hindi niya ‘yon pinansin at sinulit ang gabi na parang ito na ang kaniyang huling araw.
Alas dos na nang madaling araw bago siya makarating sa kaniyang apartment.
Napahilamos siya sa kaniyang mukha upang tanggalin ang nahihilo niyang bisyon. Nasobrahan siya sa kakainom, idagdag pa ang sakit ng kaniyang tiyan.
Nang makapasok siya sa loob ng kaniyang apartment, dali-dali siyang tumakbo papunta sa lababo upang sumuka. Nilabas niya lahat ng ininom at kinain niya. Lalong umikot ang kaniyang paningin. Nawalan ng lakas ang kaniyang kamay at tuhod kaya napaupo siya sa sahig.
“Ano ba naman ‘to?” Hinihilot niya ang kaniyang sintido subalit patuloy pa ring nandidilim ang paningin niya.
Namimilipit sa sakit ang kaniyang sikmura. Wala nang boses na lumabas sa kaniyang bibig dahil tuyong-tuyo na ang lalamunan niya.
Tubig. Kailangan niya ng tubig.
Kumapit siya sa lababo upang iangat ang sarili. Paika-ika siyang nagtungo sa water dispenser, kinuha ang baso na nasa tabi nito at saka uminom.
Kahit papaano ay nakahinga siya nang maluwag. Nawawala na ang pandidilim sa gilid ng kaniyang mga mata.
Naglakad na siya papasok sa kaniyang kuwarto para magbihis pero iba ang nakakuha ng kaniyang atensyon. Mabigat ang mga yabag niyang tinungo ang desk na katabi lang ng kaniyang kama. Sa ibabaw n’yon, may librong nakalagay.
Inabot niya iyon. Kung puwede lang na masunog ang isang bagay sa sama ng kaniyang tingin, kanina pa nag-aapoy ang librong hawak niya.
“Ang pangit mo,” komento niya sa librong Flood of Love and Royals. “I will only accept Yophiel as a villain if and only if her reason to hate the female lead is deep enough to persuade me.”
Tinapon niya ito sa sahig bago hiniga ang sarili sa kama. Muli siyang napahawak sa kaniyang ulo nang kumirot ito. The relief she felt earlier perished and was replaced by an excruciating pain. Mahahati na ang bungo niya sa sakit.
Tumayo siya nang maramdaman na naman ang kaniyang nananakit na sikmura. Nasusuka na naman siya.
Handa na siyang maglakad palabas ng kaniyang kuwarto pero bigla na lang nawala ang kaniyang paningin. Hindi niya namalayang bumabagsak na pala siya sa sahig. Isang kalabog dulot ng pagbagsak ng kaniyang katawan ang huli niyang narinig bago siya tuluyang nawalan ng malay.
“MY lady? Lady Yophiel, wake up.”
Inis na inalis ni Blank ang kamay na humihila sa kaniyang kumot. Sinubsob niya ang mukha sa malambot na unan upang matulog muli. Napaisip pa siya kung kailan siya nakabili nang ganito kalambot na unan dahil wala siyang maalala.
“His grace is waiting for you.”
“Sino?”
“Your father, my lady.”
“Nasa abroad si Papa,” napapaos ang tinig niyang sabi. Napakunot ang kaniyang noo dahil nagulat siya sa kaniyang boses.
Bakit parang naging matinis? At higit sa lahat, parang naging bata.
Naiinis din siya dahil may mga alaalang sumasamapaw sa kaniyang isipan. Hindi siya sigurado kung sa kaniya ba ito.
“Nakauwi na siya kagabi pa at hinihintay ka na niya upang mag-agahan kaya gumising ka na r’yan.”
“Ha? Si Papa nakauwi? Next year pa uwi niya. At sino ka ba, ha? Ba’t nandito ka sa kuwarto ko?” Napakamot siya sa kaniyang ulo at nilingon ang babaeng kanina pa nangungulit sa kaniya.
“I am your lady in waiting, my lady.”
Kaagad na napabangon si Blank. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha at tinitigan ang babaeng nasa kabataan pa lang at nakasimangot na nakatingin sa kaniya.
Sino ito?
“Ella?” saad niya. Hindi niya maunawaan kung bakit nasabi niya iyon. Parang nakasulat na sa kaniyang memorya ang pangalan ng babaeng kausap niya.
Napaikot ang kaniyang tingin sa buong kuwarto at muntik na siyang mapamura sa ganda. Punong-puno ng palamuti ang paligid. Ang bawat sulok ay napapalibutan ng kulay rosas at ginto. Ang malaking chandelier sa ibabaw niya ang dahilan kung bakit niya kinurot ang kaniyang braso.
Nanaginip yata siya.
“Kailan pa ako nakapunta sa isang engrandeng kuwarto?”
“Since birth, my lady,” sagot ni Ella.
Hindi niya pinansin ang sinabi nito at tinuro ang kama. “Kaninong kuwarto ‘to? Ang ganda! Parang nasa panaginip ako. Parang nasa kuwarto ako ni Yophiel, ang galing!”
Napapalakpak pa siya habang naaalala ang deskripsiyon ng kuwarto ng paborito niyang karakter. Kagayang-kagaya ito sa ginagalawan niya.
Napasingkit naman ang mga mata ni Ella. Ilang sandali pa, bumuntonghininga ito.
“Kasi nasa kuwarto ka talaga ni Yophiel. At ikaw si Yophiel,” napapailing nitong sabi. “Nababaliw ka na yata, my lady. I guess I need to call your doctor.”
“Ha?!”
Napaigtid si Ella dahil sa malakas niyang sigaw. Dali-dali siyang bumaba sa kama at lumapit. Paulit-ulit niyang niyugyog ang braso nito ngunit hindi man lang nagbago ang ekspresyon nito, nakasimangot pa rin.
“Anong pinagsasabi mo? Ikaw yata ang kailangan ng doctor dito, bata!” sigaw niya. Nagulat pa siya dahil magkasing-tangkad lang sila. Sa pagkakaalala niya, higit na mas matangkad pa ang height niya.
“Nasaan ba talaga ako? Huwag mo akong gino-good time at sabihin mo sa ‘kin kung saang lugar ‘to.”
Hindi kaya dahil sa kalasingan niya kagabi kaya siya napadpad sa lugar na ‘to? Pero wala namang ganitong kagandang bahay sa lugar na tinitirahan niya.
Napabalik ang kaniyang atensyon ng hilahin siya ni Ella papunta sa isang malaking salamin. Kitang-kita ang kaniyang kabuohan. Kamuntikan na siyang mahimatay nang isang batang babae na hindi niya kilala ang nagpakita sa salamin.
“Oh, ayan. Okay ka na, my lady? Puwedeng maligo ka na upang hindi tayo parehong malintikan ng iyong ama?” kalmadong saad ni Ella pero isang malakas na tili lang ang kaniyang naisagot.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top