Prologue
Prologue: The Demon Has Fallen
Ang kabayaran ng kasalanan ay hindi kamatayan, kundi ang patay na katauhan sa loob ng nabubuhay na katawan.
Demons. Sila ang mga nabubuhay na depinisyon ng kasamaan. They are born wicked. So much wicked than you’ll ever imagine. Anoteros, the primordial God of all living things, created the race of demons to maintain the equilibrium between the forces of good and evil. Pinamumunuan ito ni Lucifer, ang una at pinakamakapangyarihang demonyo. At ang lahat ng mga sumunod na demonyong nilikha ay base sa kung paano ginawa ni Anoteros si Lucifer—batay sa kanyang wangis. Nakakasindak. Mapanlinlang. Palaging gutom sa mga laman.
That was their tale, not until an uncanny demon brought everything into much deeper hell.
࿐
Nagising ako sa isang napakasakit at nakakapasong pwersa na bumabalot sa aking katawan. Parang akong tinutupok ng isang malaking apoy. Nagtangka akong sumigaw ngunit walang ni isang tunog ang lumabas sa aking bibig. Hindi ako makapagsalita!
Mabilis kong ikinalat ang paningin sa paligid. Wala akong halos makita. Madilim. Abala ang aking isipan sa pag-iisip kung ako'y nasa isang silid ba o nasa isang malawak na kagubatan.
It was too fast. Ang huli kong natatandaan ay hinahabol ako ng mga dranus corps, isang hukbo ng mga demonyo na nagsisilbing mga sundalo ng Dranus Empire. Nais nilang pagbayaran ko ang ginawa kong pagpaslang sa hari at reyna.
Oo, pinatay ko ang sarili kong mga pinuno.
Tama lamang ang ginawa ko. Nararapat lamang iyon sa kanila. Wala silang kwentang mga pinuno sapagkat hinayaan nilang maubos ang kanilang nasasakupan. Itinuring nila ang iba na parang mga kaaway. Walang silang kahit katiting na awang naramdaman noong pinatay nila ang buong pamilya ko.
At ako, ipinanganak akong literal na demonyo.
Walang saysay ang lahat kung hindi ako magpapaka-demonyo.
Nabalik ako sa katinuan nang unti-unting lumiwanag ang kapaligiran. My eyes were eventually invaded with an illuminating yellowish light coming from the vast sky. Sa mga oras na iyon ay doon ko rin lang nalaman ang lokasyon ng aking kinaroroonan—sa isang malawak, madilim, at nakakapangilabot na bakanteng lote.
Muli akong napamasid sa paligid habang nasisilawan sa kakaibang liwanag. I was drowned with questions when I found myself being encircled with a bunch of different entities.
Nakabilog kami ngayon. Tiyak akong may nararamdaman din silang kakaibang init sa katawan na siyang pumipigil na gamitin ang kanilang mga kapangyarihan. Bakas din sa kanilang mga mukha ang labis na pagtataka kung bakit wala silang abilidad na makapagsalita.
Namataan ko ang isang anghel na may napakahabang pakpak na sing-kulay ng kalangitan; isang puting soro na may pambihirang siyam na mahahabang buntot at may ginintuang mga mata; nilalang na kayang makapagpalit ng anyo mula sa pagiging asong lobo hanggang sa pagiging babaeng naka-baluti; babaeng sirena na may pulang buhok at may pares ng matang nangungusap na ka-kulay ng karagatan; isang halimaw na may ga-higanteng ulo at may limang dila na nagmimistulang mga galamay; isang babae na may labis na pagkakahalintulad sa isang dragon; isang kuneho na may itim na mga balahibo; babaeng may mahabang belo na nakatakip sa kanyang mukha at mayroon ding isang emperatrís na tila kumikinang dahil sa mga alahas na nakasabit sa ilang parte ng kanyang katawan.
Sila ang mga nilalang na kasama kong nagdurusa sa lugar na ito. Hindi ko man rinig ang mga sigaw at daing nila ngunit lingid sa aking kaalaman na sila'y namimilipit sa sakit at nalulunod sa isang palaisipan kung bakit sila nandito.
"Kayong mga nagkasala..."
Natigilan ang lahat nang isang malago at nakakagimbal na boses ang dumagundong sa buong lugar. Ang bawat hibla ng itim kong mga balahibo ay mabilis na nagsitayuan dahil sa biglaang pag-usbong ng takot at kaba sa aking sistema.
Si Anoteros, ang Panginoon ng lahat.
Balisa akong napatingin sa makapangyarihang bathalang ngayo'y nasa gitna na ng bilog dahil alam ko na kung saan ito patutungo. Alam ko na ang kahahantungan nito.
Kailangan kong makapagpaliwanag sa kanya ngunit wala akong kakayahang makapagsalita!
"Ang bawat isa sa inyo ay biniyayaan ko ng kapangyarihan at mga gampanin sa iba't iba ninyong mga mundo ngunit kayong lahat ay nabigo."
The place was eventually covered with undefeaning silence. Walang ni isang indibidwal ang nagtangkang kumilos o gumalaw dahil sa oras na gawin namin iyon ay maaari kaming mamatay sa loob lamang ng isang segundo.
"At dahil sa inyong mabibigat na kasalanang ginawa, papatawan ko kayo ng isa ring mabigat na kaparusahan. Isang paghahatol na labis ninyong pagsisisihan."
Ito na ang katapusan naming lahat. Agad niya kaming inisa-isa at muling binigkas ang mga kasalanang ginawa sa aming mga mundo. Each entity committed such a grave sin and now, we are about to face an immense punishment.
Hindi ako sang-ayon sa paghahatol na ito dahil nararapat naman talaga iyong mangyari sa kanila!
Makalipas ang ilang minuto, tumapat na sa akin ang nakakabulag na liwanag. "Devina, isang demonyo..." bakas sa boses ni Anoteros ang magkahalong galit at dismaya.
"Hindi, Panginoong Anoteros, magpapaliwanag ako!" Ang mga katagang iyon ang naglalaro ngayon sa aking isipan. Nagsimula nang tumulo ang aking mga luha. Naninigas ang aking katawan sa galit. Kung hindi lang sana ganoon ang pagtrato ng hari at reyna ng imperyo ay hindi sana ito mangyayari.
"Nagawa mong patayin ang dalawang pinuno ng iyong imperyo. At nang dahil sa nagawa mong pagpaslang sa kanila ay magiging resulta ito ng pagbagsak ng inyong lahi, na siyang makakaapekto sa nilikha kong pagbalanse sa kabutihan at kasamaan."
Naramdaman ko ang bahagyang paglutang ng aking katawan. "Devina, aking nilikha, mahaharap ka sa malaking paghahatol... sa muling pagkakatawang-tao. Sa oras na makipagsapalaran ka sa bago mong mundo ay malilimutan mo lahat ng iyong pinagmulan. Ang memorya ng iyong nakaraan o ang kahit anong mga pangyayaring naranasan mo bilang isang demonyo. Makakabalik ka lamang sa dati mong anyo kapag matagumpay mong maisasakatuparan ang misyon."
This is now my end. Maluha-luha ko nang ipinikit ang aking mga mata at bago pa tuluyang humiwalay ang kaluluwa ko sa aking katawan, narinig ko ang huling mga sinabi ni Anoteros.
"Face your ill-fated expedition, fallen demon. Experience having one pair of wings and one potent orb of energy, and let yourself be redeemed into the misty abyss."
#itma
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top