Chapter 7
Chapter 7: Stay here, let us stay here
MONDAY'S POV
DAHIL pareho kaming hindi pumasok ni Klent ay nag-rewatch lang kaming dalawa ng My Hero Academia. Kaming dalawa lang ang nasa bahay, si Mama hindi ko alam kung saan pumunta. Nakita ko na lang ang perang iniwan niya sa drawer na lagayan namin ng kung anu-anong abubot kaya nasisiguro kong gabi na naman siya babalik.
"Nasaan iyong remote?" Tanong ko kay Klent ng biglang bumuhos ang ulan. Hindi pa napapaayos ang kisame ng bahay kaya rinig na rinig ang bawat buhos ng ulan sa yero.
"Hindi ko alam." Kamot-ulong tugon sa akin ni Klent habang hinahanap niya sa sofa iyong remote.
Pati tuloy ako napakamot sa ulo ko habang hinahanap ang remote dahil hindi ko na marinig ang pinapanood namin. Kahit hindi ko maintindihan ang pinapanood namin ay gusto ko naririnig ko pa rin iyon.
Tumigil lang kami sa paghahanap ng remote dahil sa katok na narinig namin mula sa gate. Ako na ang tumayo ay iniwan si Klent para hanapin ang remote na hindi ko alam kung saan niya nilapag.
"Lola!" Sambit ko ng makitang si Lola Solidad ang siyang kumakatok. Kaagad akong nagmano sa kanya at pinagbuksan siya ng gate. "Ano pong mayroon?"
"May ginagawa ka ba?"
"Nanonood lang po kami ni Klent."
"Oh aba! Nandiyan din pala si Klent, doon na kayong dalawa sa bahay manood."
Sa bahay? Sa bahay ninyo?! Ibubuka ko pa lang sana ang mga labi ko para tumanggi ngunit nakangiti na si Lola Solidad na nakahawak sa braso ko. Halos mabasa rin siya ng ulan kaya inayos ko pa ang pagkakahawak niya ng payong.
Nagpumilit din siyang lumakad hanggang sa balcony para silipin si Klent na nasa salas at nanonood. "Klent," tawag ni Lola na agad namang tinugon ni Klent. Mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nagmano kay Lola Solidad.
"Bakit po?"
"Doon muna kayo ni Monday sa bahay. Doon niyo na rin ituloy iyang pinanonood ninyo, nagluto kasi ako ng champorado. Nandoon din iyong kaklase ninyo, kasama ni Tantan."
Nagkatinginan kami ni Klent. Naintindihan niya agad sa tingin na ipinukol ko na hindi ko magawang tanggihan si Lola Solidad kaya siya na ang nagsalita para sa akin. "Uh... Lola, mahina ang wifi sa inyo eh!" Sabay tawa ni Klent. "Dalhan niyo na lang po kami ng champorado niyo rito. Dito na kami kakain!"
"Ay hindi ako papayag, doon kayo sa bahay."
"Isa pa, kayo na rin ang nagsabi Lola. May bisita si Tantan, alangan sumingit kami, kahit na ba sabihing kaklase namin iyon."
"Aguy! Kilala nga kayong dalawa ng bisita ni Tantan. Lalo ka na Monday." Sabay lingon sa akin ni Lola Solidad kaya napakamot ako sa ulo ko. "Kanina ka pa nga hinahanap niyong si Trizia, tuwang-tuwa sa iyo."
Tuwang-tuwa sa akin? Hindi ako natutuwa sa kanya, Lola!
"Iyon naman po pala eh! Si Lunes na lang po papuntahin ninyo doon!" Tawa ni Klent kaya tinignan ko siya ng masama sabay pasimpleng taas ng middle finger ko sa kanya.
Sa huli ay hindi kami nakaisip ng dahilan para makatakas kay Lola Solidad. Para kaming mga bata na inakay niya papasok sa bahay ninyo. Pagkarating pa namin sa pintuan ay nagtutulakan pa kaming dalawa ni Klent kung sino ang unang papasok.
Nagsisikuhan kaming dalawa ng mapansin kami ni Lola Solidad at nilingon kami. Nagpanggap naman akong wala kaming ginagawang kalokohan ni Klent.
"Tantan, si Monday at Klent nandito na." Boses iyon ni Lola Solidad na nasa kusina na at naghahanda ng champorado.
Mabilis kong tinulak si Klent papasok habang ito ako, para bata na hiyang-hiya makihalubilo sa iba kaya naman nagtatago ako sa likuran ni Klent.
"Oh my gosh! Monday, hello!" Boses iyon ni Trizia.
Parang hindi ako sinabihang mataray kanina ah. Well, tinarayan ko nga naman kasi siya.
Sinilip ako ni Klent dahil nagtatago pa rin ako sa likod niya ngunit nag-make face lang ako. Kung ayaw ni Klent dito mas lalong ayaw ko! Magdadahilan na sana ako na may naiwan akong niluluto sa bahay at pagbalik doon ay magkukulong na ako sa kwarto ko, ang problema nasa harapan ko na si Trizia ngayon.
K×ngina, hindi ko naman kilala ito eh!
Sinadya mo ba talagang ipakilala si Trizia sa akin?!
"I'm glad na na-meet na rin kita. Lagi kitang nakikita sa school pero nahihiya akong lumapit sa iyo eh."
"May hiya ka pala?" Tanong ko kaya pasimple akong nakurot ni Klent sa tagiliran ko.
"Yeah, hindi lang halata." Tawa niya kaya mas lalo akong nawindang. "Come here," hinawakan niya ang pulsuhan ko at hinila papunta sa sofa ninyo. "We're watching a Kdrama."
We're? We are? Napatingin ako sa iyo na seryosong nanonood. Kailan ka pa nahilig manood ng Kdrama? Muhing-muhi ka nga sa akin sa tuwing nanonood ako ng Kdrama kaya puro anime ang pinanonood natin magkasama!
Okupado ang isip ko sa tanong kung bakit nanonood ka ng Kdrama ngayon kaya hindi ko nagawang pumalag ng itulak ako ni Trizia sa tabi mo. K×ngina. Ano bang trip ng babaeng ito? Isa pa, masasaktan ko na talaga siya. Bahala na kung magmukha akong war freak, hindi lang naman ako ang pangit ang ugali dito.
Pasimple akong umusog palayo sa iyo, kinuha ko rin ang pinakamalapit na throw pillow at pasimpleng hinarang iyon sa pagitan natin. Inangat ko ang tingin ko kay Klent na busy-busyhan sa pag-s-scroll sa cellphone niya. Umupo siya sa tabi ko, sa kanang bahagi ko habang patuloy siya sa pag-s-scroll online ng kung anu-anong funny videos.
"Talagang i-ignor-in mo ako dito?" Tanong ko sa kanya kaya sandali siyang tumigil kaka-scroll at nginitian ako.
"Yeah."
Kaagad ko siyang binatukan ngunit ngitian lang niya ako ng napakalapad. Hindi ko nadala ang cellphone ko kaya itinuon ko na lang ang paningin ko sa TV. Ang kaso iyong Kdrama na dinrop ko pala sa watchlist ko ang pinanonood nila ngayon.
"Sinong namili ng pinapanood ninyo?" Tanong ko ngunit para kay Trizia talaga nakatuon iyon.
"Me!" Sagot agad ni Trizia na itinaas pa ang kamay niya na animo'y nagrerecite sa klase. Sabi na nga ba at siya ang namili.
"Hindi pwedeng ilipat? Ang boring ng pinapanood ninyo eh." Nakangiwing sabi ko, lumalabas na naman ang kapangitan ng ugali. Si Lola Solidad naman ang nagsabi sa amin na rito namin ituloy ang pinapanood namin. Isa pa, pangalawang bahay ko na itong bahay ninyo, kung tutuusin ay may sarili nga rin akong kwarto rito kahit magkatapat lang tayo ng bahay kaya naman may karapatan akong mag-inarte. Perp hindi talaga katanggap-tanggap ang behavior ko ano? "Bakit hindi na lang tayo manood ng anime?" Ngiti ko na punong-puno ng sarcasm habang nakatingin ako kay Trizia.
"Anime? Ahh... cartoons?"
"Huwag mo akong pigilan, sasampalin ko lang ng dos por dos iyang babaeng iyan!" Halos pabulong na saad ko kay Klent ngunit busy siya sa cellphone niya at ikaw itong lumingon sa akin na nakakunot ang mga noo. Nagsalubong ang mga mata natin kaya alanganin akong napangiti. "He-he. May dos por dos kayo sa likod? Kukuha lang ako." Nagtangka akong tumayo. Gagamitin ko na sanang dahilan iyon para tumakas dito subalit saktong dumating si Lola Solidad na may dalang tray na naglalaman ng mainit na champorado.
Kusang bumagsak ang mga balikat ko at tinulungan ko na lang si Lola na ilagay ang mga bitbit niya sa lamesita.
"May gatas rin ng kalabaw galing sa amiga ko." Ngiti ni Lola Solidad sabay lapag ng isang babasaging bote sa harapan namin. "Trizia, tikman mo itong champorado na ito. Paborito ito nitong mga apo ko, sa tuwing ganito na malamig ang panahon lagi ko silang ipinagluluto niyan, tapos sabay-sabay silang manonood ng TV. Maya-maya lang nagsisitulog na sila diyan sa sahig."
Aangal pa sana ako kay Lola Solidad dahil nagsisimula pa talaga siyang magkwento kay Trizia habang sinasandukan niya ito ng champorado.
Ngunit napaisip ako, matagal na rin nga noong magkakasama tayong kumain ng champorado at nanood ng anime sa TV ninyo. Bago tayo mag-senior high ay nagagawa pa natin iyon ngunit ngayon? Hindi ko alam. Bakit pakiramdam ko ay ang daming nagbago simula ng mag-senior high school tayo o maaaring nagsimula ang pagbabago simula noong humakbang ka papalayo sa amin?
"Siya nga pala, nasaan si Klint." Tanong ni Lola Solidad sa aming dalawa ni Klent.
Mabilis akong nagkibit-balikat at nilingon si Klent na ngingiti-ngiting nag-s-scroll sa cellphone niya. Naalala kong nasabi nga pala niya sa akin na nag-away daw sila ni Klint kaya may bago na naman siyang mga sugat. Sanay na sanay na talaga si Lola Solidad na puro sugat si Klent kaya hindi na siya nagtanong at nanermon kay Klent kanina.
"Huy!" Tinawag ko si Klent na abala pa rin sa cellphone niya, sa sobrang abala niya hindi niya nagawang pansinin na tinatawag na siya ni Lola Solidad. "Klent!" Sambit ko sabay ang agaw ng cellphone niya mula sa kanya, sinilip ko pa kung anong nginingitian niya ngunit ng makita ko kung ano ang nasa screen ay mabilis kong naibalik ang cellphone niya sa kanya.
"P×tngina, Lunes!" Bulyaw niya sa akin habang hawak ko ang labi ko dala ng gulat sa nakita ko. "Subukan mong mag-ingay, yari ka sa akin!"
Mabilis ko siyang inilingan dahil sa pagbabanta niya sa akin. Wala naman talaga akong balak na mag-ingay, hindi ko lang inaasahan na mahuhuli ko siya sa kalokohan niya.
"T×ngina, you seriously watching that here?" Nakangiwing tanong mo kaya pareho kaming napalingon ni Klent sa iyo.
"G×go, hindi kasi iyon!" Depensa agad ni Klent at muli akong binalingan ng tingin. "Lunes, subukan mo, FO tayo!"
Alanganin akong tumango sabay sabing "Magagawa mong makipag-FO sa akin? Asa."
"Kayong dalawa." Si Lola Solidad iyon na naniningkit na ang mga mata ngayon na nakatingin kay Klent at sa iyo, may bitbit siyang hanger ngayon habang nagpalipat-lipat ang tingin sa inyong dalawa. "Hindi ba't sinabi ko na ayaw kong nagmumura kayong dalawa rito sa bahay?"
"'La! Si Klent iyong nanguna!" Depensa mo sabay bato ng throw pillow kay Klent.
Ngunit mabilis ka ring binato pabalik ni Klent ng throw pillow. "Nagmura ka pa rin, G×go!" Natakpan ni Klent ang sarili niyang bibig dahil nagmura na naman siya. Umuusok na ang ilong ni Lola Solidad ngayon kaya kumaripas na ng takbo si Klent na siyang sinundan mo at naghabulan kayong tatlo nila Lola Solidad dito sa bahay ninyo.
Ang mahabol ng hanger ang siyang talo.
Natatawa at naiiling na lang ako na kinuha ang isang mangkok ng champorado at halos ubusin doon ang gatas. Sa halip na mag-inarte sa Kdrama na nasa TV ngayon ay naaliw na ako sa panonood sa inyo na maghabulan ng hanger. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik tayo sa dati. Sa mga oras na iyon, kung mabibigyan man ako ng kahilingan ay hihilingin kong huwag ng umikot pa ang kamay ng orasan at manatili lamang tayo kung nasaan man tayo ngayon.
──────⊱◈◈◈⊰──────
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top