Chapter 5

Chapter 5: Ain't looking back
MONDAY'S POV

GULAT akong napatingin kay Klent na nakaabang sa akin sa lobby ng school. Maraming bakanteng upuan sa paligid niya ngunit nakasandal lang siya sa isa sa mga pole, nakapamulsang nakatingala sa langit na nagdidilim na.

Didiretso na sana ako ng lakad palabas ng school ngunit muli akong nagulat ng sabayan niya akong maglakad.

"Hinintay-hintay kitang makalabas galing guidance office tapos iiwanan mo lang ako?"

"Ha?" Naguguluhang tanong ko sa kanya. Alam kong ako ang hinihintay niya pero hindi naman kasi siya iyong tipo na maghihintay ng matagal. Bukod sa iyo, kasama nating lumaki si Klint at Klent. Mula pagkabata ay alam kong maikli ang pasensya ng kumag na ito, hindi siya iyong tipo na maghihintay ng ilang oras subalit ginawa niya para sa akin. "Sana hindi mo na lang ako hinintay."

"Sana hindi mo na lang inako iyong kasalanan na hindi naman sa iyo."

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya. "Kailangan kong gawin iyon." Kung tutuusin ay hindi ko naman ginustong akuin. Pero na-threathen ako kay Ma'am Joy, iginigiit talaga niya na ako ang naghila ng fire alarm. Ayaw niyang makinig sa explanation ko!

"Mapapatino ba niyan iyong g×gong iyon?"

"Klent naman..." Hangga't maaari ay ayaw ko na lamg din na ipaalam kay Klent ang nangyari sa loob ng guidance office, lalo na at ganyan siya ka-aggresive.

"Noong una ang nasa isip ko binubully nila si Srystian kaya napapadalas ang pagsama sa kanila pero sa tuwing nakikita ko si Srystian na kasama sila Marc ay masaya naman siya. It was his choice, Monday."

"Panigurado namang may dahilan si Drayton kung bakit niya ginagawa iyon---"

"Anong klaseng dahilan? Hinayaan ka niyang magkaroon ng bad record, Monday! Graduating na tayo next year at alam mong pahirapan na mag-apply sa state universities once na may bad record tayo, lalo ka na! Paano ka---"

Napatigil ako sa paglalakad bago tingalain ang langit kung saan nakalitaw na ang buwan. "Wala akong plano mag-college. Tatapusin ko lang itong senior high school after that maghahanap na ako ng trabaho."

"Monday!"

"Wala namang pakialam si Mama at Papa kung mag-aral ako o hindi, alam mo iyan. Iyong pagpapaaral sa akin ni Uncle Jonas buong Highschool ay sapat na, hindi ko na siya aabalahin pa sa pagtuntong ko ng college---argh!" Mabilis akong napasabunot sa buhok ko. Nakalimutan ko... "Sh×t! Mas lalong masasayang ang pagpapaaral sa akin ni Uncle Jonas oras na malaman niya iyong ginawa ko!"

"Ginawa ng anak niya, hindi mo."

Nakaramdam ako bigla ng frustration kaya nauna na akong maglakad kay Klent dahilan upang sumunod siya kaagad sa akin. "Tapos hindi rin naman ako makakapasok bukas! Argh! T×ngina talaga!"

"Hindi makakapasok bukas?" Naguguluhang tanong niya, hindi ko na sana sasagutin pero sinagot ko pa rin siya.

"Kailangan daw ng guardian o parent na makakausap yung guidance counselor natin! Kung hindi agad maaayos ito, expulsion aabutin ko."

"Eh? Day-off ni Ate bukas, kausapin ko na lang siya para sa iyo."

Si Ate Yanna? Napalingon ako kay Klent na nasa daan lang ang tingin. "Okay lang kaya...?"

"Mm. Mmm-hmm. Panigurado namang hindi ka papasinin ng parents mo kung magsabi ka sa kanila eh."

"Hayss. Kailan ba sila nagkaroon ng pakialam sa akin?" Angal ko at dahil wala ng sinabi pa si Klent ay doon na nagsimulang pumasok ang mga bagay-bagay sa isip ko.

Simula ng mabili ninyo iyong bakanteng lupa sa tapat ng bahay namin at doon kayo tumira at naging magkaibigan tayo ay ni minsan sa paglaki ko ay hindi ko na naramdamang mag-isa ako dahil sa pagtrato sa akin ng parents ko. Mula noon ay palagi kang nasa tabi ko at ang pamilya mo.

Hanggang ngayon nga ay hindi ko pa rin malilimutan iyong pag-iyak ko sa iyon noong graduation ko noong elementary dahil wala akong parent o guardian na kasamang aakyat sa stage.  Dahil kasama natin noon si Auntie Freya ay siya na ang kusang nagsabi na sasamahan niya ako sa stage, subalit hindi ko naman alam na trahedya pala ang kasunod niyon.

Iyon ang kauna-unahang pinakamasakit na sitwasyon na kinaharap nating magkasama noon ngunit ngayon... sa palagay mo ano ang sunod na pinakamasakit na sitwasyong kahihinatnan natin? Dapat pa nga ba akong magtanong kung kinakaharap na natin ito ngayon? At tama bang isipin ko na magkasama pa rin tayo kung anuman ang hidwaan natin sa kasalukuyan?

"Ako na ang kakausap para kay Ate Yanna sa iyo bukas, okay?" Paalam sa akin ni Klent pagkababa namin ng tricycle dahil halos nasa tapat lang ng kalsada ang bahay nila. Bahagya pa niyang tinapik ang ulo ko.

Nakangiti naman akong tumango sa kanya. "Pero... nandyan na ba siya ngayon? Mas maganda siguro na ako na ang kumausap ng personal sa kanya."

"Tch! Alam mong mag-uusisa si Ate sa nangyari kaya ikaw ang kakausap sa kanya para pagtakpan... ang g×gong iyan."

Mabilis na umarko ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Ang g×gong iyan? Wala na ang paningin sa akin ni Klent, nang tignan ko kung saan siya nakatingin. Nakatuon ang mata niya sa iyo, kararating mo lang din ngunit sa nakikita ko ay mukhang naglakad ka.

Kung ayos lang ang lahat, sa mga oras na ito na nakikita mo kami ni Klent ay alam kong aayain mo pa kaming dalawa sa labasan para lang kumain ng lugaw. Subalit nang tignan mo kami ay iyan na naman iyong tingin mo na para bang hindi mo kami naging kaibigan. Hindi naging magkaibigan? Magkaibigan pa rin nga ba tayo hanggang ngayon, Drayton?

Tinuturing mo pa rin ba kaming kaibigan mo?

"Klent!" Sigaw ko matapos na tawirin ni Klent ang distanyang pumapagitna sa iyo para suntukin ka.

Natutop ko na lang ako sa bibig ko matapos mong bawian ng suntok si Klent.

Hindi ikaw iyan Drayton!

Nanginginig ang mga kamay ko sa nasaksihan ko, may mantsa na ng dugo ang damit ni Klent at hindi ko alam kung sa kanya ba galing iyon o sa iyo. Sinubukan kong umawat ngunit pareho kayong hindi nakikinig. Ang mga chismosang kapitbahay na nasa gilid-gilid ay nakikinood lang sa komosyon na sinimulan ninyong dalawa, ni hindi man lang lumapit para umawat sa inyo.

"Klent! Drayton! Ano ba?! Tumigil nga kayong dalawa!" Sinubukan kong pumagitna sa inyo ngunit hindi ko magawa dahil ayaw man lang ninyong bumitaw sa isa't isa. "Drayton!" Ikaw itong pilit kong inilalayo kay Klent dahil nakikita ko kung papano niya pigilan ang sarili niya na tuluyan kang saktan ngunit ikaw naman itong hindi nagpapaawat. "Drayton, ano ba?! Paano kung makita kayo ni Lola Solidad dito?! Drayton!"

"Ikaw ang nagsimula nito pero hindi ka man lang makabawi ng suntok ngayon?" Panunuya mo kay Klent habang pilit kong hinahampas ang kamay mong nakahawak na sa kwelyuhan niya.

"Drayton, tama na!"

"Ikaw ang nagsimula ng lahat ng ito, G×go!" Sigaw naman pabalik ni Klent sa kanya. "Dinamay mo pa talaga si Monday?!"

"Ako ang nagsimula?! Sino ba kasi ang nagsabi sa inyo na mangialam kayo sa buhay ko?!" May kung anong pumiga sa puso ko nang bigla mong ibaling sa akin ang tingin mo, tingin mo na sinisisi ako sa lahat nang nangyayari ngayon.

"Srystian, dinamay mo si Monday sa kat×rantaduhan mo. Wala kang karapatan na sisihin siya sa kung anumang nangyayari ngayon dito."

"Wala kayong karapatan na mangialam sa kung anong gagawin ko. In the first place hindi ko naman kayo dinamay, ah?" Sabay bitaw mo kay Klent na dumiretso sa sahig kaya maagap akong lumapit sa kanya upang tulungan siyang tumayo.

Kahit si Klent ang unang sumuntok sa iyo ay pinigilan niyang mapuruhan ka. Pero anong ginawa mo ngayon? Sa dami ng sugat na tinamo ni Klent at kahit hindi mo naman siya natamaan sa binti ay pahirapan na ang paglalakad ngayon sa kanya.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ko kay Klent pero hindi naman niya ako sinagot. Pinilit lang niya ang sarili niyang tumayo kaya umalalay na lang ako.

"Monday," Nabaling ang atensyon ko sa iyo ng tawagin mo ako.

Ang lamig-lamig ng boses mo. Iyong pagbanggit mo ng pangalan ko ay katumbas kung paano mo kamuhian ang araw na iyon. Kunsabagay kaya nga iyon ang ipinangalan sa akin ni Mama dahil kinamumuhian din niya ako.

May gusto akong sabihin. Oo, may gusto akong sabihin sa iyo. Gusto kitang sigawan pero hindi ko magawa dahil nagsisimula nang manubig ang mga mata ko, anumang oras ay iiyak na naman ako!

"Stop playing bullsht with me. Kung ayaw mo pa lang madamay, huwag kang manghimasok."

Huwag manghimasok? Iniisip mo talagang hindi na ako manghihimasok dahil lang sinabi mo? Sira na ang buhay ko. Bakit matatakot pa akong masira ang pangalan ko alang-ala sa iyo? "Drayton... k-k-kaibigan mo ako..." Tama bang sinabi ko pa na kaibigan mo ako? Paano kung hindi na pala kaibigan ang turing mo sa akin? Dapat ko pa nga bang bawiin ang sinabi ko o magsasawalang kibo na lang ako.

"Kaibigan? Tinuturing mo ang sarili mo na kaibigan ako matapos mong mangialam sa buhay ko?"

Monday, umayos ka. Lalong walang mangyayari kung hindi ka magsasalita. "Mahalaga ka sa akin, alam mo naman iyon, 'di ba? Kaya nga... kaya nga handa akong gawin lahat magtino ka lang. Hindi ko alam kung anong nangyari Drayton pero lagi naman akong nandito para sa iyo, l-lagi akong nandito para makinig sa iyo. Sabihin mo sa akin ang nangyayari at nang maintindihan ko lahat."

"Kahit na sabihin ko, wala naman ng mababago." Sa huling pagkakataon ay binato mo pa ako ng masasama mong tingin.

Dinampot mo lang ang bag mo na siyang nabitawan mo sa sahig at tuluyan na kaming tinalikuran ni Klent. Mas lalong nainis si Klent dahil sa mga binitawan mong salita, balak ka pa niyang habulin ngunit mabilis kong naiharang ang braso ko para pigilan siya.

"Magagalit ka ba sa akin kung sasabihin kong umaasa pa rin ako na babalik si Drayton dito? Mag-so-sorry siya at ipapaliwanag sa akin ang lahat."

"Nilinaw na ni Srystian ang lahat sa iyo hindi ba?"

Napalingon ako sa nagsalita, hindi iyon si Klent. Ganoon na lang ang magkakasunod kong paglunok ng makita ko si Klint na masama ang tingin na ipinupukol sa akin ngayon. Maging si Klent ay nagulat dahil kakauwi lang ng kakambal niya ngayon.

"Alin ba sa sinabi ni Srystian ang hindi mo naintindihan? Sabihin mo lang at uulitin ko mismo sa iyo." Sarkastikong saad ni Klint habang may nginunguya pa siyang bubble gum.

Nag-iwas na lang ako ng tingin, kahit na kababata ko si Klint ay lagi naman kaming nag-aaway at hindi nagkakasundo sa napakaraming bagay.

"At ikaw..." ang atensyon niya ay na kay Klent na ngayon na masama rin ang tingin sa kanya. Mag-aaway pa ata silang dalawa ngayon dahil sa pagiging pasaway ko. "Maghahamon ka ng away ikaw rin naman itong lugi, tss!" sabay batok sa kakambal niya ngunit hindi ugali ni Klent ang magpatalo kay Klint kung kaya't kaagad niya itong sinipa.

"Dumadagdag ka lang eh!" Angal ni Klent at silang dalawa na itong nagtatalo ngayon.

Kung pumagitna ako sa inyo ni Klent kanina ngayon ay hinayaan ko na ang kambal dahil hindi naman seryoso ang away nilang dalawa. Pauwi na dapat si Klent kanina ngunit ngayon ay hinatid na nilang akong magkapatid habang patuloy sila sa pagbatok at pagsipa sa isa't isa, sinasaway ko lang si Klint sa tuwing natatamaan niya ang sugat ni Klent na hindi pa rin nalilinis hanggang ngayon.

Natatawa na lang ako sa kakulitan nilang dalawa ngunit hindi pa rin tuluyang naaalis sa isipan ko ang dapat kong gawin. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin binibigyang kasagutan ang mga tanong sa isipan ko.

Dapat na akong bumitaw hindi ba? Subalit naguguluhan ako ng lubos sa sarili ko, pinagtutulakan mo na ako pero hindi ko pa rin magawang bumitaw ng tuluyan.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top