Chapter 11

Chapter 11: Even
MONDAY'S POV

PARA akong daga na dali-daling pumasok sa classroom nang tumalikod ang teacher namin. Halos patapos na ang first subject ng makapasok ako. Mabuti na lang at natapos ang unang subject ng hindi ako napapansin ng teacher ko, besides hindi pa rin naman kasi nagchecheck ng attendance ang secretary namin kaya feeling ko ay safe pa ako.

"Ang lakas din ng loob mo para maging ate ko ay bulabugin mo ano?" Nabaling ang atensyon ko kay Klint dahil sa bigla niyang pagsasalita, mahina lang iyon pero pakiramdam ko ay isnigaw niya iyon sa akin.

Inurong ko na lang palayo ang upuan ko mula sa kanya at hindi nag-abalang pansinin siya. Si Ate Yanna ang kinausap ko para sa bagay na ito at pumayag o hindi man si Ate Yanna na kumausap sa guidance counselor ay ayos lang iyon sa akin. Bukod doon ah si Klent naman din ang nagsuggest na magpatulong ako kay Ate Yanna at kanina ay si Ate Yanna rin ang siyang lumapit sa akin para sabihan ako na haharapin daw niya ang guidance counselor para sa akin kaya mabuti pa ay pumasok na ako.

Sa totoo lang ay tinatamad pa akong pumasok ngayon subalit kailangan kong takasan si Papa sa bahay na isang linggo pa atang mag-s-stay sa bahay.

Pagdating ng precal namin halos mamatay ako ng hindi oras dahil may quiz na naman pala kami at syempre hindi na naman ako nagbasa sa group chat namin, idagdag pa na hindi ako nagbasa ng lectures!

Si Klint lang ang nasa tabi ko at alam kong hindi niya ako pakokopyahin kaya naman natahimik na lang ako at nanghula ng formula para sa hyperbola. Matapos ang quiz literal na itlog ang score ko, pwede ko ng iprito ‘yung itlog, hmpf!

Sa halip na magmukmok ako sa itlog na nakuha ko ay bumaba na lang ako sa building ng Junior High School at hinanap ang taong dapat kong hanapin iyon lang halos maubos na ang oras sa breaktime kakahanap ko sa kanya, anumang description na ibigay ko sa mga grade eight na nakikita ko ay hindi siya maituro sa akin.

Outcast siguro ang batang iyon.

Muntik na akong magtatalon sa tuwa ng makita ko ang batang hinahanap ko. "Pssst!" Tawag ko sa kanya, hindi niya ata alam na siya ang tinatawag ko kaya hinabol ko pa siya sa entrance ng room nila. "Huy, tinatawag kita!" Sambit ko bago iabot sa kanya ang dala kong pera. "Sapat naman na iyan ano?"

Hindi niya ako binigyan ng sagot sa halip ay binilang niya ang perang ibinigay ko sa kanya, wala tuloy akong kasiguraduhan kung okay na ba iyon o kulang pa.

"Hello~! Okay na ba iyan? Iyan iyong pera pambayad sa salamin mo na nasira. Hindi ko naman kasi alam ang sukat ng grado mo kaya iyan, iaabot ko na lang sa iyo iyang pera---"

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Tila ba huminto sa pag-ikot ang mundo nang sa isang iglap ay nasa harapan na kita habang bitbit mo na naman iyong maitim na awrang hindi ko maintindihan kung saan mo natutunang kuhain.

"May ginagawa ba akong masama? Hindi kami nagpapalitan ng kung anuman dito, okay? Binabayaran ko lang iyong---" tinalikuran mo ako at hinarap iyong grade eight na binugbog mo last time. Balak mo pa atang bigyan ng new season iyong ginawa mo sa kanya kaya natataranta akong hilahin ka palayo doon pero bago pa man kita mahila ay nagawa mo ng kwelyuhan iyong bata. "D-Drayton! Please, huwag dito."

"Hindi lang pala mata mo ang sira ano? Maging sa pag-iisip may sira ka talaga."

"Drayton! Drayton~ huwag dito. Please, please!"

Pilit kitang hinila palayo sa building ng grade eight pero hindi ka naman nakikinig sa akin. Ikaw ang kusang nag-alis ng kamay ko sa braso mo at dire-diretsong umalis, kung paano ka sumulpot nang biglaan ay aalis ka rin ng biglaan, ganoon ba iyon?!

Susundan na sana kita pero narinig ko iyong ulupong na nagmura na mas malutong pa sa chicharon. Nang harapin ko siya ay nakataas pa ang middle finger niya habang nakatingin ng masama sa iyo kaya nagpahabol pa ako ng batok sa kanya at mabilis na humabol sa iyo, ang problema ay hindi na kita nagawang hanapin sa dami ng estudyante sa paligid.

Pabalik na sana ako sa classroom namin ng maabutan kitang paakyat sa building ninyo.

"Drayton! Drayton, sandali!" Alam kong tatakasan mo na naman ako kaya humarang ako sa daraanan mo at dumipa.

"What do you think you are doing?" Galit na tanong mo sa akin, ramdam ko iyong tindi ng galit mo kaya muntik-muntikan pa akong hindi makapagsalita at makapag-isip ng maayos.

"Hinaharangan kang T×rantado ka." Nakangiwing tugon ko pero mas lalo mo lang akong tinignan ng masama.

"What do you think you are doing, Monday?"

"Kailangan mo pa bang itanong ang obvious?! Nasira iyong salamin nung grade eight student na iyon kaya naman---"

"Papalitan mo? Babayaran mo?"

"At bakit hindi?!"

"Sinabi ko ng labas ka dito." Giit mo at tinabig ako pero maaagap akong umayos ng tayo para harangin ka. "Bakit ba kasi nangingialam ka na naman?"

"Bakit mo ba kasi ginagawa lahat ng ito? Litong-lito na ako sa iyo, Drayton! Ano na lang sa tingin mo ang mararamdaman nina Lola Solidad? Uncle Jonas? Tingin mo ba ay ikatutuwa nila oras na malaman nila ang mga katarantaduhan mo?! Paano na lang... paano na lang iyong mga pangarap ninyo ni Auntie Freya? Ha, Drayton?!" Nakagat ko kaagad ang pang-ibabang labi ko.

Hindi ito ang tamang pagkakataon para sabihin itong mga bagay na ito, lalong hindi rin dito. Ngunit huli na ang lahat, nasabi ko ang hindi dapat. Mas lalong hindi mo ako papansin niyan ngayon!

Lumakad ka papalapit sa akin at yumuko para pantayan ako ng tingin kaya kung kaya't sunod-sunod akong napalunok dahil ang bigat-bigat ng tingin na ipinupukol mo sa akin. Pakiramdam ko ay kusa na lang akong mawawalan ng malay dahil sa tingin mo.

"If you are out of this, so they are."

Bakit kasi pinrovoke kita? Ayan, kailangan ko na tuloy panindigan ang mga binitawan kong salita kahit hindi ko pa naman dapat ginawa iyon pero sana naman. Sana naman kahit ngayon lang makinig ka na. "F-Fine! We are out of this! Labas na kami dito, whatever! Pero bago lahat ng iyon linawin mo muna lahat ng mga bagay sa akin. Iniwan mo ako na litong-lito kaya naman nakikiusap ako sa iyo na sagutin mo na muna lahat ng mga tanong ko Srystian Démios Clifton Calvert Drayton! T×ngina mo ka, anong feeling mo ikaw si Eren? After mong magpapakabayani ikaw pala itong g×go sa huli?!"

Alam kong masama na ang tinging ibinabato ko sa iyo ng mga oras na iyo. Ayaw kitang tignan sa ganoon paraan, kasi batuhin mo nga lang ako ng masasamang tingin ay nasasaktan na ako tapos gagawin ko pa sa iyo? Ang kaso, hindi ko na mapigilan iyong nararamdaman ko, sobrang sakit na.

Kung nag-ingat kasi ako kanina pa lang, sana ay wala tayo dito.

"Huwag ka ng magtanong. Wala ka rin namang dapat na malaman."

Walang dapat na malaman? "Drayton, g×go ka? Wala kang sasabihin sa akin matapos akong maapektu---"

"Maapektuhan? Siguro ka sa salitang ginagamit mo? Apektado ka kung idinamay kita sa pinagagawa ko. Kailan ba kita dinamay? Kailan ba kita dinamay sa lahat ng ginawa ko Monday?"

Napahakbang ako paatras. May kung anong nakabara sa lalamunan ko na hindi ko maintindihan habang pinipiga ang puso ko. "Apektado ako kasi kaibigan kita, nag-aalala ako sa iyo!"

"Apektado ka kasi paulit-ulit mong dinadawit sarili mo. Hindi mo pa rin ba naiintindihan? Gusto mo sabihin ko pa ng harap-harapan sa iyo? Gusto mo ipagsigawan ko pa?" Pinagtataasan mo na ako ng boses. Mas lalo akong nahihirapan dahil sa pagtataas mo ng boses sa akin. Naninikip na ang dibdib ko subalit pinilit ko ang sarili ko na tumayo sa harapan mo at kausapin ka. "Monday, hindi na tayo magkaibigan."

Alam kong iyon ang sasabihin mo. Inasahan kong iyon ang sasabihin mo kaya sana tinakpan ko ang mga tainga ko, sana tinakpan ko ng hindi ko na iyon tuluyan pang narinig mula sa iyo.

"Ano? Gusto mo pang malaman ang rason?"

Tangina, Drayton. Tama na. Nanginginig na ang mga kamay ko, nangingilid na rin ang luha ko. Sa pagkakataong iyon ay tinakpan ko na ang mga tainga ko habang umiling na nakatingin sa iyo. "T-tama na. A-ayaw k-ko ng m-marinig."

"Hindi ka lalayo hangga't hindi mo naririnig ang sasabihin ko!" Pasigaw na ani mo. Umiiwas na ako ng tingin sa iyo at tatalikuran ka na sana nang hawakan mo ang magkabilang pulsuhan ko at paharapin ako sa iyo. Mahigpit mong hinawakan ang mga pulsuhan ko at diretso akong tinignan sa mga mata, nang mga oras na iyon ay tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. Umiral na naman ang pagiging iyakin ko. Gayunpaman, hindi sapat iyon para tumigil ka sa anumang sasabihin mo. "Sawang-sawa na ako sa ugali mo. Alam kong hindi ka nabigyan ng atensyon ng maayos ng mga magulang mo pero hindi ibig sabihin niyon ay kailangan mo akong itali sa iyo. Handa naman akong manatili bilang kaibigan mo Monday pero iyong gusto mo na matali ako sa iyo habang buhay? Umasa ka sa wala na mangyayari iyon. Ano? P×tangina, ako pa rin mali dito? Mali ba na kahit ngayon lang, kahit ngayon lang. Sarili ko naman ang unahin ko?!"

"D-Drayton... nag-aalala ako sa iyo, a-anong sinasabi m-mo..."

"Monday, wake up! Nag-aalala ka para sa sarili mo! Kasi natatakot ka na maiwan kang mag-isa!"

Wala nang tigil sa pagkawala ang mga luha ko. Kahit nang talikuran at iwanan mo na akong umiiyak sa corridor habang pinagtitinginan na ako ng mga estudyanteng dumadaan ay hindi ka nag-abalang bumalik o lumingon man lang.

Hinihiling ko na sana ay walang katotohanan anuman ang binitawan mong mga salita, ngunit kahit anong kasinungalingan ang ipaniwala ko sa sarili ko ay hindi ko na magawang pogilan pa ang nararamdaman ko ngayon. Maging ang simpleng paglakad papalayo para iligtas ang sarili ko sa kahihiyan ay hindi ko na magawa.

Naging makasarili nga ba talaga ako? Nasakal nga ba talaga kita? Akala ko ay dala lang ng pag-aalala ko ang lahat ngunit mukhang nagkamali ako.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top