Chapter 10

Chapter 10: Vague Chances
MONDAY'S POV

ALAS-TRES ng hapon ng magising ako matapos kong umuwi ng bahay at idaan lang sa tulog ang lahat. Sa stress na nararamdaman ko ngayon hindi ko magawang idaan ang sarili ko sa ice cream para gumaan ang pakiramdam ko kaya tanging pagtulog at pakikinig lang ng music ang magagawa ko bago pa man ako tuluyang makatulog.

Inaantok pa ako ng bumaba sa salas, wala naman na akong gagawin pero tingin ko dapat na bumaba na ako ng kwarto. Ang problema, pinagsisihan ko kaagad ang pagbaba ko dahil naabutan ko si Papa sa salas habang nanonood ng online s×bong. Minsan na nga lang siya nandito iyan pa ang aatupagin niya.

"Oh Monday, kagigising mo lang? Magsaing ka nga muna, anong oras na hindi pa ako nakakapananghalian."

Napangiwi na lang ako at nagpanggap na wala akong nakita o narinig. May gana pa talaga siyang mag-utos sa akin sa ganitong sitwasyon at kalagayan? Saka sinong nagsabi na pwede siyang kumain dito, hindi nga siya nagpapadala ng pera panggastos dito sa bahay.

Hinanap ko kaagad si Mama sa bahay pero hindi ko siya nakita. Saka ko lang naalala na umalis nga pala siya kaninang umaga, kaagad akong bumalik sa sala para hanapin ang perang iniwan ni mama doon na hindi ko pa naman nagagastos. Mabilis na nag-init ang ulo nang makitang wala na doon iyong pera!

"Pa! Nasaan iyong pera dito?" Sobrang tindi ng galit nararamdaman ko ngayon kaya walang pasubali kong nasigawan si Papa. Wala na nga siyang ginawang tama pakikialaman pa niya iyong pera na iniwan ni mama dito.

"Pinambili ko ng yosi kanina, wala akong barya."

"Walang barya?" Pasigaw na tanong ko dahilan para mabaling ni Papa ang atensyon niya sa akin mula sa panonood sa cellphone niya. "Five hundred iyong iniwan ni Mama dito! Nasaan na iyong sukli?!"

Bakit pa nga ba ako nagtatanong ng sukli? Masama na nga gising ko dumagdag pa siya.

Padabog akong lumabas ng bahay, hindi ko alam kung saan ako pupunta ng mga oras na iyon kaya tumakbo kumatok na lang ako sa gate ninyo; nagbabakasakaling nasa loob ka ay handang pakinggan ang mga hinaing at arte ko sa buhay.

Hindi ko alam kung nasa loob ka o wala pero gusto ko talagang iwasan si Papa ngayon. Hindi ko nga alam kung sino ang mas mahirap iwasan: ikaw ba o siya? Pero ang tanong ko sa sarili ko ay mabilis na nasagot matapos mo akong pagbuksan ng gate na salubong ang mga kilay.

Alanganin akong ngumiti sa iyo bago nag-peace sign. "Bibisitahin ko lamg si Lola Solidad." Pagdadahilan ko at halos itulak na kita sa gilid ng gate ninyo makapasok lang ako na para bang welcome na welcome pa rin ako sa bahay ninyo dati. "Lola Solidad!" Patakbo akong lumapit kay Lola Solidad at mabilis na yumakap sa kanya. "Naks naman! Saktong-sakto pala ang dating ko!" Biro ko sa kanya nang maabutan ko siyang nagluluto ng ginataang munggo.

"Sakto talaga ang dating mo, Monday. Ipapatawag pa lang sana kita kay Tantan."

Pasimple akong napalingon sa direksyon mo mula sa hamba ng pintuan ng kusina dahil sa sinabi ni Lola Solidad. Anong gagawin mo kung sakaling hindi ako tumakbo papasok dito? Syempre hindi ka mag-aabalang magtawag at gagawa na lang ng kung anumang maidadahilan kay Lola Solidad. Hmpf! For all I know, gusto mo lang akong pagdamutan ng ginataang munggo.

"Tulungan ko na po kayo sa pagsasandok, ‘La." Alok ko kay Lola Solidad bago kuhain ang mga mangkok na paglalagyan ng mga niluto niya.

"Ba't ngayon ka lang ata napadalaw dito Monday?" Biglang tanong ni Lola. Nawala sa isip ko na posible siyang magtanong tungkol sa bagay na iyon! Pero galing lang ako dito kahapon at bakit para namang ang layo-layo ng bahay ko sa kanila?

"'La, nagkita tayo kahapon." Kamot-ulong sagot ko, pinadaan ko pa ang daliri ko sa gilid ng mangkok dahil umapaw ang ginataan at saka ko iyon tinikman. "Lola naman eh, dadramahan mo pa ako magkatapat lang tayo ng bahay oh!"

"Sa sobrang busy mo hindi mo ako nagawang dalawin? Susmaryusep, Monday! Wala pang isang kilometro ang layo ng bahay mo sa bahay ko, iilang hakbang lang! Paano kung sa hindi mo pagdalaw-dalaw sa akin magulat ka na lang isang araw wala na ako!"

Nahimas ko ang sintido ko. Seryoso si Lola Solidad sa pagdadrama niya. Napalingon ako sa iyo na nakasandal pa rin sa hamba ng pintuan, nahuli kong kagat-kagat mo ang pang-ibabang labi mo at nagpipigil ka ng tawa.

Aish! "Aguy! Lola, nagtatampo ka!" Kunwari akong napasapo sa bibig ko. Sasakyan ko na lang si Lola Solidad! "Sige po, aaraw-arawin ko na ang pagdalaw dito para lang hindi na kayo magtampo, hehe. Pero bago iyon, pahingi po muna ako ng ginataang munggo ah!"

"Pumariyan ka muna sa lamesa, hayaan mo na akong pagsandukan kayo." Giit ni Lola kaya napanguso na lang ako at umupo sa hapag-kainan, wala naman na kasi akong laban oras na magsabi siyang siya na ang gagawa para sa atin.

Mabilis akong napaiwas ng tingin nang maupo ka sa harapan ko. Naiilang ako ng sobra pero kailangan kong iwasan ang 'worst case scenario' at iyon ay ang maipit ako kay mama at papa. Pasensya na ha? Hindi bale, sanay ka naman na, na ginagawa kong takbuhan every time na may problema ako sa bahay. Iyon lang iba na ang sitwasyon ngayon.

"May nahiram akong hardcopy ng manga kanina, gusto mong hiramin? Isang set yung ng
Tokyo Ghoul!" Dire-diretsong sabi ko nang mapansin kong nagawi ang tingin sa atin ni Lola Solidad. Haha funny. Ang funny ng pagiging fake ko! Gumala tuloy pakanan, pataas, pakaliwa at pababa ang mga mata ko dahil hindi ka man lang nagresponse. Talaga bang wala kang pakialam kung sakaling malaman ni Lola Solidad ang pinaggagawa mo? "Plano mong ubusin mag-isa iyong ginataan ano? Nakakasama ka naman ng loob, Drayton! Wala ka man lang balak na tawagin ako eh ano?" At syempre hindi ka pa rin umimik. "Well, iyong tungkol kay ano... Triza." Okay, hindi ko alam kung tama bang i-bring up ko ang pangalan niya. "Iyong babaeng feeling close sa akin, are you aware na... may crush siya sa akin? She... uhm, how am I supposed to say this?" Naglaro ang dalawang hintuturo ko habang nakanguso at nakayuko. "I-iyon kasi ang sinabi niya tapos..."

"Iyon lang ang sinabi niya sa iyo?"

Finally nagsalita ka rin! Sa ating dalawa ikaw itong pinakamadaldal kaya hindi ko alam kung paano magbubukas ng usapan sa tuwing nanahimik ka na! "Oo, may iba pa ba dapat?"

Inilapag na ni Lola Solidad ang tig-isang mangkok ng ginataan sa ating dalawa. "Diyaan muna kayong dalawa, ihahatid ko lang sa amiga ko ito." Paalam niya at tinalikuran na tayo, tanging pagtango lang ang nagawa ko hanggang sa maiwan tayong dalawa.

Naiwan tayong dalawa! Nag-panick tuloy ako dahil sa bagay na iyon kaya kahit mainit pa ang pagkain na nasa harapan ko ay dire-diretso ko iyon na naisubo.

"Hindi ka pa ba nag-la-lunch?" Tanong mo sa akin pagkatayo mo para magbukas ng isang litrong soft drinks at abutan ako ng isang baso.

Ininom ko agad ang binigay mong soft drinks dahil pasong-paso na ang dila ko. "Hindi. Natulog ako pagkauwi ko eh!" Paano pa ako mag-la-lunch sa bahay eh wala na iyong pambili ng tanghalian at hapunan ko?

"Tss. Eat well."

Iyong eatwell mo sama may kasama pang sama ng loob kaya nabilaukan ako ng wala sa oras. "Kung ayaw mo akong pakainin, sabihin mo lang, ah." Angil ko na siyang nakapagpatigil sa iyo mula sa pagkain.

"What? Sabi ko eat well. Kumain ka ng maayos."

"Hmpf! Wala!" Asik ko at itinuloy na ang pagkain dahil wala ka rin namang naintindihan sa kung anong sinabi ko.

Ang tagal-tagal dumating ni Lola Solidad. Naiwan tuloy tayong dalawa na tahimik na kumakain. Akala ko naman kasi ay okay na tayo matapos mo akong ihatid pauwi noong nakaraan, hindi pa rin pala. Tama lang na nag-overthink ako magdamag kagabi.

Sa huli ay nanahimik na lang ako at hindi nagsalita dahil kung makakatanggap man ako ng sagot sa iyo ay tiyak na taliwas iyon sa anumang gusto kong malaman. Subalit iyong katiting na pag-asa na babalik ka pa ay patuloy na nananatili sa akin.

──────⊱◈◈◈⊰──────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top