Bonus Chapter

MALALIM ang naging pagbuntong hininga ko habang nililibot nang paningin ko ang building namin. Ito ang huling pagkakataon na makakaapak ako rito bilang estudyante rito. Wala na sana akong planong bumalik ng campus pero may ilang requirements pa ako na kailangang tapusin. 

Kung susumahin ay hindi ako sigurado kung paano ako magpapalam sa mga kaibigan ko rito. Na maging kay Klint at Klent ay hindi ko alam kung paano magpapaalam. Kagagaling ko lang ng registrar para da ilang requirments ko at iyong original copy na lang  ng SF10 ko ang kailangan, na ipapadala na lang daw ng registrar sa lilipatan ko. 

Pauwi at palabas na ako ng gate nang may humatak sa akin.Hindi ko pa nakikilala kung sino iyon dahil niyakap na niya ako ng mahigpit hanggang sa maramdaman ko ang pagkabasa ng balikat ko dahil sa luha niyang tumutulo. Pamilyar sa akin ang amoy ng strawberry peach perfume na ito...

Niyakap ko na lang pabalik si Yvienne dahil hindi ko alam kung ano ba dapat ang sabihin ko sa kanya. Hindi kalayuan sa amin ay nakatayo si Klent na tipid na nakangiti sa akin. 

"Parang others ah. Wala ka man lang planong magpaalam? Kung hindi pa binanggit ni ma'am na magtatransfer ka na pala this second sem, hindi pa talaga namin malalaman na lilipat ka na."

Marahan kong hinagod ang likod niya. Hindi ko talaga alam ang sasabahin. Wala rin naman akong dahilan para magsorry. Hindi naman kasalanan ang pagtatransfer ko nang second sem pero isang pagkakamali ang hindi ako magpaalam sa kanila. "Mabilis rin kasi iyong pangyayari. Nagulat na lang ako ng isang araw tumawag si mama, pinapasunod ako sa Italy, naayos na rin daw niya kung saan ako mag-aaral doon maging sa college."

"S-siraulo ka talaga. Pwede ba kitang sabunutan? Ang tagal mong mag-s-stay doon tapos hindi ka magpapaalam ng maayos sa amin?" Humiwalay sa pagkakayakap sa akin si Yvienne, pulang-pula na ang mga mata niya kakaiyak. "Kailan ang alis mo?" 

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kaniya. Yari ako nito. "Mamaya..."

"Nakaayos na ba ang mga gamit mo?" Si Klent. Ang kalmado nang pagtatanong niya. Mukhang naiintindihan naman niya na ako mismo talaga ang humiling nito kay mama, ang pasunurin niya ako sa Italy, kaya hinahayaan na lang ako ni Klint pero alam kong hindi niya inaasahang hindi ako mag-aabalang magpaalam sa kanila.

"Oo. Noong nakaraan pa nakaayos lahat. Mamayang alas-cinco babyahe na ako papunta sa airport." 

Nag-angat lamang ako ng tingin kay Klent ng tapikin niya ako sa ulo. "Sige na. umuwi ka na muna sa bahay ninyo pero 'wag kang aalis nang wala kami, ihahatid ka namin mamaya sa airport," nilingon ni siya Yvienne bago ibalik ang tingin sa akin. "Pero kailangan mong bumawi sa amin dahil hindi ka nag-abalang magpaalam ah, kapag nakaipon ka, ililibre mo kami ni Yvienne, kaming tatlo nina Klint ng ticket pa-Italy ah."

"Oo naman. Promise, hindi rin ako makakalimot na mag-update sa inyo online."

Sa huling pagkakataon ay niyakap nila akong dalawa bago ako ngumiti ng alanganin. Wala pang kasiguraduhan sa Italy, maging iyong lilipatan ko roon ay hindi pa sigurado pero ito lang ang tanging magagawa ko sa ngayon para matulungan ko ang sarili ko.

Bumitaw na ako sa pagkakayap sa kanilang dalawa, bago tuluyang magpaalam at kawayan sila.

Hindi pa naman ito ang huli, magkikita at magkikita pa rin naman kami, bukod sa ihahatid nila ako mamaya sa airport, paniguradong matagal pa ulit bago mangyari iyong susunod, ngunit kahit na ganoon ay alam kong may babalikan pa ako, may mababalikan pa ako sa mga kaibigan ko rito ngunit sa iyo... gustuhin ko mang bumalik ay wala na akong babalikan.

─────⊱◈◈◈⊰─────

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top