Chapter 1
Chapter 1
“Are you okay? Grabe talaga ng mga sasakyan ngayon.” nag-aalalang tanong niya, tinitingnan ako mula ulo hanggang paa.
Napabalik ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung nahuli niya bang tinitingnan ko ang magkahawak naming kamay. Napakagat labi ako saka tumango.
“Okay lang, ikaw ba?” nahihiyang tanong ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko siya kakausapin. Biglaan ba naman! Lord, bakit hindi po ako ready?
Nanlaki ang mata ko nang marealize ko na mukhang dugyot pala ako ngayon. Warahel! Galing ako sa paglalakad at siguradong pawis ako nu’ng dumating ako sa park. Bakit naman kasi kung kailan wala akong ayos, saka ko pa siya makikita?!
Hinayaan ko na lang ang hitsura ko dahil hindi naman ako makakapag-ayos ngayon. Hindi nga rin naman pala ako nag-aayos dahil nakakatamad at kinakati ako sa kung ano-anong abubot na kolorete na nilalagay sa akin.
Bumuntong-hininga siya, “Okay lang ako, hindi ba kita nahila ng malakas? Muntik ka na kasing mahagip nu’ng sasakyan.”
“Sakto lang! Ah? I mean, okay lang pala, hindi naman malakas, oh.” sambit ko habang itinataas ang kamay ko. Hindi ko namalayan na hawak pa rin pala niya ang kamay ko kaya kamay namin pareho ang itinaas ko.
Agad ko iyong ibinaba kaya napabitaw siya mula sa pagkakahawak sa akin. Sayang!
“Hala, sorry!” naiilang na usal ko. Napatigil ako sa paglalakad para hawakan ang kamay niyang biglaan kong naibaba. Napatama kasi iyon sa kaniya kaya parang pinalo ko siya. Tiningnan ko iyon at sinuri kung namumula ba. Para tuloy akong naghagis ng isang mamahaling pigurin. “Napalakas ba pagbitaw ko? Masakit ba?” natatarantang dagdag ko pa.
He grinned, “Ang cute mo!”
Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Cute raw ako? Hindi ko alam pero paniguradong namumula ako sa oras na ito. Dagdag mo pang hawak ko ang kamay niya at nasa isang gilid kami habang magkaharap. Kulang na lang ay background music! Itinigil ko ang iniisip ko dahil baka lalo akong mamula. Buti na lang at medyo madilim na dahil pagabi na rin.
Iginaya niya ako paharap. Badtrip! Hindi ko tuloy siya makita. Pero okay na rin kasi baka makita niyang kinikilig ako!
Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at nasa likuran ko siya. “Lakad na muna tayo, baka gabihin ka lalo, e.”
Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit ramdam ko ang napakalakas na pintig ng puso ko. Hindi ko maipaliwanag pero para akong kinakabahan dahil sa lakas niyon. Hindi naman siguro ako mamamatay.
Nagku-kwento siya habang naglalakad kami kaya hindi boring. Mabilis dapat ang lakad niya dahil mahaba ang kaniyang biyas pero binabagalan niya iyon para makasabay siya sa akin. Ilang minuto na kaming naglalakad hanggang sa kailangan na naming tumawid.
Lumipat siya sa tabi ko, “Wait, dito tayo sa pedestrian lane, para may bayad kapag nabangga.”
Sabay kaming natawa dahil sa sinabi niya. I never thought that he can also joke like that!
Inintay muna naming maging GO sign ang traffic lights bago kami tumawid sa pedestrian lane. Maraming tao ang tumatawid at nagkakasabayan. Malaki ang mga hakbang na ginawa niya kaya medyo napag-iiwanan ako. Nagulat na lang ako nang biglang humarap ulit siya sa akin at pumwesto sa medyo bandang likuran ko.
Napaiktad ako at nanindig ang balahibo ko nang bigla niya akong hinawakan sa likuran. Napatigil ata ako sa paglalakad kaya medyo iginaya niya ako paunahan para makapaglakad.
His touch sent shivers down my spine. At first, I thought that it was because of the cold breeze of the night but then... it was because of his gentle touch. He gently pushed me forward to cross the busy street.
He slowly grabbed me by my waist as the crowds increased. He pulled me closer and all I can hear is the rapid throbbing of my heart.
Napabalik ako sa kasalukuyan nang marealize ko na nakatawid na pala kami.
Nawala na ata ako sa katinuan!
Ni hindi ko namalayan na kinakausap na niya pala ako.
“Hey, Amber! Nakatawid na tayo. Hindi na tayo mababayaran kapag nabangga!” He chuckled, making me feel something.
He’s so handsome whenever he chuckles. Parang ayaw ko na tuloy umuwi!
Tumingin ako sa kalangitan at nakita ko ang buwan. Maliwanag iyon at tila kumikislap.
“Wow, ang ganda nu’ng moon!” bigla kong saad.
Napatingin tuloy siya sa madilim na kalangitan. Ang tingin niyang mahahalina ka talaga kahit wala naman siyang ginagawa. Tiningnan ko siya habang pinagmamasdan niya ang napakagandang buwan.
“The moon is beautiful, isn’t it?” usal niya.
Binalik niya ang tingin niya sa akin kaya tumingin ako sa maliwanag na buwan.
Muntik nang mahuli, gagi! Pero wait— the moon is beautiful, isn’t it?
Napabalik agad ang tingin ko sa kaniya pero hindi na pala siya nakatingin sa akin. Gusto kong tanungin kung tama ba ang narinig ko, pero ayaw ko rin namang mag-assume. Baka wala naman palang meaning ’yung sinabi niya.
Napabuntong-hininga ako. Iniba ko ang usapan dahil ayaw kong mahalata niya ako.
“Tara na?” tanong ko.
“Sige!” sagot naman niya.
Tinalikuran ko na siya pero hindi ko namalayan na may tao pala sa aking likuran. Nabangga ko iyon kaya agad akong humingi ng paumanhin.
“Sorry, Miss!”
“It’s okay.” saad nito. Agad na rin naman siyang umalis.
I sighed. “Nagu-guilty ako na nabangga ko siya. Bakit ba kasi hindi ako tumitingin sa daan, buti na lang hindi natapon sa kaniya ’yung dala niya. Ang ganda pa man din niya.”
Zixx chuckled. “That’s fine, hindi mo naman sinasadya.”
“Pero ang ganda niya. Sanaol!”
“Maganda ka rin naman, ah!”
I made a face. “Sus, hindi naman!”
“You’re beautiful in your own way, Amber.”
Tinawanan ko siya.
“Naku, hindi talaga.” usal ko habang natatawa. “Ang layo naman ng mga sinasabi mo! Hindi ako maganda, ’no!” dugtong ko pa.
Bigla na lang siyang sumeryoso. Natigil ang pagtawa ko dahil sa reaksyon niya. May mali ba akong nasabi?
I was about to say something but he stopped me. And the last words that he said made my heart flutter.
“Alam mo ba na butterflies can’t see their wings? So basically, hindi nila makita kung gaano sila kaganda, pero nakikita iyon ng iba. Gano’n ka rin. You are beautiful, hindi mo lang makita kasi ang nakikita mo lang ay ang kagandahan ng iba. So, embrace your beauty.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top