Three

MISSY

"Oh, bakit malungkot? Walang dilig?" napalingon ako kay Jice na siya nanamang bumanat ng mga salita niyang alien.

"May iniisip lang," sagot ko.

"Hindi ako naniniwalang may iniisip ka lang. Para kang napagbagsakan ng langit lupa, gaga," dagdag niya saka ako inabutan ng kape na agad kong tinanggihan.

"Pass muna sa kape," wika ko na ipinagkibit-balikat na lamang niya.

"Tuloy na ba 'yong kasal ni Hudsen?" tanong niya sa akin at para nanaman akong sinasaksak ng libo-libong patalin sa narinig ko.

Ang hirap magtago. Ang hirap na ako lang ang tanging nakaka alam ng naging relasyon namin. Ang hirap na mag-isa akong nasasaktan at wala man lang mapagsabihan. Ang sakit pala na nasasaktan ka tapos wala ka naman karapatan. Bakit naman ganito?

"A-Ang alam ko kasi tuloy na tuloy na," utal na wika ko saka nagkunwari na may hinahanap sa drawer ng lamesa ko.

"Ang ganda ng mapangangasawa ni Hudsen, nakakapagtaka lang na parang hindi masaya 'yong gago. Parang gusto lang sa tikiman, ayaw sa kasalan," opinyon ni Jice at hindi ko alam kung dapat ba akong sumang-ayon.

"Hindi naman yata. M-Mukha namang mahal siya ni Hudsen," wika ko at tila ayaw pa rin magpatinag ni Jice sa opinyon niya.

"Mahal!? Nakita mo ba noong nagbigay ng invitation si gago? Kandahaba ng nguso akala mo sukal na sukal ang loob na magpakasal. Bakit hindi niya kaya i-assassinate kung hindi niya bet pakasalan. Shutangena, matalino ang ulo sa gitna pero alanganin ang nasa itaas," aniya at sinundan niya pa iyon ng pagtawa.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko kay Jice. Isang buwan na buhat nang mangyari ang insidente sa party na iyon. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko para sa sarili ko. Para akong pinaasa saka biglang minulto. Alam mo 'yon? Walang sali-salita, basta bigla na lang akong na-etchepwera?

Lumayo ako. Nagtago ng dalawang linggo. Idinahilan ko na kailangan kong makausap ang tatay ko tungkol sa trabaho ko pero ang totoo ay tinakbuhan ko lang naman ang problema at sakit. Hindi ako matapang na tao. Iyakin ako sa problema.... at ito lang ang katangi-tanging pagkakataon na naranasan ko ang masaktan dahil sa pagmamahal. Hindi pa ako nagmahal noon. Hindi ko pa naranasan na pahalagahan sa paraan na romantiko para sa iba.

"Ikaw, Missy, kailan mo balak mag-asawa?" pukaw muli ni Jice sa atensyon ko.

"W-Wala. Wala sa plano ko ang mag-asawa pa. Bata pa naman ako," wika ko saka ako tumayo. "Punta muna ako sa baba, may kailangan akong kunin na file sa storage," paalam ko sa kaniya saka ako umalis.

Nasa storage room ako at hinahanap ang ibang impormasyon tungkol sa side mission ko. Ito lang naman ang magagawa ko. Kailangan kong ibaling sa iba ang atensyon ko upang hindi ko isipin ang mga bagay na hindi ko dapat isipin.

"Missy," halos mapatili ako sa baritonong tinig na iyon na tumawag sa akin. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat.

Lumingon ako sa kaniya at nagtagpo ang mga mata namin. Hindi ko alam ngunit kahit pa pinilit kong paglabanan ng mga titig na iyon at wala akong nagawa kung hindi iyuko ang aking ulo upang magbaba ng tingin. Kahit anong gawin ko.... sa mga tingin pa lamang niya ay nalulunod na ako.

"A-Anong kailangan mo?" utal na tanong ko.

"Can we talk-"

"Ayoko," maagap kong sagot sa kaniya. "Ayaw kong kausapin ka dahil baka masira nanaman ang bakod na pinipilit kong buoin," dagdag ko pa at narinig ko naman siya na bumuntong-hininga.

"I need closure from you, Missy," aniya at doon na ako nag-angat ng tingin ko.

"Closure? Para guilt-free kang makapagpakasal? Hindi mo ako kailangan intindihin, Hudsen. We're good. I'm good. We're okay. No hard feelings," maagap na wika ko ngunit tila hindi niya iyon ikinatuwa. Bigla na lamang niya akong isinandal sa shelf at pinakatitigan ng mariin.

"We're good? We're okay? No hard feelings? Are you really that liberated? I got your virginity and you talked like it was nothing?" He said those words straight to my eyes na parang ako pa ang may malaking kasalanan sa kaniya.

"What do want me to do then? Umiyak ako? Lumuhod ako at hilingin na piliin mo 'ko? Magmakaawa sa'yo na sana ako na lang? Pilitin kang ako ang piliin mo at huwag bigyan ng kumpletong buhay ang anak mo?Am I that selfish to you, Hudsen?" I paused for a moment. "Huwag mo 'kong intindihin. What happened to us is a one night stand. Hindi mo 'ko kailangan-"

"BUT I FUCKING LOVE YOU, MISSY! MATAGAL NA. MAHIRAP BANG INTINDIHIN 'YON!?" Gulat na gulat ako sa narinig ko mula sa kaniya.

"Anong-" Hindi ko na nagawang makapagsalita pa dahil bigla na lamang niyang siniil ng mapagparusang halik ang mga labi ko.

Napakahina ko.... mabilis kong tinugon ang halik na iyon saka ko ipinulupot ang mga braso ko sa batok niya. Ninamnam ko ang ipinagbabawal na halik sa taong magpapakasal na.

Nang katukin ng mumunting dila niya ang maliit na awang ng mga labi ko ay pinapasok ko ito upang galugarin niya ang dapat niyang mahanap sa loob ng bibig ko. Halos napapa ungol na ako sa klase ng paghalik niya nang bigla na lamang siyang kumalas sa akin.

"Stop pretending in front of me, Missy. Your kisses say otherwise," aniya sa akin ng nakangisi.

I composed myself before I replied. "Hindi naman n'on mababago ang katotohanan na ikakasal ka na magkaka anak pa-"

"Tell me not to marry Venice. Sabihin mong anak ko lang ang panagutan ko. I'll do whatever you say, Missy. Just say it," putol niya sa akin sa napakaseryosong tono at tila ako nawala sa katinuan pangsamantala dahil sa narinig ko.

Huminga ako ng malalim saka ko siya biglang kinintalan ng halik sa mga labi niya at ngumiti.

"Marry me, Hudsen."

I saw how his lips immidiately formed a smile.

Makasarili pala ako....








NAKANGITI ako habang nakamasid kay Hudsen na siyang nagtuturo sa kay Amethyst. Trainee ng Phyrric na sinagip noon nila Jice.

"Masama na 'yang ngiti na 'yan," napabaling ako sa nagsalita at nakita ko si Griss na papalapit sa akin. "Alam ko 'yang mga ganiyan."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabing iyon ni Griss. Wala akong pinagsasabihan sa kung anong mayroon sa amin ni Hudsen. Ayokong mahusgahan ako sa mga desisyon ko.

"Ah, ano-"

"Napunta na ako sa sitwasyon na 'yan," wika niya saka naupo sa tabi ko.

"Huh?"

"Nasa storage room ako noong isang araw. Narinig ko lahat ng naging pag-uusap n'yo ni Hudsen," aniya at tuluyan na akong binundol ng kaba.

"Griss, please-"

"Alam ko kung gaano kahirap, Missy. You were torn between being selfish and selfless. Ang daming bumabagabag sa isip mo. Kapag nagkamali ka ng desisyon, either makakasira ka ng buhay ng isang bata o magkakaroon ka ng mga pagsisisi para sa sarili mo. I knew how it feels. Alam n'yong hindi ko anak si Ayrill, hindi ba? But to me, she's the momest adorable daughter I could ever have," mahabang wika niya at doon ko napagtanto ang tungkol sa inakala ng lahat na anak ni Ayler sa ibang babae.

"How did you decide back then, Griss? Kasi ang hirap. Para akong tumutulay sa alambre at hindi ko alam kung saan dapat kumapit-"

"In his assurance. Wala kang ibang kakapitan kung hindi ang ibinibigay niya sa'yong kasiguraduhan. But Missy, is it worth it? Palagay mo ba tama at naaayon ang mga naging desisyon mo, una para sa sarili mo, pangalawa ay para sa iba?"

Nahulog ako sa malalim na pag-iisip dahil sa sinabi ni Griss. Lahat ng sinabi niya ay totoo.

"Have you ever doubted Ayler before?" tanong ko.

"I do. Always. But his love was greater than my doubts. I lost Neptune but I got the best man in the whole world. Despite of his flaws, Ayler loves me unconditionally. Nakuha ko ang pagmamahal na ipinagsakripisyo ni Neptune para sa akin," nakangiti niyang sagot sa akin. "Kung sa palagay mo mahal mo si Hudsen at ganoon din siya sa'yo, asked him to clarify and clear everything first before you accept him. Hindi ka naman substitute na kung kailan kakailanganin, saka lang lalapitan. Your life, your choice, Missy," dagdag pa niya sa akin.

"Thank you, Griss. Thank you for your advices."

"No worries, Missy. Just be happy. Always choose to be happy. Afterall, everyone deserves a happy ending," wika niya saka niya tinapik ang balikat ko at tumayo bago lumakad papaalis.

Nananonood lamang ako kay Hudsen ay Amethyst nang bigla na lamang mag-ring ang telepono ni Hudsen na narito sa tabi ko.

Kinuha ko iyon at nang makita ko ang nakarehistrong pangalan ng tumatawag, hindi ko napigilan ang sarili ko na sagutin iyon nang lingid sa kaalaman niya.

"Is this Mr. Hudsen Brizzle?" tinig ng isang lalaki ang nasa kabilang linya kaya't naguluhan ako. Sigurado akong pangalan ni Venice ang nakarehistro sa tawag.

Sasagot na sana ako nang makita kong papalapit sa akin si Hudsen kaya't mabilis kong iniabot sa kaniya ang telepono niya. Kinuha naman niya iyon sa akin at lumayo para kausapin ang nasa kabilang linya.

Halos wala pang isang segundo nang bigla na lamang niyang ibaba ang telepono at nagmamadaling kinuha ang bag niyang nasa tabi ko rin.

"Hudsen, anong nangyari!?" usisa ko dahil nakikita kong natataranta siya.

"Venice is a the hospital. Naaksidente siya noong papunta siya sa ob niya," tarantang wika niya saka na siya sumibat ng alis.

Mabilis akong sumunod sa kaniya at sumakay ng sarili kong sasakyan bago ko siya sinundan. Wala na siya halos pakialam sa traffic light at hindi ko alam ang mararamdaman ko ukol sa bagay na iyon.

Nakarating siya ng ospital at ganoon din ako. Nakasunod lamang ako sa kaniya the entire time at mukhang hindi niya iyon napapansin.

Nang pumasok siya sa isang silid, nanatili na lamang akong nakamasid sa kaniya mula sa maliit na salamin ng pintuan.

Doon ko nakita kung gaano ang pag-aalala niya para sa mag-ina niya. Nakita ko rin ang takot sa mga mata niya nang hawakan niya ang kamay ni Venice at halikan ito sa noo.

Nakakapanglumo na makita ang ganitong bagay pero wala akong magawa. Tama sa Griss. Hindi mo alam sa mga oras na ito kung dapat ka bang maging masarili o hindi dahil may mga bagay na nakasa alang-alang.

Aalis na sana ako nang marinig ko siyang magsalita. "I'm sorry, Venice. I'm sorry hindi man lamang kita nasamahan. I'm really sorry," aniya at parang dinudurog ang puso ko. Was he sorry because he was with me when she met an accident? Was he guilty?

"Okay naman na po ang pasyente, Mr. Brizzel. Maging ang bata po ay nasa mabuting lagay. Mabuti at hindi po malala ang tinamong tama ng mag-ina n'yo dahil kung hindi ay baka wala na silang dalawa ngayon," anang doktor sa kaniya na mukhang ikinapanatag ng loob niya.

"Salamat po," sagot naman niya sa doktor. "Aalagaan ko na po sila mula ngayon," dagdag pa niya saka niya hinaplos ang buhok ni Venice at hinalikan ang tiyan nito.

Sa pang isang daan na pagkakataon, tila nanaman ako pinauulanan ng sibat at patalim na bumabaon sa akin. Napakasakit. Para akong paulit-ulit na pinagmumukhang kontrabida.

Nagdesisyon na akong maglakad paalis. Hindi ko na kaya. Siguro hanggang dito na lamang ang pagiging masokista ko. Baka hanggang dito na lang ang kaya kong ibigay. Nakakaubos kasi. Nakakaupos na parang kandila.

Saktong papalabas na ako ng ospital nang may makasalubong ako at bahagya akong nagulat at nanglaki ang mga mata.

"Oh? Nandito ka? Wala ka naman appointment, ah?" nakangiti nitong wika sa akin.

"May dinalaw lang po akong kaibigan. Paalis na rin po ako," paalam ko saka bahagyang yumuko at naglakad na patungo sa sasakyan ko.

Nang makaupo na ako sa driver's seat ay roon ako napayuko at nagpakawala ng lahat ng sakit, luha, at bigat na nararamdaman ko. Why do I have to get throught these things? Hindi naman ako masamang tao.

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

...

Hinawakan ko ang tiyan ko saka ako bumulong sa kaniya.

"Anak, pasensya ka na ha? Kapit lang anak ko. Kaya natin 'to kahit dalawa lang tayo. Pasensya ka na dahil may nauna sa buhay ng Daddy mo kaysa sa ating dalawa."

The one I met at the hospital entrace is my ob-gyne. I am five weeks pregnant.

--

M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top