EPISODE 7
"Katana at Kampilan"
Sa pagpapatuloy..
"Naamoy mo ba yun?" Tanong ni Zanjo saakin. At kinuha nya ang kanyang dala-dalang Katana.
Kahit nararamdaman kung may kakaibang pwersa sa labas ng aming silid. Patuloy pa din ako sa aking pagpapanggap na wala akong alam sa mga Bellator, pati na rin ang pakikipag laban sa mga kampon ng kadiliman.
Mahigpit na ibinilin ni Sister Maricar saakin bago sya nabawian ng buhay.
"May mga bellator na umanib na din sa kadiliman. Mag iingat ka Cristine.
Wag kang basta-bastang magtitiwala. Gamitin mo ang puso at pakiramdam mo kung kaaway ba o Hindi!."
Muling nagbalik sa kasalukuyan si Cristine nang biglang may malakas na kulog ang umalingaw-ngaw sa buong bayan. Hanggang sa bumuhos na ang malakas na ulan.
"Baka yang naamoy mo ay singaw lamang na nagmumula sa tuyong lupa. Hindi mo pa ba yun naamoy eversince?" Sambit nya sa kasamang binata.
"Hindi na Bale, Hindi ka naman isang Bellator." Wika ng binata at binuksan nya ang pinto dala-dala ang Katana.
"Hoy! Sandali baka ma sita ka nyan. Itago mo yang espada mo! Nakakaloka!" Saway ni Cristine kay Zanjo.
"Dito ka lang, wag Kang lalabas. May tatapusin akong laban. At sisingilin ko sila sa pagpatay saaking nobya." Sambit ni Zanjo at nagdikit ito ng isang puting papel sa dingding bago isinara ang pinto.
"Sandaliii!" Sigaw ko, at mukhang magpapakamatay yata ang lolo nyo.
Aaminin ko, hanggang ngayon ay nagduda pa din ako saaking kakayahan bilang isang Bellator.
Ngunit kelangan kung mahanap sina mama at papa.
Samantala sa isang maliit na Bahay kung saan nakaupo ang isang matandang babae. Nakatingin lang ito sa larawan.
Hanggang sa may kumatok sa pintuan ng kanyang Bahay. Nang buksan ng matanda ay nakita nya si ~
"Ricky? Ijo anong ginagawa mo dito?" Tanong ng matanda.
"Magandang umaga Sister Stella, maari ba akong pumasok?" Tanong ni Ricky.
"Ay oo naman syempre. Halika nga, maupo ka!" Anyaya ng matandang Madre.
Nangmaka-upo si Ricky ay iginala nya ang kanyang paningin sa paligid. At agad naman itong napansin ng matanda.
"Bakit Ijo? May problema ba?" Tanong ni Sister Stella.
"Nakarating naba si Cristine at Zanjo dito Sister?" Tanong ni Ricky.
"Hindi pa sila nagagawi dito? Bakit Hindi mo kasama si Maricar?" Tanong ng matandang Madre.
Hindi nagtagal ay lumabas naman ang isang dalaga Mula sa kusina.
"Tiya handa na po ang hapunan natin." Ngiting Sabi ng dalaga. Nang makita ng babae si Ricky ay agad itong lumapit sakanya at niyakap ito.
"Ricky kay tagal mo nang Hindi nakadalaw dito? Teka nasaan si Sister Maricar kasama mo ba sya?" Tanong ng dalaga.
"Ikinalulungkot kung ibalita sainyo na nasawi sa isang labanan si Sister Maricar kasama ang bagong Bellator na si Cristine." Salaysay ni Ricky.
Bakas sa mukha ng dalawa nang malaman nila ang sinapit ng butihing Madre.
"Hindi pa ganap ang pagiging Bellator ng anak nina Nova at Alcazar. Hanggat hindi sya nabebendisyunan ko." Sabi ni Sister Stella.
"Kaya nga po sister Stella, patungo sila ni Sister Maricar dito ngunit may nasagupa silang isang angkan ng mga aswang." Wika ni Ricky.
Balik kina Cristine at Zanjo.
Hinarap ni Zanjo ang tatlong aswang.
"Sumuko kana Tao, Hindi mo kami makakaya! Anong laban ng isang Bellator sa isang angkan ng mga aswang!" Sabi ng isang lalaking aswang. At Mula sa likuran ng lalaki ay lumabas ang Hindi mabilang na aswang.
Ngumiti lang si Zanjo habang pinapahiran nya Ang dugo na nasakanyang labi gawa ng pakikipaglaban nya sa tatlong aswang.
Punong-puno ng sugat si Zanjo habang ang tatlong aswang na kanyang nakaharap ay walang anumang galos sa katawan.
"Ito na ang katapusan mo, susunod kana sa pinakakamahal mong nobya at Ina!" Sabi ng lalaki at mabilis itong sumugod papunta kay Zanjo.
Agad namang nag usal ng dasal pang proteksyon ang lalaki ngunit hindi nya ito mabigkas ng maayus dahil sa sakit ng kanyang mga sugat. Nanghihina na din ito.
Akmang dudokutin ng lalaking aswang ang puso ni Zanjo. Nang biglang may isang nilalang ang mabilis na kumilos at pinutol ang kamay nito.
"Kung ako sayo, Hindi ko na uulitin yan. Kung ayaw mong maputol yang leeg mo. " Wika ni Cristine habang nakataas ang kilay nito sabay tadjak sa lalaking aswang. Nagulat si Zanjo sakanyang saksihan. Suot ni Cristine ang damit na itinahi ng kanyang Ina sakanya. At nagbago din ang kulay ng buhok ng dalaga naging pula ito.
"S~sino ka?" Nauutal na sabi ng lalaking aswang na pinutulan nya ng kamay.
"Inspector Red, yan ang itawag mo saakin. Intyendes?" Sagot ni Cristine.
Hawak ni Cristine ang Kampilan, na pagmamay-ari ng kanyang ama.
Tinitigan ni Zanjo ang Kampilan na hawak ng dalaga. At agad niyang nakilala ang nagmamay-ari ng banal na Sandata.
"Kampilan ni Manong Alcazar." Wika nya.
Sumugod ang napakaraming asawang papunta kay Cristine, mabilis ang pagbigkas nito sa proteksyon na dasal. Maging ang kanyang espadang hawak ay nag-iba. Nahati ito sa dalawa.
"Unang anyo ng Kampilan, si Pagkadalisay at Pagpapalaya. Hindi nya papatayin ang mga aswang, kundi tatangalin nya ang sumpa." Sambit nya habang nanonood sa dalagang nakikipag laban.
Bawat matamaan ng talim ng Sandata ni Cristine ay nagbabalik ito sa pagiging tao.
"Walang nagagawang sugat ang kanyang espada, pero kapag natamaan ang mga kasama natin nagbabalik sila sa pagiging tao." Sabi ng lalaking naputulan ng kamay.
"Mabuti pa boss umalis na Tayo dito!" Sabi ng Isa pang aswang.
"Tayo na! Ibalita natin ito sa konseho." Sabi ng lalaki.
Akmang aalis na sana silang dalawa nang biglang isang putok ng baril ang umalingaw-ngaw sa buong paligid.
"Ganyan ba kayo sa kalaban ninyo?" Ngiting Sabi ni Cristine habang hawak ang kalibre kwarentay singko.
Biglang tumakbo ang kasama ng lalaking aswang na kanyang pinutulan ng kamay. Mabilis namang kinalabit ni Cristine ang gatilyo ng baril at binaril ang tumatakas na aswang.
Kahit sobrang layo na nang kasamahan nya ay tinamaan pa din ito at naging abo. Agad syang nagpalit anyo bilang isang itim na ibon upang makatakas ngunit mabilis namang inilabas ni Cristine ang kanyang Kampilan. At sa isang iglap lang ay naging isang pana at palaso ito.
"Holy arrow!" Sigaw ni Cristine at pinakawalan ng palaso Mula sa kanyang Pana.
Kahit sobrang taas na nang lipad ng ibong itim ay tinamaan pa din nya ito at katulad sa nauna ay naging abo ito.
"Pana at palaso ng paghuhukom, at ang baril na hawak nya ay Kay manang Nova, si Liksi." Sabi ni Zanjo.
Nang maging tao na ang mga nakalabang aswang ni Cristine.
Nilapitan ni Cristine ang binata ay inalalayan itong magtungo sa Bahay pahingahan. Habang nasa daan sila nagtanong si Zanjo tungkol sa mga Sandatang ginamit.
"Bakit nasayo ang mga Sandata ni Manong Alcazar at Manang Nova. Sino kaba?" Tanong nya.
Ngumiti lang si Cristine at nagwika.
"Magpa hinga ka muna Jo. " Ngiting Sabi nito sakanya. At tuluyan na nyang ipinikit ang kanyang mga mata.
Habang unti-unting nagbabalik sa dating kulay ang buhok ni Cristine.
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top