EPISODE 20

"Season Finale"
"Ang totoong Problema"

Sa pagpapatuloy...

Nakapasok sina Zanjo, Ricky at Rizah sa Ilog Euphrates kung saan dinala nang mga Madre si Cristine.

"Itakas nyo si Ate Cristine dito." Sigaw ni Rizah. Tumango si Ricky at Zanjo.

"Papano ka?" Tanong ni Ricky.

"Hayaan nyo ako dito. Kelangang Hindi mapatakan ang lupa ni Isang butil nang dugo ni ate. Kung hindi mawawala lang ang mga sakripisyo nina Sister Stella.

"Hindi kami papayag! Sa tingin nyo makaka labas kayo dito sa harang nang ganun lang? Nagkakamali kayo!" Wika ni Sister Mariella at nag usal nang isang dasal.

Samantala si Cristine naman ay pinatulog gamit ang isang pabango na binigay ni Mary kay Zanjo.

"Pilitin ninyong makatulog si Ate Cristine. Kelangang Hindi nya din magamit ang kanyang kapangyarihan sa lugar na iyon. sabay abot kay Zanjo.

Nag bukas nang isang lagusan si Ricky at inutusan nyang umalis si Rizah kasama sina Zanjo at Cristine.
"Ako na ang maiiwan dito. Bilisan nyo na!" Utos nya.

Hindi nila namalayan na may Isang Madre ang lumapit kay Cristine at mabilis itong nilaslas ang pulso. Na syang dahilan upang magising ang babae.

"Natutulog yung tao! Bat kayo ganyan!" Habang hawak nya ang kanyang pulso na may sugat.

"Na Loko na!" Usal ni Ricky. Si Rizah naman ay nagkaroon muli nang bagong pangitain.
Sa kanyang pangitain.. nakatakas ang nakakulong sa ilong Euphrates at nag dulot ito nang Isang delubyo.

Nakatingin Rizah sa sugatang pulso ni Cristine habang Ang dugo nito ay pumapatak sa lupa.
Mabilis namang hinubad ni Zanjo ang kanyang suot na damit upang pigilan Ang sugat ngunit. Mabilis itong nag hilom pag tingin nya Kay Cristine naging kulay pula na ang kanyang buhok at naka ngiti ito sakanya.

"Da?" Wika nya.

"Tabi Dyan!" Wika ni Cristine at hinarap Sina Sister Mariella.

"Ito diba ang gusto ninyo mangyari? Ang patakasin ang mga nakakulong sa Ilog na ito? Masusunod! " Sabi ni Cristine. Habang kinukumpas nya ang kanyang mga kamay, unti-unting natuyo ang ilog at ang mga halaman na nakapalibot sa Ilog ay nalanta rin nang ganoon ka bilis.

Samantala sa labas kung saan sina Lilith nag aantay.

"Hindi ito maari!" Wika ni Mary umalog ang nang napakalakas. Nag dilim ang paligid ang mga puno ay unti-unting namamatay. Maging ang mga halaman ay nalalanta.

"Jade Anong gagawin natin?" Tanong ni Elvic

"Kung nandito lang sana si Val." Wika ni Jade.

"Nagawa na ng anak ko ang misyon nya para sainyo. Hindi na ako kelangan dito!" Sabi ni Lilith at mabilis syang nag laho.

"Sandali Lilith!" Sigaw ni Gabriel. Ngunit Hindi nya ito napigilan sa pag alis.

"Alam ko na kung papano pansamantalang mapipigilan ito. " Sabi ni Mary.

"Ano?" Tanong ni Elvic.

"Parang alam ko na ang ibig sabihin nyo!" Sabi ni Jade.

"Kung ganun. Walang ibang paraan kundi ito.!" Sabi ni Gabriel sabay hawak sa balikat ni Mary at sumanib ito sa babae.
Si Jade Naman ay Dala ang isang buto kung saan galing sa kapangyarihan ni Valerie.

"Kung ganun handa nako. " Wika ni Elvic.
Naghawak hawak silang tatlo nang mga kamay habang nasa gitna ang buto.

"Iligtas ang kalikasan, buhay namin ay pampalit sa naka ambang na pagkasira. Dinggin aming boses" sabay sabay nilang Sabi. Hanggang sa sumanib sila sa buto at ang buto naman ay lumubog sa lupa. Ilang sandali pa ay mabilis itong tumubo at naging puno. Dahan dahan ding bumalik sa dati ang boung paligid. Maging ang lindol ay tumigil na din.

Balik sa Ilog Euphrates...
"Nakatakas na sila.." ngiting Sabi ni Cristine.

"Maraming salamat itinakda!" Sambit ni Sister Mariella sabay luhod.

"Anong salamat? May kabayaran yun! Wala nang libre sa earth." Ngiting Sabi ni Cristine.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Sister Mariella.

"Pigilan mo sya Kuya Jo!" Wika ni Rizah. Akmang susugod na sana si Zanjo nang nilingon sila ni Cristine at Sabay sabing.
"Tigil!" Sabay kumpas nang kanyang mga kamay. Mga malalaking ugat nang puno ang lumabas at kumulupot sa kanilang tatlo.

"Aaaatteeee waaag!" Sigaw ni Rizah ngunit tinakpan nang ugat ang kanyang bibig upang di makapagsalita.

"Saan na Pala Tayo? Tama Hindi na libre. Lahat ay may kabayaran!" Sabi ni Cristine.

"Anong gusto mong pabuya Itinakda? Gintong ba? Marami kami sa kumbento kung gayon ibibigay namin Sayo lahat. " Tanong ni Sister Mariella.

"Hindi gusto ko yung mahalaga dahil mahalaga yung pinakawalan ko diba? So dapat.. " Napaisip pa ito at mabilis na pinalutang sa ire ang mga kasamahan ni Sister Mariella.

"Buhay Ang gusto!" Wika ni Cristine at Isa Isa nyang kinuha ang buhay nang mga kasamahan ni Sister Mariella. Nang maubos nya ang lahat nang buhay mula sa kasamahan ni Sister Mariella nakatingin ito sa Madre nang masama.

"Isa lang demonyo!" Sigaw nang babae.

"Hindi ako masama dito kundi kayo! Diba?" Sabay kumpas muli sakanyang kamay at sa mga oras na ito ay nakalutang nasa ire si Sister Mariella.

Hindi Naman namalayan ni Cristine na nag palit anyo si Ricky bilang isang ibon upang makatakas. At tinulungan nya sina Zanjo at Rizah na makatakas habang abala si Cristine Kay Sister Mariella.

"Salamat, Ricky!" Sabi ni Rizah.

"Papano natin mapipigilan si Ate?" Tanong muli ni Rizah.

Nakita ni Zanjo ang sandata ni Cristine na si Liksi at naalala Niya kung papano sya iniligtas nang babae mula sa mga aswang noon.
"Kulay orange!" Sabi ni Zanjo.

"Ha Anong orange?" Tanong ni Ricky.

"Basta..! " Sambit nya at kinuha Niya si Liksi na nasa anyo ito nang Isang palaso.

"Liksi, maari mo ba akong tulungan. Ipa alala mo Kay Cristine yung una naming pagkikita. " Wika nya at naging Isang paru-paru ang sandata ni Cristine.

Akmang hihigupin ni Cristine ang buhay ni Sister Mariella nang mabilis ding dumapo sakanya si Liksi. At sa Isang iglap ay nagbalik ang lahat nang mga alala nya tungkol sa tunay nyang pagkatao.
Unti-unti ding naging kulay ponkan ang kanyang buhok.
Naibagsak Naman nya si Sister Mariella na namangha sa pagbabago ni Cristine.

"Nephilim! Isa syang nephilim!" Sabi ni Sister Mariella.

"Oo katulad mo, ngunit kelangan mong managot!" Sambit ni Cristine at Sabay taas nang kanyang mga kamay.

"Liksi! Ang palaso nang paghuhukom laban sa makakasalanan! Ibigay ang kaparusahan!" Wika ni Cristine at muling nagbalik bilang palaso at pana ang paru-paru. Mabilis namang tumama Kay Sister Mariella ang palaso Mula Kay Liksi. At biglang naglaho si Sister Mariella.

"Saan napunta si Sister Mariella?" Tanong ni Ricky.

"Natanggap na nya ang kanyang kaparusahan!" Sabi ni Cristine at unti-unting nag balik ang kanyang buhok sa dati. Mabilis Naman syang sinalo ni Zanjo bago ito bumagsak sa lupa.

"Umalis na Tayo dito!" Sabi ni Zanjo at tumango naman Sina Rizah at Ricky.

Pagkalipas nang sampung taon...
Pagkatapos nang mga nangyari.

Bumalik sila kung saan nakatayo ang puno Nina Mary Gabriel, Elvic at Jade.

"Asahan ninyong gagawin ko ang lahat para mailigtas ang mundong ito." Wika ni Cristine habang hawak ang kamay ni Zanjo.
Ngunit Isang malakas na hangin ang dumating at may ibinubulong ito.

"Da ayus ka lang?" Tanong ni Zanjo.

"Hindi pa tapos ang digmaan, nagsisimula pa lang." Sagot ni Cristine.

Habang Sina Rizah at Ricky Naman ay kasalukuyang nag tuturo sa dating kumbento Nina Sister Mariella. Ginawa nilang paaralan nang mga bagong Bellator. 

Habang abala si Ricky sa pag turo. Nakita Naman ni Rizah si Mary sa loob nang silid.
"Mary Ikaw ba yan?" Tanong nya at mabilis nya itong sinundan. Nang mahabol nya ito.

"Mary Ikaw nga. Ligtas ka!" Wika nya nang mahawakan nya ito ay may pangitain syang nakita.

"Hindi maari! Hindi !" At Isang malakas na sigaw ang umalingaw-ngaw sa loob nang paaralan.

Abangan sa susunod na season..
Mga Mahal thank you sa pag antabay  at pag suporta. Mabuhay Kayo..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top