EPISODE 14

"Ang Banal na Panulat ni Archangel Rafael Part 1"

Ang nakaraan..

Nakuha ni Cristine ang dalawang banal na Sandata. Ang Espada nang archangel Michael at pamaypay nang archangel Gabriel. Ang panghuli ay ang Panulat nang archangel Raphael, na kasalukuyang nasa pangangalaga nang isang guro.

Sa pagpapatuloy...

"Okay class, please submit your assignment. And where's Karen Jade Lopez?" Tanong ni Binibining Elvic Frondoza. Isang guro sa grade 3 Orchid.

"Baka absent po ma'am, masama Kasi yung pakiaramdam nya kahapon." Sagot nang isang bata.

"Ay ganun ba? Kawawa naman ang Batang yun. Pupuntahan ko nalang sakanila mamaya. Anyway, open your English Book." Sabi ng guro at nagsimula na sila sakanilang klase.

Samantala sina Cristine naman..
"Gising kana pala Cristine, halika ka umupo ka." Sabi ni Sister Stella.
Pupungas-nga pa akong lumapit sakanila at dito nakita ko nang mas malinaw ang kanilang bisita at nagpakilala itong Mary Gabriel. Isang mensahera nang sisters of light monastery.

"Akoi nababahala na sister dahil nakarating saaming monasteryo ang balita tungkol sa isang ispiya. At ito ay Kasalukuyang tumutulong Kay Lilith." Sabi ni Mary.

"Ija saan naman yan nanggaling? Sino ba ang kanilang pinagiisipang gumawa nang ganyang bagay.?" Tanong ni Sister Stella.

"Ito ay ayun sa libro nang liwanag. Kaya ako ay nagtungo dito sainyo upang bigyan nang pagsubok ang mga bellator na kasama ninyo." Sabi ni Mary.

"Mary Gabriel, pasensya na kung sisingit ako sa usapan ninyo ni Sister Stella. Baka ako Ang kanilang padududahan? Aside sa may dugo ako nang Lilith na yun.~ " Hindi na natapos ang sasabihin ni Cristine nang magsalita si Mary.

"Ate Cristine alam napo namin yan, tawagin nyo nalang po akong Gabby. Sa katunayan Hindi lang kayo ang sasabak sa pagsubok kundi kayong apat." Sabi ni Gabby at nang mahawakan nya si Cristine may nakita syang isang pangitain.

"Waagggg!" Sigaw ni Gabby habang hawak si Cristine.

"Gabby bitaw!" Sabi ni Sister Stella. Habang sina Rizah, Ricky at Zanjo ay nakatingin lang.
Nang bitiwan nang dalaga ang kamay ni Cristine.

"Ate Cristine, parang nakikita ko na kung sino ang tinutukoy nang libro." Sabi ni Gabby at kumuha nang isang bote nang mineral water at tumingin kina Rizah at Ricky.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Zanjo.
Nag usal nang isang dasal ang dalaga at tumilapon sina Rizah at Zanjo. Tanging si Ricky nalang ang nakatayo at para bang wala kay Ricky Ang nangyari bagkus ay ngumiti ito sabay wika nang.

"Hello, akala ko talaga hindi nyo na ako makikilala." At nag iba ang kulay nang mga mata ni Ricky naging itim ito.

"Sandali, Ricky bakit?" Sambit ni Sister Stella.

"Uto-uto, Hindi ako si Ricky. Ang totoong nagmamay-ari nang katawang ito ay Wala na. Bwahahahahaha!" Sambit ni Ricky at lumutang ito sa ire.

"Ako nang bahala sa kanya." Sabi ni Cristine ngunit pinigilan sya ni Gabby.

"Ate, Hindi pa pwde. Kelangan mong mag linang nang husto upang gawing mas malakas ang liwanag sa katawan mo. Tabi Dyan!" Sabay tulak Kay Cristine. Ang sumunod na mga nangyari ay nagbigkas nang isang pangalan ang babae.

"Gabriel!" Mula sa katawan nang babae, isang maliwanag na pigura nang tao ang lumabas at dahan dahan itong nabuo.

"Kakambal ni Mary." Sabi ni Sister Stella.

"Ang Archangel Gabriel?" Sambit ni Riza.

"Parang Hindi.?" Sagot nya habang tinatakpan ang mga mata dahil sa liwanag.

"Parusahan ang lapastangang iyan!" Sambit ni Gabby.
Dahan-dahang bumukas ang mata nang lalaking kasama ni Mary at naging maagap naman si Ricky.

"Hindi pa ito ang huling pagkikita natin. Gagantihan Kita babaeng ka. Isang maitim na bagay ang biglang tumama Kay Cristine." Sabi ni Ricky at isang maitim na usok ang bumalot sa buong katawan nang lalaki at agad naglaho. Kasabay nang paglaho ni Ricky naglaho din ang lalaking kasama ni Mary Gabriel.  Kasabay nang paglaho nito ay ang pagbagsak nang babae sa sahig.

"Dyos ko maryusep! Tulong." Sigaw ni Sister Stella na agad namang sumaklolo sina Zanjo.

"Kaya mo ba syang pagalingin Rizah?" Tanong ni Zanjo.

"Oo wag kayong mag aalala." Sagot ni Rizah at sabay sabay nyang hinawakan ang dalawang babae.

Maghahanap ako nang halamang gamot pakibantayan sila Zanjo.

"Wag na kayong lumabas Sister Stella.  Ako nalang ang kukuha sa hardin nyo po." Sabi ni Zanjo na agad namang lumabas.

Sa kabilang dako nang ating kwento..
Nagtungo nga ang gurong si Elvic sa bahay nang kanyang studyante.

"Mrs. Kamusta na po si Jade?" Tanong nya sa babae.

"Ayus lang naman si Jade mabuti naman ay dumalaw kana saamin. Elle, ang tagapagbantay nang banal na Sandatang Panulat." Ngiting Sabi nang babae.

"Hindi ko po kayo maintindihan?" Napakunot ang noo nang guro dahil sa tinuran nang babae.
Mula sa likuran nang babae ay lumabas ang dalawang bata na magkakamukha.

"Elle, Ikaw ang nangngalaga sa Panulat nang archangel Raphael. Gumising ka!" Sabi ni Karen sabay hawak sa Ulo ni Elvic. At nang mahawakan nya ito ay agad nawalan nang malay ang guro sabay lumutang sa ire.

"Kelangan na nating magsama-sama nasa panganib ang itinakda." Sabi ni Valerie.

"Nararamdam ko din yan Valeria. Kapag nagising na si Elle magtutungo Tayo Kay Cristine. Upang ibigay ang huling pagsubok sakanya. At si Elle ang huling magbibigay non." Wika Naman ni Jade.

Nang nagising na si Elle, agad niyang pinagmasdan ang tatlong babae sa kanyang harapan.

"Karen, Jade ? Valeria? Bakit kayo nagpalit anyo?" Tanong nito.

"Nagampanan na nang itinakda ang kanyang papel saamin. At Ikaw ang huling magbibigay nang pagsubok sakanya. Ngunit nararamdam kung nasa panganib sya." Sabi ni Valeria.

"Kung ganun Tayo na!" Sabi ni Elle.

"Ano gagamit ba Tayo nang magic?" Sabi ni Karen.

"May kotse ba si Valeria? Baka pwde doon nalang!" Sabi ni Jade.

"Ano ba, kumapit kayo saakin. Hindi pa din kayo nagbabago mga bruha!" Sabi ni Elle. At nang hawak na sya nang kanyang mga kasama.
Kinuha nya sakanyang bulsa ang isang Panulat at gumuhit nang isang simbolo. At isang lagusan ang lumabas Mula sa kanyang ginuhit.

Nakarating sila Bahay ni Sister Stella.

"Sino kayo?" Tanong ni Rizah.

"Hindi mo na ba ako natatandaan?" Sabi ni Valeria na nag palit anyo bilang si Valerie. Maging ang mga Batang sina Karen at Jade.

"Mga tagapagbantay. Patawad Po saaking kalapastanganan.." Sabi ni Rizah.

"Naiintindihan namin! Bakit naririto ang kakambal ng archangel Gabriel dito? Anong nangyayari?" Tanong ni Valeria.

"So totoo ngang si Archangel Gabriel yun kanina?" Sabi ni Rizah.

"Pero papano? Anong nangyari sakanilang dalawa?" Tanong ni Elle.

"Ispiya si Ricky. Hindi ko mapagaling si Ate Cristine si Gabby ay ayus na. Magbabalik na ang kanyang kamalayan mamaya. Pero si ate.." wika ni Rizah at inilapit nya ang kamay nya sa Ulo ni Cristine.

"Isang sumpa ang ipinataw sakanya. " Sabi ni Elle.

"Anong sumpa?" Tanong ni Sister Stella na kakapasok lang sa kwarto kasama si Zanjo Dala Nila ang mga halamang gamot na gagamitin para kina Cristine at Gabby.

"Sumpa nang Demon nasi Batibat Pinapatulog nya ang biktima at Kasalukuyang nasa isang panaginip si Cristine at kelangan niyang magising at malaman na hindi totoo ang mga nangyayari sakanya. " Sabi ni Elle.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Zanjo.

"Tanging may dugong nephilim ang makaka punta sa panaginip ni Cristine." Sabi ni Valeria.

"Mali ka nang iniisip Sister, kaming mga tagapagbantay ay katulad lamang ninyong mga bellator Wala kaming kakayahan at Hindi kami nephilim." Sabi ni Karen.

"Tanging may dugong nephilim o dugo nang isang anghel lang ang makakagawa." Dagdag ni Jade.

At lumapit si Zanjo Kay Cristine at hinawakan ang kamay nang babae.

"Da, Gumising ka na! I'm sure pangit nang panaginip mo Dyan. Narinig mo naman Sabi nila Hindi ka daw si Sleeping beauty kaya, Hindi kiss ko ang magpapagising Sayo. Bumalik ka saamin!" Sabi ni Zanjo.

"Kahit kelan maypagka Loko Loko talaga ang kapatid mo Valeria." Wika ni Jade.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top