EPISODE 11
"Angel's Grace, Sword of Archangel Michael"
Sa pagpapatuloy ng ating kwento...
Nagtungo sina Cristine sa isang sementeryo upang hanapin ang unang banal na Sandata. At ito ay ang Sandata ng archangel na si Michael.
"Sinong paparating ate?" Tanong ni Rizah.
"Umatras kayo" Sabi ni Cristine at agad niyang kinuha ang baril na galing sa kanyang Ina na tinawag nyang si Liksi.
Itinutok nya ito sa may malaking Puno.
"Kung ako sayo lumabas ka Dyan. Hindi mo matatakasan ang bangis ni Liksi." Sabi ni Cristine.
"Maghanda kayo!" Sambit ni Zanjo.
"Hindi sya masamang nilalang ate." Sabi ni Rizah habang nakatitig sa malaking Puno.
"Tama si Rizah. Isa syang Bellator." Dagdag pa ni Ricky.
Mula sa malaking Puno, lumabas ang isang babae.
"Pasensya na kung nagulat kita. Hindi ka namin intensyon na takutin o gulatin." Naka ngiting Sabi ng babae.
"Kami? Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Cristine.
Lumingon muli ang babae sa Puno at dito lumabas ang Isa pang babae na kamukha nya.
"Ako si Karen, at ito ang aking kakambal na si Jade." Pakilala ng babae. Nang biglang may dumaan na babae sakanilang harapan at tumagos lang ito sa katawan ng kambal. Napatingin ang babaeng dumaan kina Cristine at nagsalita.
"Kakaiba na talaga mga kabataan ngayon." Napakamot pa ito nang kanyang Ulo bago umalis.
"Tanging kayo lamang ang nakakakita saamin. Katulad ng isang Batang paslit ang inyong mga mata. Bukas ang inyong mga kamalayan." Sabi ni Jade.
"Ang nararamdaman mo Bellator, ay isang babala na malapit nang maganap ang propesiya na maglalagay sa mga sangkatauhan sa panganib!" Sabi ni Karen.
"A~anong ibig mong sabihin? Ito ba yung pagbabalik ni Lilith upang sakupin ang mundo?" Tanong ni Cristine habang sina Ricky, Rizah at Zanjo ay nakikinig lang.
"Nagkakamali ka Bellator, Hindi si Lilith ang gagawa. Isa lamang syang kasangkapan. Katulad mo. Kasangkapan upang maganap ang nakatakdang mangyari." Sabi ni Karen.
"Nasasayong pagpapasya Bellator kung papanig ka sa Liwanag o papanig ka sa kadiliman." Dagdag ni Jade.
"Hindi ko kayo maintindihan, anong pinagsasabi nyo?" Tanong ni Cristine.
"Ikaw ang susi upang maging balanse ang kadiliman at liwanag." Sagot ni Karen.
Tumingin si Cristine kina Zanjo at Rizah. Umiiling-iling lang ang dalawa.
"Cristine, ang misyon mong mahanap ang unang banal na Sandata." Sabi ni Ricky pagputol sa usapan.
"Ang hinahanap ninyong Sandata ay nandito. Ngunit kelangan ninyong dumaan sa pagsubok na tanging ang espada ng Archangel Michael ang magbibigay sainyo." Sabi ni Jade.
"Sila ang ispiritong gabay ng Espada." Sabi ni Zanjo. At tumingin ang kambal Kay Zanjo. Isang mabilis na pagkumpas ang ginawa nina Karen at Jade biglang nag-iba ang paligid tanging sina Cristine at ang kambal ang naiwan.
"Nasaan ako?" Tanong ni Cristine.
"Narito ka sa mundo ng mga diwata. May ibibigay kaming pagsubok. Upang maging karapatdapat." Sabay nilang Sambit Nina Karen at Jade.
"Handa nako" Sabi ni Cristine at itinago nya ang kanyang baril.
"Unang pagsubok. Tagisan ng talino..." Sabay nilang Sabi.
"Wag naman sana mathematics.." Sambit ni Cristine.
Biglang nag palit anyo ang kambal at ginaya ang mga anyo nina Ricky at Rizah.
"Ngayon lumaban ka Cristine" Sabi ni Jade na ginaya ang anyo ni Rizah.
Nag-aalangang gamitin ni Cristine ang kanyang mga Sandata.
Habang nakatitig si Cristine sa espada nang kanyang ama biglang may malakas na kidlat ang tumama sakanya. Na naging dahilan nang kanyang pagpalahaw.
"Aaaaaahhhhhhh!!!"
"Labanan mo kami ate." Nakangiting Sabi ni Jade. At isang malakas na suntok ang pinakawalan nya sa sikmura ni Cristine.
"Hindi ko kayo lalabanan, parehas kayong importante saakin." Sabi ni Cristine habang tumatayo Mula sa pagkakasalampak sa lupa.
"Isa kang duwag, at pabaya!" Suntok muli ni Jade sakanya. Si Karen naman ay hinubad nya ang polceras na sout at naging latigo.
"Dahil sayo, namatay ang kapatid ko." At inihampas nya sa katawan ni Cristine. Nanatiling Hindi gumanti si Cristine. Hanggang sa mapagud ang dalawa.
"Ganyan ba ang gagawin mo sa labanan Cristine? Papano mo ililigtas ang mga magulang mo?" Tanong ni Jade.
"Hindi ko kayo lalabanan. Turo ni Sister Maricar, Hindi sa lahat nang oras ay karahasan ang sagot." Sabi ni Cristine habang pinapagaling nya ang kanyang sarili.
"Talaga kung ganun? Oras na para parusahan ang lalaking ito." Sambit ni Jade at biglang dumating si Zanjo. Na agad namang hinawakan sa leeg ni Karen.
" Cristine tulungan Moko!" Sabi ni Zanjo.
"Wag! Wag nyo syang sasaktan please..." Sabi ni Cristine.
Nagkatinginan sina Karen at Jade.
"Tila may nararamdaman kang espesyal sa lalaking ito." Sabi ni Karen.
"Tatapusin ko na ba Ang lalaking ito?" Tanong ni Jade.
"Tapusin mo na, ang lalaking ito ang magiging kahinaan ng susi." Akmang sasaksakin na si Zanjo, biglang tumayo si Cristine at kinuha ang espada ng kanyang ama. At kasabay nang kanyang pag labas sa espada. Naging kulay pula ang kanyang buhok. Hanggang sa nagbago ang anyo ng Espada.
Napangiti naman ang kambal sakanilang nakita.
"Ngayon na Jade!" Sigaw ni Karen at agad nyang ikinumpas ang kamay. Biglang tumigil ang oras tanging ang dalawang kambal lang ang nakakagalaw.
"Siya nga ang susi. Hindi ako nagkamali saaking nakita. Nasa panig natin sya Karen. " Sabi ni Jade habang nakatingin Kay Cristine na tila estatwa.
"Ang lalaking ito ang kanyang kalakasan." Sabi ni Karen.
Ikinumpas ni Jade ang kanyang mga kamay at nagbalik sila sa kasalukuyan.
"Ate Cristine?" Gulat na Sabi ni Rizah.
"Cristine ayus ka lang?" Tanong ni Zanjo.
Pagmulat nang mga mata ni Cristine ay nakita nya sina Rizah, Ricky at Zanjo. Nag-aalala ito habang sya ay nasa lupa naka higa. Kasabay ng kanyang pagkakaroon ng Malay ay bumalik na sa kulay itim ang kanyang buhok.
Tinulungan nilang itayo si Cristine nang makatayo na ito, may Batang babae ang lumapit sakanila at iniabot ang isang Kwentas na may pendant na espada.
"Ate para po sainyo." Sabi ng bata habang inaabot ang Kwentas kay Cristine ngunit iba ang naririnig ni Cristine sa bata.
"Kapag gagamitin mo ang espada, hubarin mo lang ang Kwentas na yan upang magamit mo ang kapangyarihan ng Espada."
Tumalikod na ang bata at napansin nyang may nakasulat na pangalan sa suot na jacket ng bata.
"Karen Jade Lopez Grade 5 Stars" Basa nya.
Tinapik sya ni Zanjo at kinurot sa pisngi sabay sabing.
"Pati sa bata hindi man lang nag thank you? bad influence." Sabi ni Zanjo.
"Ay oo nga thank you." Ngiti nya sa bata habang paalis na ito.
"Teka ate nakuha mo ba ang espada?" Tanong ni Rizah.
"Oo itong Kwentas." Sagot nya.
"Magaling Cristine. Mabuti pa magbalik na muna Tayo sa Bahay." Sabi ni Ricky Habang nakatitig sa Kwentas ni Cristine.
"Ang galing papano mo nakuha, o anong ginagawa Nila Sayo? Isang oras kanang walang malay alam mo ba yun?" Sabi ni Zanjo.
Tumingin si Cristine sakanya at niyakap nya ito.
"Ayus ka lang ba?" Tanong nya habang itinitago Ang kanyang mukha sa dibdib ng lalaki.
"Oo ayus naman ako wag Kang mag aalala." Ngiting Sabi ni Zanjo.
Itutuloy.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top