EPISODE 05
"INSPECTOR RED/Kalamansi at Asin Part 1"
Sinunog namin ang katawan ni Sister Maricar, ayun na din sa tradisyon at kagustuhan nya bago sya tuluyang nagpaalam saakin.
Bumalik ako sa kotse namin at doon ay hinanap ko ang kahon kung saan itinahi ng aking inay ang kasuotan ni Inspector Red. Dahan dahan ko itong binuksan at dito tinitigan ang kulay pulang kasuotan.
Habang nasa kalagitnaan ako ng malalim kung pag-iisip tungkol sa mga nangyari. Biglang tumunog ang aking cellphone at dito nakita kung tumatawag si Ricky.
"Cristine, kilala ko na ang simbolo na ibinigay ninyo saakin." Sabi ni Ricky saakin sa kabilang linya.
Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"Kanino? At ano?"
"Hindi ka maniniwala, pero tungkol ito sa isang demonyo. Kilala ito ni Sister Maricar. Pwde ko ba syang makausap.?" Wika ni Ricky.
Pinigilan ko ang aking pag iyak, kahit nanginginig ang aking buong katawan. Pero pinilit ko pa ding sabihin kay Ricky ang katotohanan.
"Wala na si Sister Maricar, Hindi ko sya natulungan sa mga aswang. Sorry!" Sagot ko at tuluyan na akong humagolgol sa pag iyak.
"Sorry!" Wika ko ulit.
"Tahan na tine, Hindi mo kasalanan. Everything happens for a reason. Saan ka Ngayon?" Mahinahon nyang Sabi.
Huminga ako ng malalim upang mawala ang pagsikip ng aking dibdib. Saka nag salita.
"Nasa Kotse, Este sa kotse nga.. pero pupuntahan ko pa din si Sister Stella." Sagot ko sakanya.
"Kung ganun, Kina Sister Stella tayo magkita. Malakas ang kalaban natin. kilala ito ni Sister Maricar dahil minsan na nya itong nakaharap noon." Paliwanag ni Ricky saakin.
"Sino?" Tanong ko.
"Si Lilith, sasabihin ko sayo ang detalye. Basta mag iingat ka. Magkita nalang tayo kina Sister Stella." Sambit ni Ricky at agad naputol ang aming usapan.
Tuluyan ko nang nilisan ang baryo ni Nanay Gloria. At nagpatuloy sa aking pagbyahe papunta kay Sister Stella.
Mga ilang oras din akong nag drive pero malayo pa ako sa inaakala kung malapit lang. Hanggang sa makaramdam ako ng pagkagutom. Tyempo namang napadaan ulit ako sa isang bayan sa kanluran.
"Excuse me po" tawag ko sa matandang lalaki na naglalakad sa Tabi ng kalsada.
Agad naman akong nilingon ng matanda at nakakunot noo itong sumagot.
"Bakit Ija?"
"Ah manong, may alam po ba kayong Karenderya dito?" Tanong ko sa matanda.
"Bakit Ija? Saan ba ang punta mo?" Tanong ng matanda.
"Basta po." Sagot ko.
"Merong Karenderya dito. Dumeretchu ka lang tapos lumiko ka pa kanan. Pagkatapos kapag may nabasa Kang Caringderya. Yun sikat yun na kainan dito saamin." Nakangiting Sabi ng matanda saakin.
"Sge po maraming salamat" paalam ko sa matanda at nagmamadaling magtungo sa sinasabing kainan. Ang cute nga nang pangalan ng kainan. Caring-Derya.
Hindi naman ako nawala, dahil agad kung nakita ang sinasabing kainan na sinasabi ng matandang lalaki.
Totoo ngang napakaraming tao ang nandoon. Dahil na din siguro ay tanghali na. Pero parang block buster hit sa daming tao. Ipinarada ko ang aking sasakyan sa Tabi at pumila na din sa mga taong nakapila papasok sa maliit na kainan.
Dito nakilala ko ang Isa sa mga customer ng kainan, nagpakilala itong Zanjo.
"Miss bago ka lang dito?" Tanong nya saakin. Hindi ako sumagot bagkus ay kinuha ko ang aking headphones at nakinig ng mga paborito kung musika.
Ilang minuto din kaming naka pila at nakapasok din sa loob ng kainan.
"Table for two po ba ma'am?" Tanong ng dalagang serbedora.
Agad kung hinubad ang aking headphones at isinabit saaking leeg. Bago nag salita.
"Ay hindi. Ako lang mag isa." Sagot ko.
"Ay akala ko mag jowa kayong dalawa ni Sir." Sabay turo ng dalaga saaking likuran ng lingunin ko ito ay nakita ko ang lalaking kasabayan ko sa pila kanina.
"Ay Hindi nag kakamali ka, Hindi ko sya nobyo. May space pa ba?" Tanong ko.
"Meron po ma'am sa second floor. Halika po." Anyaya ng dalaga saakin. Sasama na sana ako sa dalaga ng bigla akong napahinto dahil may biglang humawak saaking braso.
"Sandali Miss, ako si Zanjo. Pwde bang sasabay na ako sayo. " Sabi ni Zanjo habang nakatingin saakin. Tinitigan ko ang kanyang mukha.
Ilang Segundo na pala akong nakatitig sakanya. Nagbalik lang ako saaking wisyo ng magsalita si Zanjo.
"Alam kung magandang lalaki ako. Pero nagugutom nako miss. Pasabay na sa table mo." Sabi nya.
Tama naman sya gwapo sya, kaso ang presko feeling.
Kunoot noon akong sumagot sakanya ng..
"Eh ano pa bang magagawa ko!"
Palihim na nakangiti ang dalagang serbedora saaming dalawa.
"Sumunod na po kayo saakin." Sambit ng dalaga.
Gulat ako dahil kahit sa second floor ay halos Wala nang mesa. Sa isang mesa Tig tatlo o Tig dadalawang tao ang kumakain.
Pinaupo kami ng dalagang serbedora sa may Bintana at ang lakas ng hangin. Nakakarelax.
"Kay Ganda naman ng view dito." Sabi ko habang nakatingin sa mga natataasang Puno.
"Wag Kang kakain miss. Dahil Hindi Karne ng hayop ang niluluto nila." Sambit ni Zanjo. At inilabas nya ang kanyang lunch box na may lamang gulay at kanin.
"Anong ibig mong sabihin? Nagugutom nako. Sabog kaba sir? Anong Hindi hayup? What do you mean Karne ng tao? Patawa ka!" Sabi ko sakanya. Nang sinabi ko yun ay agad nyang tinakpan ang aking bibig gamit ang kamay nya.
"Sandali napaka feeling close mo. Hindi kita kilala." Sabi ko sakanya.
"Zanjo nga pangalan ko. Ikaw, anong pangalan mo?" Tanong nya sakin.
"Cristine, pero are you serious?" Mahina Kong sambit sakanya.
"Cristine Hermosa? Parehas kayong maganda." Sabi nya sakin sabay kindat at palinga-linga ito sa paligid.
"Oo totoo yun, sandali if nagugutom ka pwde mong kainin tung akin." Sabi nya at palingon lingon sa paligid.
"Bastos!" Sabay hampas ko sa kanyang pisngi.
"Bakit ka nanampal? Hindi pa natapos yung sasabihin ko. Itong pagkain ko hati nalang Tayo. Basta wag Kang kakain. Kasi kapag kakainin mo ~ " Hindi natapos ang kanyang sasabihin ng dumating na yung dalagang serbedora.
"Hi sir/ma'am, ito na po yung best namin dito. May order pa po ba kayo?" Tanong ng dalaga saamin.
Ngumiti ako at umiling-iling sakanya.
"Sige po, enjoy your food po." Sabi nya at nagpaalam saamin.
Si Zanjo naman ay kumuha ng isang maliit na supot at dito may laman itong kalamansi at Asin.
"Para Saan yan? Magluluto ka? Tingnan mo yung bulalo nila. Ang sarap. Tapos lalagyan mo ng Asin? Hindi mo pa nga natitikman. Halika tikman natin" Sabi ko sabay kuha sa kutsara.
Sinaway naman ako ni Zanjo. Kinuha ibinuhos ni Zanjoe ang Asin sa bicol express na nasa harapan ko at nilagyan nya ng kalamansi, pati na din ang bulalo.
Ilang sandali pa ay, nagbago ang amoy ng bulalo pati na din ang bicol express.
Ang amoy ng bulalo ay biglang nagbago, naging mabaho ito na parang napanis na ewan.
Ang bicol express ay biglang nag bago ang Karne. Laking sindak ko ng Makita kung may kuko ito ng tao.
Ang Karne naman sa bulalo ay lumutang Ang eyeball ng tao. Dahil kilala ko ang ang pinagkaibahan ng eyeball ng hayop. Hindi lang eyeball ng tao ang lumutang maging hintuturo ng tao ay lumabas din sa sabaw.
Naduwal kaming dalawa dahil sa aming nasaksihan.
"Aswang sila. Mabuti pa umalis na Tayo dito." Sabi nya at hinila ako palabas ng Karenderya.
"Sandali Hindi pa Tayo nag bayad." Wika ko.
"Nagiwan nako ng Pera. Mabuti pa umalis kana sa bayan na ito. Kapag nalaman ng mga aswang ang ginawa ko tyak na sasaktan ka nila. Dibale na ako. Dahil Isa akong Bellator. " Sambit nya.
Itutuloy ang part 2....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top