EPISODE 03
"MGA BELLATOR"
Habang papunta kami ni Sister Maricar kina sister Stella. Nagkaroon kami ng konting aberya at tyempo namang nasa isang baryo na kami.
"Sister Maricar anong nangyari?" Tanong ko sakanya.
"Nakalimutan kung magpa gas kanina naubusan na tayo ng Gasolina. At itong makina, nag over heat. Malas!" Sambit nya habang nakatingin sa umuusok na makina.
"Teka baka may Talyer sila dito para mapaayus natin ang sasakyan. Maghahanap ako sister. At Isa pa nagugutom na din ako. Bibili lang ako, mabilis lang ako." Paalam ko sa kanya at mabilis kung iginala ang aking mata sa paligid hanggang sa may nakita akong isang maliit na tindahan.
Agad akong nagpunta doon at habang papunta palang ako sa tindahan ay napansin kung kakaiba silang makatitig saakin. Alam kung maganda ako, pero kakaiba talaga.
Nang nasa harapan nako ng maliit na tindahan.
"Ate may chibog ba kayo dyan? Tsaka soft drinks." Tanong ko. Sumagot naman ang tindera at inabutan ako ng isang balot ng tinapay at soft drinks.
"Ate, pwde po bang magtanong?" Sabi ko sakanya at ngumiti naman ito bago sumagot.
"Ano yun ineng?"
"Ah ate, may kilala ba kayong Mekaniko? Nasiraan Kasi kami. Tska baka may nagpapaupa ng kwarto dito. Kahit isang Gabi lang." Tanong ko sakanya.
"Sandali" sambit nya at agad binuksan ang pintuan at lumabas. Nakatitig ito saaking kwentas.
"Isa kang Bellator Hindi ba?" Tanong nya.
"Ho?" Sabi ko sakanya.
"Bellator, mga Mandirigma. Hindi ako nagkakamali. Isa kang Bellator. Agad kung itinago ang pendant ng aking kwentas gamit ang aking mga palad.
"Ako si Gloria. Tawagin mo nalang akong Nanay Gloria. May ipapakausap lang sana ako sayo. Maari nyo ba kaming tulungan? "Sambit ni nanay Gloria.
"A~Anong klaseng tulong Po?" Nauutal at naguguluhan kung tugon sa matanda.
"Maari mo ba kaming tulungan ng asawa ko. Wag Kang mag aalala pwde kayong matulog sa Bahay namin at ayuyusin ng aking asawa ang kotse ninyo. Basta Tulungan mo kami please." Sabi nya.
Hindi ko namalayan na sumunod pala si Sister Maricar.
"Tutulungan natin sila. Pakiramdam ko may jbang nilalang ang nangugulo dito." Sambit ni sister Maricar.
"Sister nandyan pala kayo. Nakakagulat ka naman." Sambit ko. Hinawakan ako ni Sister Maricar at sya ang kuma-usap sa matanda.
"Hindi nyo kelangan ng tulong namin, bagkus pinili ninyo ang ganyang kapalaran." Sambit ni Sister Maricar.
"Hindi nila ginustong maging aswang. At tanging kami lang ng pamilya ko ang nakatirang tao sa lugar na ito. Nais na ng mga kabaryo ko na makawala sa sumpa. Ang sumpa sa pagiging aswang." Sambit ni Nanay Gloria sakanya.
"Sister papano mo nalaman?" Tanong ko sakanya.
Kahit ako man ay naguguluhan dahil wala pang nasambit si Nanay Gloria saakin.
"Hindi na mahalaga Cristine. Kelangan nating makaalis dito sa baryo ng mga kampon ng kadiliman." Sabi ni Sister Maricar sakin at hinila nya ako palayo.
Hindi nag tagal ay lumapit ang ibang mga tao saamin at lumuhod ito Kay sister Maricar.
"Nag mamakaawa kami sainyo. Hindi namin kayang pumatay ng mga tao. Dati kaming tao, at isinumpa lamang. Sanay matulungan ninyo kami." Pagmamakaawa ng isang babae.
Hindi umimik si Sister Maricar bagkus ay hinila ako papunta sa kotse namin.
"Teka akala ko ba sira yung kotse." Sabi ko.
Huminga ng malalim si Sister Maricar at bago nag salita.
"Ilusyon, at mahika. Naramdaman nila ang pag dating natin." Sabi nya at pinaandar ang kotse.
Aalis na sana kami ng biglang may humarang na bata sa daan, muntik na itong masagasaan. Mabuti nalang ay naapakan nya ang brake.
"Mukhang kelangan nga nila ng tulong" Sabi ko at agad akong lumabas ng kotse.
Una kung tiningnan kung maayus lang ba ang bata.
"Ayus ka lang bata?" Tanong ko.
Umiiyak ang bata habang nagsasalita.
"Tulungan nyo pong maibalik sa dati ang mga tao dito sa aming baryo. Nakikiusap po ako. Hindi naman sila masama. Tanging hayup lang ang kanilang kinakain." Sabi ng bata.
"Sister may paraan ba na makabalik sila pagiging tao? Sabi sa journal ni papa. Meron, ngunit Hindi ko maintindihan dahil naka sulat sa Latin. May alam kaba Sister?" Tanong ko.
"Meron Cristine, ngunit lubhang napaka delikado, Hindi mo alam ang pinagsasabi mo." Sambit ni Sister Maricar saakin habang nakatingin ng deretchu at seryuso.
Dumating naman si Nanay Gloria at ang iba pa nyang kabaryo. At pina-kausapan kami ni Sister Maricar. Ngunit nag mamatigas pa din si Sister Maricar.
"Hindi ako sasama sayo papunta kay Sister Stella, tutuklasin ko mag-isa kung papano gamutin sila. Pero sana isipin mo, na hindi lang tayo alagad ng diyos. Isa din tayong manggagamot." Sabi ko.
Napabuntong hininga si Sister Maricar bago muling nagsalita.
"Katulad ka ng ama mo, kung ganun? Kelangan nating magtungo sa pinakamalapit na dagat." Sabi nya.
"Dagat? Anong maitutulong ng dagat saaming karamdaman?" Tanong ng isang matandang lalaki.
"Saka ko na sasabihin Basta dalhin ninyo kami sa pinakamalapit na dagat." Sabi ni Sister Maricar.
"Ako alam ko!" Ngiting Sabi ng Batang tinulungan ko.
"Kung ganun, Tayo na sumama kayo saamin." Sabi ni Sister Maricar.
Pagkalipas ng Isang mahabang paglalakad. Ay narating na nila ang sinasabing dagat. At doon ipinaliwanag ni Sister Maricar saakin at sa mga taga baryo kung papano mawala at matanggal ang sumpa.
"Upang matanggal ang sisiw na nasa Inyong katawan. Kelangan ninyong lumublob sa dagat ng isang oras." Sabi ni Sister Maricar.
"Sister, Hindi kami makalapit sa dagat. Simula ng maging aswang kami. " Sabi ng isang babae.
"Alam ko. Wag Kang mag aalala. Gagawa Kami ng protection spell upang agad nyong mailuwa ang sisiw. " Sagot ni Sister Maricar at agad gumuhit ng isang malaking bilog sa buhangin at doon gumuhit sya ng kakaibang Marka na nakapaligid sa malaking bilog.
" Proteksyun laban sa kalikasan, upang tanggalin ang kadiliman sa aking katawan." Sambit nya habang gumuguhit ng mga kakaibang Marka.
"Sige, bago kayo lumusong sa dagat bibigyan ko kayo ng panandaliang proteksyon laban sa dagat. " Sabi ni Sister Maricar habang ako ay namangha sa mga ginawa nya.
"Unang sumubok ang nanay ng bata na tinulungan ko. Pagkatapos nyang dumaan sa malaking bilog agad syang nagtungo ng dagat. At sauna ay medyo nasasaktan ang babae. Pero hanggang sa nailoblob na nya ang sarili sa dagat.
"Makakaramdam ka ng pagkahilo, hayaan mo, kelangan ninyong iluwa ang sisiw. At hayaang malunod sa tubig alat." Sabi ni Sister Maricar.
Ilang sandali ay nailuwa na nang nanay ng batang lalaki ang isang maitim na sisiw. At Deretchu ito sa dagat.
Sumunod naman ang mga tao sa baryo at ganoon Ang kanilang ginawa.
Lumapit saakin si Nanay Gloria at nagsalita.
"Sanay magtagumpay kayo sainyong mga layunin. Gabayan kayo nawa ng panginoon." Sambit nya at sinamahan na ang kanyang asawa at anak na magbalik sa kanilang Bahay.
Lihim na napangiti si Sister Maricar saakin.
Gumanti naman ako ng ngiti sakanya. Hanggang sa uminit ang aking kwentas. At nang hawakan ko ito at grabe ang init.
"May panganib sa paligid." Sambit ni Sister Maricar.
"Ha? Bakit?" Tanong ko sakanya.
"Ihanda mo Ang iyong sarili. "Sabi ni sister Maricar.
Ako naman ay inilibot ng paningin ko sa buong lugar.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top