EPISODE 02

"RIZAH GEM The Sister"

Habang pinapatahan ko si Ate Cristine, naalala ko pa Ning bago mawala sina mama.

"Hindi man natin kadugo ang ate mo, ituring mo pa din syang kapatid mo maari ba anak?" Sambit ni mama sakin habang nakatitig saking mga mata.

Lumapit naman saakin si papa at hinawakan ako sa balikat saka nag wika.

"Rizah, kahit anong mangyari gumawa kayo ng paraan para mapigilan sila."

Humarap naman ako kay papa at agad akong nagtanong tungkol sa sinasabi nyang sila.

"Sino papa? Sinong sila?" Naguguluhan kung tanong sakanya.

Nagkatinginan sila ni mama bago nag salita.

"Ang mga demonyo, alam kung hindi nyo pa ito naiitindihan. "Paunang wika ni Mama saakin at tumingin naman ito Kay papa.
Tumango naman si papa at nagsalita tungkol sa katotohanan. Tungkol sa aming lahi.

"Isa tayong Bellator anak. Lahi Tayo ng mga Bellator." Sambit ni papa.

"Bellator? Hindi ko maintindihan?" Naguguluhan kung Sabi.
Saglit na nagtungo si papa sa kanilang silid at kinuha ang isang punyal na may kakaibang disenyo. Ang hawakan ay may diamante. Inilabas din ni papa at mama ang isang kahon kung saan doon nakatago ang dalawang kalibre kwarentay Singko at isang notebook.

"Para Saan ang mga yan? Hindi nyo pa ako sinasagot sa aking mga tanong. " Sabi ko sakanilang dalawa.

Huminga ng malalim si mama bago nag salita.

"Bellator, Mandirigma yan ang tawag sa Latin. Angkan Tayo ng mga Bellator. Tayo ang taga pagpalaganap ng kapayapaan sa mundo Mula sa mga alagad ng kadiliman. Katulad ng mga aswang, kapre at iba pa Lalo na ang... " Bulalas ni mama saakin.

"Lalo na ang mga demonyo. Sa sandaling may mangyaring masama saamin ng mama mo. Magtulungan kayo ni Cristine. Nararamdaman namin sila dito." Sabi ni papa at agad kinuha ang punyal na nakalagay sa lamesa. Habang si mama naman ay kinuha ang dalawang baril.

"Hindi ko kayo maintindihan." Sabi ko ng biglang may malakas na hangin ang pumasok sa Bahay at biglang tumilapon si papa.

Si mama naman ay umangat sa kisame at isang apoy ang mabilis na kumalat sa kanyang katawan.

Wala akong magawa kundi mapasigaw dahil sa gulat.
Si papa naman, nang makabawi na nang kanyang lakas ay sinugatan nya ang kanyang kamay gamit ang punyal at nag usal ng isang salita na Hindi ko maintindihan saka inilapat ang kanyang kamay sa sahig namin. Isang maliwanag na bagay ang kumalat sa buong Bahay.

Pagkalipas ng ilang sandali pa ay nawala na ang liwanag. Inilibot ko ang aking mga mata sa paligid. Hindi ko na nakita sina mama at papa.

Hinanap ko sila sa lahat ng sulok ng Bahay pero Wala akong nakitang kahit ano. Tanging naiwan nila ang punyal, dalawang baril at Notebook.

Na ibinigay ko naman Kay ate Cristine ang mga yun.

Tiningnan nya ako saka nag salita.

"Maraming salamat Gem, wag Kang mag aalala. Hahanapin ko sina mama. Humanda sila!" Sabi ni ate habang hawak ang malaking sombrero na gawa ni mama sakanya.

"Anong Plano mo ate?" Tanong ko sakanya.

"Gagamitin ko mga to. Upang hanapin sila mama." Sabi nya sakin.

"Eh ate papano kung Wala na sila?" Sabi ko sakanya.

"Hindi, buhay man o patay sila hahanapin ko sila." Sabi nya saakin.

Kinabukasan nagpaalam saakin si Ate Cristine, medyo Wala sa sarili si ate nang umalis sa Bahay. Kahit nag aalala, pinilit pa din nya akong pinakalma.

"Ate wag mo na sana isipin ang sinabi ng mga tita natin. Galit lang sila sa nangyari. Ate sasama ako." Sabi ko sakanya.

"Hindi na Gem, kelangan kapag nakauwi na sina mama at papa dapat ay nasa Bahay ka." Sabi nya saakin at tsaka Niyakap nya ako.

"Mag iingat ka ate, ito sakaling magamit mo." Sabi ko sakanya sabay abot ng isang rosaryo at Journal Nina mama at papa.

"Maraming salamat." Sabi nya at muli nya akong Niyakap sa huling pagkakataon.

Habang paalis si Ate Cristine, sa di kalayuan may isang babae ang nakamasid sa kanya at umalis din ito ng maka lagpas si ate sa kalsada doon naka park ang kanyang kotse.

Pagkalipas ng Isang buwan...

Kasalukuyang kung kasama si Sister Maricar at ipinakilala nya saakin si Ricky.

Isang demonologist..

"Nag aaral ako tungkol sa mga demonyo, Hindi ibig sabihin ay satanista na kami. Isang masusing research at studies ang ginawa namin. At base sa iyong kwento tungkol sa iyong parents.
Hindi ako sigurado, pero maaring isang demonyo o maaring isang poltergeist lang. May naamoy kabang sulfur sa Bahay nyo noong bumalik ka?" Tanong nya saakin.

"Unfortunately, Hindi! Hindi pa ako nakakaamoy ng sulfur kahit kelan. Isa pa ito.." Sabi ko at ipinakita ko sakanya ang isang simbolo na naka sulat sa mga pahina ng journal ni mama.  Na confirmed ko na Kay mama ito dahil, kilala ko ang sulat kamay nya.

"Confirmed, gawa ito ng isang demonyo. Pero Hindi ako sure kung kanino. " Sabi nya sabay kuha ng larawan sa simbolo.

"Sister Maricar, kelangan kung mahanap ang mga iba pang Bellator. Upang makahingi ng tulong sakanila." Sabi ko Kay Sister Maricar.

"Hayaan mo, may kilala akong isang Bellator. Isa ding Madre pero umalis na sya sa kumbento. at sana nadun pa din sya sa kanilang Bahay." Sabi nya saakin.

Nagpaalam naman si Ricky dahil hahanapin nya ang kasagutan tungkol sa simbolo na nakasulat sa pahina ng Journal ni mama.

"Babalitaan ko kayo kapag Meron na akong alam. And by the way high way. Hindi lang halata. Isa din akong Bellator Ang tatay ko ay isang Bellator. Maging si Sister Maricar. Diba Sister?" Ngiting Sabi nya saakin sabay tingin kay Sister Maricar.

"Tama sya Cristine, pero Hindi na mahalaga yan. Handa akong tumulong sa iyong misyon. Bukas pupuntahan natin si Sister Stella. May alam din sya tungkol sa ganitong kaso." Sabi nya at nakatingin sya Kay Ricky.

Nang makaalis na si Ricky ay agad nag tungo ng kwarto si Sister Maricar at nagpalit ng kasuotan.

Namangha ako sa kagandahan ni Sister Maricar, kahit nasa edad Trenta na. Mukhang nasa edad bente pa din ito.

Inilapag nya ang isang mapa at ipinaliwanag nya saakin kung papano kami makakapunta Kay sister Stella.

"Dito sa hilagang bahagi, Sana nandito pa si Stella." Sabi nya saakin.

Natigilan sya sandali at tiningnan ang paligid ng Bahay.

"Bakit sister?" Tanong ko.

"Maghanda ka, nararamdaman ko sila." Sabi nya at kinuha nya ang kanyang rosaryo.

"Sinong sila?" Tanong ko.

"Lumalakas ang kanilang loob." Sagot nya at pinutol ang rosaryo.

"Sister bakit mo pinutol?" Tanong ko.

"Wag ka nang magtanong. Sa likud ka lang!" Sabi nya saakin.

Pinulot ni sister Maricar Ang mga beads na nahulong at Isa-isa nyang itinapon sa hangin.
Ilang sandali pa ay nag apoy ang mga beads sa hangin at naging abo ito.

Pagkalipas ng Isang minuto ay nagbalik sa dating anyo ang kanyang rosaryo.

"Wala na sila, susubukan nilang saktan ka. Pero Hindi ako papayag. Kelangan na nating mahanap si Sister Stella. Hindi ligtas ang Bahay na ito saating dalawa Cristine." Sabi nya sabay sign of the cross.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top